NAITALA ANG PINAKAMARAMING KASO NG SEXUAL ABUSE SA CDO, ILIGAN AT TAGUIG CITY!

Tatlong lugar sa Pilipinas ang natukoy na pinakamaraming naitalang kaso ng online sexual abuse of exploitation of children (OSAEC) at child sexual abuse or exploitation materials (CSAEM).

Sa press briefing, tinukoy ang mga lugar ng Cagayan de Oro, Iligan at Taguig City kung saan talamak ang OSAEC at CSAEM.

Sinabi ni Atty. Margarita Magsaysay ng Department of Justice na target na mga biktima ay mga batang mahihirap at madaling masilaw sa kinang ng pera kaya iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin pa ang kampanya laban sa online sexual abuse at child sexual abuse or exploitation materials.

Malaki aniya ang kinikita ng mga nasa likod ng online sexual abuse at child exploitation kaya pinapalakas ng gobyerno ang mga ipinatutupad na hakbang para malansag ang mga ito.

“They target the vulnerable, they are the children who are in the rural areas. Tinatarget sila because they are easy targets because OSAEC is a financially lucrative activity,” saad ni Magsaysay.

Kinondena ni Pangulong Marcos Jr. ang mga krimeng online sexual abuse kaya dapat aniyang protektahan ang mga bata at parusahan ang mga offenders.

“We are determined to protect our children and show no mercy to offenders in eradicating all forms of child abuse,” saad ng Pangulo.    

IKE ENRIQUE – HN NEWS CONTRIBUTOR

Leave a comment