SINIBAK NG OMBUDSMAN ANG MAG-AMANG GOVERNOR AT VICE GOV. NG QUEZON

Ipinatupad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang order ng Ombudsman na pababain sa puwesto bilang Gobernador si Atty. Christian M. Noveras at ama nitong Bise Gobernador na si Atty. Gerardo A. Noveras ng Aurora Quezon, at isa pang opisyal na si Michael A.Tecuico nang ma-dismiss sa mga kasong Grave Misconduct, Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service and Conduct of Unbecoming of Public Officials.

Sa direktiba ni DILG Regional Director Atty. Anthony C. Nuyda kay DILG Provincial Director Eno Cambronero, sinabi nitong ipatupad ang ‘dismissal in service’ na order ng Ombudsman laban sa mag-ama at isa pa, na nag-ugat sa paggamit sa makinarya ng Kapitolyo ng Aurora sa paggawa ng tarpaulins na ginamit sa nakaraang halalan.

Dahil dito, manunungkulan bilang appointed Governor si 1st District Boardmember Reynante Tolentino nang makapanumpa kay Dipaculao Mayor Danilo A. Tolentino, ang tumayong Inducting Officer.

Ayon kay Governor Tolentino, malaking karangalan ang pribelehiyong maglingkod sa Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora.

Aniya, itutuloy niya ang serbisyo para sa lahat maging sa mga programa at proyekto ng nakaraang administrasyon.

Kasunod nito, agad nag-courtesy call ang appointed governor sa lahat ng department heads at staff sa kapitolyo kungsaan hiniling nito ang suporta at kooperasyon.

Matatandaang Marso 30, 2022 nang masangkot sa illegal printing ng election propaganda tulad ng tarpaulins ang mag-amang Noveras, kapwa kandidato sa pagka-Gobernador at Bise Gobernador sa lalawigan na isinagawa sa Aurora Training Center sa Baler.

May penalty na katumbas sa isang taon na suweldo ang multa, ibabayad sa Office of the Ombudsman.

Habang ang administrative complaint laban sa mga kawani na sina Mariano Calderon Tangson, Jennifer Aliangan Arana, Lordan Brigancia Roxas, Nicasio Marcelo Salamera, Ricardo Querijero Bautista, Joel Dacumos Friginal, Amado Molina Geneta, Oscar Wenceslao Padua, Joe Pasion Gorospe at Tito Torres Tubigan ay nabasura dahil sa kawalan ng ebidensya.

BECCA DANTES – HN NEWS CONTRIBUTOR

Leave a comment