PAGBABALIK NG LAWIN

DAPAT NA ABANGAN NG MADLA ANG MGA MANGYAYARI SA PAG-LABAS NG ARREST WARRANT NG ICC VS DIGONG

Nagbabala ang Department of Justice (DoJ) sa mga opisyal partikular sa Philippine National Police (PNP) na mapaparusahan kapag nagpa-interview sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kinakaharap na kasong ‘Crime Against Humanity’ ni dating Pangulo Rody “Digong” Duterte.

“When a government officer or official is coordinating with the ICC against the direction, or the policy of the goverment, there may be accountability involved”, babala ni DoJ Spokesperson Mico Clavano sa Malacanang press briefing.

“If there is a law enforcement or government official that goes against the policies and orders of the authorities in position, then, obviously, there will be some sort of conflict of interest,” sabi pa ni Clavano. “There will be accountabilities and, definitely, liabilities that go with it.”

Ang pahayag na ito ng DoJ ay kasunod ng post sa X ni dating Senador Antonio Trillanes na nakapayam na ng ICC investigators ang mahigit 50 dati at aktibong opisyal ng PNP na may kinalaman sa pagpatupad ng “war on drugs” noong termino ni Digong kungsaan ayon sa human rights groups ay mahigit 30,000 ang walang awang pinatay, pero sa datus ng PNP higit 6,000 lamang ang biktima.

Kaagad binaril ni Trillanes ang policy na sinasabi ng DoJ: “Sa mga naggagaling-galingan na abogado ni Duterte, basahin nyo ito:

“According to Sec. 17 of RA 9851, An Act Defining Crimes Against Humanity, etc., “In the interest of justice, the relevant Philippine authorities may dispense with the investigation or prosecution of a crime punishable under this Act if another court or International Tribunal is already conducting the investigation, the authorities may surrender or extradite suspected ot accused persons in the Philippines to the appropriate international cpourt.”

Hindi ako abogado. Pero batid kong ang polisiya lalo kong political kailanman ay hindi mangingibabaw sa mga batas na nakapaloob sa ating Saligang Batas. Mismo!

Ang binanggit ni Trillanes ay Republic Act 9851, habang ang kay Clavano ay order lamang ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa opinyon ko, ang order ni PBBM sa mga opisyal na huwag makipag-cooperate sa ICC investigation vs Duterte ay style lamang niya para hindi siya ratratin ng mga DDS. Mismo!

Kung naisagawa na nga ng ICC ang mga pagtatanong sa nasabing mga opisyal ng PNP, ibig sabihin ay recorded at naka-black and white na ito. Na kahit bawiin pa ng naturang mga opisyal ang kanilang naging pahayag sa ICC ay hindi na ito mabubura !!!

Sabi nga ni dating Senador Liela de Lima, ang numero unong kritiko ni Digong na nakulong ng halos anim na taon matapos gawan ng mga tahi-tahing kaso na nabasura na ang dalawa, matapos makapanayam ng ICC ang naturang PNP officials ay lumiit na ang mundo ni Digong.

Matatandaan na sinabi ni Arturo Lascanas, ang umaming hitman noon ni Duterte at isa ngayon sa mga testigo ng ICC, na siguradong lalabas ang arrest warrant ng ICC laban kay Duterte at sa kanyang mga kasapakat sa mga pagpatay kabilang si noo’y PNP Chief ngayo’y Senador “Bato” Dela Rosa.

Kung kailan lalabas ang ICC arrest warrant vs Dutere et al…, yan ang ating abangan!

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter at Instagram. Maraming salamat po and stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

TUNAY NGA NA MAG-KAIBIGAN SI DIGONG AT SI BEBOT ALVAREZ NA BUMABAHAG ANG BUNTOT KAY PBBM

Tulad ng kanyang kaalyado’t kaibigang si ex-President Digong Duterte, bumahag din ang buntot ni dating House Speaker “Bebot” Alvarez, binawi ang kanyang ‘inciting to sedition’ na speech at nagsori kay Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. matapos manawagan sa militar na iwidro ang suporta sa Pangulo ng Pilipinas.

Palusot ni Alvarez, nadala lang siya ng kanyang emosyon dahil sa sobrang pagmamahal sa Pilipinas. Hindi aniya kasi matanggap na makipaglaban ang Pilipinas sa higanteng China dahil sa isyu sa West Philippine Sea (WPS).

Ang pagbawi ni Alvarez, isang Reservest ng Philippine Marines, sa kanyang pahayag ay kasunod ng pahayag ng Armed Forces of the Philippines at ng Philippine Marine Corps na loyal sila sa Saligang Batas at sa Commander in Chief, hindi padadala sa mga political statement ni Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez.

Tulad ng ginawa ni Alvarez, noong nakaraang buwan ay nanawagan din si Duterte sa military na gumawa ng aksyon laban kay Marcos Jr. dahil “tamad” ito, “adik na presidente” at nasa watch list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Pinasinungalingan ng PDEA na kailanman ay hindi nalagay sa kanilang watchlist si Marcos, Jr.

Binawi ni Duterte ang kanyang pag-atake kay Marcos, Jr. Pero few days ago, binira uli ni Digong si Marcos, sinabihan uli na nasa watchlist ito ng PDEA. Pero ang tanging sagot ng Pangulo ay nasobrahan lang ng Fentanyl si Duterte.

Regarding sa naging speech ni Alvarez, sinabi ng Department of Justice (DoJ) na pinag-aaralan na nila ngayon kung pasok sa “inciting to sedition” ang paghikayat ng mambabatas sa militar na magwidro ng suporta sa punong ehekutibo.

Tinuligsa naman ng kanyang kapwa mambabatas si Alvarez, pinagsabihan na mag-ingat sa mga pahayag na nakakagalit.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter at Instagram. Maraming salamat po and stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

PUGANTENG SI APOLLO QUIBOLOY WA-EPEK ANG GIMIK NA PANG-AASAR AT GALITIN SI PBBM!

Ginagalit lang ni Pastor Apollo Quiboloy, ang founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJ) na nagpapanggap na Anak ng Diyos at kayang pigilan ang paglindol at nagsabing siya ang magbibigay ng tiket kung pupunta sa langit o impiyerno si Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr.

Mantakin mong nananahimik si PBBM, hindi nakikialam sa mga kinakaharap niyang kaso, ay pagsabihan niya itong nakikipagsabwatan sa Amerika para arestuhin siya. Hawak na raw ng Amerika sa leeg ang Pilipinas.

Si Marcos daw ang dahilan para siya dukutin, patayin ng mga Kano. Hahaha… Ang laki na talaga ng kalembang sa utak ni Quiboloy.

Ang mensahe niyang ito laban kay PBBM ay ni-release noong Sabado ng Sonshine Media Network International (SMNI) na kanyang pag-aari, na tinanggalan ng franchise ng House of Representatives (Kamara) dahil sa mga paglabag, kungsaan hindi niya sinipot ang subpoena kaya siya na-cite in contempt at naisyuhan ng arrest warrant.

Si Quiboloy ay wanted sa Federal Bureau of Investigation (FBI) dahil sa iba’t ibang kasong kriminal tulad ng rape, human smuggling, fraud at dollar smuggling.

Pinaaaresto rin si Quiboloy ng Senado matapos din siyang i-cite in contempt dahil din sa hindi pagsipot sa subpoena, matapos siyang akusahan ng panggagahasa at pang-aabuso ng mga babaeng dating miyembro ng kanyang relihiyon.

Sinabi ni Quiboloy na susuko lamang siya sa Senado at House sa mga kondisyon: susunduin siya ng private plane mula sa kanyang kinaroronan, bigyan ng libreng akomodasyon pati ang kanyang mga alalay sa pinakasikat na hotel sa Maynila, dapat ang pagkaing isisilbi sa kanya ay naayon sa kanyang diet, at tatanggalan ng maskara ang mga testigo laban sa kanya.

Feeling hari ang animal!

Sa kabila ng mga kagagohang ito ni Quiboloy ay may ilang senador parin ang sumasamba o bilib sa kanya, at siya’y pinoprotektahan tulad nina Sen. Robin Padilla, Cynthia Villar at Imee Marcos.

Tinangka ni Padilla na pigilan ang pagpalabas ng arrest warrant ng Senado laban kay Quiboloy, pero kulang sila sa bilang kaya natuloy ang pagpirma ng arrest warrant ni Senate President Migz Zubiri.

Sa totoo lang, mga Kabayan, walang kinalaman si PBBM sa mga arrest warrant laban kay Quiboloy. Hindi nakikialam ang Pangulo sa mga kaso laban sa nagpapanggap na ito na Anak ng Diyos.

Kung nakikialam si PBBM sa mga kasong kinakaharap ni Quiboloy dili sana’y hindi nakapagpalabas ng arrest warrant ang Senado at ang House!

Wanted din si Quiboloy sa Davao City Regional Trial Court dahil din sa mga kasong rape at pang-aabuso sa mga babaeng dati niyang miyembro sa KOJC.

Ang mga kasong ito’y hindi nag-prosper noong si Digong ang Presidente. Malapit kasi silang magkaibigan, You know…

Pero nang mawala sa puwesto si Digong, nagkaroon uli ng lakas ng loob ang mga complainant. Kaya ayan Wanted na ngayon si Quiboloy sa Batas!

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter at Instagram. Maraming salamat po and stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

CONGRATS KAY P/MGEN. ROMMEL FRANCISCO MARBIL BILANG BAGONG PNP CHIEF UMAASA ANG MAMAMAYAN NA MAGING TAPAT KAYO SA TUNGKULIN AT NAKAMASID SA INYO ANG MADLA SIMULA NGAYON!

Pormal nang itinalaga nitong Lunes ni Pangulo “Bongbong” Marcos, Jr. si Major General Rommel Francisco Marbil bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).

Ipinalit ni Marcos si Marbil sa nagretirong si General Benjamin Acorda nitong April 1, tatlong buwan matapos palawigin ni Pangulo ang kanyang termino, na dapar natapos December 3, 2023 nang sapitin niya ang retirement age na 56 para sa uniformed personnel ng gobyerno.

“With our heartfelt congratulations, we welcome Police General Rommel Francisco Marbil, who will assume the responsibilities of the 30th Chief of the PNP. Police General Marbil, you have my full confidence and my full support, as you begin to champion a police that is pro-God, pro-country, pro-people, pro-environment,” pagtiwala at paalala ni Marcos kay Marbil.

Nanumpa si Marbil kay Marcos bilang bagong PNP Chief, kungsaan sinaksihan ito nina Interior Secretary Benjamin Abalos at Executive Secretary Lucas Bersamin.

“With Police General Marbil as our 30th PNP Chief, I enjoin everyone to face the coming days with even greater fervor, determination, and optimism to achieve our goals and aspirations for the nation. Let us remain vigilant in the face of challenges and opportunities, as we strive to build a Bagong Pilipinas where everyone can thrive and live in peace,” say ng Presidente sa bagong hepe ng pambansang pulisya.

Bago naitalaga na pinakamataas na opisyal ng PNP, si Marbil ay OIC ng Directorate for Comptrollership.

Naging police director din siya ng Eastern Visayas.

Wish lang daw ng madlang people na sana’y hindi sintulad ng mga nagdaan hepe ng PNP si bagong PNP Chief Gen. Marbil na lelembot-lembot and pagse-serbisyo sa bayan at walang kakinang-kinang ang suot na tsapa!

Well, ano pa nga ba ang masasabi natin kay Marbil kundi CONGRATULATIONS, Sir! All eyes are on you… Nagbabantay!

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter at Instagram. Maraming salamat po and stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

PAGIGING AGRESIBO DAW NG TSINA SA PINAS AY DAHIL SA UMANO’Y KASUNDUAN NILA KAY DATING PANGULONG DUTERTE!

Si dating Pangulo Rody “Digong” Duterte pala ang rason kaya naging agresibo ang China sa paghari-harian sa West Philippine Sea, kungsaan hinaharang ng mga military ships nito ang mga barko ng Pilipinas maging ang mga mangingisdang Pinoy sa karagatang sakop ng teritoryo ng Pilipinas.

Oo! Ibinuking ng Chinese propaganda outlet, Global Times, na “ipinagbili” ni Digong ang Philippine sovereign rights sa Ayungin Shoal, sinabing ang dating pangulo ay mayroong agreement sa China na siyang sanhi ngayon ng mga tension.

Sinabi ng China diplomat sa panayam ng Manila Times na si Duterte ay pumayag sa mga demand ng China para payagan ang resupply sa BRP Sierra Madre tulad ng walang gagawing construction sa nakabarang barko, isang barko lang ang magdadala ng pagkain at mga suplay sa outpost, at walang construction materials.

Pero ang nasabing mga kasunduan sa pagitan ni Digong at ng China ay nasira nang maupong pangulo si Ferdinand Marcos Jr. mula 2022.

Hindi kinilala ng Marcos administration ang naturang kasunduan, sa hakip ay humingi ng tulong sa mga kaalyadong bansa tulad ng Amerika para mapalayas ang mga barko ng Intsik sa WPS.

Lalo pang nagalit ang China nang paulit-ulit na ianunsyo ni Marcos na kahit katiting na bahagi ng Pilipinas sa WPS ay hindi niya isusuko sa kahit kaninong dayuhan.

Dahil nga hindi kinikilala ni Marcos ang anumang mga kasunduan sa pagitan ni Digong at ng China sa WPS, binuking narin ng China ang “ treasonous agreements”.

Sa ginawang ito ni Digong at ng kung sinumang nagtrabaho sa “treasonous agreement” na ito, sila’y liable at accountable sa mga paglabag sa ating Constitution at sa pagtataksil.

Wala pang reaksyon si Digong sa statement na ito ng China laban sa kanya, samantalang normal na sa kanya ang napakabilis mag-deny sa anumang akusasyon. Pero dito sa ibinunyag ng China, tameme pa ang “Tatay” ng DDS.

Sa ibinunyag na ito ng China, dapat imbestigahan ng Kongreso ang dating Pangulo. Yan ay kung may bayag ang ating mga senador at kongresista.

At ang isang nakakakilabot na tumatakbo sa utak ng mga Duterte ay ang pina-plano nilang mag-tandem na mag-ama (Digong at Sara) sa 2028 presidential election.

Si Sara ang tatakbong presidente at ang kanyang Tatay Digong ang bise.

Inanunsyo nila ito sa protest rally ng mga pro-Quiboloy sa Maynila kamakailan, kungsaan nagsalita ang mag-amang Duterte.

Ilan pa sa Quiboloy supporters ay nanawagan na patalsikin na si Pangulong Bongbong Marcos.

Kung nagawa ng mag-amang Duterte sa Davao City na mag-tandem bilang mayor at vice mayor, mukhang malabo ito mangyari sa national. Masyado nang tanga at bobo ang mga botanteng Pinoy ‘pag naghalal sila ng mag-ama sa pinakamataas na posisyon sa politika.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter at Instagram. Maraming salamat po and stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

GUMAWA NG PANIBAGONG BATAS SINA SEN. IMEE MARCOS AT SEN. ROBIN PADILLA NA MAARI NANG ISNABIN NG MGA RESOURCE PERSON ANG IMBESTIGASYON LALO NA ANG SUBPOENA NG SENADO

Nagkaroon na ng “precedent” sa Senado para isnabin ng mga resource person ang mga imbestigasyon lalo na ang subpoena.

Ito ay matapos na kontrahin mismo nina Senador Imee Marcos at Sen. Robin Padilla ang “arrest warrant” laban kay Pastor Apollo Quiboloy na na-cite in contempt sa hindi pagsipot sa subpoena ng Senado.

Sabi nga ni dating Congressman Erin Tanada, ang ginawa nina Marcos at Padilla ay pagpapakita nang hindi pagsunod sa ‘rule of law’.

“There are 2 sets of laws in our country. One set of laws for the privilege and the other set for the poor and unknown. For a person who claims to have studied law show her lack of respect for the rule of law!”, post ni Tanada sa X (dating Twitter).

Kailangan ang pirma ng majority ng bilang ng mga senador para makapag-isyu ng arrest warrant ang Senado laban kay Quiboloy.

Majority ng mga Senador ay dating kaalyado ni ex-President Rody Duterte, ang “partner in crime” ni Quiboloy na nagsilbing spiritual adviser ng dating Pangulo.

Si Quiboloy ay iniimbestigahan ng komite ni Sen. Risa Hontiveros sa mga reklamong pang-aabuso sa kababaihang mga miyembro ng kanyang “kulto”, Kingdom of Jesus Christ, pati ng mga kalalakihang dating trabahador niya.

Si Quiboloy ay pina-subpoena rin ng House of Representatives sa mga reklamong paglabag sa franchise ng kanyang network, Sonshine Media Network Inc..

Si Quiboloy ay nasa wanted list din ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa Amerika dahil din sa mga kasong rape, human trafficking, dollar smuggling, etc…

Nagtatago ngayon si Quiboloy. Ang sino man daw na makatukoy sa kanyang kinaroroonan ay bibigyan niya ng P1K.

Insulto ito sa mga awtoridad.

Balikan natin sina Sen. Marcos at Sen. Padilla. Ang ginagawa nilang ito na pagpabor sa isang personalidad ay pagpahina sa kapangyarihan ng Senado.

Ipinakikita lamang dito nina Marcos at Padilla na sila’y may kinikilingan, walang respeto sa rule of law, ‘di tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin bilang mga mambabatas ng Republika ng Pilipinas. Makabubuti sa kanila na magbitiw nalang. Sa 2025 midterm  election malamang alam niyo na mga Kabayan kung sino ang hindi na dapat na iboto at ng mabawasan naman ang mga tukmol na Politiko!!!

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter at Instagram. Maraming salamat po and stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

NASAID NA ANG KAPANGYARIHAN AT KARISMA NG ANAK DAW NG DIYOS NA SI PASTOR APOLLO QUIBOLOY!

Nawala na ang “power” ni Apollo Quiboloy, ang founder ngKingdom of Jesus Christ (KOJC) at nagsabing “annointed” siya ng Panginoon.

Kung noong panahon ni Digong Duterte sa Malakanyang ay nagagawa niyang “pahintuin” ang lindol at nangyayari ang gusto niyang gawin sa mga kumakalaban sa kanya, nabaliktad na ito lahat ngayon.

Oo! Nagtatago na ngayon sa Quiboloy. Natatakot raw siya sa kanyang buhay. May natanggap daw kasi siyang info na ipinalilikida siya ng US government!!!

Si Quiboloy ay nasa most wanted list ng Federal Bureau of Investigation (FBI) dahil umano’y serious human rights abuses kabilang ang panggagahasa ng mga menor de edad.

Malamang na ipa-aresto rin siya ng Senado at House kapag hindi sumipot sa subpoena ng mga mambabatas kaugnay ng mga reklamong pang-aabuso sa kanyang mga dating miyembro sa KOJC, at mga paglabag ng franchise ng kanyang Sonshine Media Network International (SMNI).

Sa kabila ng mga kinakaharap niyang problemang ito, nagyayabang parin si Quiboloy. Aniya, ang mga reklamo sa kanya sa Kongreso ay politika lamang.

Tungkol sa reklamong panggagahasa sa mga dati niyang miyembro sa KOJC, sinabi niyang ang mga babae ang lumalapit sa kanya, inaalok sa kanya ang kanilang sarili, dahil hindi siya kasal, mayaman at gusto lamang ng mga babaeng ito na yumaman din. Pero hindi raw niya pinatulan ang mga ito, kaya binabaliktad siya.

Si Quiboloy ay naging presidential “spiritual adviser” ni Digong, na anuman ang gustuhin niya noon ay nagagawa niya.

Ngayong wala na sa kapangyarihan si Digong, naglabasan ang mga taong inabuso nila noon. Sinisingil na sila sa kanilang kabuktutan.

Sinasabing lumipad na sa China si Quiboloy. Pero may info na nasa Mindanao lang ito nagtatago.

Powerless na si Quiboloy. Naglaho na ang kapangyarihan ng “haplos” sa kanya ng Diyos.

Tandaan: Walang forever sa power. Nasa Diyos lang ang forever. Amen!

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter at Instagram. Maraming salamat po and stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

HINDI NA MASUGPO-SUGPO ANG KORAPSYON SA PINAS KAYA’T PATULOY NA LUMULUBOG ANG ATING BANSA!

Hindi na gumalaw ang Pilipinas sa talaan ng katiwalian o Corruption Index noong 2023, na inilabas ng corruption watchdog na Transparency International.

Ayon sa report, nasa ika-115 na pwesto ang Pilipinas mula sa 180 na bansang kasama sa research.   Meron score na 34 ang Pilipinas, kung saan 100 ang pinakamataas na posibleng score na makuha.   Mas mababa ang score ng isang bansa, mas korap o puno ng katiwalian ang gobyerno dito.

Halos kapantay ng Pilipinas ang mga bansang Indonesia, Ecuador, Malawi, Sri Lanka at Turkey. Denmark at Finland ang may pinakamataas na antas na may score na 90 at Somalia naman ang pinakakulelat dahil 11 points lang ang nakuha nito.   Singapore lang ang bansang Asyano na pasok sa Top 5 ng listahan.

Ilan sa mga dahilan kung paano nasukat ang baba ng score ng corruption sa Pilipinas ay ang kakulangan sa pagpapatupad ng batas laban sa korapsyon, kahinaan ng mekanismo o ahensya na nagtataguyod dapat nang pagsawata sa korapsyon at ang kawalan ng isang maayos na kampanya ng gobyerno na pipigilan nito ang korapsyon.

Nagreact naman ang Management Association of the Philippines o MAP at sinabi nila na noong 2022, meron din silang sarbey sa mga negosyante at pinuno ng mga korporasyon kung ano ang pinakamalaking hadlang sa kaunlaran sa Pilipinas.  

At ang lumabas na pinakauna sa mga banta na nakikita ng mga corporate leaders ay ang korapsyon.  67% ang sumagot na kailangan unahin at pangunahan ng gobyerno ang solusyanan ang korapsyon.

Mabigat ang pakiramdam naming mga journo sa isyung ito, dahil maraming mga kasamahan namin sa industriya ang nagbuwis ng buhay para ilantad at labanan ang korapsyon.  Si Pareng Percy Lapid na ibinulgar ang korapsyon sa National Bureau of Correction.

Pati si Doc Gerry Ortega ng Palawan na pinapatay para patahimikin s’ya bilang kritiko ng korapsyon sa Malampaya Funds at marami pang iba.

Malinis na pamamahala ang magdadala ng mga investments at investors dito sa Pilipinas.  Malinis na pamamahala ang magpapabilis ng serbisyo para sa mga tao.   Maayos na paggastos sa kaban ng bayan ang magdadala ng kaunlaran.

Pagpapatigil sa korapsyon ang nararapat na inaatupag ng ating gobyerno, at hindi ang pagpupumilit na isulong ang Charter change.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter at Instagram. Maraming salamat po and stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

KUNG INOSENTE KA BAKIT KA MATATAKOT NA MAKULONG SEN. BATO DELA ROSA O BAKA NAMAN MALAKI ANG KINALAMAN MO SA EJKs?

Hindi makakawala si Bato dela Rosa sa gulong ng katarungan. Hindi siya makakatakas sa katarungan. Mananagot si Bato sa mga patayan na kanyang pinangunahan sa pagpapatupad ng madugo pero bigong digmaan kontra droga ni Gongdi. Berdugo si Bato, sa maikli.

Si Bato ang lumagda sa Memorandum Circular No. 1 ng PNP na nagtakda ng Project Double Barrel sa giyera kontra droga ni Duterte. My dalawang mukha ito: Oplan Tokhang sa mga dahop-palad at Oplan High Value Target sa mga nakakariwasa sa buhay. Ginamit ang buong institusyon ng PNP upang maging kasangkapan sa mga EJKs.

Hindi nanghuli ang mga pulis ng mga pinaghihinalaang adik o tulak sa droga. Pinuntahan sila sa bahay, kinatok sa pinto, pinasok, at basta babarilin at papatayin. Palabasin na nanlaban ang mga pobre. Hindi sila isinailalim sa proseso ng batas. Hindi sila siniyasat ng mga pulis kahit katiting. Basta pinatay sila ng mga pulis ng walang kaabog-abog.

Mastermind si Bato ng maraming EJKs noong panahon ni Gongdi. Mananagot siya sa ilalim ng batas. Hindi uubra ang hamon ni Bato na “magpakalalaki” si BBM. Hindi trabaho ni BBM na bigyan siya ng proteksyon mula sa International Criminal Court (ICC) kung saan nahaharap siya ng sakdal na crimes against humanity.

No. 2 suspect si Bato. No. 1 suspect si Gongdi. Dahil siya ang may lagda sa MC 1 ng PNP, hindi maalis ang katwiran na siya ang mastermind ng mga EJKs. Hindi niya maaaring gamitin ang katwiran na maging state witness at ididiin si Gongdi upang makawala siya. Parehas silang makukulong ng matagal-tagal na panahon.

Hindi niya maaaring gamitin ang katwiran na sumusunod lang siya sa utos ni Gongdi. Siya ang nag-utos dahil siya ang lumagda sa MC 1. Ang pinakamaganda niyang gawin ay harapin niya bilang isang maginoo ang mga bintang sa kanya. Mangumpisal siya sa bayan at sabihin ang totoo tungkol sa digmaan kontra droga ni Gongdi.

Harapin ang parusa sa kanya. Bunuin ang panahon na gugugulin siya sa piitan. Magpakalalaki, sa maikling usapan. Iyan ng tunay na lalaki. Humaharap sa mga sakdal sa kanya.

———–                                          

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akongi-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

MGA POLITIKONG ANIMAL AT GANID SA KAPANGYARIHAN PALA ANG MGA INATASAN PARA MAGPA-PIRMA NG PAPEL SA PEOPLES’S INITIATIVE

Mga mambabatas pala ang inatasan magpapirma ng ‘petition letter’ sa kanilang constituents para sa nilulutong People’s Initiative (PI) para sa Charter Change (Cha Cha), pag-amyenda sa ating Saligang Batas.

Ibig sabihin nito, may alam dito ang leadership ng House of Representatives, si Speaker Martin Romualdez, ang pisan ni Pangulong “Bongbong” Marcos.

Hindi naman basta kikilos ang mga mambabatas kung walang bendisyon ng kinikilala nilang “boss”. Dahil malaking halaga ang kailangan nila sa pagkalap ng mga pirma, P100 nga raw ang bigayan!!!

Sa Davao City, binomba ni Representative Paolo Duterte si PBA Partylist Rep. Margarita “Migs” Nograles. Inakusahan niya si Migs na ito ang nagpapaikot ng papel para sa people’s initiative.

Ayaw ni Paolo ng charter change. Dahil kapag nagtagumpay nga naman ito ay malamang manatili sa kapangyarihan ang Marcos at Romualdez tulad ng yumaong diktador na Marcos Sr., mawawalan ng tsansa ang sister niyang si Vice President Sara Duterte-Carpio na matunog na kakasa sa 2028. Mismo!

Kaya nanawagan si Paolo sa kanyang mga kababayan sa Davao na huwag pumirma sa PI kahit pa bigyan sila ng P100 o P1,000.

“I am against this people’s initiative as this is not the people’s voice but the voice of a few who wanted to perpetuate themselves in power,” sabi sa kanyang statement.

Sa Romblon province, umiikot na ang papel para sa PI. Tig-P100 nga raw ang bigayan sa bawat pipirma. Ang mga nagpapaikot ay mga kakamping mayor ni Congressman “Budoy” Madrona, tapos inaatasan naman ng mayor ang kanilang mga tagasunod na barangay kapitan.

Kung totoo itong P100 bawat pirma, malamang na mabilis makakalap ng kailangang bilang ng mga pirma ang nasa likod ng PI. Dahil karamihan sa mga tao sa probinsiya basta’t may iniaabot na pera ay talagang pipirma kahit ‘di naiintindihan ang laman ng kanilang pinipirmahan!

Bakit ko nasabi ito? Eh kung eleksyon nga kahit galit ang tao sa kandidato kapag naabutan ng P500 ay iboboto ito. Yan ang katotohanan. Nabubulag ang tao kapag pera na ang nagsalita.

Kaya naniniwala ako na mabilis pa sa alas kuwatro na makakalap ng kailangang mga pirma ang nasa likod ng PI. Peks man!

Pero marami pang prosesong dadaanan ito. Ang bawat pirma ay kailangan pang kumpirmahin kung totoo o peke. Kaya dapat may address ang pumirma.

Ginawa na ito ng nakaraang Arroyo administration. Bilyon bilyong piso ang nalustay sa PI pero hindi nagtagumpay. Kumita lamang ng daang milyones ang mga nagsulong. Tama ba ako, Atty. Raul Lambino?

Ngayon, saan naman kinukuha ang bilyones na budget sa pagsulong sa PI? Sigurado hindi nila sariling pera kundi pera nating taxpayers! Ginigisa tayo sa sarili nating mantika ng mga animal.

Tutulan ang People’s Initiative! No to charter change!

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

PREPARADO NA KAYA ANG MARCOS ADMIN KUNG MAGAGANAP NA ANG MALAKAS NA LINDOL TULAD NG M7.6 NA TUMAMA SA JAPAN

Magandang pagaralan ang nagaganap sa Japan, partikular ang magnitude 7.6 lindol at nagaganap pang mga aftershock o hiwalay na mga lindol ngunit nagising makaraan?

Isa sa mga iniulat na naganap sa Noto region ang pagbitak ng lupa at umangat ng 1.3 metro ang isang bahagi ng nahating lupa.

Meron ding ganitong pangyayari sa bayan ng Anamizu na 1 metro ang itinaas ng isang bahagi at sa Suzu City, 80 sentimetro naman.

May pagbaba o pagtaas ng lupa makaraang magkabitak-bitak ang mga ito sa Nanao City, Toyama, Niigata at Kanto-Koshin.

Ang pagtaas o pagbagsak ng lupa makaraang mabitak ito, kung magaganap sa Pilipinas, ano kaya ang mangyayari?

Iniimadyin natin na kung maganap ito pagdating ng The Big One na Magnitude 7.2 sa Mega Manila, ano-ano ang mga gagawin?

Malaking perwisyo ‘yan dahil tiyak na idedeklara ng gobyerno na delikado ang mga nakatayo sa mga bitak o malapit sa mga ito.

May nagawa na ang gobyerno para maiwasan ang mga nagsulputang bitak sa West Valley Fault mula Norzagaray, Bulacan hanggang Cavite at Laguna at iyon ang pagbabawal na magtayo ang sinoman ng anomang gusali at may pinabakante na ring mga gusali at pinagbawalang tirahan ng tao.

Paano kung magkaroon ng mga sanga ang West Valley Fault at aabot ang bitak ng ilang kilometro at tatagos sa Manila Bay at sa Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan?

Ang laking perwisyo niyan sa mga may-ari ng mga gusali at kinakailangan ang mga panibagong bilyones na pisong puhunan.

Maapektuhan din ang mga pwesto ng mga hanapbuhay ng mga mamamayan, ang kanilang paninirahan, at maging ang mga nakatayong ospital at gusaling pamahalaan na naghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan.

Naging mabagal ang ayuda sa mga nasalanta sa Japan dahil sa pagkasira ng mga kalsada at tulay patungo sa kanilang lugar.

Sa Wajima City na lang na nagkasunog, aapat na fire-truck lamang ang nakaresponde dahil naharang ang ibang mga bumbero na nais tumulong.

Hayun, naubos sa apoy ang tahanan ng nasa 33,000 pamilya sa lugar, kasama ang mga condominium na matataas na gusali.

Pero kahit may makapasok na bumbero, problema ang kawalan ng tubig sa maraming lugar dahil sa pagkaputol ng mga linyang-tubig.

Walang maikakarga at maibubuga ang mga bumbero.

Hindi rin  imposibleng maganap ito sa Mega Manila pagdating ng The Big One mula sa West Valley Fault.

Gaano na kahanda ang ating mga awtoridad sakaling magkaputol-putol ang linya ng tubig at magkakaroon ng sunog dahil sa pagkalagot ng mga linya ng kuryente at daragdagan ng pagputok ng tangkeng liquefied petroleum gas?

Paano na lang kung maganap ang lindol sa gabi na mamamatay ang lahat ng ilaw, mawala ang suplay ng tubig, guguho ang mga gusali at magkabitak-bitak ang mga lupa at babagsak o tataas ang isa sa magkabilang panig?

Sana maisip ng mga Concern Gov’t. Agencies na pag-aralan, hanapan ng solusyon at ihanda na ang mga gagamitin o kinakailangan sa mga nakiktang problema ng bansang Japan ngayon dahil sa mga  pinasalang idinulot ng M7.6 na lindol.

Sakit kasi ng mga opisyales o politiko sa ating bansa nauuna ang pagyayabang para sa career nila bago ihanda ang dapat kapag nasalanta o nangyari na ang belubyo sa bansa.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

UMEKSENA NA ANG DOJ SA P6.7 BILYON SHABU SA TONDO

Inihayag na ng Department of Justice (DoJ) na bumuo ito ng panel of prosecutors na magsasagawa ng preliminary investigation sa bagong reklamo hinggil sa anti-illegal drugs operation sa Tondo, Manila last year kungsaan nasamsam ang 990 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 billion.

Ang naturang iligal na droga ay nasamsam sa isang lending office na pag-aari ng isang pulis na nakatalaga sa PNP Drug Enforcement Group, si Master Sergeant Rodolfo Mayo.

Matatandaan na pagkatapos ng operasyon, nabunyag ang karagdagang 42 kilos ng shabu, nagkakahalaga ng P285 million, na kinupit mula sa operasyon sa Tondo, sa posession ng dalawang pulis, base sa kuha ng CCTV.

Sinampahan ng Philippine National Police (PNP) ng reklamo ang 50 pulis ng paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022) sa Office of the Ombudsman.

Inakusahan din sila ng falsification, perjury, false testimony, malversation of public property, at obstruction of justice.

Kamakailan, nagsagawa ng case conference ang PNP at DoJ hinggil sa bagong developments, partikular ang pagsampa ng bagong reklamo hinggil sa mga anomalya at iregularidad noong operasyon.

Nagtalaga ang DoJ ng panel ng mga batikang prosecutor para busisiin ang mga ebidensiya at mga kailangang elemento para sa pagsasampa ng mga karagdagang reklamo.

Hindi binanggit ng DoJ kung anong mga karagdagang kaso ang kanilang isasampa at kung sino sino pa ang mga kakasuhan.

Noong Hulyo, inanunsyo ni DILG Secretary Benhur Abalos, Jr. na kabilangs sa 50 pulis na kinasuhan sina Lt. General Benjamin Santos, Jr. at Brigadier Gen. Narciso Domingo.

Ito ang aabangan natin mga Kabayan sa Bagong Taon 2024.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

DELIKADO KAYA ANG MAHABANG TERMINO PAANO KUNG TULISAN YUN POLITIKO EH DI LALONG NALUGMOK NA ANG PINAS!

Target ng Kongreso na retokehin ang Saligang Batas sa pagpasok ng taon 2024.

At isa sa mga gusto mangyari ni Senador Robin Padilla ay palawigin ang termino ng Presidente at Bise Presidente. Ito’y upang hindi raw maputol ang kanilang mga programa. Talaga lang ha!

Ngayon palang ay hayagan na akong komokontra sa maitim na balak na ito ni Senador Padilla. Bakit? Paano kung tulisan ang pangulo at pangalawang pangulo, na ang mga gusto’y laging confidential ang paggamit ng taxpayers money? Aba’y mababangkarote ang kaban ng bansa nang hindi alam ng mamamayan kung saan napunta ang pinag-ambag ambagang buwis!

Okey lang sana kung ang mahalal na pangulo at pangalawang pangulo ay may mga delicadeza katulad ng sa mga bansang Singapore, Japan, Canada at Amerika na nagbibitiw kapag nasangkot sa iskandalong may ‘moral turpitude’, e dito sa ating bansang Pilipinas ay nabibilang lang sa daliri ang mga opisyal na may kahihihayan, karamihan makakapal ang mukha tulad ng mga naging opisyal ng nakaraang administrasyon!

Kayo, mga kabayan na naghahalal sa mga politiko, aprub ba sa inyo ang walang kakuwenta-kuwentang panukalang ito ni Sen. Padilla?

Ang kasalukuyan nating Constitution ay perpekto: 6 years ang termino ng Pangulo at Pangalawang Pangulo, tig-6 years ang Senador na dalawang beses nahahalal, at tig-3 years sa kongresista at local executives na tatlong beses nakatatakbo. Mahaba na ang mga terminong ito para sa mga tulisan, maikli naman para sa mga nagseserbisyo ng maayos.

Pero kung may babaguhin man sa ating Saligang Batas, ang gusto kong bigyan ng katuwiran ay ang edukasyon ng mga kumakandidato.

Dapat ang mga tumatakbo mula sa mayor hanggang presidente ay college graduate lalo sa Kongreso dapat degree holder, marunong umunawa at pumanday ng batas.

Halimbawa sa local government unit, ang konsehal at bokal ay dapat college level, marunong gumawa ng resolution at nakakapag-isip ng mga programang may kabuluhan para sa pag-angat ng kabuhayan ng mamamayan sa kanilang bayan o lungsod.

Ang mayor at gobernador ay dapat college graduate, may kakayahang iprisinta ang kanyang bayan o lungsod sa national government lalo sa international community.

Sa Kongreso, ang mga nagbabalak maging mambabatas (kongresista o senador) ay dapat may masteral degree para makapagpanday ng maaayos na batas, hindi yung naghihintay lang ng multi-million pork barrel!

Lalo sa posisyong Presidente at Bise, dapat may doctorate sa edukasyon para hindi magmukhang katawa-tawa kapag kaharap ang mga banyagang opisyal partikular lider.

Ang kasalukuyang requirements sa pagtakbo sa politika na basta “marunong magbasa at magsulat” at “Filipino citizen” ay hindi na angkop sa bansang pinamumugaran na ng masasamang loob!

Ito ang dapat isulong ni Sen. Padilla, hindi yung palawigin ang kanilang termino.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

SINIRA AT PINALUNGKOT NG TSINA ANG PASKO NG MGA NASA AYUNGIN SHOAL !

SA isang tahasang paglabag sa pandaigdigang batas at sa pangunahing panuntunan sa pagpapakatao, muling ipinamalas ng China Coast Guard ang walang puso nitong pagwawalang-bahala sa mga inisyatibong pangkapayapaan at pagmamalasakit sa kapwa.

Ang walang pakundangan nitong pag-atake sa mga barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng routine rotation at resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal ay hindi lamang pananalbahe sa ating karapatan sa soberanya kundi direktang pang-iinsulto sa prinsipyo ng sangkatauhan.

Ang sinasadyang pambobomba ng water cannon, na nagresulta sa matinding pagkasira ng makina ng M/L Kalayaan, ay isang kahiya-hiyang gawain na nagbibigay-diin sa agresibong pambu-bully ng China sa West Philippine Sea.

Hindi ito isang komprontasyong militar kundi isang humanitarian mission upang suportahan ang mga Pilipinong sundalo na nakaistasyon sa Ayungin Shoal. Ang sinasadyang paggamit ng puwersa laban sa mga barkong sibilyan ay nagpapakita ng kawalang respeto ng China sa kasagraduhan ng pagkakawang-gawa at ng buhay ng mga taong sangkot sa insidente.

Ang panawagan ni Senate President Juan Miguel Zubiri na paalisin sa bansa si Chinese Ambassador Huang Xilian ay patunay lang ng tumitinding pagkadismaya sa tuloy-tuloy na pang-aatake ng China. Ang pagkondena ng Amerika at European Union sa nangyari ay nagpapamalas naman ng pagkabahala ng pandaigdigang komunidad sa paulit-ulit na paglabag ng China sa mga umiiral na batas.

Ang mga pinakahuling panggigipit ng China, kabilang ang paggamit ng water cannons sa mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na patungong Scarborough Shoal, ay totoong nagpapatunay ng pambabalewala nito sa diplomatikong asal at karapatan sa teritoryo.

Sa harap ng mapanganib na pag-atakeng ito ng mga barko ng China, hindi kahiya-hiya ang pagbuwelta ng 40-bangkang convoy ng mga Pilipino. Ang pagbibigay-prayoridad sa kaligtasan kaysa komprontasyon ay hindi nakababawas sa kanilang kagitingan o maituturing na pagpapakita ng kahinaan; binibigyang-diin nito ang wala sa lugar na pagiging agresibo ng China at lalong nagkukumpirma sa hindi makatwirang panggigipit nito.

Ang makikita ng mundo ay ang makasariling pagkakait ng China sa malalayang mamamayan ng ibang bansa na iparamdam ang kanilang pagmamahal at suporta at ibahagi ang “Diwa ng Pasko” sa mga kapwa Pilipinong nasa Ayungin sa panahon ng pinagpalang okasyon. Ninakaw ng China ang Pasko ng ga-tuldok na parteng ito sa gitna ng karagatan.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

Aminin man nila o hindi, halatang hilong talilong na ang mga may kinalaman sa grabeng pang-aabuso sa “war on drugs” kuno ng nakaraang administrasyon dahil sa posibleng pagsang-ayon ng kasalukuyang gobyerno sa gagawing pag-iimbestiga ng International Criminal Court (ICC) sa kinakaharap na ‘crimes against humanity’ ng grupo ni dating Pangulo Rody “Digong” Duterte.

Tinawag ni Vice President Sara Duterte-Carpio na “unconstitutional” at “insulto” sa Philippine judiciary kapag nagsagawa ng imbestigasyon ang ICC sa mga nangyaring pagpatay sa halos “30,000 indibidwal”, ayon sa human rights groups, sa war on drugs ng nakaraang administrasyon. Sa datus ng Philippine National Police, higit 5,000 lang ang napatay.

(May desisyon na rito ang ating Korte Suprema na may kapangyarihan ang ICC na mag-imbestiga sa mga krimen sa bansa na nangyari noong miyembro pa ang Pilipinas sa ICC ).

Pinaalalahanan pa ni Sara ang House of Representatives na respetuhin ang desisyon ni Pangulong “Bongbong” Marcos na putulin ang pakikipag-ugnayan sa ICC.

(Tingin ko sa mga pahayag na ito ni PBBM laban sa ICC ay style lang niya tulad ng feeling ni ex-Presidential spokesman Harry Roque na kung bakit tuloy parin ang mga ginagawang hakbang ng House laban sa Dutertes gayung maari namang tapikin ni PBBM ang kanyang pinsang House Speaker na si Martin Romualdez na kalimutan na ang mga hakbang na magdidiin kay Digong et all!)

Nakatakda kasing talakayin ng House ang resolution na humihikayat sa gobyerno na makipagtulungan sa ICC sa pag-iimbetiga sa ‘extra judicial killings’ na nangyari sa administrasyon ng ama ni Sara.

“To allow ICC prosecutors to investigate alleged crimes thar are now under the exclusive jurisdiction of our prosecutors and our courts is not only patently unconstitutional but effectively belittles and degrades our legal institutions,” diin ni Sara.

(Ano pa nga ba ang nangyayari? Eh ang mga nasa power lang naman ang naliligtas sa prosekusyon eh, habang ang mga walang lakas na silang naglagay sa kanila sa power ay patuloy na nakararanas ng injustice!)

Giit pa ni Sara, kapag nakipag-ugnayan ang gobyerno sa ICC, iisipin na ang foreign institutions pala ang makapagbibigay ng hustisya sa Pilipinas. (Yun naman talaga eh!)

Sa panig naman ni ex-PNP Chief ngayo’y Senador “Bato” dela Rosa, tila lasing itong nagdadadakdak:

“Hindi ko nga maintindihan bakit ‘yun nga. Bakit tayo magpupumilit na i-welcome sila na hindi na nga tayo member ng International Criminal Court, ‘di ba? Well, ‘pag andyan yan, wala tayong magawa kundi harapin. Dahil I’m very confident naman na malulusutan ko ‘yan kung kasama ako – kasama naman talaga ko doon sa subject ng kanilang investigation, di ba? So, harapin ko yan, walang problema, kung makapasok ‘yan.”

Yun naman pala eh… So, makipag-coordinate na dapat ang Pilipinas sa ICC sa pag-imbestiga sa ‘crime againts humanity’ laban kay Digong et al…

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

MGA DATING OPISYAL NA TUMAHI-TAHI NG KASO LABAN KAY DATING SENADORA LEILA DE LIMA KINAKABOG NA ANG DIBDIB SA RESBAK!

Pinalaya narin ng korte si dating Senador Leila De Lima after 17 years ng pagkakulong bunga ng mga “tahi tahing” kaso ng nakaraang administrasyon.

Si De Lima ay pinayagan ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 206 under Judge Gener Gito na magpiyansa ng P300,000, matapos arestuhin at makulong noong 2017, makaraang sampahan ng kasong protektor ng illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).

Hindi naman dapat nakulong si De Lima. Dahil sa umpisa palang nang gawan siya ng kaso ng dating Justice Secretary, Vitaliano Aguirre, ay halatang ito’y “tahi-tahi” lamang, bunga ng matinding galit ni noo’y President Rody Duterte sa dating Senador na dati ring Justice Secretary at Commission on Human Rights chairman, na numerong kritiko ng dating alkalde ng Davao City na nahaharap ngayon sa reklamong “crimes against humanity” sa International Criminal Court (ICC).

Ang mga testigong nagdiin kay De Lima ay nag-atrasan nang patapos at matapos ang termino ni Duterte last year.

Sinabi ng mga testigo, kabilang ang umaming drug lord na si Kerwin Espinosa at dating BuCor officer at NBI Deputy Director for Intelligence Rafael Ragos, na sila’y napilitan lamang gumawa ng kuwento para idiin si De Lima sa utos ng mataas na opisyal sa BuCor at Department of Justice (DoJ).

Nauna nang nabasura ng korte ng Muntinlupa ang dalawang drug cases ni De Lima nang mag-withdraw sa kanyang testimonya sina Espinosa at Ragos.

Itong huling kaso ni De Lima ay masyadong natagalan bago pagbigyan ng korte ang kanyang hirit na piyansa dahil sa pagpalit ng Judge.

Oo! Isa sa mga rason ng pagtagal ng kaso ni De Lima ang delaying tactics ng prosecution, pagbitiw/pagpalit ng judge sa kaso.

Ang galit ni Duterte kay De Lima ay nag-ugat nang imbestigahan ng huli na noo’y Human rights chair hanggang maging Justice Secretary ang “Davao Death Squad” na umano’y pinamumunuan ng una noong alkalde pa ito, kungsaan pinapatay niya raw ang mga kalaban sa politika.

Ang DDS ay kinumpirma sa Senate inquiry ng mga umaming “hitmen” ni Duterte na sina Edgar Matobato at retired police na si Arturo Lascanas.

Ang mga akusasyon ni De Lima laban kay Duterte ay isinampa ni dating Senador Antonio Trillanes sa International Criminal Court (ICC), na nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon sa reklamong ‘crime against humanity’ laban sa dating pangulo.

Sa latest info natin, tinatalakay ngayon ng ilang mambabatas at ng DoJ kung papayagan na nilang makapasok sa bansa at makipag-coordinate sa imbestigasyon ng ICC laban kay Duterte.

Pinag-aaralan naman ngayon ng kampo ni De Lima na resbakan ang mga dating opisyal na tumahi ng mga kaso laban sa kanya.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

DAPAT IKULONG AT PARUSAHAN ANG MGA NAG-TRAYDOR SA ATING BAYAN!

Napapanahon na upang busisiin ang mga ginawa ni Gongdi sa bayan tungkol sa usapin ng West Philippine Sea. May mga lihim na kasunduan na pinasok si Gongdi sa pagitan ng Filipinas at China. Kailangan ilahad ang mga ito sa publiko at papanagutin si Gongdi kung kailangan. Mukhang ang mga ito ang batayan kung bakit ganito ang asal ng mga Beho sa atin. Sa kanilang pakiwari, hawak nila tayo.

Naglayag mag-isa si Gongdi sa pakikipagrelasyon sa China. Hindi inilalabas sa madla ang mga detalye ng kanyang pakikipag-usap sa mga Tsekwa. Nakatago ang kanilang baraha bagaman nakikita sa kanilang asal ang hindi katanggap-tanggap na trato sa atin. Minsan nagtalumpati sa Senado ang kanyang alagad na si Francis Tolentino.

Noong 2019, hiningi ni Tolentino sa isang talumpati sa bulwagan ng Senado ang concurrence ng Senado sa mga verbal agreement na pinasok ni Gongdi kay Xi Jinping. Tumayo si Frank Drilon at hiningi kay Francis ang mga detalye ng mga verbal agreement sa pagitan ni Gongtdi at Xi. Walang nailabas si Francis kahit isa sa mga balitang verbal agreement.

Sa huli, walang sinambit si Francis kundi ang patunay na kanyang pagkatao. “Basta magtiwala kay Gongdi,” ito ang kanyang huling salita. Hindi naalis ang hinala na kasama si Francis sa malawak na sabwatan upang ibenta ang Filipinas sa China. Pinangungunahan ni Gongdi sa sabwatan at kasama sina Francis, Bato, Bong Go, at Robin. Hindi nalalayo si Sara sa puwersang kampi sa China sa bansa.

Kamakailan, kumambyo sina Francis, Bato, at Bong Go at pawang nagpanggap anti-China ang kanilang paninindigan sa usapin. Isa ang problema nila: Sino ang kapareho nilang loko-loko ang maniniwala sa kanila? Patuloy si Robin sa mga pahayag na pawang kampi sa mga Beho kahit pinagtatawanan at nililibak siya sa kawalan ng sustansya ng kanyang salita.

Ganyan si Gongdi. Mistulang siya ang sugo ng China na ipinadala ng Beho upang katawanin ang interes ng China sa bansa. Hindi na binibigyan ng halaga ang kanyang salita sapagkat walang naitulong ang Tsekwa sa bansa. Patuloy na kinakamkam ng China ang ating teritoryo sa West Philippine Sea at Exclusive Economic Zone (EEZ), ninanakaw ang ating yamang-dagat, sinisira ang ating kapaligiran.

Dumating na sa punto na kailangan repasuhin ang lahat-lahat ng kasunduan – verbal o opisyal na pinasok ng gobyerno ni Gongdi sa mga Beho. Alamin ang kabuuan. Kung may batayan ang matagal na hinala na ibinenta ni Gongdi ang bansa sa Tsekwa, marapat na papanagutin siya. Ihabla siya sa hukuman at pananagutin. Ikulong kung dapat ikulong kasama ng mga aso niya.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

WOW NAMAN MAY PART 2 PALA ANG PASTILLAS SCAM SA BUREAU OF IMMIGRATION?

Patuloy ang korapsiyon sa Bureau of Immigration (BI) at nananatiling buhay ang tinaguriang “pastillas scam”. Hindi pa nalilipol ang mga “buwaya” sa BI at lalo pa silang bumabangis. Hindi sila natatakot sa banta ni President Ferdinand Marcos Jr. na sa Bagong Pilipinas, walang puwang ang korap­siyon. Ayon kay Marcos, mananagot ang mga sangkot sa katiwalian sa tanggapan ng gobyerno.

Kung ganun, unahin ang mga korap sa BI na sangkot sa “escort services”. Ito ‘yung mga tauhan ng BI na nag-eeskort papasok at palabas sa mga taong may problema ang travel documents kapalit nang mala­king halaga. Ito rin ‘yung tinatawag na “pastillas scam” na ibinulgar noong 2021 ni Sen. Risa Hontiveros.

Buhay na naman ang “pastillas scam” ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla at nagbabala siya na marami na namang ginagawang ganito sa NAIA sa pamamagitan ng mga korap na BI officers. Ginawa ni Remulla ang pahayag makaraang ma-intercept sa NAIA ang isang babaing nagpakilalang taga-DOJ. Nabatid na ang babae ay gumagamit ng pekeng tra­vel authority. Ayon kay Remulla, ni-recruit ang babae para magtrabaho sa UAE bilang entertainer at nagbayad ng P500,000 para magkaroon ng travel documents.

Sabi ni Remulla, wala itong pinagkaiba sa “pastillas­ scam” na nag-e-escort ang BI officers ng mga Chinese na magtatrabaho sa POGOs. Nagbabayad ang mga Chinese ng P10,000 bawat isa para maproseso ang travel documents nang walang kahirap-hirap.

Noong 2022, mahigit 30 BI personnel ang sinibak ni dating President Duterte dahil sa “pastillas scam”. Tinawag na “pastillas” dahil ang perang ipinangsusuhol sa mga BI officers ay nakabilot na animo’y ma­tamis na pastillas. Mula 2017 hanggang 2019, dumagsa sa bansa ang mga Chinese na nakapasok nang walang problema. Malaking pera ang nakamal ng mga korap BI officers sa mga pumapasok na Chinese sa bansa.

Minsan sa galit ni Duterte, pinatawag nito ang mga sangkot na BI officers sa Malacañang at pinagmumura mula ulo hanggang paa. Pagkatapos murahin, isa-isang binigyan ng mga binilot na pera na korteng pastillas at inutusan ang mga ito na kainin.

Ngayon ay buhay na naman ang “pastillas” ng mga korap BI officers at mga kawawang Pinoy naman ang inieskortan palabas ng bansa kapalit nang malaking halaga. Sagad na ang katiwalian sa Immigration at ito ang nararapat masupil ng kasalukuyang­ administrasyon. Sampolan ang mga korap na BI officers. Itapon sila sa kulungan para maniwala ang mamamayan sa Bagong Pilipinas.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

TAMA NA ANG PAGIGING TANGA KAYA HUWAG NG IBOTO ANG MGA KANDIDATONG EPAL AT KURAKOT NGAYONG BSKE 2023

Ilang araw na lamang ang bibilangin bago ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan elections kaya ngayon pa lamang ay dapat nakilatis na ng mga botante ang kanilang iboboto sa October 30.

Bagamat hindi pa puwedeng mangampanya, may mga kandidatong dumidiskarte sa pamamagitan ng paggamit ng messenger application para mangampanya at manligaw ng boto.

Kapag mayroong ganitong natatanggap na mensahe ay agad i-block o alisin sa listahan dahil hindi marunong sumunod sa patakaran at alituntunin sa batas panghalalan.

Dito makikita na hayok at matakaw magka-posisyon dahil atat na atat gayong hindi pa panahon ng kampanya.

Ang iba namang kandidato ay naging palabati at biglang bumati gayong hindi naman dating ganito ang asal. Red flag po ito. Kilala lamang kayo dahil kailangan ang boto nyo.

Para naman sa mga re-eleksiyonistang ayaw bumitaw sa puwesto, tingnan at pag-aralan kung ano ba ang nagawa sa inyong komunidad at kung nagagampanan ba nito ang totoong pagiging lingkod bayan.

Huwag kayong magpadala sa mga matatamis na pangako lalo na ang iaabot na mga pagkain o mga pangako sa inyo kapalit ng inyong boto.

May isa akong kilalang bugok na chairman na matagal ng nakaupo sa puwesto, sa katunayan, nagpapalitan lamang sila ng kanyang anak pero wala namang magandang nagawa sa kanyang barangay.

Yung isang bahagi ng kanyang barangay hall ay ginawang tulugan ng kanyang pamilya kaya namamaho ang lugar, pero walang maglakas-loob na magreklamo o pumuna dahil “malakas” umano ito.

Dapat siguro mag-check o mag-utos ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng accomplishment report para magkaalaman kung ano ang nagawa ng mga incumbent barangay officials lalo na yaong mga re-eleksiyonista na nganga naman ang napala ng kanilang kabaranggay.

Hindi ko nilalahat pero dito lamang sa Metro Manila ang daming sablay, epal at mga abusadong barangay chairman.

Saan ka nakakita ng barangay hall na naka-jumper ang kuryente at araw-araw pinuputol ng mga taga- Meralco pero pag-alis ng mga electrician, ikinakabit ulit ng mga tauhan ni Chairman.

Ginagawa ring carwash area ang harapan mismo ng barangay hall ni chairman at ito pala ang may-ari ng car wash! tokneneng talaga!

Ilan lamang yan sa mga karakter ng mga re-eleksiyonistang hindi dapat iboto kaya panahon na para kalusin ang mga ito sa puwesto dahil hindi nila naibibigay ang tamamg serbisyo sa tao.

Sila po ang mga ganid at oportunistang ang nasa isip lang ay personal na interes at hindi kapakanan ng kanilang barangay.

Sana ang mapili niyo ay ang isang kilala kong Chairman na hinahangaan at iginagalang ng di lamang ng kanyang nasasakupan kundi pati na ang mga kalapit na barangay dahil sa pagiging aktibo nito sa pagtulong hindi lang sa kanyang kabarangay kundi pati sa ibang barangay. Marami ang humahanga sa kanya dahil inalalaan nito ang buo niyang oras sa pagpaplano, pago-organisa ng mga proyekto na ikabubuti, ikagaganda at ikasasagana ng kanyang komunidad.

Kaya malimit itong nahihirang na opisyal ng mga samahan ng mga barangay dahil sa kabutihang-loob, pakikisama at maasahan sa ano mang bagay at oras. Ang ikinalulungkot lang ng mga kabarangay ng kaniyang nasasakupan ngayon ay hindi na ito kumandidato ngayong BSKE 2023 dahil sa huling termino na niya ang taong ito.

Hindi naman siguro masama o paglabag sa ipinagbabawal ng COMELEC ang mabangit ang kaniyang pangalan sa atin munting pitak dahil hindi naman ito kandidato ngayong eleksyon kaya’t walang pang e-epal na nagaganap sa panunulat kong ito.

Isa pa ito’y pagbibigay ng halimbawa sa ating masusugid na mambabasa ng PNL kung sino ang kahanga-hangang tao ang aking binabangit na dapat nilang pagbasihang iboto ngayong BSKE 2023.

Ang taong aking nababangit na dapat na tularan at iboto ng ating mga mambabasa ay si Allan Dale Basco, Brgy Chairman ng Brgy. 516 sa Sampaloc, Maynila.

Sa totoo lang marami ang nalulungkot sa huling taon na serbisyo ni Chairman Basco ngayong 2023 ngunit marami naman ang umaasa na mapagisipan sana ni Chairman Basco na lumaban bilang konsehal ng Maynila sa local na eleksyon sa taong 2025 nang marami pa siyang matulungan sa lugar ng Sampaloc.

Kaya mga Kabayan maging mapanuri, huwag na ulit magpadala sa mga pambobola, epal at tiwaling mga kandidato. Sumubok naman ng bago dahil malay niyo, baka ang mga ito pala ang makakatulong ng tama sa ating komunidad. Yun mga re-electionist na nasubukan at maasahan na may napatunayan sa inyong Barangay lalong lalo na nung panahon ng pandemya, aba dapat naman na ibalik at muling iluklok at ng magpatuloy ang mga magagandang gawain nito sa nasasakupan na komunidad.

Ang sabi nga ng Presidente, Bagong Pilipinas na tayo , kaya dapat iboto natin ang mga may kakayahan at katapatang maglingkod sa bayan.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

MALAKING DAGOK KAY PBBM ANG PAGKALAT NG ILIGAL NA DROGA SA PINAS!

Bumabaha na naman ng iligal na droga sa bansa. Kung hindi sa airport idinadaan, sa pier. Mabuti na lamang at malakas ang pang-amoy ng ating mga awtoridad, kaso walang nahuhuling sindikato!

Hindi kaya sinasadya ng mga sindikato ang pagpasok ng iligal na droga sa bansa upang magalit ang masa kayPangulong “Bongbong” Marcos, Jr. at hindi makaporma ang sinumang kaanak o kamag-anak nito na kakasa sa 2025 lalo sa 2028 presidential election?

Naalala ko kasi ang nangyari noong 2016, nasira si late President Noynoy Aquino sa “tanim bala” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), dahilan ng pagka-wipeout ng mga kandidato ng Liberal Party sa halalan, na pinagwagian nina Rody Duterte.

Dito sa muling pagbaha ng iligal na droga, kapag hindi kaagad ito nasawata ng Marcos administration at nilaro ang isyu ng mga kalaban sa politika, malamang bumulusok ang tiwala ng masa kay PBBM at delikadong malaglag ang kanilang kandidato sa 2025 midterm election lalo na sa 2028 presidential derby kungsaan isa sa mga kadugo ng Marcos ang sinasabing kakasa.

Kamakailan nakasamsam ang PDEA, NBI at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ng 530 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P3.6 billion sa raid na ginawa sa isang warehouse sa Purok 5, San Jose Malino, Mexico City, Pampanga.

Ang naturang “basura” ay galing daw Thailand at dumating sa bansa Sept. 18 na idinaan sa Port of Subic. Gawa raw ito ng smugglers. Hindi tinukoy kung sinong demonyong smugglers ito. Bakit kaya?

Pero dapat ang kasuhan dito ay ang may-ari ng warehouse! Mukhang maimpluwensiya ang may-ari ng warehouse. Hmmm!!!

May mag-ina namang Singaporean ang nahulihan ng P76 million halaga ng cocaine sa NAIA nitong Huwebes.

Galing daw Dubai ang mag-ina pero dito sa Pilipinas tumuloy sa halip na sa kanilang bansa. Sino kaya ang katagpo ang mag-inang ito dito sa Pilipinas?

Ang batas ng Singapore laban sa illegal drugs ay BITAY! Sa Pilipinas ay LIFE imprisonment lang, VIP pa sa kulungan kapag makuwarta!

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

PATULOY ANG PAGPATAY NG RIDING-IN-TANDEM KAHIT NA MAY PNP CHECKPOINT! SAFE PA BA LUMABAS NG BAHAY CPNP GEN. ACORDA?

Pinagyabang ng Philippine National Police na 286 firearms na ang nakukumpiska ng mga pulis sa checkpoint operations simula nang ipatupad ang gun ban kaugnay ng Oct. 30 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.

Sa nasabing bilang, 273 ay small firearms at 13 ay light weapons. Pero hindi sinabi sa report kung ilan ang bilang nang nadakip na personalidad na lumabag sa gun ban.

Sinabi ng PNP na bina-validate pa nito ang siyam na hinihinalang election-related incidents  sa mga rehiyon ng Central Luzon, Bicol, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen at Caraga.

Dito madedetermina kung ang mga nasabing insidente o krimen ay maikokonsiderang ERIs.

Isa sa dalawang ERIs na kinumpirma ng PNP ay nangyari sa Libon, Albay. Ang biktimang si Alex Repato, reelectionist captain ng Barangay San Jose, ay pinagbabaril nang hindi kilalang salarin sa kanyang bahay noong Agosto 28 na unang araw ng paghahain ng certificate of candidacy.

May minamatyagan din ang PNP na apat na aktibong private armed groups  at 43 potensyal na PAGs.

Isa ang Pilipinas sa itinuturing na pinakamagulo kapag sumasapit ang halalan.

Kahit may gun ban ay kaliwa’t kanan ang nangyayaring patayan ng mga kandidato.

Bukod pa riyan ang mga pagpatay na hindi kaugnay sa darating na halalan.

Sa Pasay City kamakailan, isang babae ang pinagbabaril ng riding-in-tandem habang nakatayo at may kausap sa gilid ng kalsada.

Paano nakapagbibiyahe ang dalawang salarin gayong may gun ban.

Nakatakas din sila makaraan ang pamamaril. May chekcpoint ba na ginagawa ang mga pulis-Pasay? Kung may checkpoint sa nasabing lugar nang pinangyarihan ng krimen, nahuli sana ang mga salarin at nabigyan agad ng hustisya ang babaeng biktima.

Ang mga armadong pag-atake ay naiuulat halos araw-araw mula nang magkabisa ang gun ban, ang ilang kaso ay iniuugnay sa tunggalian sa BSKE. Maging ang mga kamakailang kaso ng road rage sa Metro Manila, sangkot ang sibilyan, pulis o dating pulis man, ay nangyari sa panahong bawal ang pagdadala ng baril.

Kung hindi mapipigilan ng mga awtoridad ang paglaganap ng mga baril sa panahong may gun ban, ano pa kung luwagan?

Ang bansa ay may masamang reputasyon sa talamak na nangyayaring patayan na kapag hindi nasawata ay tiyak na matatakot ang mga mamumuhuna at mga turista na magtungo sa Pilipinas.

Pag-ibayuhin at dagdagan ang mga checkpoint kung kinakailangan. ‘Yung totoong police checkpoint na naghahadlang sa mga kriminal na may balak gumawa ng masama at hindi checkpoint na papogi lang ni hepe para masabing sila ay gumaganap sa tungkulin.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

SERBISYO NG MGA TELCOS GRABE ANG PALPAK, PBBM KALAMPAGIN MO NAMAN ANG DICT AT NTC!

Hanggang sa ngayon puro kalbaryo ang inaabot ng mga subscribers ng mga Telco sa di nila masolusyonan ang palpak na serbisyo dahil di nila maayos-ayos ang internet connection sa bansa.

Aber, paano dadagsa ang foreign direct investment at matupad ang bilyon-bilyong dolyar na pledges na nakuha dati pa ni Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa ginawang state/official visit sa US, Japan, Indonesia, China at iba pa kung hindi maayos ang internet connectivity sa Pilipinas.

Kailangan na pakilusin na ngayon ni PBBM ang Department of Information and Communications Technology (DICT), National Telecommunications Commission (NTC) at pagsabihan niya ang mga Telcos partikular ang dalawang higanteng Globe at Smart na ayusin ang internet connectivity sa Pilipinas.

Bakit hanggang ngayon po PBBM walang aksyon ang DICT, NTC, Department of Justice (DoJ), Competition Commission? E hanggang ngayon ay di inaayos ng mga ito ang internet connection sa bansa, ano po ba ang problema?

Usad kuhol na, mahal pa ang internet natin at kulelat tayo sa matuling koneksiyon ng internet ng ibang bansa.

Sa 22 bansa sa Asia Pacific region, No. 1 ang Singapore, 122.43 Mbps; No. 2 Hong Kong, 102.96 Mbps; No. 3. Japan, 82.12 Mbps; No. 4. South Korea, 59.77 Mbps; No. 5. Macau, 50.66 Mbps; No. 6. Taiwan, 50.59 Mbps; No. 7 Thailand, 19.62 Mbps ….. (Mbps — millions of bit per second; megabits per second; megabytes per second).

Ang Pilipinas, top 21 sa 22 bansa sa “speed” na 3.64Mbps!

Susmaryosep, salamat, Smart Telecom, Globe telecom, at iba pang telecom kuno.

Sa sobrang “speed” at expensive ng internet connectivity, matuloy pa kaya ang ibang investment pledges kay PBBM ng mga umoong negosyante sa dinaluhang economic summit?

Tapos, “magnanakaw” pa ng load ang mga tinamaan ng lintek – kalo-load mo lang, isang tawag o text lang, ubos na agad!

Problema natin, No 3G, 4G LTE coverage or connectivity, kahit pa panay ang pangako ng mga telecom na kaya nilang bigyang serbisyo sa loob at labas ng Metro Manila.

Kaya ang mga negosyo, ang malaki ang nalulugi kasi, putol-putol ang koneksiyon sa mga katransaksiyon lalo na ang PLDT; nabobobo ang mga bata kasi, yung IPad, gadgets sa online learning, di magamit.

Maraming personal at opisyal na relasyon ang nawasak kasi, “poor connection,” “no coverage” pero tuloy ang paniningil kahit walang internet service.

Nagbabayad tayo nang mahal sa serbisyong di natin natatanggap, aba, ayon sa batas, ito ay ano – grand scale estafa at violation sa kanilang prangkisa!

PBBM, DoJ Sec. Boying Remulla, NTC, DICT mga bossing, ano na po, dekadang taon na kaming ineestapa ng mga telcom na yan.

Scam yang pakulong “Unlimited service” at walang kuwenta ang Fair Usage Policy aka FUP na anunsiyo ng mga telcos na pag naubos mo na ang data capacity, makakokonekta pa rin.

Dati ay nagwarning lang ang DOJ sa telcos na kakasuhan sa unfair practice ayon sa Consumer Act, may nakasuhan at naparusahan ba?

Daming expert sa telcos pero yung hacking e isang maunlad na “industriya” sumisira sa kredibilidad ng mga negosyo, tiwala ng taumbayan sa telcos na ikinatutuwa naman ng mga nakikinabang sa panloloko gamit ang internet, mga social media plaforms.

Ginagamit din sa krimeng Cyberbullying at paninira sa kapwa ang social media platform tulad ng Facebook , YouTube, Tiktok, Twitter at iba pa.

Mis at Dis-information ay laganap sa ating bansa, e tayong Pinoy, ayon sa pag-aaral ay top sa “social media addiction.”

Hindi naman per se, masama ito kung gagamitin sa tama, maayos na paraan at kung susundin ang tamang etika sa pakikipagkapwa-tao.

Kung sobra ang paggamit sa social media, apektado na ang pamilya.

Ginagamit din ang social media na lunsaran ng mga scammer, pornography, pananakot, mga impormasyong di-totoo at pagkakalat ng fake news, identity theft, hoaxes na nagbibigay ng matinding takot sa mga taong madaling mapaniwala sa kanilang nakikita at nababasa.

Nagagamit ang social media sa paghahasik ng binhi ng galit sa gobyerno kaya dapat maging masigasig ang gobyerno at mga ahensiyang ang mandato ay pigilan, arestuhin, kasuhan at parusahan ang mga terrorista sa internet at social media.

Marami ang nananakawan ng pera sa bangko, sa ATM at iba pa ng mga hacker, scammer gamit ang internet service at dito kulang ang kapasidad ng ating pamahalaan.

Sa krimeng gamit ang information technology, kulelat pa rin tayo, kaya kailangang kuhanin ng pamahalaan ang magagaling sa IT upang mabawasan at madakip ang mga scammer, hacker, fake social media sites, at online sextortion syndicates.

At eto ang nakakaiyak, kasi ayon sa pag-aaral, superbagal na nga, expensive na nga, 6 sa 10 Pinoy, wala pa ring internet connection.

E itong internet connectivity ay hindi na luho, hindi na kapritso, ito ay isa nang human rights ng bawat Pilipino.

Kaya po ang ating pakiusap kay PBBM, pakilusin naman nyo ang DICT, NTC, DOJ, Philippine Competition Commission, at ipataw na ang totoong batas ng Consumer Act sa mga greedy telcos na yan.

Kamal-kamal na bilyones na ang kinikita nyo sa aming subscribers, consumers, pero no. 21 tayo sa internet speed na 3.64 Mbps kumpara sa Singapore na mayroong top speed na 122.43 Mbps; HK, 102.96Mbps; Japan, 82.12 Mbps; South Korea, 59.77 Mbps!

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

SA MGA NAGDAANG PRESIDENTE SINO KAYA ANG HINAYUPAK NA TRAIDOR ANG NAKIPAG-KASUNDO SA CHINA TUNGKOL SA BRP SIERRA MADRE?

Iginigiit ng China na kanila ang Ayungin Shoal sa West Philippine Sea. Pinahahatak na nila ang nakabarang barko ng Armed Forces of the Philippines na BRP Sierra Sierra Madre sa lugar.

Ipinangako raw kasi sa kanila noon ng Pilipinas na aalisin ang naturang barko sa shoal. Pero hanggang ngayon ay nandoon parin daw ito.

Kung sinong presidente ng Pilipinas ang nangako sa China na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal ay hindi naman nito masabi.

Sinabi ng dating Presidential Spokesperson ni ex-President Gloria M. Arroyo na si Rigoberto Tiglao na si impeached at ex-convict President Joseph “Erap” Estrada ang nangako sa China na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Pero mariin na itinanggi ni Erap at ng kanyang mga anak na senador, sina Jinggoy at JV, na walang katotohanan, walang basehan at fake news ang isiniwalat ni Tiglao.

Inginuso ng Estrada na ang may kasalanan ng lahat ay si Gloria Arroyo na siyam na taon nanungkulang pangulo, matapos agawan ng halos tatlong taon sa kanyang termino si Erap na higit 2 years lang nanungkulan nang ito’y ma-impeach at ma-convict. Si Arroyo ng Vice President nang mapatalsik sa puwesto si Erap.

Mariin namang pinabulaanan ni Arroyo na siya ang nangako sa China na aalisin ang BRP Sierra Madre sa shoal.

Kung hindi sina Erap at Gloria ang nangako sa China na alisin ang naturang barko sa shoal, lalong hindi si late President Ninoy Aquino.

Dahil si Aquino ang nagkaso sa China sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), kungsaan nanalo ang Pilipinas, sinabing ang Spratly Islands partikular ang Ayungin Shoal ay nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Ang Ayungin Shoal ay 105 nautical miles west ng Palawan, pasok sa 200 nautical miles economic exclusive zone ng Pilipinas.

Kung hindi sina Erap, Gloria at Noynoy, hindi kaya si ex-President Rodrigo “Digong” Duterte?

Si Duterte ang tanging naging pangulo ng Pilipinas na halos walang pakialam sa pang-aabuso ng Chinese Coast Guards at China militia vessels sa Spratlys Islands.

Sa bawat reklamo ng mga Pinoy na mangingisda na hina-harass ng China Coast Guards sa West Philippine Sea ay dedma lang si Duterte.

Sinabi pa noon ni Duterte na ang pagkapanalo ng Pilipinas laban sa China sa UNCLOS ay kapirasong papel lamang!, ibig sabihin ay wala siyang “paki” sa naging desisyon ng UNCLOS?

Hindi naman puwedeng inguso na si Pangulong “Bongbong” Marcos ang nangako sa China na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Dahil sinabi mismo ni PBBM na hindi aalisin ang barko sa shoal dahil ang Ayungin ay pag-aari ng Pilipinas. Mismo!

Sinabi pa ni PBBM na ipaaayos niya ang BRP Sierra Madre na himpilan ng ating mga sundalo na nagbabantay sa ating karagatan sa WPS.

Nitong mga nagdaang araw ay nagawa nang makapagsuplay ng Philippine Coast Guard ng mga pangangailangan ng mga sundalo sa BRP Sierra Madre, matapos bombahin ng water cannon ng China Coast Guard noong Agosto 5.

Pinag-aaralan narin ng Pilipinas ang joint patrol na alok ng United States sa WPS para matigil na ang pangha-harass ng China militia vessels at China Coast Guard sa pinagtatalunang karagatan.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

INIREKLAMO SA OMBUDSMAN ANG ISANG BRGY. CHAIRMAN NG QUEZON CITY

Nuong taon 2016 nang magsimulang magtrabaho si Hernando Compendio bilang Barangay Public Safety Officer ng Barangay  Kaligayahan, Quezon City.

Nguni’t  noong Hunyo 2022, verbal na  pinagsabihan, walang notice o pabatid, na hindi na siya pinapasok ni Barangay Kaligayahan Chairman Alfredo Roxas matapos magkasakit o matapos mastroke ang una.

Ilang buwan ang lumipas ay naka-recover ito sa karamdaman kaya’t nakiusap si Compendio kay Roxas para payagan siyang muling makapagtrabaho  sa barangay.

Subalit hindi na siya tinanggap ng kabesa de barangay hanggang madiskubre niya na tinanggal nga siya sa trabaho subalit kasama pa rin ang pangalan niya sa listahan ng mga sumusweldong empleyado ng barangay Kaligayahan.

Sa kanyang pagsasaliksik, napag-alaman ni Compendio na ang kanyang pangalan ay kasama pa sa payroll ng nasbaing barangay mula Enero hanggang Disyembre, 2022.

At sa tulong na rin ng mga dokumento na nakalap sa QC City hall, nabatid na ang mga sangkot sa anomaly ay sina Roxas, Brgy Secretary Martha de Jesus at Treasurer Hersiree Santiago.

Kaya naman, nais ni Compendio na papanagutin ang mga ito dahil sila ang nagsabwatan sa pagtanggal sa kanya ng verbal subalit gamit pa rin ang pangalan niya sa pagtanggap ng sahod na dapat sana ay kanya dahil nais naman niyang pagpatuluan iyon ng sariling pawis.

Sa Personnel Schedule and Compensation ng Barangay Kaligayahan ani Compendio, ginamit ang kanyang pangalan upang makasingil ng P170,118 para sa taong 2023.

Mula nang ipinatigil ito ni Roxas sa trabaho bilang BPSO, ‘di na natanggap ang P11,500 kada buwan na suweldo mula Hunyo 2022 hanggang December 2022. Sa madaling salita, may kumukolekta nito pero hindi naman si Compendio.

Ang ginawa nina Roxas, De jesus at Santiago ay paglabag  sa Republic Act 2013 o Anti-graft law bukod pa sa salang falsification of documents  para makapanlinlang o makadaya sa kaban ng bayan.

Ang reklamo ni Compendio laban kay Roxas at dalawa pang barangay officials ay isinampa na noong Agosto 8  ngayong taon sa Office of the Ombudsman.

Nahahawig raw ang kaso nito sa isang sikat na QC councilor na nasintensyahan ng korte dahil sa paggamit ng kung kani-kaninong pangalan tapos siya ang kumukubra ng buwanang suweldo.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

CHAIRWOMAN SA MALABON CITY PINAIIMBESTIGAHAN SA DILG DAHIL SA MGA ANOMALYA!

Ilang dekada na ring namamayani ang pamilya Nolasco sa Barangay Potrero, ang pinakamalaking barangay sa Malabon City, dahil nasimulan ng kanilang ama ang maganda at maayos na pamumuno kaya pasalin-salin sa kanilang pamilya ang pagiging punong barangay.

Sa kasalukuyan, nakaupo bilang Punong Barangay si Sheryl Nolasco, ang anak nang napatay na dating Konsehal at naging Kabesa rin ng barangay sa Potrero na si Eddie Nolasco, na kailan man ay hindi natalo sa kanyang pagkandidato bilang barangay chairman.

Makulay ang naging buhay ng ama ni Sheryl dahil sa kabila ng kanyang mga nagawang mabuti sa kanilang barangay, dumami rin ang kanyang mga kaaway, lalo na sa politika, na hinihinalang motibo sa pagpaslang sa kanya noong Agosto 13, 2016.

Minsan na ring nasugatan sa ambus si Nolasco noong Nobyembre 16, 2013 nang pagbabarilin sa pinuntahan niyang lamay sa kanilang barangay subalit nagtago naman sa batas noong 2014 nang akusahan ng panghahalay sa isang 15-anyos na dalagita.

Sa kabila ng mga akusasyon laban sa pamilya Nolasco, nanatiling namamayagpag ang kanilang pamilya sa larangan ng politika dahil ang isa pang kapatid ni Chairwoman Sheryl ay nahalal din bilang konsehal habang kagawad naman ang isa pa niyang kapatid.

Ngayon, nakatuon naman kay Chairwoman ang balita dahil sa mga akusasyon laban sa kanya na nakatakdang imbestigahan mismo ng Sangguniang Panglungsod ng Malabon.

Mismong si Konsehal Dado Cunanan kasi ang naghain ng kahilingan sa Department of Interior and Local Government na imbestigahan si Nolasco sa mga akusasyon na ayon sa konsehal ng Malabon City ay may mga dokumento at salaysay mismo ng mga dating kasama ng chairmwoman.

Inakusahan si Nolasco nang paglalabas ng pondo ng barangay na nagkakahalaga ng P180,591.35 bilang pambayad sa pagpapagawa ng sasakyan ng isang Mylinn Arenillo na isang pribadong indibiduwal nang walang kaukulang resolusyon mula sa konseho ng barangay.

Nahuhumaling din umano si Nolasco sa pagsusugal sa Okada at gumagamit ng pekeng TIN number upang maitago ang kanyang pagiging opisyal ng barangay dahil mahigpit itong ipinagbabawal sa ilalim ng umiiral na batas.

Ang masakit pa, mismong ang sinasabing dating ka-relasyon ng chairwoman ang nagbunyag at gumawa ng sinumpaang salaysay sa pagsusugal ni Nolasco at siya ring nagbigay ng mga dokumento at resibo na patunay na nagwagi pa nga ng malaking halaga sa casino ang naturang opisyal ng barangay.

Bukod dito, ipinasisilip din ni Cunanan sa Sangguniang Panlungsod kung may travel authority si Nolasco nang magtungo  sila ng kanyang dating ka-relasyon sa Macau at China para lang umano magsugal.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

MERALCO PESTE NA SA BUHAY NG MGA PILIPINO! PBBM KUMILOS KA NAMAN HUWAG KANG TUTULOG-TULOG!

Kahit kailan ay talagang peste sa buhay, hindi maliwanag na buhay ang ibinibigay sa atin ng Meralco – na sa imbestigasyon ng Kongreso, uulitin ko dear readers ito po ay ATIN, sa gobyerno na po, pero ano ang ginawa ng nanay ni (+) PNoy?

Ibinalik sa pamilya Lopez nang walang bayad ni isang singkong duling, at ito ngayon ay nagkakamal ng daan-daang bilyong piso mula sa bulsa natin sa loob ng mahigit na 30 taon.

Opo, binili ng tatay ni Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. para sa gobyerno at naisalba sa pagkalugi, pero ngayon, tayong walang magawang consumer ang nalulugi sa kanilang supermahal na, madalas ay palpak pang serbisyo.

Halimbawa, itong sinisingil sa ating mahigit na 6% system loss na ipinapatong sa ating bayarin: ‘yung ninakaw na koryente ng mga nagkabit ng ‘jumper’ o nawala dahil sa bumagsak ang transformer gawa ng bagyo, aksidente o ano pa man, TAYO pong consumer ang nagbabayad.

Asan ang sentido komon: kumbaga sa restoran, yung kinain ng holdaper, ikaw pa rin ang magbabayad, sanabagan!

Sir, Pangulong Bongbong Marcos, Department of Energy, at mga taga-koryenteng boss ng Energy Regulatory Commission (ERC), ano na po ang ginagawa nyong tulong sa aming taxpayers na imbes na alisin ang system loss, noong 2008, itinaas pa sa 8.5% ang nakaw na elektrisidad na di namin ginamit, kami ang inyong pinagbabayad.

At parang magnanakaw sa dilim, itong mga anak ng tipaklong !Mercalco, kapalmuks na sinisingil ng aabot 10.2% ang residential at 14-15% ang mga commercial consumer mula 2010-2012.

Pabor sa Meralco at iba pang electric coop ang Epira Law of 2001 na ipinasa para raw sa kabutihan ng consumer at efficient electrical service, dapat na itong burahin o amyendahan.

Dahil sa pinutukan ng kulog na system loss na yan, tamad maghabol ng magnanakaw ng koryente ang Meralco; kaya mabagal magresponde sa pag-aayos ng mga sirang serbisyo, kasi ang nawawalang koryente, agad, mabilis pa sa kidlat na nababawi ng Meralco sa pagpapatong sa ating electric bill ng nawala sa kanila.

Hindi ko maintindihan ang utak ng ating gobyerno, ng ating mambabatas at iba pang opisyales ng pamahalaan na ‘yung ninakaw ni Kumag ay si Bugoy ang magbabayad at parurusahan.

Eh, isinasauli naman daw ng Meralco ang sobra o maling pagsingil sa atin, ganun ba, e bago isauli sa atin ang bilyon-bilyong ilegal na pagsingil, kinokontes pa sa korte at kungdi pa utusan ng Supreme Court, di pa isasauli ang “ninakaw” sa atin.

Ang masakit pa, halimbawa, nawalan ka ng trabaho, o naospital ka at nabaon sa utang sa ospital at hindi nakabayad, ay parang kidlat sa pagputol ng koryente ang Meralco – na pati ang billing, hindi natin alam kung tama o hindi.

Nasa tore ang kuntador ng bahay mo, aba, nasisipat nakikita ng tagabasa ang nakunsumo nating koryente na mas mataas sa ating ginamit.

Mga mandaraya at kung di mo kokontesin, wala, pag di mo binayaran, magkakandila o magdedegaas kang ilaw sa gabi.

Bakit pinapayagan na umiral ang batas na kontra sa mahihirap; bakit ang mga mambabatas natin e pakuyakuyakoy lang at sarap na sarap sa aircondition room at kuwarto nila sa Kongreso at Senado habang KAMI na nagpapasahod sa inyo ay nagpapawis ang singit, kuyukot sa init ng bayarin sa koryenteng hindi namin ginamit!

At ang gagaling ng Meralco sa pag-iisip ng dapat nating bayaran, tulad ng pag tumaas ang dolyar sa piso, tataas ang singil, pero pag tumaas ang piso sa dolyar, lalo pang mataas ang kanilang sinisingil sa kung ano-anong nakalagay sa ating electric bill na hindi naman naiintindihan ng tulad naming “bobo” sa pagkuwenta ng mga voltage capacity, delivery voltage, load density, salex mix, cost of service at kung ano-ano pang technical terms na pinapayagan ng DOE, ERC at ng Epira Law.

Pera-pera talaga ang labanan.

Kaya malakas ang loob ng mga may jumper, mga magnanakaw ng koryente, eh kasi wala namang masipag manghuli, kasi nga, bawi agad ng Meralco at ng mga electric coop ang nawawala sa kanila.

Sa ibang bansa, ay pag palpak ang serbisyo, nagpapadala ng “apology letter” ang gobyerno at ang kompanya ng koryente.

Sa atin, notice of disconnection ang matatanggap o at walang “sorry po” kasi palpak ang serbisyo ng tulad ng Meralco.

At ingatan mo nyo ang inyong resibo ng binayaran, itago, ipunin, kasi may mga loko sa mga branch ng Meralco na sisingilin ka sa mga buwan na bayad ka na.

Kasi sa computer daw nila, sasabihin, ganitong taon o buwan e, walang rekord na nagbayad ka.

Kapag wala kang naipakitang resibo, tapos ka na: putol ang koryente mo pag di mo binayaran ang “utang” mo na bayad naman kaya lang wala kang maipakitang resibo.

Kung maipakita mo na bayad ka, sasabihin, ay “Nakita na po sa koryente, nakabayad na pala kayo!”

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

NBI ANG KAISA-ISAHANG AHENSYA NA PINAGKAKATIWALAAN NG MAMAMAYAN NABABALOT NGAYON NG KONTROBERSIYA!

Hindi pa natatapos ang kontrobersiyal sa paglabas-masok ng nakakulong na drug suspect sa National Bureau of Investigation (NBI), meron na namang lumutang na kahiya-hiyang pangyayari.

Kumalat sa SocMed ang video nang nagsasayaw na babae na naka-bra at panty lamang sa ginanap na command conference ng NBI sa Diamond Hotel noong Hunyo 30.

Maharot ang pagsasayaw ng babae habang nakatingin ang mga tila natatakam na mga ahente ng NBI at mga panauhin. Pinagpistahan ang katawan ng babae. Hindi na nalaman kung ano pa ang ginawa ng babae maliban sa maharot na pagsasayaw.

Ang nangyari ay labis na ikinahiya ni NBI Director Medardo De Lemos. Humingi siya ng paumanhin sa nangyari. Hindi raw intensiyon ng NBI na makasakit ng damdamin ng kababaihan. Pinaiimbestigahan na umano niya ang nangyari. Gusto raw niyang matukoy kung sino ang nag-hire sa babae. Mananagot umano ito sa kahihiyang idinulot sa NBI. Sisibakin umano niya sa puwesto ang mapapatunayang nagkasala.

Ayon pa kay De Lemos, wala raw siya nang mangyari ang pagsasayaw ng babae. Umalis umano siya nang maaga dahil napagod sa dalawang araw na conference sa kanilang ahensya. Kung naroon daw siya ay baka hindi natuloy ang pagsasayaw ng babae.

Kasalukuyang nasa kontrobersiya ang NBI dahil sa drug suspect na si Jose Adrian Dera. Nakakulong sa NBI detention cell si Dera dahil sa kasong illegal na droga. Isa din siya sa kasamang akusado ni dating Senador Leila de Lima.

Ayon sa report, apat na beses lumabas sa selda kasama ang limang NBI guards. Kumain ito sa restawran ng isang hotel, nagtungo sa Tagaytay, Clark at Subic at dumadalaw sa bahay nito kasama ang isang babae.

Gaya ng sabi ni Director De Lemos, ukol sa pagsasayaw ng babae sa conference, nakakahiya raw ang nangyari. Ngayon ay iimbestigahan niya ang mga sariling tauhan kung paano nagkaroon ng babaing mananayaw sa conference. Iimbestigahan ng NBI ang sariling kabalbalan.

Mataas ang tingin ng mamamayan sa NBI pero ngayon na naglutangan ang mga hindi kanais-nais na aktibidad, madudungisan ang imahe nito kung hindi magkakaroon ng internal cleansing, maguguho ang tanggapang ito.

Sayang ang mga ginawa ng mga nagtatag at mga naging director ng NBI dahil sa nababalot ng kontrobersiya ngayon. Dapat simulan na ang pagpuksa sa mga “anay” sa NBI bago mahuli ang lahat nang ‘di matulad sa PNP na kaliwa’t-kanan ang anomaliya.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

PBBM ADMIN DAPAT PAGHANDAAN NA ANG HEAT WAVE, IBANG BANSA NAGKAKAMATAYAN NA ANG MGA TAO!

Nagkakamatayan na sa ibang bansa dahil sa init ng panahon o heat wave.

Sa Spain at Portugal lamang, may namatay nang 1,600 habang 100 naman sa India.

Nadadamay na rin ang ibang mga bansa sa Europa gaya ng England, France at Germany, sa United States at sa Asia.

Sa Spain at Portugal, lumampas na ang init ng panahon sa 40 degrees Celsius at sa India, 40-44 degrees naman.

Sa India, pinag-aaralan na kung may iba pang sakit ang mga namatay na tinamaan ng heat wave.

Lumilitaw na may diabetes at hypertension ang ilan sa mga namatay.

Pero sa heat wave, nakamamatay na talaga ang 40-44 degrees at kasama sa ikinamamatay ng mga biktima ang dehydration o kakulang ng tubig sa katawan.

Sa ngayon, napakarami na talagang bansa ang may babala sa heat wave.

Kasama rito ang mga bansang France, Germany, England.

Sa US naman, aabot sa 100 milyong mamamayan 32 estado ang binalaan sa init ng panahon na mula sa 38 degrees pataas..

Sa ilang lungsod gaya ng Oklahoma City at Magnum City, umaabot na sa 43-46 degrees ang init.

Sa iba pang mga bansa gaya ng Israel, sinasabing aabot sa 50 degrees habang magkakaroon din ng heat wave sa China sa darating na Agosto 2023.

Nitong Abril 16, umabot ang init sa 49 degrees sa Guiuan, Eastern Samar habang 48 degrees sa Butuan, Legazpi at San Jose, Occidental Mindoro.

Katapusan ng Abril, umabot ang init sa Guiuan sa 47 degrees; Butuan City, Agusan del Norte –  46 degrees; at Catarman sa Northern Samar, Legazpi City at Zamboanga City – 44 degrees.

Kapag inabot ng mga taga-Europa, US, China at maging ng India ang nasabing maiinit na temperatura sa mahal kong Pinas, tiyak na marami pang mamamatay sa kanila.

Ang bentahe lang sa Pinas, sanay tayo sa mainit na panahon kaya magpasalamat tayo na wala pang pesteng nagaganap sa atin.

Pero may mga nagkandahilo-hilo at naospital na nasa 83 estudyante sa init ng panahon sa Gulod National High School Extension, Cabuyao City, Laguna noong Marso 24, 2023 habang may ehersisyo sila laban sa lindol at sunog.

Mabilis namang sinuspinde ni Mayor Dennis Hain ang klase sa kanyang siyudad upang magawan ng paraan ang ligtas na pagpasok ng mga bata sa iskul.

Nito namang Mayo, sinabi ng Department of Education na pwedeng ibalik ang online at face-to-face schooling laban sa heat wave.

Hindi natin maiiwasan ang heat wave ngayon hanggang Marso 2024 lalo’t may halong El Niño.

Ano-ano pa kaya ang mga dapat nating gawin lalo na ang aministrasyon ni PBBM na siyang aasahan ng mamamayan sa ganitong delubyo?

Ating maipapayo sa ating kababayan ay uminom ng maraming tubig, magsombrero at magpayong, huminto muna ng trabaho sa bukid o sa mga konstruksyon at iba pa.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

NAG-UMPISA NA ANG BALASAHAN SA GABINETE NI MARCOS JR ADMIN!

Inumpisahan ni Pangulong Marcos ang pagpuno sa mga bakanteng puwesto sa Gabinete. Hinirang ng Pangulo si Gibo Teodoro bilang bagong kalihim ng Kagawaran ng Tanggulang bansa (DND) kapalit ni Carlito Galvez, Jr.. Itinalaga ng Pangulo si Dr. Teodoro Herbosa bilang kalihim ng DoH na nanatiling bakante mula nang matapos ang termino ni Rodrigo Duterte.

Hindi namin alam kung isusunod ng Pangulo ang pagpuno sa ibang bakanteng puwesto tulad ng Dept. of Agriculture. Ngunit nais namin na ilipat si Sara Duterte ng Department of Education (Deped) tungo sa ibang puwesto tulad ng NTF-ELCAC. Mas angkop siya sa NTF-ELCAC dahil mahilig siyang mang-away sa hindi totoong kaaway.

Maaari siyang italaga ng Pangulo bilang bagong sugo ng bansa sa Tsina. Bakante ang puwesto nang namatay sa sakit noong nakaraang taon si Chito Sto. Romana, dating sugo. Bagay siya sa naturang puwesto dahil kampi siya sa Tsina tulad ng kanyang ama. Uunlad ang relasyon ng dalawang bansa kahit kinakamkam ng Tsina ang ilang isla sa West Philippine Sea at ninanakaw ang yaman dagat ng bansa sa ating exclusive economic zone.

Hindi namin alam kung ano ang kapalaran ni Sara sa Gabinete. Hindi siya edukador; bahagya ang kanyang nalalaman sa larangan ng edukasyon. Masyadong malaki para sa kanya ang Deped upang hawakan niya ito. Hindi edukasyon ang linya ni Sara. Mas angkop siya sa mas maliit na trabaho o kagawaran. Hindi Deped na may pinakamalaking burukrasya sa bansa.

Naipangako ng Pangulo kay Gibo ang DND at nakatakdang umupo siya sa puwestong ito ngayong buwan. Hindi ito para kay Sara kahit magmakaawa siya sa Pangulo na nombrahan siya sa DND. Tiwala ang isyu dito na nakapaloob dito. Nakapaloob ang tiwala ng Pangulo kay Gibo imbes na kay Sara. Karapatan ng Pangulo sa ilalim ng Saligang Batas na piliin at ilagay ang sinumang kuwalipikado sa puwesto.

Sa DoH, hindi nakita ng Pangulo ang pangangailangan na muling nombrahan ang kontrobersyal na dating kalihim Francisco Duque III, Natapos ang kanyang termino nang natapos ang termino ng kanyang amo na si Rodrigo Duterte. Walang matwid si Duque sa DoH. Nakaladkad ang kanyang pangalan sa mga katiwalian sa loob ng DoH. Hindi siya nakabawi sa kahihiyan.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

MATAAS NA SINGIL NG KURYENTE AT KORAPSYON ANG PANGUNAHING DAHILAN KAYA AYAW MAMUHUNAN NG MGA DAYUHAN SA PINAS!

MaramiI ang nagagalit sa mga balitang galing sa Senado.

Nagagalit sila dahil sa sobrang mahal talaga ang kuryente sa Pilipinas at marami pang lugar ang hindi maayos ang suplay ng kuryente.

Nasa 12 taon na ang nakalipas, number 1 ang Pinas sa may pinakamahal na kuryente sa buong Asya mula Australia hanggang Japan.

Noong 2018, pangalawa naman at sa mga taong ito, pang-ilan naman kaya?

Ilan sa pinakahuling balita mula sa Senado na ang 99 porsyentong kita umano ng National Grid Corporation ay ipinamimigay nito sa mga stockholder bilang dibidendo nito ngunit halos wala namang ginagawa para mapabuti ang koneksyon ng mga kawad ng kuryente sa buong bansa.

Kasama rin ang paniningil ng NGCP sa mga kostumer ng panggastos sa mga proyekto kahit delayed na delayed naman ang pagtatapos ng mga ito.

Habang umiiral ang mahal na kuryente, panay ang awit ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga dayuhan na magtayo ng kanilang negosyo sa Pinas. At isa nga sa mga katangian ng Pinas ang pagkakaroon ng mga manggagawang magagaling na magsalita ng dayuhang wika na tiyak na pakikinabangan ng mga dayuhan, masisipag at matiisin, bukod sa medyo mababang sahod.

Pero bantulot ang maraming mamumuhunan dahil sa napakamahal na kuryente habang ang iba na nagtayo na sa Pinas, eh, lumilikas sa ibang bansa.

Kaya huwag na tayong magtaka na kakaunti ang gustong mamuhunan sa Pinas dahil ang dapat nilang kitain, eh, nilalamon lang ng mga kompanya ng kuryente.

Siyempre pa, iniiwasan ng mga mamuhunan ang korapsyon.

Hindi ka basta makapagtayo ng negosyo sa Pinas na hindi ka daraan sa sangkatutak na papeles para sa permit, prangkisa at iba pa na bawat pirma, may nakasahod na napakaruming kamay.

At kung nakagawa ka na ng produkto na ibibiyahe sa merkado, nandiyan din ang mga buwaya sa kalsada, kasama na ang mga depektibo o wala sa hulog na mga traffic light na ginagawang gatasan ng mga local government unit.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

MAS MAKABUBUTING BUWAGIN NA LANG ANG PDEG KAYSA ISALPAK ANG PNP-SAF!

Plano ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na i-deploy ang Special Action Force (SAF) sa PNP-Drug Enforcement Agency (PDEG).

Ayon kay Acorda, layunin niya na maging malinis ang PDEG makaraang madawit sa kontrobersiya ng lllegal drugs ang mga opisyal at miyembro nito. Kasalukuyang iniimbestigahan ng Senado ang mga pulis na dating naka-assign sa PDEG dahil sa 990 kilos ng shabu na nakumpiska sa dating pulis na si Rodolfo Mayo noong Oktubre 2022 sa Tondo, Maynila. Si Mayo ay dating nakatalaga sa PDEG.

Nagkaroon ng “coverup” sa nakumpiskang shabu na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon. Ang drug haul na ito ang pinakamalaki umano sa kasaysayan ng PNP at naging dahilan para ipag-utos ng DILG at dating PNP chief Rodolfo Azurin Jr. pagsumitehin ng “courtesy resignation” ang mga heneral at kolonel ng pambansang pulisya.

Aminado si Acorda na talagang marumi ang PDEG at dapat linisin. Pero bakit kailangang i-deploy niya rito ang SAF troopers para linisin ang PDEG. Sa palagay ba niya maibabangon ng SAF ang marungis na imahe ng PDEG?

 Ayon kay Acorda, malaki ang tiwala niya sa SAF. Sa pamamagitan daw ng SAF ay masosolusyunan ang problema sa PDEG. Tested na raw ang kasanayan at expertise ng mga miyembro ng SAF pagdating sa disiplina.

Noong Hulyo 2016, isang contingent ng SAF ang dineploy sa New Bilibid Prison (NBP) para mag-secure sa maximum-security compound. Nasa 500 SAF troopers ang nagmanman sa Building 14 na kinakukulungan ng convicted drug lords. Ang noon ay NCRPO chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar ang nag-utos sa deployment ng SAF sa NBP. Ang mga SAF ang suma­samsam at nagkukumpiska sa illegal drugs, alak, cell phone at iba pang kontrabando.

Noong Oktubre 2019, inalis ang SAF sa NBP. Ang dahilan, sangkot ang ilang miyembro ng SAF sa pagpapasok ng illegal na droga. Bigumbigo si dating PNP chief at ngayo’y senador Ronald dela Rosa sa nangyari. Sabi niya sa SAF troops na inalis sa NBP. 

“Mahirap masira ang institusyon natin. Bago pa masira, kung talagang totoo, we have to weed out kung sino man ang involved. Please don’t break my heart. Huwag ninyo akong biguin. Kung totoo, masakit man, I have to deal with you accordingly. Kapag kayo mismo ang gumawa nang masama, ako mismo ang magpapakulong sa inyo. Ako mismo ang kalaban ninyo.”

Ngayon ay balak namang ilagay ang SAF sa PDEG. Oops teka muna. Baka lalong malubog sa kontrober­siya ang PNP. Mas mabuting gawin ni Acorda, buwagin ang PDEG.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

PBBM HANDA NANG ITALAGA SA KANYANG GABINETE ANG MGA TALUNANG KANDIDATO NUONG 2022 ELECTION!

Nais ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. na isama sa kanyang gabinete ang mga natalong kandidato sa nakaraang eleksyon, pagkatapos ng one year election ban.

Marami naman talaga kasing matitinong kandidato ang hindi pinalad nitong nakaraang halalan dahil sa hindi sila ganun kasikat at kapos sa pambili ng boto. Mismo!

At para matupad ang kanilang mithiing makapaglingkod sa bayan, tamang bigyan sila ng pagkakataon sa pamamagitan ng kahit appointment.

Ayon sa aking source, ang mga posibleng maitalaga sa gabinete ni PBBM ay sina Atty. Alex Lopez, natalong kandidatong mayor sa Maynila; Atty Larry Gadon, natalong Senador; Jonathan dela Cruz, natalo sa pagka-kongresista; Gringo Honasan, kasalukuyang Senador; Willie Ong, natalong Vice President; Mar Roxas, dating Senador; Atty Harry Roque, dating spokesman ni ex-Pres. Rody Duterte; who else???

Balita ring sisibakin ang kasalukuyang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga. Hindi raw kasi ito epektibo sa kanyang posisyon. Oo nga!

Papalitan rin daw si Department of Communications and Technology (DICT) Sec. Ivan John Uy. Ibabalik si Honasan.

Sabi, lahat ng itinalaga noon ni Atty. Vic Rodriguez ay sisibakin!!!

Si Rodriguez ang dating Chief of Staff na naging Executive Secretary ni Pangulong Bongbong na tatlong buwan lang sa puwesto matapos sumabit sa pagpalusot ng “Sugar Order” at nagtalaga ng mga “kaibigan” nang walang bendisyon ni First Lady. Ehek!

Anyway, abangan natin ang nakatakdang sibakan blues sa kalagitnaan ng Mayo. 

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

CONGRATS SA BAGONG CPNP NA SI P/MAJ. GEN. BENJAMIN ACORDA!

It did’nt came as a surprise to us ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hirangin bilang bagong Philippine National Police (PNP) chief si Major General Benjamin Casuga Acorda Jr. a.k.a “The Humble Servant”!

Ang mabunying heneral ay nagsilbing hepe ng PNP Directorate for Intelligence prior to his appointment at miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Sambisig Class of 1991.

Marami sa mga kapwa opisyal ni Gen.Acorda ang saludo sa pagkakatalaga dito sa mamang heneral na kilala sa pagiging certified workaholic at responsible police officer.

Gaya ni outgoing PNP chief, General Rodolfo Azurin Jr, isang Ilocano, native of Ilocos Norte at ikalawang “appointee” ni PBBM bilang hepe ng PNP after being elected as president of the republic sa nakaraang May 9, 2022 national elections.

Si Acorda ang ika-29th na nahirang bilang PNP chief.

Ang labis na kahanga-hanga dito kay Gen. Acorda ay ang kanyang pagiging humble at low key person despite his remarkable achievements and accomplishments.

Mapagkumbaba at sadya napakabuting tao maging sa kanyang mga tauhan at kapwa opisyal.

Naging PNP Palawan Provincial Director si Acorda from 2014-2016, at naging Regional Director ng PNP-PRO10 sa Mindanao.

Gen. Acorda was also one of the officials who pioneered the creation of the PNP Anti-Cybercrime Group.

As an officer of the unit, he was among those recognized by China and Taiwan for launching a major anti-cybercrime operation in the country which led to the arrest of hundreds of Chinese and Taiwanese nationals involved in cyber-crimes.

Abroad, Acorda is a member of the United Nations Blue Helmets or police officers who have been deployed twice as members of the Philippine contingent in the UN peacekeeping operations in Haiti. He occupied a directorial position in the UN mission and supervised law enforcement officers from foreign countries like Jordan, China, Canada, Russia, Columbia, Nepal, Ghana and the United States.

Kaya kung sino man ang kukuwestiyon sa paghirang na ito ni PBBM sa isang simple, literally unknown and assuming police officer, baka nagkakamali kayo!

Actually, best choice itong si Acorda para sa top post ng pambansang kapulisan.

Hindi produkto ng media hype or publicity ito si Acorda.

Dugo at pawis ang naging puhunan ng mamang heneral para marating ang kanyang kinaroroonan niya ngayon.

He inched his way to the top through hardship, dedication and perseverance.

Tahimik lamang at mapagkumbabang tao.

Literal na nagtrabho nang tahimik at walang yabang.

Mabuhay ka Gen. Acorda and good luck, Sir.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

PBBM KELAN BA AAYUSIN NG ADMINISTRASYON MO ANG KAGAGUHAN NG MERALCO, DOE AT ERC?!

Madilim at hindi maliwanag na buhay ang ibinibigay sa atin ng Meralco na sa imbestigasyon ng Kongreso, ito po ay ATIN, sa gobyerno na po, pero ano ang ginawa ng nanay ni (+) PNoy?

Ibinalik sa pamilya Lopez nang walang bayad ni isang singkong duling, at ito ngayon ay nagkakamal ng daan-daang bilyong piso mula sa bulsa natin sa loob ng mahigit na 30 taon.

Opo, binili ng tatay ni Presidente Bongbong Marcos Jr. para sa gobyerno at naisalba sa pagkalugi, pero ngayon, tayong walang magawang consumer ang nalulugi sa kanilang supermahal na, madalas ay palpak pang serbisyo.

Example, itong sinisingil sa ating 6.46% system loss na ipinapatong sa ating bayarin: ‘yung ninakaw na koryente ng mga nagkabit ng ‘jumper’ o nawala dahil sa bumagsak ang transformer gawa ng bagyo, aksidente o ano pa man, TAYO pong consumer ang nagbabayad.

Asan ang sentido komon kumbaga sa restoran, yung kinain ng holdaper, ikaw pa rin ang magbabayad, kingkinang ‘yan!

Sir Energy Sec. Raphael ‘Popo’ Lotilla, at mga taga-koryenteng boss ng Energy Regulatory Commission (ERC), ano na po ang ginagawa nyong tulong sa aming taxpayers na imbes na alisin ang system loss, noong 2008, itinaas pa sa 8.5% ang nakaw na elektrisidad na di namin ginamit, kami ang inyong pinagbabayad.

At parang magnanakaw sa dilim, itong hinayupak na Mercalco, kapalmuks na sinisingil ng aabot 10.2% ang residential at 14-15% ang mga commercial consumer mula 2010-2012.

Pabor sa Meralco at iba pang electric coop ang Epira Law of 2001 na ipinasa para raw sa kabutihan ng consumer at efficient electrical service, eh ito ang dapat na burahin o amyendahan.

Dahil sa pinutukan ng kulog na system loss na yan, tamad maghabol ng magnanakaw ng koryente ang Meralco; kaya mabagal magresponde sa pag-aayos ng mga sirang serbisyo, kasi ang nawawalang koryente, agad, mabilis pa sa kidlat na nababawi ng Meralco sa pagpapatong sa ating electric bill ng nawala sa kanila.

Hindi ko maintindihan ang utak ng ating gobyerno, ng ating mambabatas at iba pang opisyales ng pamahalaan na ‘yung ninakaw ni Kumag ay si Bugoy ang magbabayad at parurusahan.

E, isinasauli naman daw ng Meralco ang sobra o maling pagsingil sa atin, ganun ba, e bago isauli sa atin ang bilyon-bilyong ilegal na pagsingil, kinokontes pa sa korte at kungdi pa utusan ng Supreme Court, di pa isasauli ang “ninakaw” sa atin.

Ang masakit pa, halimbawa, nawalan ka ng trabaho, o naospital ka at nabaon sa utang sa ospital at hindi nakabayad, ay parang kidlat sa pagputol ng koryente ang Meralco na pati ang billing, hindi natin alam kung tama o hindi.

Nasa tore ang kuntador ng bahay mo, aba, nasisipat nakikita ng tagabasa ang nakunsumo nating koryente na mas mataas sa ating ginamit.

Mga mandaraya at kung di mo kokontesin, wala, pag di mo binayaran, magkakandila o magdedegaas kang ilaw sa gabi.

Bakit pinapayagan na umiral ang batas na kontra sa mahihirap; bakit ang mga mambabatas natin e pakuyakuyakoy lang at sarap na sarap sa aircondition room at kuwarto nila sa Kongreso at Senado habang KAMI na nagpapasahod sa inyo ay nagpapawis ang singit, kuyukot sa init ng bayarin sa koryenteng hindi namin ginamit!

At ang gagaling ng Meralco sa pag-iisip ng dapat nating bayaran, tulad ng pag tumaas ang dolyar sa piso, tataas ang singil, pero pag tumaas ang piso sa dolyar, lalo pang mataas ang kanilang sinisingil sa kung ano-anong nakalagay sa ating electric bill na hindi naman naiintindihan ng tulad naming “bobo” sa pagkuwenta ng mga voltage capacity, delivery voltage, load density, salex mix, cost of service at kung ano-ano pang technical terms na pinapayagan ng DOE, ERC at ng Epira Law.

Kaya malakas ang loob ng mga may jumper, mga magnanakaw ng koryente, eh kasi wala namang masipag manghuli, kasi nga, bawi agad ng Meralco at ng mga electric coop ang nawawala sa kanila.

Sa ibang bansa, ay pag palpak ang serbisyo, nagpapadala ng “apology letter” ang gobyerno at ang kompanya ng koryente.

Sa atin, notice of disconnection ang matatanggap o at walang “sorry po” kasi palpak ang serbisyo ng tulad ng Meralco.

At ingatan nyo ang inyong resibo ng binayaran, itago, ipunin, kasi may mga loko sa mga branch ng Meralco na sisingilin ka sa mga buwan na bayad ka na.

Kasi sa computer daw nila, sasabihin, ganitong taon o buwan e, walang rekord na nagbayad ka.

Kapag wala kang naipakitang resibo, tapos ka na: putol ang koryente mo pag di mo binayaran ang “utang” mo na bayad naman kaya lang wala kang maipakitang resibo.

Kung maipakita mo na bayad ka, sasabihin, ay “Nakita na po sa koryente, nakabayad na pala kayo!”

King-kina talaga!

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

PAGHAHARI-HARIAN NG MGA TEVES SA NEGROS ORIENTAL NABIBILANG NA ANG ORAS!

Hindi na tinatantanan ng imbestigasyon ng gobyerno ang naghaharing Teves sa Negros Oriental.

Naalala ko tuloy ang Parojinog sa Ozamis at Ampatuan sa Maguindanao na kapwa untouchables hanggang dumating ang masamang karma sa kanila, mga nawala sa puwesto at nakulong pa.

Ang mga nabanggit na pamilya ay parehong warlords at inakusahan ding drug lords. Mga kinatatakutan sila sa kanilang probinsiya. Kayang kaya nilang manipulahin pati eleksyon!

Pero ang lahat ay may katapusan. Oo! Totoo ang sinasabing walang forever sa power, lalo kung galing sa masama ang pagyaman at pagluklok sa kapangyarihan. Mismo!

Nitong Sabado ng gabi, ni-raid ng pulisya ang tahanan ng minsa’y Negros Oriental Governor Henry Preyde Teves, utol ni Representative (Congressman) Arnulfo Teves na itinuturo namang utak ng pagpatay kay Governor Roel Degamo, sa bayan ng Sta. Catalina.

Gumamit pa ng backhoe ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para hukayin ang pinagtaguan ng mga armas (mga pampasabog, baril at bala) ni Henry Pryde.

Kung paano nalaman ang pinagtaguan ng mga armas ni Henry Pryde? Itinuro ng isa sa mga naarestong suspek sa pagpatay kay Gov. Degamo. Na-ahas siya ng kanilang hitman.

Sa ebidensiyang ito, mukhang malabo itong malulusutan ng mag-utol na politikong Teves. Dahil hindi mahuhukay ang mga armas na ito kung walang direktang alam ang nagturo. Mismo!

Posibleng ang sunod na mahuhukay ng mga awtoridad ay ang mga pinapatay ng kampo ni Teves.

Oo! Kamakailan ay ibinunyag ng biyuda ni Gov. Degamo na si Pamplona mayor Janice Degamo na nasa 30 na ang pinapatay ng kampo ni Teves, bago ang karumal-dumal na pagmasaker kay Gov. Degamo at walong sibilyan sa sarili nilang tahanan sa Pamplona.

Sabi ng isang pinsang mayor ni Degamo, isa rin siya sa “hit list” ng kampo ni Teves. Ilang beses narin aniyang may mga umaali-aligid sa kanyang tahanan, bago pa ang paglikida kay Gov. Degamo.

Siyam pang mayor sa Negros Oriental kasama ni Mayor Degamo ang pumunta kina Justice Secretary “Boying” Remulla at DILG Sec. Benjur Abalos, Jr. para i-report ang gulo ng politika at mga pagpatay sa kanilang probinsiya. Ang kampo ni Teves ang kanilang itinuturong mga salarin!

Bagama’t itinanggi ni Rep. Teves na sangkot siya sa pagpatay kay Gov. Degamo, inginunguso naman siya ng mga naarestong salarin bilang “utak” ng asasinasyon sa gobernador.

Si Rep. Teves ay can’t be reached na, matapos lumabas ng Amerika kungsaan ito nagpagamot bago pa ang pagpatay kay Degamo. May lumabas na ulat na nasa Cambodia ito, kinakanlong daw ng kaibigang “drug lord”, post sa Facebook ng beteranong kolumnistang si Ramon Tulfo.

Wala pa namang arrest warrant si Rep. Teves. At malabong bumalik pa ito ng Pilipinas.

Tungkol naman sa utol niyang si ex-Gov. Teves, sa pagkahukay sa mga nakatagong armas sa kanyang bakuran, malabo niya itong malusutan sa batas. Hindi niya puwedeng sabihin na wala siyang alam dito, hindi kanya ito, dahil sa ngalan na sa loob mismo ng bakuran niya ito nahukay, may pananagutan siya rito. Malamang na mabulok siya sa bilangguan tulad ng mga Ampatuan at nalalabing miyembro ng pamilya Parojinog na binuwag naman ng nakaraang dalawang administrasyon.

Kaya sa mga politiko dyan na ubod ng gahaman sa kapangyarihan at naghahari sa probinsiya, magpakabuti na kayo dahil ang masamang karma ay hindi matatakasan. Kung napaglalaruan nyo man ang batas, ang tadhana ang kakalos sa inyo.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

NAPASOK TULOY ANG SENADO NG MGA BOPOL AT TOLONGES NANG DAHIL SA MGA BOTANTENG BUGOK!

Kung ang Senado noon ay binubuo ng pinakamahuhusay na mga mambabatas, ngayon ito’y binubuo ng karamihan ay Bopol at Tolonges!

Alam nyo ba na sa 24 Senador ng Republika ng Pilipinas, binubuo ito ng mag-ina, mag-ate, magkapatid sa labas, may high school graduates, may high school dropout, may convicted at ex-convicts, may actions stars at marami ang may kaso ng katiwalian!

Ito ang dahilan kung kaya’t kapag nagkaroon ng mga Senate investigation ay halos walang napapala ang mamamayang Pinoy at walang pinatutunguhan ang imbestigasyon, waste of taxpayers money.

Mantakin mong makakarinig ka ng Senador na nagsasabing: “Kapag hindi naamyendahan ang 1987 Constitution, magbibitiw ako sa puwesto.” Nanakot! Akala mo’y hari na siya ang masusunod. Anong paki ng mga mamamayan kung magbitiw siya? Mabuti ngang magbitiw siya para mabawasan ang Bopol sa Senado!

Sabi niya, ang gusto niya lamang mabago sa ating Constitution ay “economic provisions” para raw hindi na magtaasan ang mga bilihin at hindi puros import ang nangyayari sa bansa. Talaga lang ha!

Eh ano itong binanggit niya sa isang pagdinig ng Senado sa Cebu tungkol sa Charter Change: “Siguro kung nagawa natin ang Con-Con noon, siya (dating Pangulo Rodrigo Duterte) pa ang pangulo ngayon. Sayang!!!”

Nasasalamin ko sa sinabing ito ng Bopol na Senador na hindi talaga economic provisions ang gusto niyang retokehin sa ating Saligang Batas kundi ang pagpapalawig sa termino ng mga politiko partikular ang presidente!

Reaksiyon naman ng isa pang bopol at tolonges na Senador kaugnay ng pag-isyu ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa pangulo ng Russia na si Vladimir Putin dahil sa kasong pagpupumilit ng huli na hakutin sa Russia ang mga kabataan mula sa ginigiyera niyang Ukraine: “Sino ang aaresto kay Putin sa Russia? Magagawa ba iyon ng ICC sa presidente ng Russia? Giyera yun kapag inaresto si Putin.”

Totoo…si Putin ay maaring hindi maaresto sa sarili niyang bansa. Una, hindi miyembro ng ICC ang Russia. Pero kapag hindi na presidente si Putin at lumabas siya ng Russia, tiyak dadakpin siya lalo kung sa bansang miyembro ng ICC siya magpunta.

Sabi pa ng tolonges na Senador, na may kinakaharap na kaso sa ICC kasama ang dating Presidente Duterte, kapag sila ay inisyuhan din ng arrest warrant, “giyera yan!”

“Wala akong problema dyan. As I have said, whatever they want to do, they can do. Ang tanong nga lang… sino mag-iimplimenta? Kung papasok sila rito para hulihin, sino manghuhuli? Ibang nasyunalidad, eh malaking giyera yan…at makipaggiyera security forcers natin dito kung papasok sila. Hindi sila welcome by our government.”

Parang gusto palabasin dito ng Senador na ito na untouchable sila, kahit batas pa ang nag-uutos na dakpin sila. Nakalimutan n’ya yata na ang PNP at AFP ay sa Konstitusyon nanumpa ng katapatan sa tungkulin, hindi sa politikong may termimo pasuweldo ng mamamayan.

Si Senador at kanyang amo ay kinasuhan sa ICC dahil sa mga pinagpapatay nila sa “selective” war on drugs noong panahon nila sa Malacañang.

Sabi naman ng netizen na si Rosemarie Arroyo: Ang may kasalanan ng pagkaluklok ng mga bopol at tolonges na mga senador ay ang botante. Mismo!

Kung ang mga senador na ito ay bopol at tolonges, mas bugok ang mga naghalal sa kanila.

Mas marami parin kasi sa ating mga kababayan ang mangmang sa paghalal ng mga kandidato, nagpapaniwala kasi sa angas at mga buladas na walang saysay.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

MATIBAY KAYA ANG MGA BINITIWANG SALAYSAY NG MGA SUSPECT TURNED STATE WITNESS SA GOV. DEGAMO SLAY? MAY HUSTISYA KAYANG MAKAMIT ANG MGA BIKTIMA? 

Sinubaybayan natin ang mga pagpatay, partikular ang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Kung hindi maingat ang mga prosecutor o piskal sa pinagsasabi ng mga saksi at kung hindi mahuli ang ilan pang mahahalagang suspek, baka malagay sa alanganin ang katarungan at mapawalang-sala, lalo na ang mga utak ng krimen.

Isang mahalagang usapin dito ang salaysay ng mga killer, partikular si Joric Labrador.

Sabi ni Labrador, isang Cong. Teves ang pinagmulan ng utos at nang tanungin niya ang lupa at safehouse at lupa, Teves pa rin ang isinagot sa kanya.

Ngayon, dalawa ang congresman na Teves: Sina nakaupong Cong. Arnolfo “Arnie” Teves at kapatid niyang si ex-Cong. Pride Henry Teves.

Maliban lang kung may sabwatan, sino sa magkapatid ang tinutukoy ni Labrador na Teves?

Problema rin ang pag-amin ni Labrador na hindi niya nakausap mismo ang Teves na “nag-utos” sa kanila para pumatay.

Isa pang mahalagang saksi ang isang Marvin na nag-hire umano kina Labrador at Benjie Rodriguez.

Itong si Marvin, kung ganoon, ang tulay sa pagitan ng mga nag-utos ng pagpatay at mga hired killer.

Nasaan itong si Marvin? Nahuli na ba at nagtapat na ba kung sino sa mga Teves ang nag-utos sa kanya para mangalap ng mga killer?

Isa pa, ano-ano naman ang pinagsasabi ng dalawa pang nahuling suspek na kasama ni Labrador sa pagpatay?

Hindi kaya katulad din nila, si Labrador na nagsabi na hindi niya  personal na nakausap na Teves na nag-utos nang pagpatay?

Kapag magmintis ang mga piskal sa pagtukoy nang buong katiyakan sa mga utak ng krimen, makalalaya ang mga ito at tanging ang mga killer lang na nahuli ang maparurusahan sa pagpatay.

Dapat na may kinalaman o nauugnay, mahalaga at tanggap ng hukuman ang mga ebidensyang hawak ng mga piskal upang mapatunayang wala na anomang pagdududa na guilty ang makakasuhang utak ng krimen.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

DAPAT NA ECONOMIC SABOTAGE ANG KASONG ISAMPA SA MGA DEMONYONG SMUGGLERS, HOARDERS AT PROFITEERS!

Paano nga ba masusugpo o mababawasan ang smuggling na sa totoo lang, ito ay isang napakabigat na trabaho na ilang task force na ang naitayo, pero bahagya lang natigil pero sa katagalan, naging mas mabagsik pa sa dati.

Tinangka itong sugpuin sa panahon ni Pres. Cory Aquino nang itayo niya ang Economic Intelligence and Investigation Bureau (EIIB) na ang naging trabaho ay kumalap ng impormasyon at mag-imbestiga sa smuggling.

Sa simula, okay ang naging trabaho ng mga namuno nito na ipinagpatuloy sa panahon ni Pres. Fidel V. Ramos.

Nagpatuloy ang trabaho ng EIIB na marami sa kargamentong nakalusot sa Bureau of Customs (BoC)  legal man ang papeles ng mga iyon ay minatyagan at muling binusisi ang operasyon ng mga hinihinalang smuggler at mga kasabwat sa BoC.

Sentido kumon lang Kabayan kung walang kakuntsaba ang tiwali sa loob ng Customs, at iba pang ahensiya ng gobyerno, tiyak walang ilegal na produkto at kargamentong maipupuslit.

Numero unong ugat ay sabwatan kapalit ng malaking halaga ng salapi kaya nailulusot, napapalusot ang smuggled goods.

Sabwatan din na kapalit ang milyon-milyong salapi kaya ang mga kaso laban sa mga kontrabandista /ilegalista kahit naisampa na sa korte, nababalewala dahil nawala ang mga ebidensiya o kaya, may nangyaring “mahika” sa kaso.

Kaya sa panahon ni Pres. Joseph Estrada, binuwag ang EIIB sa bintang na kasabwat na rin ng mga smuggler ang ilang opisyal nito, at ipinalit ay isang Anti-Smuggling Task Force na hindi na natin nalaman kung naging epektibo bunga ng nangyaring Edsa Dos.

Dumating at umalis sina Pres. Gloria Macapagal-Arroyo at Pres. Noynoy Aquino, nagkaroon din ng maraming anti-smuggling task fiorce, nagkaroon ng maraming imbestigasyon sa Kamara at Senado, may natukoy na mga pangalan, mga magkakasabwat at may mga kinasuhan.

Pero walang gaanong report kung ano ang nangyari sa mga taong gobyerno na kasangkot at kinasuhan sa korte.

Eskandalo ang mga paratang na mismong hepe ng Customs at matataas na opisyal nito ang kung hindi pabaya at may kinalaman sa malalaking bulto ng ismagling, hindi lang ng produktong agrikultura kungdi bilyon-bilyong pisong halaga ng shabu at iba pang nakababaliw at nakamamatay na ilegal na droga.

May mga nagbitiw na Customs Commissioner at pinalitan sila at iba pang matataas na opisyal ng Aduana sa panahon ni Pres. Rodrigo Duterte, pero hindi rin nasugpo ang ismagling.

Eto tayo ngayon sa panahon ni Pres. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na sa nakaraang imbestigasyon ng Senado at ng Kamara, nakagugulat na mga dating pangalan ang lumutang sa ismagling ng sibuyas at bawang at iba pang agri products.

Batay sa rekord ng Kamara, lumutang ang pangalan ni alyas Leah Cruz na kilala sa tawag na “Mrs. Sibuyas” na noong 2015 ay siya ring itinurong smuggler queen.

Kinasuhan na sa korte si Cruz at iba pa pero walang balita kung ano na ang nangyari sa mga kasong naisampa.

May report ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ni Cruz pero wala nang ingay ang tungkol sa mga ebidensiyang hawak ng ahensiyang ito.


Kasalukuyan, sa pag-upo ni Customs Commissioner Bienvenido ‘Bien’ Rubio, masigla, matindi ang kilos ng ahensiya laban sa ismagling at katiwalian.

Sa ilang araw na pag-upo ni Comm. Rubio, marami ang nasabat na kontrabando at may mga kakasuhan na, at bunga nito, nagpahayag ng pagtitiwala sina Sen. Joseph Victor ‘JV’ Gomez Ejercito at Sen. Jinggoy Ejercito Estrada na paiigtingin pa ang kampanya laban sa mga kontrabandista.

Nito lang isang araw, Php171 milyong ipinuslit na red, white onions, carrot mula sa China ang di nakalusot sa matang agila ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS)  Manila International Container Port (MICP).

Lintik, mula na naman sa China ang ipinuslit na kargamento at tiyak, di mangyayari iyon kung walang kasabwat sa loob ng Customs, sa Bureau of Plant Industry (BPI) at sa Department of Agriculture (DA).

Upang masuportahan si Comm. Rubio, nagmungkahi ang Senado na magtayo si PBBM ng Agricultural Smuggling Task Force at ang Supreme Court naman ay iminungkahing magbuo ng isang Anti-Agricultural Smuggling Court.

Sabi ni Sen,. Cynthia Villar, kailangan ang anti-smuggling TF at special anti-agricultural smuggling court para maging brasong dudurog sa mga smugglers, profiteers at hoarders.

Economic Sabotage ang smuggling, hoarding at price manipulation na siyempre, malakas ang loob dahil sa mga kasapakat sa loob ng gobyerno, bukod sa daan-daang milyong salapi na magagamit nila para isalba ang kanilang sarili at makapanuhol upang mabaluktot ang batas.

Kaya tama na magbuo ang Department of Jusctice (DoJ) ng mga batikang tropa ng prosecutor na tutulong sa task force sa pag-uusig sa mga tiwali sa loob at labas ng gobyerno.

Tama rin ang plano ni PBBM na itodo na ang suporta sa agri sector para maparami, mapasigla at bukod sa mapalakas ang ani nang hindi na tayo umasa sa importation.

Yang Department of Trade and Industry (DTI) at Philippine Competition Commission (PCC) ay dapat ding tumulong upang laging nakasubaybay sa pagtatago ng produkto at manipulasyon ng presyo sa pamamagitan ng paglikha ng artificial shortage.

Kung maparurusahan ang mga ismagler, mga kasabwat na tiwali sa gobyerno, mapasisigla ang ating agri farmers na magpursigeng doblehin ang kanilang ani nang mangyari na ang nais na food security.

Dapat walang awa na ang maging trato sa ismagler, at sa mga sindikato, panawagan ni Sen. Villar.

At may mungkahi na gawing awtomatiko na kasong smuggling o kasong economic sabotage ang misdeclaration, devaluation at iba pang palusot ng mga importer.

Nais ni Sen. JV Ejercito na amyendahan ang RA 10845, at lumikha ang Inter-Agency Council on Economic Intelligence na uusig sa ismagler, kasama rito ang BoC, DoJ, NBI, DA, Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), PCC, National Security Council and National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Sa batas na nais ni Sen. JV, economic sabotage ang hoarding, profiteering, mga cartel ng asukal, mais, lahat ng agri products, karne ng baboy at manok, isda at iba pang angkat na pagkain.

Naniniwala naman si Sen. Jinggoy na sa husay ni Comm. Rubio na dating director BoC’s Port Operations Service (sa ilalim ng Assessment and Operations Coordinating Group) magagampanan nito nang maayos ang kampanya laban sa ismagling.

“I hope Commissioner Rubio will be able to guard our ports effectively against agricultural smuggling,” ani Sen. Estrada.

Sa kabilang banda ayon sa bata ni Mang Kanor na nagtratrabaho sa BOC at ayaw ipabangit ang pagkikilanlan para sa kanyang kaligyasan at seguridad na  hangga’t nakapwesto ang isang alyas Bentot at Sandy mukhang suntok sa buwan na malilinis ang Customs at ayon pa sa insider na close na close sina Bentot at Sandy sa bagong nakaupong Commissioner. Ngak! Mukhang mapapahiya yun 2 politiko pag nagkataon.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

MAWAWALA ANG KURYENTE, MGA GIBANG OSPITAL AT WALANG INTERNET KAPAG TUMAMA SA PINAS ANG THE BIG ONE!  

Naisip ba ninyo na kung may malakas na lindol, nagigiba ang mga ospital, may malawakang blackout at walang internet?

Paano ang libo-libong sugatan na dapat itakbo sa ospital kung giba ang mga ospital?

Paano ka makatatawag ng ayudang pang-emergency kung hindi gagana ang mga cellphone at iba pang gadget dahil sa blackout at kawalan ng internet?

Pero hindi lang ito, mga Kabayan, ang problema.

Mababarahan ang mga kalsada ng mga nagibang gusali na may laman pang mga tao na kailangan munang i-rescue at hindi basta susuyurin ng buldoser para makatakbo ang mga ambulansya, trak ng bumbero, pulis, military at iba pang gagawa ng mga search and rescue operations.

Hindi rin madali ang pag-iipon ng mga bangkay, irekord ang mga ito, saka ilibing sa pupwedeng paglibingan.

Paano rin kung gabi magaganap ang lindol at maitaon na tag-ulan na nagpapahirap sa mga search and rescue group sa pagkalkal sa mga gusali para iligtas ang mga naipit sa loob ng mga gusali?

Ang mga pwersa ng United Nations mismo ay hirap  makapunta sa lugar dahil sa pagkasira ng mga kalsada, tulay at airport.

Problema rin ang mga makikipag-text at magpapadala ng mga video mula sa mga gibang gusali na kanilang kinalalagyan sa pag-asang mahanap at mailigtas sila.

Ang kalagayang binanggit natin sa itaas ang naganap at nagaganap sa mga bansang Turkey at Syria na tinamaan ng lindol na magnitude 7.8 at kasinglakas ng lindol na tumama sa atin, sa Baguio City, Cabanatuan City, Central Luzon at pati  Metro Manila noong Hulyo 16, 1990.

Nagising ang lindol makaraan ang 200 taong pamamahinga nito.

Libo-libo na ang patay at mahigit 77,000 nang sugatan mula sa 23 milyong apektado.

Ngayon naman, mga Kabayan, pumunta tayo sa The Big One na magnitude 7.2 na hinihintay nating maaaring mangyari anomang araw ngayon makaraang gumalaw ito ng apat na beses sa nakalipas na 1,400 taon.

Kada 400 taon gumagalaw ito na tinatawag ding West Valley Fault mula sa Norzagaray, Bulacan hanggang sa Laguna at Cavite ngunit daraan sa pagitan ng Metro Manila Laguna de Bay.

Pinakahuling paggalaw nito noong 1658 o mahigit nang 365 taon at kaya maaaring gagalaw na ito anomang araw ngayon.

Maaari umanong may mamatay agad na 40,000-50,000 at  masusugatang mahigit sa 100,000, ngunit hindi kasali rito ang posibleng malunod sa 30 metrong taas ng tubig sakaling magiba ang Angat dam na nasa Bulacan.

Angat dam ang nagsusuplay ng nasa 90% tubig-inumin para sa Metro Manila.

Ano Kabayan nakahanda ka na ba sa The Big One?

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

TINAGURIANG MOTORCYCLE PAY-PARKING CAPITAL OF THE PHILIPPINES ANG MAYNILA!

Dahil sa dami ng mga lugar na pinagpaparkingan ng mga motorsiklo, tinagurian na motorcycle pay parking capital of the Philippines ang lungsod ng Maynila.

Sa kauna-unahang pagkakataon, binansagan ang nasabing lungsod ng maraming motorista at ilan eksperto dahil sa kabi-kabilang pay parking slot ng mga motorsiklo.

Sa mismong city hall ng Maynila ay puno ng mga parking slot ng mga motor ang likuran, tagiliran at gitna maliban sa harapan nito na nananatiling malinis dahil masyado ng sukdulan kung may makikita pa ring mga naka-paradang motor dito.

Lahat ng mga Plaza partikular na ang Plaza Miranda at Plaza Sta. Cruz ay tatlong hilera ang parking slot ng mga motor na halos wala ng madaanan ang ibang sasakyan at pedestrian.

Maging ang mga mall man ay ganito rin eksena ang inyong makikita lalo na sa mga lugar ng Divisoria at mga sikat na mall tulad ng SM na nasa nasabing lungsod.

Nawala na nga ang mga vendor sa mga nasabing lugar dahil napalitan na ang mga pwesto nito ng paradahan ng mga motor na kung saan mas triple naman ang kinikita sa loob lamang ng 3-6 na oras.

Mahusay at tuso anila ang nakaisip ng istilong ito dahil kung mga vendor nga naman ang nakapwesto dito ay maghapon at mag-damag itong nandito sa halagang P20-P30 at mas malaki pa ang nakokonsumong lugar.

Samantalang kung motor nga naman ang nakaparada ay payat ang halagang P50 sa loob lang ng tatlong oras at siguradong may paparada na namang isa hanggang apat na motor sa loob ng isang araw.

Ang mga parking slot na ito ay pinamamahalaan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na maaaring kasosyo ang Department of Public Safety (DPS) at Metro Manila Development Administration (MMDA) na may author ng Mabuhay Road na kailangan daw palaging maluwag sa trapiko he… he… he… Weh, talaga?!!

May mga Chairman din daw na mula pa sa iba’t-ibang barangay ang nakikinabang dito at siguradong nag-kakaroon din kung kaya’t may mga sariling mga kubol ang mga ito partikular na sa Quiapo, Sta. Cruz, CM Recto Avenue at sa buong lugar ng Divisoria.

Pera-pera lang daw at pwera damdamin ang battlecry ng mga grupong ito…trabaho lang at kesehoda ang sinumang masasagasaaan.

Sa karkulasyon ng marami, milyon sa loob ng isang araw ang kinikita ng mga parking slot na ito at pinani-niwalaan ding may kota ito itong dapat masunod.

Pasok kaya sa loob ng kaban ng lungsod ng Maynila ang kinikita at nalilikom na pera ng mga ito o’ baka naman sa bulsa lang ng ilan taong malapit sa administrasyon ni Mayora Honey Lacuna.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

KORAPSYON AT BULOK NA SISTEMA NG HUSTISYA ANG UGAT NG TALAMAK NA SMUGGLING SA PINAS!

Kaya hindi matigil-tigil ang talamak na smuggling sa Pilipinas ay dahil narin sa bulok na sistema ng hustisya at ang pakikipagsabwatan mismo ng customs officials sa mga smuggler.

Sabi, daan daan o libong kaso na ang isinampa ng Bureau of Customs (BoC) laban sa mga smuggler, pero natutulog lang daw pagdating sa piskalya, kundi man ay nababasura lang.

Kapag umakyat naman ang kaso sa korte, kaagad nababasura dahil sa mahinang presentation ng mga ebidensiya ng piskal o prosecutor. Maaring sadyang pinahina ang kaso. You know!

Milyon milyon kasi ang nagiging usapan kapag sinampahan ng reklamo ang isang smuggler, lalo kung malaking halaga ang kontrabando. ‘Economic sabotage’ ito. ‘No bail’ kapag isinampa sa korte.

Kaya sa Piskal palang ay ginagapang na ito ng mga abogado ng smuggler, sisilawin ng pera ang Piskal para ibasura kundi man ay tulugan nalang ang reklamo.

Pero kung talagang seryoso ang Customs na ipakulong ang smuggler, maari nilang iapela sa Justice Secretary mismo ang kasong ibinasura ng Piskal. Ang Piskal ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Justice (DoJ).

Oo! Kung seryoso si Justice Secretary “Boying” Remulla na mapatino ang mga opisyales ng Customs at matigil na ang talamak na smuggling sa bansa, dapat siyang magtatag ng task force na magmo-monitor sa mga reklamong isinampa laban sa mga smuggler. Kaso baka pati task force ay masilaw rin sa kinang ng kuwarta ng smuggler. Yun lang!

Again, naniniwala ako na sa Piskal palang ay nagkakaayusan na kaya walang umaakyat na kaso ng smuggling sa korte. Ito ang isa sa mga dapat tutukan ngayon ni Sec. Boying, Sir!

Sabi ni Senadora Cynthia Villar, sa dami nang kinasuhang smuggler, wala manlang daw napakulong.

Ito na nga ang sinasabi ko sa unang bahagi ng kolum na ito na kaya walang napapakulong na smuggler ay dahil tinutulugan lang sa piskalya, kundi man ay nababasura dahil sa mga mahinang ebidensiya na maaring sadyang pinahina ng taga-Customs para hindi umakyat ang kaso sa hukuman.

Naniniwala ako na ang mga isinasampang reklamo ng Customs sa mga smuggler ay moro-moro lang, pakitang-gilas lang kay Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. Mismo!

Mantakin nyo, mga pare’t mare, simula nang maging journalist ako, 30 years na ngayon, wala pa akong nababasa na nabitay… ehek! nakulong na smuggler sa kabila ng napakarami nang napaulat na nahuling mga kontrabando na nagkakahalaga ng daan daang milyon!

Sa mga imbestigasyon ng Kamara at Senado, paulit-ulit na nababanggit ang pangalan ng mga smuggler at consignees pero wala paring nakukulong, kasi nga sa Piskal palang ay nadi-dismiss na!

Dito sa administrasyong Marcos, Jr., na siya mismo ang kalihim ng Department of Agriculture, tingnan natin kung may makukulong na smuggler ng agri products. Marami na raw kinasuhan na smugglers si BoC Commissioner Yogi Ruiz. Let’s see kung saan aabot ang kanilang isinampang mga reklamo kuno.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

TOTOHANIN KAYA O YABANG LANG NI MMDA CHIEF ARTES ANG BANTANG KAKASUHAN ANG MGA PABAYANG BRGY. CHAIRMAN?

Sana nga ay magkatotoo na ang banta ng Metropolitan Manila Development Authority  na sasampahan nila ng kasong administratibo para maparusahan ang mga Punong Barangay na magpapabaya sa mga lansangang nilinis na nila sa mga sagabal bilang hakbang ng pagluluwag ng daloy ng trapiko.

Muli na naman kasing binuhay ng MMDA sa pangunguna ni Acting Chairman Atty. Don Artes ang pagsasagawa ng clearing operation sa mga tinaguriang Mabuhay Lanes na alternatibong daan para mabawasan ang mga sasakyang tumatahak sa EDSA dahil na rin sa pagbabalik na muli sa lansangan ng mga sasakyan matapos ang dalawang taong pagluluwag bunga ng pandemya.

Sa tingin nga ni Artes, mas marami pa ngayon ang tumatahak sa EDSA kumpara noong hindi pa nagkakaroon ng pandemya dahil lumobo naman talaga ang bilang ng mga sasakyan sa lansangan.

Kaya nang isagawa ang send-off ceremony sa Baclaran, Pasay City, bilang pagpapaigting muli ng paglilinis sa Mabuhay Lanes, tiniyak ni Artes na lahat ng uri ng sagabal ay kanilang tatanggalin nang walang pangingimian para maibalik muli sa motorista ang lansangan at bangketa.

Sa oras na malinis nila ang lansangan, ipauubaya na nila sa mga  barangay chairman na nakakasakop ang pagpapanatili sa malinis at walang sagabal na lansangan para tuloy-tuloy ang daloy ng mga sasakyan. Kapag napatunayang hindi tumalima ang sinomang punong barangay sa naturang direktiba, malamang na mawala na sila sa kapangyarihan dahil kakaharapin nila ang mga nararapat na kasong administratibo.

Ang tanong ng marami, magkatotoo raw kaya ang banta ni Artes? May bayag kaya siya na ipatupad ang banta o sadyang nagyayabang lang siya?

Baka raw kasi puro pagbabanta lang at propaganda sa publiko pero magiging malayo naman sa katotohanan. Nangyari na rin kasi ang ganitong pagbabanta sa panahon ng dating administrasyon kung saan nagsagawa rin ng puspusang clearing operation ang MMDA, Philippine National Police, Department of Interior and Locan Government at mga lokal na pamahalaan.

Pero ang nangyari, matapos malinis at mai-turn over sa barangay, muli na namang bumalik sa dati ang nakasakit sa Mabuhay Lanes.

Sa naganap, super astig pa nga ang dating ni dating undersecretary Martin Dino. Kaso nga-nga din yun nangyari nagpa-pogi lang pala.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

ILANG MGA BARANGAY CHAIRMAN NA MATITIGAS ANG MUKHA NA FEELING BIGATIN O UNTOUCHABLES DAPAT NA DIN IPARATING KAY DILG SEC. ABALOS!

Aminin man o hindi ng Barangay Bureau may mangilan-ngilan na Kabesa de Barangay o Barangay chairman na inilalagay na sa ulo nila na sila ang makapangyarihan sa kanilang mga lugar.

Totoo naman na tama lang na sila ang maging makapangyarihan sa lugar na kanilang pinamumunuan o pinangangasiwaan subalit hindi nila dapat ilagay sa isip nila na lahat ng naisin nila ay tamang gawin o ipatupad.

Isang halimbawa ng pagiging makapangyarihan ng isang barangay chairman ay ang pagpapalagay nila ng basketball court o sabihin nang pagpayag nilang maglagay ng basketball court sa gitna ng kalye.

Isang halimbawa nito ang basketball ring na nasa gitna ng Quiricada St. kung saan pwedeng mag-right turn ang mga sasakyan mula sa Abad Santos pero hindi makaraan dahil nga sa ginawang palaruan ang kalye.

Sige, sabihin nang hindi ang chairman ang nagpalagay ng basketball ring sa lugar, pero bakit hindi  gumagawa ng hakbang ang pamunuan ng barangay o mismong ang chairman upang mawala ang sagabal sa mabilis na daloy ng trapiko sa lugar o kaya naman ay para madaanan ng mga residente ang kalye?

Dahil iniisip ng barangay chairman na makapangyarihan siya sapagkat may mga kakampi siya sa Philippine National Police o mismong sa Manila Police District dahil may kamag-anak siyang nasa puwesto sa Manila City Hall?

Isang halimbawa pa na iniisip ng chairman ng barangay na siya ang pinakamakapangyarihan ay kapag nais niyang ipasara ang mga kalye sa kanyang nasasakupan dahil may party siyang ginaganap.

Malaki naman ang lugar kaya’t pwedeng makaraan ang mga sasakyan subalit dahil gusto nga ni chairman na hindi maistorbo ang kanilang kasayahan, ipinasara niya ang lahat ng daraanan.

Sumalosep chairman! Nakakapanginig ka ng laman. Party lang naman ang inaatupag mo, pero ang nasasakupan mo ay maraming reklamo sa iyo. Kahit nga ang station commander na nakasasakop sa iyo ay nagrereklamo dahil ang dami mo raw request.

At kapag di ka napagbigyan, lalo na kapag hirit ay kaso ng sugal,  aba’y tinatakot mo si Sir Chief na ipasisibak mo sa puwesto. Ganyan kalaki ang tiwala ng chairman sa kanyang kapangyarihan. Sa halip na makipagtulungan sa pulis, aba’y siya pa ang promotor sa kalokohan sa kanyang barangay.

Sa mga kababayan natin na nakakaranas ng mga pangaabuso ng kanilang Barangay Chairman maari niyong iparating ang inyong reklamo sa tanggapan ni DILG Sec. Benhur Abalos o maari niyo din iparating sa inyong lingkod at ating personal na ipararating kay Sec Abalos.

Kung ang PNP ay may cleansing na ginagawa ngayon sa kanilang mga scalawags na opisyal aba bakit di rin natin gawin ang cleansing sa mga abusadong Barangay Chariman o Kagawad dba kabayan.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

2 MALAPIT NA KAIBIGAN NI PBBM ANG PINAGPIPILIAN KUNG SINO ANG BAGONG I-UUPO NA BOC COMMISSIONER!

Hindi tumitigil ang pag-ikot ng mga balita na hindi na mapipigilan ang pagdadala ng sulat sa Bureau of Customs (BoC) na sasakamay na umano sa darating na mga linggo ng bagong commissioner ng kawanihan.

Ang pagsibak kay Commissioner Yogi Filemon Ruiz ay ilang buwan nang nagpapaligalig sa mismong komisyoner at sa mga dikit na opisyal at mga tauhan nito.

Ngunit hanggang sinusulat ito, sinasabi ng mga opisyal sa Office of the Commissioner (OCOM), “lumang balita na ‘yan… hindi papalitan si Commissioner Ruiz…”

“Kung nai-extend ang pananatili ni Commissioner, ito ay dahil sa ilang consideration na nagawa nito. Pero now na kailangan na ang bagong liderato, not even some Malacanang people na kakampi ni Ruiz ang makapipigil sa pag-aappoint ng kapalit niya,” sabi ng isang insider sa BoC.

Pinatotohanan ito ng isang opisyal ng Department of Finance (DoF) na nagsabing kahit si Finance Sec. Benjamin ‘Ben’ Diokno ay “walang magagawa… nakahanda nang palitan si Commissioner…”

Sinabi sa inyong lingkod na isang matalik na kaibigan umano ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., at kasalukyang batambatang opisyal ng BoC ang pinagpipilian na kapalit ni Ruiz.

“Pero ilang congressman na malapit kay Speaker Martin Romualdez ang nagsabi at naririnig rin natin na ang magiging kapalit ni Commissioner ay manggagaling umano sa loob ng BoC.”

Isa namang opisyal ng OCOM ang nagsabi na “ginagawa ni Ruiz ang lahat … like moving heaven and earth para manatili siya sa kayang puwesto.

Muli rin daw na “nangako si Ruiz” na gagawin ang lahat upang lalo pang makontrol ang graft and corruption sa Aduana at sugpuin ang ismagling.

Ang kontrang pahayag ng mga kritiko ni Ruiz, “paanong makokontrol niya ang corruption marami pa ring ang hindi niya masibak na mga sinasabing corrupter at corruptor sa Customs.”

Pero hanggang ngayon ay tikom pa rin po dear readers ang bibig ni PBBM sa tsismis na palitan issue sa Customs.

Isang malaking dahilan kaya tahimik at di nagsasalita si PBBM tungkol sa balitang papalitan si Ruiz ay dahil sa par excellence naman ang performance ni Comm. Yogi kaya may hinuha na mananatili sa pwesto niya si Commissioner bukod umano sa payo ni Sec. Diokno na wala munang palitan at matinding gagalawin sa Customs.

Ayon naman sa ilang OCOM insider, yung mga kritiko ni Ruiz na patuloy na nagkakalat ng tsismis na papalitan na siya at nagsasabing wala raw itong political will na linisin ang BoC partikular ang mga smuggler at mga kasabwat na opisyal sa Aduana ay isa lang raw na demolition job.

Sa tanong na kung sino talaga ang ipapalit kay Ruiz, sinabi ng isang taga-Malakanyang: “Basta malapit daw na kaibigan ni PBBM… dalawa sila na pinagpipilian, isang insider at isang outsider… pero anytime soon di umano … idedeklara na ang bagong kapalit ni Ruiz.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

UNTI-UNTING WINAWASAK NG MGA POLICE SCALAWAGS ANG IMAHE NG PNP, TIWALA NG PINOY NAWAWALA NA!

Walang ibang sumisira sa imahe ng Philippine National Police (PNP) kundi ang mga sariling mi­yembro. Kawawa naman ang mga matitinong pulis­ na nagsisikap pagandahin ang imahe ng kanilang organi­sasyon subalit nawawalan ng saysay dahil sa mga kasamahan nilang scalawags. Kung hindi masasawata ang mga scalawags, baka tuluyan nang mawasak ang PNP. Hindi na pagtitiwalaan ng mamamayan dahil sa mga salot na scalawags.

Pagkakaperahan ang inaatupag ng mga scalawags na pulis. Hindi na nakuntento sa suweldong ipinagkaloob noon ni dating President Duterte. Nang manung­kulan si Duterte noong 2016,  ang una niyang ginawa ay taasan ng suweldo ang mga pulis. Sa isip ng dating presidente, kapag tinaasan ng suweldo ang mga pulis (at maging sundalo) mai-inspire ang mga ito at magsisikap pa para mapabuti ang kanilang pagseserbisyo. Ipinag-utos niyang itaas ang suweldo ng mga pulis. Ang pinakamababang ranggo ng mga pulis—patrolman ay sumusuweldo ngayon nang mahigit P30,000. Bukod pa riyan ang allowances. Tinalo pa nila ang mga guro na hindi tinaasan ang suweldo gayung mahirap ang magturo.

Pero malaking pagkakamali ang nangyaring pagtataas­ sa suweldo ng mga pulis sapagkat ilan sa kanila ang hindi nakuntento. Patuloy pa rin ang paghanap nila ng pagkakaperahan habang naka-duty. Nangongotong pa rin at ang matindi, may mga pulis na nagre-recycle ng shabu. Marahil, nag-iisip ngayon ang dating presidente kung bakit pa niya naitaas ang suweldo ng mga pulis. Sa halip na pagbutihin ang pagseserbisyo sa mamamayan, ang kadupangan sa pera ang pinagkakaabalahan.

Halimbawa ay ang dalawang pulis-Makati na hinuli ng mga kapwa nila pulis dahil sa extortion. Nakilala ang mga pulis scalawags na sina Patrolmen Mark Dann Advincula, 32, at Mark Joseph Segador, 31, pawang naka-assign sa Makati sub-police station 6. Nahuli ang dalawa sa Mabini St., Poblacion dakong 4:30 a.m. makaraang isumbong ng isang babaing call center agent na ninakaw ng mga ito ang dalawa niyang cell phone at pinatutubos sa kanya ng P50,000. Pinuntahan pa umano ng mga pulis ang biktima sa bahay nito sa Quezon City at pati ang cell phone ng ka-live-in nito ay kinuha rin. Nagsumbong ang mga biktima sa IMEG Headquarters sa Camp Crame at isinumbong ang dalawang pulis. Nagkasa ng entrapment operation at nahuli ang mga ito.

Winawasak ng mga miyembro ang sariling organi­sasyon. Nararapat na itong maputol sa taong 2023. Maging maingat sana ang PNP sa pag-recruit ng mga bagitong pulis. Huwag hayaang tuluyang masira ang PNP lalo na ang tiwala ng mga mamamayan.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe & HAPPY NEW YEAR PO MGA KABAYAN!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

BARANGAY TANOD AT MPD POLICE NATUTULOG SA PANSITAN SA RUMBLE AT RIOT NG MGA KABATAAN SA KA-MAYNILAAN!

Ito na yata ang panahon na kung kailan pa sasapit na ang araw ng Pasko ay kung saan pa na-uuso ang rumble at riot ng mga kabataan na ang kaaramihan ay menor de edad halos sa lahat ng lugar ng lungsod ng Maynila.

Ang mga riot at rumble na ito ay naga-ganap partikular sa mga kalsada sa Tondo, Sta. Cruz, Quiapo at Pandacan na kung saan tinataon pa ng madaling-araw sabay ng simbang gabi.

Naumpisahan umano ang mga kaguluhang ito noong unang araw ng simbang gabi na sa halip na sumimba ang mga kabataang ito ay away ang inintindi at inatupag ng mga ito.

Ang kaganapan ay tinitiyempo pa palagi ng diyes oras ng gabi at madaling araw kung kaya’t ito ay nagdudulot ng sobrang takot at pangamba sa mga residente.

Sinabi ng mga residente na halos araw-araw na ginawa ng Diyos ay nagtutuos at nagsasagupaan ang mga ito sa gitna ng lansangan na kung saan ay naiistorbo ang kanilang mahimbing na tulog at katahimikan.

Nandyan na umano na may nagpapaputok ng pill box, meron naghahatawan ng tubo, nagbabatuhan ng mga bato at bote at kadalasan ay may nagpapaputok pa ng baril o sumpak.

Napakaraming tao ang inaabala ng mga riot na ito mas lalo na ang mga dumadalo sa simbang gabi at tahimik na naglalakad na patungo ng kanilang mga bahay-bahay.

Kaba at pangamba ang iniiwan ng mga kabataang ito sa komunidad lalo na’t may mga nakahandusay ng mga duguan sa kalye bunga ng saksak, palo at tama ng mga bato at boteng nagliliparan.

Hindi daw ito basta-basta nasusuheto ng Barangay dahil sa dami, hindi rin daw agad ito naaawat dahil sa hindi rin sila pwedeng gumitna agad dahil baka sila pa ang madamay at madisgrasya.

Sinabi nila na ang talagang kailangan dito ay police-assistance at police visibility na kung saan medyo mai-iilang at matatakot ang mga ito.

Hanggang sa pagsapit ng liwanag ay problema pa rin dahil sa paglilinis ng mga bato at mga bubog ng bote na nagkalat sa kalye.

Madalas din daw na may mga windshield ng mga sasakyan na tahimik na nakaparada ang nababasag bunga ng komosyong ito.

Meron din daw na mga sibilyan at passer by ang nada-damay at tina-tamaan ng mga nagliliparang mga bote at bato na kanilang binabato sa isa’t-isa.

Sobrang perwisyo at abala nga naman ang dinudulot ng gabi-gabing riot na ito na matagal na rin daw nilang dinu-dulog sa kapulisan dahil sa hindi daw kayang lutasin ito ng Barangay.

Noong nakaraang taon ay medyo naremedyuhan ang problemang ito ni dating MPD-PS7 Commander Lt.Col. Robert Domingo.

Inatasan ni Domingo ang kanyang mga pulis na anta-bayanan ang lahat ng mga kabataan na naggru-grupo. Ang mga ito ay agad na pinaghihiwalay ng mga pulis at pina-pauwi diretso ng kanilang mga bahay, epektibo nga naman maski papaano.

Maliban dito ay nakaalalay din ang ibang mga pulis sa mga residenteng galing ng simbahan at iba pang mga taong naglalakad patungo ng kanilang mga trabaho at negosyo. Ito ay nakatulong din kahit papaano, ‘di po ba?

Ito na nga siguro ang pinaka-epektibong paraan sa usaping ito, police assistance at police visibility upang maging ganap na tahimik at kalmado ang mga mamamayan.

Sa puntong ito ay humihingi ang mga concerned citizens ng Maynila ng tulong kay MPD Director Gen. Andrei Dizon hinggil sa mga rumble at riot na ito.

Umaasa umano na hindi matutulog sa pansitan at agarang aaksiyunan, gagampanan ng butihing Heneral ang kanilang dinudulog na problema na araw-araw na gumagambala sa kanila.

———–                                                                                  

Para naman sainyongmgasumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaarin’yo po akongi-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’yi-private message saHeadlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maramingsalamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

SIKAT AT TINAGURIAN NANG GAMBLING CAPITAL ANG MABALACAT, PAMPANGA!

Sino kaya ang ungas na alkalde ng Mabalacat, Pampanga?

Bakit kaya prayoridad ng mayor na ito ang pagsusulong ng kultura ng pagsusugal?

FYI my dear Kababayan, namumutiktik ang ang mga puwesto ng color games at drop ball sa mga peryahang may sugal sa nasabing bayan.

Naturalmente,hindi makakapangyari sa isang lokalidad ang ganito kalaking katarantaduhan kung walang basbas ang alkalde ng nasabing lugar.

Pati ang Christmas Village na pamosong atraksyon ng Mabalacat ay hinaluan pa rin ng puwesto ng mga pasugal na may daya ng mga operators ng perya.

Wala bang awa at habag ang kung sino mang tolonges na mayor na ito sa kanyang mga constituents?

Nagiging biktima ang kanyang mga kaawa-awang kababayan ng mga dayong peryante na ang opisyo ay higupin at hakutin sa pamamagitan ng kanilang pasugal na may daya ang pinaghirapang pera ng mga taga- Mabalacat.

Bakit pinahintulutan ng nasabing kumag na punongbayan na tarantaduhin ng mga dayo ang kanyang mga kababayan?

Dahil nga lamang ba sa pagkasakim sa kuwarta?

Hambog ang mga perya operators na ito at ipinangangalandakan na daang libong piso ang inihatag umano ng mga ito sa nasabing alkalde bilang goodwill.

Pati kapulisan ng Mabalacat,Pampanga Police Office at ang PNP Region 3 Command ay kaladkad din sa pagbibigay ng proteksyon sa mga iligal na pasugalang ito.

Bundat daw sa intelehensiya o payola ang chief of police,provincial Director at maging si RD o si regional director ng PNP Region 3.

Tatlong kupaling pulis na may aliases na JUN CRUZ,RANIEL at PARAK Ang nagsisilbing kolektor ng payola ng PNP.

Hanggang mga opisina sa Kampo Crame ay ipinangongolekta ng tatlong kupal na ito.

Hindi na tayo magtataka kung pati ang Office of the Chief PNP ay ikinokolekta na rin ng tatlong KUPAL na ito.

Dyan magaling si Gen.Rodolfo Azurin Jr., ang sumahod nang sumahod kaya naman sadyang inutil kapag illegal gambling na ang usapan.

Parang tanga lamang na walang alam sa mga nangyayari.

Sa Dau naman partikular na sa isang pribadong plaza sa tapat ng Sogo hotel at Xevera na kalapit ng simbahang Our Lady of Sorrow,high stake gambling din ang dinarayo doon ng mga highrollers na tahor o mga sugarol.

Siyempre naman,protektado rin ng mga awtoridad.

Sa halos araw- araw na pagbatikos ng media patungkol dito sa isyu ng “unabated” operation ng illegal gambling,kapwa tameme at inutil as in walang silbi itong sina DILG Sec.Benhur Abalos at PNP chief, Gen.Rodolfo Azurin!

Kapwa naging bulag at bingi sa katarantaduhang nangyayari.

Tumigas at kumapal ang mukha panabay marahil ng pagtaba ng kanilang mga bulsa.

Nalalantad ang tunay na pagkatao ng isang opisyal pag kuwarta na ang nangungusap.

Umiiral ang pagkagahaman sa pera at nagaamoy tae ang pagkatao at prinsipyo.

Hindi po ba DILG Sec.Benhur Abalos at CPNP Gen.Azurin?

———–

Para naman sainyongmgasumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaarin’yo po akongi-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’yi-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maramingsalamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

NAMAYAGPAG NA SA PINAS ANG ILLEGAL GAMBLING, CPNP GEN. AZURIN NGA-NGA PA RIN!

Tila hindi lamang malamya ang klase o uri ng LIDERATO ni PNP chief, Gen.Rodolfo Azurin Jr.,inutil din ito at lelembut-lembot pagdating sa pagde-desiplina ng kanyang mga tauhan lalo na pagdating sa kanyang mga opisyal.

Alam nyo po ba kabayan na largado na sa buong bansa ang operasyon ng illegal gambling o ang tinaguriang 1602 sa police parlance.

Dahil nationwide ang unabated operations ng nasabing mga iligal na sugal, di natin kayang kuwentahin ang kuwartang pumapasok sa lukbutan ng ating mga kapulisan!

Lalo na ngayong Kapaskuhan kung saan nagkukumahog ang lahat ng operators ng sugal-lupa para tumabo ng sangkaterbang salapi mula sa kanilang clandestine operations.

Ang masakit pa dito, iligal na nga may daya pa!

Kaliwa’t kanan din ang pagsusulputan ng mga nagpapakilalang mga pulis na “kolektong” (kolektor ng tong o payola) ng PNP.

Kung malumanay at may “finest” ang imahe ni Gen. Azurin sa pagharap sa media tuwing may press conferences itong ginagawa, kabaligtaran naman umano ito sa kanyang tunay na pag-uugali tuwing may maaatrasong “PARATING” mula sa kanyang mga PDs at RDs.

Iyan ay ayon naman sa ilang dismayadong staff ng heneral dyan sa Kampo Crame ha?

Sa NCR pa lamang daw, hindi na masukat- isipin kung magkanong “intelehensiya” na ang sumasaka papunta sa opisina ng chief PNP mula sa illegal gambling!

Paano pa nga raw yung iba pang uri ng vices gaya ng prostitusyon at iba pang vertical na diskarte ng mga sindikato.

Marami na talagang opisyal dyan sa Kampo Crame na bundat na bundat lalo na ngayong Christmas season.

Talaga naman ang buhay!

Kung Paskong-pasko sa Kampo Crame, mas lalo na umano ang atmosphere sa DILG at sa opisina ni Sec.Benhur Abalos.

Labas- masok na raw umano ngayon ang mga Santa Claus na sugo ng mga kilalang gambling lords!

Manhid sa mga pagbatikos ng media ang mga opisyal na ito dahil kung ang mismong Presidente BBM ay dedma sa iba pang mahahalagang isyu ng bansa, sila pa kaya na mga alila lamang?

Kung inutil ang lider eh di BUGOK din ang mga tauhan!

Kaya pilit na rin nating sinasanay ang panunaw natin para sikmurain ang namamahong sistemang umiiral sa ngayon.

Tutal,wala namang forever!

After 6 years, maggo-goodbye at lalayas na rin ang mga KUPAL na ‘ yan!

For the meantime ika nga sa kasabihan…

“if you can not beat them, you might as well lick them and join them”!

Gaya ng mga miyembro ng gabinete at iba pang opisyal ni PBBM na pati tumbong ng Presidente hinihimod!

Kaya naman pala pati dila ng mga ito at pagmumukha ay tinubuan na ng kalyo.

Nakalimutan nang mahiya ng mga hindot sa tao!

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

DISYEMBRE ANG BUWAN NG PAGSIBAK SA MGA APPOINTEES NA KAKALAWITIN NI E.SEC. BERSAMIN!

Sa pagsasakatuparan ng mga ninanais ni PRESIDENT FERDINAND “BongBong” MARCOS JR para sa kapakanan ng buong sambayanan ay marami ang manlulumo at iiling nang mga ulo sa mga appointee bago sumapit ang unang araw ng bagong taon dahil wawalisin na ang mga ito ni EXECUTIVE SECRETARY LUCAS BERSAMIN ngayong buwan ng December.

Sa obserbasyon ay tapos na raw ang pagtanaw ng utang na loob ni PRES. BONGBONG MARCOS sa mga nagbigay suporta sa kaniyang naging kandidatura nitong nakaraang Mayo.., na ang patunay niyan ay ang kabi-kabilang “PAGSIBAK” sa mga naitalagang opisyales na hanggang upuan lamang ang kanilang pagseserbisyo.

Sumikad na rin ang puspusang pagrerebisa ng mga itinalaga sa pwesto sa unang 100 araw ng Presidente sa Malacañang.., dangan naman kasi, marami sa kanila’y napag-alamang may mga nakabinbing asunto sa husgado.

Sa ibinulong ng ating source mula sa Palasyo ay nasa 1,500 appointed daw ang masisipa sa kani-kanilang puwesto hanggang sa pagtatapos ngayong darating na December.

Sa mga sisipain ay kabilang daw ang isang mataas na opisyal sa Dept. of Human Settlerments & Urban Dev’t. (DHSUD).., na sinisipat na rin umano ni ES Bersamin.

Uunahan na natin ang sitwasyon para makapaghanda ang dapat na magsipaghanda dahil nitong July 2022 nang mahirang bilang Housing Czar si Jerry  Acuzar na bayaw ni dating Exec. Secretary Paquito Ochoa  na mas kilala bilang “LITTLE PRESIDENT” ng yumaong dating Pres. Noynoy Aquino.

Wala namang problema kung bayaw ng dilawan si Acuzar.., gayunpaman, isa sa sinisilip na problema sa pagtatalaga kay Acuzar ay ang Conflict of interest sa naturang departamento.. kasi, isa siyang kontratista sa pabahay ng gobyerno.

Si Acuzar ang Chairman ng New San Jose Builders (NSJB) na kanyang itinaguyod noong dekada otsenta.., na Ilan sa mga nasungkit niyang kontrata sa National Housing Authority (NHA) na ahensyang nasa ilalim ng (DHSUD) ay ang Katarungan Village Socialized Housing  Project sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City at Resettlement Housings para sa libo-libong pamilyang apektado sa pagputok ng bulkang Pinatubo.

Pasok din sa posibleng walisin ni Bersamin si Socialized Housing Finance Corp. Pres. Federico Laxa na ayon sa mga kritiko’y sangkot sa kwestyunableng transaksyon noong siya’y nanunungkulan sa Technology & Livelihood Research Center (TLRC).

Sa kanyang kumpas, nagawa ng isang kumpanyang nakabase sa Pampanga na makautang ng P37.6 milyon gamit ang isang lupang makikita lamang tuwing tag-araw bilang prenda sa gobyerno… oh dba, bahagi pala ng karagatan ang tinanggap na kolateral ng ahensyang pinamumunuan.., yun bang pag low-tide lang pwede makita at lakaran hahaha!

Ang masaklap, pati ang appointment paper ni Laxa ay pinagdududahan din pala, kasabay ng iba pang pinaniniwalaang palsipikado.

Sa Memorandum Order No. 7 na nilagdaan ni Bersamin ay binigyan na lang ng hanggang Decembre 31,2022 ang mga itinalaga sa iba’t ibang pwesto, sa hangaring bigyang daan ang pag-upo sa pwesto ng mga karapat-dapat na opisyal na makakatulong ng Pangulo sa pagsasakatuparan ng kanyang mga binitawang pangako sa mga tao.

Abangan natin mga Kabayan kung sino-sino pa ang mga madadale sa pagtapos ng taong 2022!

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

NAPAPANAHON NANG ISABATAS ANG FIXED SALARY & BENEFITS NG MGA BARANGAY OFFICIALS!

Dito sa Pilipinas lang matatagpuan ang sistemang barangay. Bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating kapuluan ay nariyan na ang barangay na pinamumunuan ng isang datu. At hanggang ngayon ay buhay pa rin ang barangay sa bisa ng Local Government Code of 1991, na nagsasabing ang barangay ang core political unit ng ating bansa.

Tunay na malaki ang ambag ng mga opisyal sa barangay sa pag-usad ng ating bansa. Ang barangay ang unang nilalapitan ng mga mamamayan kung may agaran silang pangangailangan. Ang ating mga opisyal ng barangay ang inaasahan natin na laging naririyan tuwing may sunog, baha, aksidente o away ng magkakapitbahay. Samakatuwid, ang barangay ang unang dinudulugan, ang unang maaring maghatid ng tulong sa mga nangangailangan.

Ang ating mga barangay ay may kapangyarihang ehekutibo, panghukom at lehislatibo.

Bilang opisyal ng barangay, tungkulin nila na ipatupad ang lahat ng batas at ordinansa sa inyong nasasakupang barangay.

Ang mga barangay din ay may tinatawag na quasi-judicial powers. May kapangyarihan silang mamagitan at ayusin ng matiwasay ang anumang hindi pagkakaintindihan sa kanilang barangay. Malaking tulong ito sa ating mga hukuman. Dahil sa sistemang ito ay nareresolba sa antas ng barangay pa lang ang mga hindi pagkakaunawaan at hindi na kailangang iakyat pa sa husgado.

Ang mga barangay council naman ay may kapangyarihang magpatibay ng mga ordinansa para tumugon sa mga pangangailangan ng mga taga-barangay, at kasama na rito ang pagkalap ng revenue para sa barangay.

Subalit sa mahabang panahon, tila ba hindi sapat ang pagkilala sa mahalagang tungkulin ng mga ating opisyal ng barangay. Hinahalal natin ang mga opisyal ng barangay pero hindi sila ganap na mga kawani ng pamahalaan dahil imbes na fixed salary ay honorarium lamang ang binibigay sa kanila. Kaya naman hanggang sa ngayon ay hindi pa rin sila nakatatanggap ng mga karampatang benepisyo gaya ng sa GSIS, Pag-IBIG, mga bonus, at iba pa. Kung kayat kapag matapos ang mahabang taon nila sa serbisyo, ang ating mga opisyal ng barangay ay magreretiro na ni wala man lamang katiting na pensiyon mula sa pamahalaan.

Sa ngayon ay may nakahain na panukalang batas na mabigyan ng fixed salary at benepisyo ang ating mga opisyal ng barangay. Sa pamamagitan ng House Bill 6114, mabibigyan ng Salary Grade 14 na buwanang sahod mga punong barangay, samantalang mabibigyan naman ng sahod katumbas ng Salary Grade 10 ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay o ang mga kagawad, ang Barangay Secretary, at Barangay Treasurer. Samantala, ang mga barangay tanod at mga utility worker ay mabibigyan ng buwanang sahod na katumbas ng Salary Grade 1, habang ang BHW o barangay health worker ay mabibigyan naman ng Salary Grade 4 at Salary Grade 6 para sa day care workers.

Ang mga opisyal ng barangay ang siyang mukha ng pamamahala. Sila ang unang nilalapitan sa panahon ng pangangailangan, sila ang inaasahan na tutugon agad sa mga problema ng ating kababayan. Kung kayat panahon na para ang ating mga opisyal ng barangay ay bigyan ng karampatang benepisyo at kilalanin ang kanilang mahalagang papel sa pagtupad sa mga aktibidad ng gobyerno sa mga komunidad.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

LANTARAN ANG OPERASYON NG SAKLA, DROGA SA CAVITE, REMULLA, NARTATEZ AT OLAZO HUWAG KAYONG NGA-NGA!

Public service is a public trust. Kasabihan na malimit na iugnay sa mga halal ng bayan-nasyonal man ito o local government unit, ganon din sa itinalagang namumumuno sa ibat ibang departamento ng pamahalaan tulad ng Philippine National Police (PNP).

Mahirap maging lingkod-bayan, dahil hindi lang public servant, kailangang magampanan ang sinumpaang trabaho nang maayos, hindi lumalabag sa anumang itinadhana ng batas para sa kasiyahan at kapakanan ng sambayanan.

Sa madaling salita, ang iniluklok na pangulo, bise-pangulo, senador, kongresista, gobernador, mayor, konsehal, barangay chairman at iba pa hanggang sa barangay kagawad, gayundin sa mga itinalagang government official ay kailangang maging maayos at magandang halimbawa sa trabaho para sa taongbayan na pinagsisislbihan.

Dapat malaman ng mga opisyales na ito ng pamamahalaan, elected man o appointees na sila ay nagtatrabaho at ang sinisweldo sa kanila ay kwarta ng madlang pipol sa pamamagitan ng kanilang buwis na binabayaran ng regular sa gobyerno, kaya nga sila ay tinawag na “public servant o lingkod ng bayan.”

May karapatan ang taumbayan na punahin, magalit sa mga halal at appointed government official na hindi ginagampanan ng maayos ang kanilang mga trabaho, dahil sa kontribusyon nilang buwis sa bayan na ibinibigay sa kanila bilang bayad sa kanilang serbisyo sa lipunan. Pero sad to say, na ang kasabihang ito ay hindi nasusunod ng karamihang opisyales ng pamahalaan.

Halimbawa, ay ang kapulisan sa Region 4A na pinamumunuan ni BGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na ayon sa mga residente ng rehiyon, ang pamunuan ng nasabing heneral ay bagsak sa itinatadhana ng kasabihang “public service is a public trust”.

Mula nang maitalagang director ng CALABARZON area, si Gen. Nartatez Jr. ay hindi kumilos, umaksyon sa sumbong at reklamo laban sa pagsulpot hangang dumami na parang kabute ang mga sugalan na naging dahilan din ng pagtaas ng insidente ng ibat-ibang insidente ng kriminalid sa rehiyon.

Sa area of jurisdiction ni Gen. Nartatez Jr., lahat ng uri ng illegal na sugal tulad ng STL con jueteng, lotteng, pergalan (perya at sugalan), sakla at maging ang petroleum product pilferage na kung tawagin ay paihi na kilala din sa tawag na patulo o buriki ay talamak ang operasyon dahil hindi hinuhuli at pinababayaan lang ng pulisya.

Sa mga sugal na ito, ang card game na sakla ang kinabubwisitan na madalas ireklamo dahil ang larong ito ay paboritong tambayan ng mga drug pusher at mga kliyente nilang bukod sa addict sa pagtaya sa sakla ay mga lulong din sa ipinagbabawal na droga partikular ang shabu.

Speaking of sakla, ang pasugal na ito ay nagkalat sa lalawigan ng Cavite, partikular sa mga bayan ng Tanza, Indang at General Mariano Alvarez (GMA) dahil kahit sa mga kalsada, paradahan ng jeep at traysikel ay lantaran ang mga sakla table na pinagkukumpulan ng mga gambling afficionados, drug pusher at mga addict.

Ang nakakadismaya, walang utos si Gen. Nartatez Jr. na hulihin ang mga sakla joint na ito, at maging si Cavite Provincial Director, Col. Christopher Olazo ay kukuyakuyakoy lang sa kanyang opisina na akala mo’y walang nangyayaring sakla operation sa kanyang hurisdiksyon.

May karapatang magalit ang taumbayan kina Gen. Nartatez Jr. at Col. Olazo dahil bilang mga awtoridad ay hindi nila ginagampanan ang nakaatang sa kanilang trabaho o responsibilidad sa pamamagitan nang hindi paghuli sa sakla operation na isang uri ng sugal na lumalabag sa umiiral na batas sa bansa.

Dahil ayaw kumilos laban sa mga saklaan sa Tanza, Indang at GMA Cavite at iba pang iligal na sugalan, hindi masisisi ang publiko na pagsuspetsahan itong dalawang PNP official na sila’y umaaktong cuddler o protector ng vice den- mga kapabayaa na maari nilang ikatanggal sa serbisyo ayon sa itinatadhana ng PNP law.

Bilang “ama” ng Cavite hindi rin makakatakas sa responsibilidad si Gov. Junvic Remulla, ganun din sa ngitngit ng kanyang mga kababayan, lalo na sa mga anti- gabling crusader.

Sa dami ng sakla sa kanyang lalawigan, partikular sa Tanza, Indang at GMA, lumalabas na wala silang ginagawa para mahinto ang sugal na ito.

Tiyak naman na may mga tao si Gov. Remulla na nagbabantay sa mga sumusulpot na mga iligal sa kanyang probinsya pero baka tulad din ni PNP Chief Rodolfo Azuin Jr., binubulag sila sa tunay na sitwasyon ng gambling operation sa lalawigan.

Sa dami ng sakla joints, tinatawag na ng anti-gambling crusaders na “sakla capital” ang Cavite. Aba…. Kumilos naman kayo Gen. Nartatez Jr., Gov. Remulla at Col. Olazo, wag kayong aanga-anga!

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

ILIGAL NA DROGA MULING NAGLIPANA, MGA NINJA COPS TULOY ANG LIGAYA!

Sunod-sunod ang napapabalitang mga nahuhuling iligal na droga kamakailan lang may raid na ginawa ang PDEA na shabu lab sa Muntinlupa at iyun napabalitang mag-asawa sa Mindanao na nahulihan ng kilo-kilong shabu na ayon sa Philippine National Police ay nagkakahalaga ng P251 milyion.

Yan ang latest na news tungkol sa kapansin-pansin na pagbabalik ng problema sa droga na noong Duterte Administration ay nilabanan at unti-unting na-neutralize.

Kundi drug haul, halos araw- araw ay napakaraming pushers at addicts ang nahuhuli sa isinasagawang police drug operations sa iba’t ibang mga lugar sa bansa.

Kahit saang sulok ng Luzon, Visayas at Mindanao ay laganap ang droga, karaniwan ay shabu kaya ‘di nakakapagtakang napakarami rin ang nasisilong mga pushers at addicts.

Makatindig balahibo ang tone-toneladang shabu na nakumpiska at libo-libo nang bilang ng mga pusher at adik na nadadakip tuwing may drug operation ang awtoridad.

Pero ang nakababahala na dapat ikatakot ng sambayanan ay ang mga tinatawag na bad eggs sa PNP na nakontrol ng Duterte leadership pero ngayo’y patagong nagbabalik.

Ito yaong binansagang ‘ninja cops’ na gumagawa ng diskarte para makapangotong o magkapera na hindi isinasaalang-alang ang kanilang pagiging alagad ng batas.

Sa kanila’y balewala ang batas, hindi natatakot na i-recycle, ibenta ang mga nakukumpiskang shabu at makipagkutsabahan sa drug syndicate kapalit ng malaking halaga ng pera.

Sa isang drug bust kamakailan, isang bilyong halaga ng shabu ang nakuha sa isang active na miyembro ng PNP na sa kalaunan ay ibinulgar ang involvement ng dalawang police generals.

Hindi pa kumpleto ang PNP report, pero ayon sa ating impormante, ang bilyong shabu na yan ay bahagi ng previous drug bust na hindi idineklara, bagkus itinago para gawing pera.

Mantakin mo kung hindi nadiskubre at nahuli ang tone-toneladang shabu na yan, imagine mo na lang ang dami nang madadagdag na mga adik kapag naikalat sa kalsada.

Sa nangyayaring ito, nakikitang malambot si PGen. Rodolfo Azurin Jr. Sa lumalalang problema ng droga, aba’y mami-miss mo talaga si Former President Digong at Ret. Gen. Guillermo Eleazar.

Kasi nga kahit saan ka bumaling, nagkalat ang drugs na ayaw na ayaw ni dating Pangulong Digong.

CPNP Gen. Azurin..Sir.. anyare sa PNP?

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

NAMAMAYAGPAG NGAYONG MAGPAPASKO ANG MGA CYBER CRIMINALS!

Sa kabila ng mas pinaigting na kampanya ng mga kinauukulan laban sa cyber crimes, aktibo pa rin daw ang mga kriminal lalo na ngayong nauso ang digital banking.

Naging popular pa ito nang manalasa ang pandemya mula noong 2020.

May mga insidente pa rin daw ng pagnanakaw mula sa GCash at iba pang e-wallets.

Gumagamit ng text messages o SMS, email at iba pang paraan ang mga salarin para makapanloko at makakuha ng pera mula sa mga biktima.

Ang ilang kaso raw ng cybercrime at online child abuse ay underreported o hindi lahat naire-report.

Ayon sa isang mataas na opisyal ng International Criminal Police Organization (Interpol), ang global cost daw dito ay tinatayang papalo na sa $10.5 trilyon sa 2025.

Sa ginanap na 90th General Assembly sa New Delhi, India, isiniwalat ni Interpol Secretary-General Jurgen Stock na ang mga organisadong crime network ay kumikita rito ng bilyun-bilyong dolyar.

Nakababahala aniya na isang porsiyento lamang sa mga iligal na aktibidades na ito ang nahuhuli o natutunugan at nababawi.

Kaya bumuo raw ang Interpol ng pandaigdigang stop-payment mechanism.

Anti-Money Laundering Rapid Response Protocol ang tawag nila rito na sa nakalipas na sampung buwan daw ay nakatulong sa mga miyembro nila sa pagrekober ng nasa mahigit $60 milyong criminal proceeds mula sa cyber-enabled fraud.

Sa Global Crime Trend Report ng organisasyon, nakitaan ng matinding pagtaas ang mga kaso ng child sexual exploitation at pang-aabuso ng mga bata online.

Natuklasan na maraming biktima raw ang mas pinipiling manahimik na lang.

Natatakot daw ang mga ito dahil sa kahihiyan na maaari nilang maranasan sakaling mabunyag ang nangyari sa kanila.

Kada taon ay nagtitipon ang Interpol na mayroong 195 members.

Kabilang sa mga kasapi nila ang ilang ministers, police chiefs, hepe ng national central bureaus at senior police officers.

Sadyang nakababahala ang ibinunyag ng Interpol.

Malinaw na sumasabay na rin sa modernisasyon ang mga cyber criminal.

Umiiral na naman sa Pilipinas ang Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act na pinagtibay na rin ng Korte Suprema.

Makatutulong daw ito sa law enforcement operations laban sa mga krimen na ginagawa sa pamamagitan ng internet tulad ng child pornography, human trafficking, terorismo, illegal gambling, credit card fraud, investment scams at identity theft.

Napapanahon din ang pagkakapasa sa Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act na pinaniniwalaang makasusugpo sa iba’t ibang krimen na nagagawa gamit ang mobile phones.

Kahit may mga batas nang umiiral sa bansa, dapat pa rin tayong mag-ingat.

Huwag ibibigay ang account details, user IDs, passwords at personal identification numbers sa sinuman sa pamamagitan ng email, SMS at iba pang platforms.

Aba’y mag-ingat at mas maiging balewalain na lamang ang mga ito.

Burahin agad ang mga natatanggap na kahina-hinalang mensahe.

Dapat pang bagsikan ang batas laban sa online o cyber criminals.

Sa palagay ko Kabayan, malilipol lamang ang mga ito sa pamamagitan nang paghihigpit sa pagpasok ng mga dayuhan at pagpapataw ng mabigat na parusa laban sa mga sangkot dito.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

PALASYO NAMBOBOLA LANG BA AT PINAI-IKOT ANG ULO NATING MGA PINOY?

Iniulat kamakailan na magtataas ng singil sa konsumo ng elektrisidad ngayong Nobyembre.

Siyempre, apektado ang konsumo ng elektrisidad sa mataas na presyo ng petrolyo dahil sa dambuhalang diesel generator na ginagamit sa pagpo-produce ng elektrisidad.

Nakapagtataka namang walang pagtitipid o pagsisinop na ginagawa ang gobyerno mismo sa konsumo ng kanilang mga gusali.

Halimbawa, dapat maglabas ng kautusan ang Malacañang na tipirin ang gamit ng elektrisidad sa lahat ng tanggapan at gusali ng pamahalaan.

Nakapagtataka ring walang proyekto o programa ang gobyerno na maglagay ng mga solar panel sa bubong ng mga gusali ng pamahalaan.

Bakit hindi sinisikap ng gobyerno na gumamit ng mas tipid na solar energy, aba’y napakalaking tulong ito sa pagsisinop, hindi lang ng konsumo ng elektrisidad, bagkus ay kongkretong pagtitipid ng gugulin.

Simple lang ‘yan, pero hindi ito ipinatutupad, eh bakit Mr President?

Sa totoo lang, imbes na magbigay ng cash assistance sa mga pamilyang naghihirap, mas epektibong mamigay ng solar panel upang may libreng elektrisidad ang mga naghihikahos sa kanayunan.

Ganun din ang pribadong sector, bakit walang programa ang mga non-government organizations na bigyan ng libreng solar panel ang hanay ng mga mahihirap.

Kahit naman ang mga mayayamang korporasyon ay dapat nang magsimula na gumamit ng solar panel, pero nakapagtatakang walang ganitong pagkilos.

Hindi natin maunawaan kung bakit iniiwasan ang paggamit ng solar energy, gayung panay ang press release na dapat bigyan ng prayoridad ang renewable energy.

Ibig sabihin ba, ay nambobola lang ang mga kumag at kinukunsinte ang malalalaking korporasyon na pagkakitaan ang ordinaryong Pinoy.

Mahalagang magkaroon si Pangulong Marcos Jr ng mas matitino at matatalinong kaagapay sa pamahalaan upang masaklolohan nang todo ang mga naghihirap na Pinoy.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

MGA MAPAGSAMANTALANG ONLINE SELLERS DAPAT TUTUKAN NG DTI NGAYONG MAGPAPASKO!

Ngayong tapos na ang Undas, ang kapaskuhan na ang paghahandaan ng mga utaw. At sa ganitong panahon, tiba-tiba na naman ang mga online seller, lalo na mga buraot o manloloko.

Pero bago maging busy sa paglilista ng mga reregaluhan para malaman kung kakasya ang 13th month pay, huwag sana nating kalimutan na marami tayong kababayan na nasalanta ng kalamidad na dala ng bagyong Paeng.

Kung may maibibigay na tulong, lalo na sa bahagi ng Mindanao na marami ang nasawi at nawalan ng bahay, aba’y huwag mahiyang gawin. May iba’t ibang organisasyon na handang tumanggap ng kahit na magkanong halaga. Baka puwede rin ang mga gamit gaya ng mga damit na matino at hindi iyong pangbasahan na.

Ang iba, sinabing magandang ipadala bilang tulong ang mga underwear gaya ng panty o brief. Pero utang na loob, huwag naman iyong pinaglumaan na at laylay na ang garter. Mayroon namang nabibiling hindi kamahalan kahit siguro sa Divisoria.

Gaya nang mga nagdaang kalamidad na dulot ng bagyo, ang mga kalbong gubat na naman ang nakitang dahilan ng trahediya kapag marami ang namatay. At gaya ng dati, pag-uusapan na naman ang reforestation at sisihan kung sino ang may kasalanan kung bakit hindi pinalikas agad ang mga tao.

Pero pagkaraan ng ilang taon, makakalimutan na ulit ang isyu, at maaalala na naman kapag nagkaroon ulit ng trahediya sa ibang lugar naman. Kaya tuloy ang hirit ng ilang kababayan natin: “Parang nadinig ko na ‘yan?”

Buweno, may mga tropa tayo na nagtatanong kung ano raw kaya ang ginagawa ng Department of Trade and Industry para maprotektahan ang mga bibili sa mga online seller, partikular sa mga online selling platform ngayon panahon na naman ng kapaskuhan.

Napuna kasi ng ilan nating tropapips na kulang ang proteksyon ng mga buyer sa mga online selling platform laban sa mga mapagsamantala na seller nila na nagpapadala ng mga depektibong produkto, o maling produkto ang ipinapadala.

Ang unang dapat daw na tutukan ng DTI ay ang kawalan ng malinaw na “identity” ng mga seller sa mga online selling platform. Ang iba, letra at numero lang ang pangalan ng “shop” tulad halimbawa ng “abcd123ph.” Tapos walang contact number, o kahit man lang social media account.

Hindi raw sapat at walang saysay na ‘i-chat” lang ang mga seller na buraot. Kung plano talaga nilang manloko, deadma ang aabutin kapag nag-chat ang buyer kapag depektibo o mali ang produkto.

Isa pang dapat daw na remedyuhan ng DTI ay ang “expiry date” ng “refund.” Sa isang online selling platform daw kasi, nawawala na ang botton ng “refund” kahit hindi mo pa pinipindot ang “recieved” product.

Kung tutuusin, kahit nga raw na-“recieve” na ang product, dapat manatili pa rin botton ng “refund” para makahingi pa rin ng refund ang buyer kung palpak ang produkto at deadma ang seller sa pakiusap na palitan ang depektibong produkto.

Kapag nga naman hindi nawala ang “refund” botton, magdadalawang-isip ang mga buraot na seller na magpadala ng palpak na produkto dahil alam nila na anytime, puwedeng humirit ng refund ang buyer. Tama naman ‘di ba DTI?

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

NAKA-ANTABAY ANG MADLA SA PASYA NG KORTE SUPREMA SA BSKE 2022 POSTPONEMENT!

Sa totoo lang tiyak na inaantabayanan ng tinatawag na silent majority ang magiging resulta ng petisyon ni Atty. Romy Macalintal hinggil sa pagpapaliban ng halalan ng Barangay at SK na itinatakda ng bagong batas na idaos sa Oktubre 2023 mula Disyembre 2022.

Sa kanyang pagharap sa Korte, binanggit ni Macalintal nagmimistulang appointees umano ng Kongreso ang kasalukuyang opisyales ng barangay at Sangguniang Kabataan kung papayagan ang pagdaraos ng eleksyon sa susunod na taon.

Sinabi ni Macalintal na ipinagkakait na sa taong bayan ang karapatang maghalal ng kanilang mga opisyal na nakaupo pa nuong 2018 dahil sa ilang beses na pagpapaliban ng halalan.

Giit ni Macalintal na kung papayagang muling ipagpaliban ito, nagmimistula nang appointees ng Kongreso ang mga incumbent barangay officials dahil nakasalalay na sa Kongreso ang pagpapasya kung magkaroon ng halalan pa na ipinapakita ng ilang ulit nitong pagpapaliban.

Sa ginawang oral argument sa SC, ipinababasura naman ni Solicitor General Menardo Guevarra ang petisyon na aniya’y hindi labag sa Saligang Batas ang pagpapaliban ng nabanggit na halalan.

Dagdag pa ng Solicitor General na hindi nalalabag ang karapatang bumoto ng taong bayan dahil may itinakdang halalan sa susunod na taon na napapaloob sa umiiral na batas at hindi rin tamang tawagin ng petitioner na legislative appointees ang mga incumbent officials dahil may proseso ang pagpili ng mga itinuturing na appointees na hindi nangyari sa usaping ito.

Sa panig ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na imposible na ang paghahanda kung ituloy ang halalan sa darating na Disyembre na aniya’y hindi na matatapos ang maraming bagay na kailangan sa paghahanda.

Sa totoo lang malaking hamon sa korte ang gagawing pagpapasya sa petisyon ni Macalintal kung ipagpaliban o hindi ang halalan bagama’t ebidensyang ligal ang marahil ay susuriing mabuti ng korte kung may nilabag nga sa Saligang Batas ang ilang ulit na pagpapaliban ng halalan.

May paglilinaw din ang election lawyer sa kanyang petisyon na hindi saklaw nito ang halalan ng SK dahil ang SK membership ay statutory right na itinatakda ng batas at maaring susugan ng Kongreso ang batas anumang oras para palitan o bawiin ang statutory right.

Naging kapuna-puna rin ang sinabi ni Atty. Macalintal na isang kasaman namin nuon sa Radio and Television Network na ang nagaganap na pagpapaliban ng halalan ay bunga ng mga campaign promise sa panahon ng election period at tinotoo lamang ng ilang politikong nasyonal at lokal ang kanilang mga pangako oras na magwagi sa halalan.

Sang-ayon din tayo sa obserbasyong ito ng abogado dahil ito ay naobserbahan din natin sa mga nakalipas na halalang nasyonal at lokal na idinaos sa bansa na nasa agenda ng ilang kandidato ang pangakong itutulak ang pagpapaliban ng halalan ng barangay sakaling manalo kapalit ng kanilang boto para sa kandidato at ito ay nagaganap na mahigit 2 dekada na sa mga halalang nasaksihan ko bilang miyembro ng media.

Sa totoo lang maaring ikunsidira rin sa usaping ito ang obligasyong moral bukod sa usaping ligal na pagbabatayan sa pagpapaliban ng halalan ng barangay at SK, lalo na ang tunay na pulso ng bayan sa usaping ito kung sang-ayon nga ba sila o hindi sa pagpapaliban ng halalan o kagustuhan lamang ba ng ilang mga politiko para tuparin ang mga pangako sa panahon ng halalan.

Tila nawala na sa usaping ito ang problemang pinansyal sa panig ng pamahalaan ang unang pinagbatayan sa pagpapaliban ng halalan dahil batay sa mga ulat, mas naging magastos ang halalan sa susunod na taon kung maidaraos dahil sa patuloy na rehistrasyon ng mga botante at dagdag na iba pang gastusin.

———-

BARANGAY CHAIRMAN NG BRGY. 516, ZONE 51 NG MAYNILA TUNAY NA MATAPAT NA PUBLIC SERVANT!

Taos puso pong nagpapasalamat ang inyong lingkod kay Chairman Allan Dale Basco ng Brgy 516, Zone 51 ng Sampaloc Maynila at kay Ginang Santiago na nagbigay muli ng palugit sa atin na maialis hanggang Disyembre ang mga kagamitan ng aking yumaong ama sa dating tinitirhan.

Sa nangyaring paguusap sa Barangay naging patas si Chairman Basco at wala  itong pinanigan kundi pumagitna lamang ito at maiayos sa magandang usapan ang naging problema ng dalawang Partido.

Tunay nga na hindi maihahalintulad ang debosyon at layunin ni Chairman Basco na mapag-ayos at mapagkasundo ang mga residenteng nagkakaroon ng alitan sa kanyang nasasakupan.

Ipinakita ni Chairman Basco ang tunay na tungkulin ng isang namumuno o leader at hindi tulad ng ibang Barangay Chairman diyan na walang pakialam sa kaniyang nasasakupan at kadalasan pa ay kung sino ang napapakinabangan nito ay siya naman pinapanigan at ginagamitan ng pabor daan sa kapangyarihang iniatas sa kaniya.

Mga Katulad ni Chairman Basco na public servant ang kailangan natin na maiupo sa gobyerno sana lang nga ay maisip ni Chairman Basco na muling tumakbo  sa mataas na posisyon sa darating na local election ng makatulong siya hindi lang sa kaniyang masasakupang barangay kundi sa buong distrito 4 na ng Maynila.

Aminin natin marami sa mga nakaupo sa konseho o sa city hall ay puro papogi points at nagpapalaki lang ng puwet sa city hall. Matulungin lamang ang mga lintek kapag nalalapit na ang eleksyon dba.

Sa totoo lang tayo po ay dating naglingkod sa Manila City Hall nuong panahon ng nasirang Mayor Fred Lim sa departamento ng Mayor’s Action Group for Investigation & Complaint o MAGIC na pinamunuan ni Maj. Lucio Margallo kaya kabisadong-kabisado ko na ang takbo ng mga politikong nakaupo sa konseho at mga korap na empleyado ng city hall kaya’t aking nasasabi ito sa haba ng eksperyensa ko lalo na sa mga kabulukan ng kalakaran dito.

Kaya’t kung sakaling ipahintulot ng nasa itaas na itadhana kay Chairman Basco na maupo at makapaglingkod sa konseho ay 101% nasisiguro kong malinis, matino at tunay na serbisyong publiko ang ibibigay nito sa distrito na kanyang masasakupan.

Ito po ay hindi isang build-up report napaka-layo pa po ng eleksyon at ang panunulat kong ito’y ibig ko lamang iparating sa mga tagasubaybay ng PNL na may mga tao pang matapat sa tungkulin at alam kong malaki ang  maitutulong ni Chairman Basco sa mga Manileño.

Pihadong kilala naman ninyo ang column ko na puro banat at batikos ng mga tiwaling opisyal sa gobyerno ang ating mga inilalabas at walang build-up report kailanman.

Sana lang magkatotoo na manungkulan ang nasabi nating Barangay Chairman ng Brgy 516, Zone 51 at nang maalis na ang mga bulok at bugok sa konseho tutal ang pagkaka-alam ko ay 3 konsehal ang last na ang termino ngayon.

Isa pa sa mga nakikita kong magiging magaling at tapat sa tungkulin ay itong si Barangay Chairman Harry Nagal ng barangay 470, Zone 46.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

MGA PEKENG MTPB LANG BA ANG UMAARANGKADA SA GABI?

Tatlong lalaki na nangongotong sa mga motorista ang dinampot kamakailan ng mga pulis sa Tondo, Maynila.

Nakasuot ang tatlong bugok ng uniporme ng Manila Traffic and Parking Bureau o MTPB.

Matagal na raw nangongotong ang tatlong walanghiya sa mga motorista at kamakailan lang sila nahuli ng mga tauhan ng Manila Police District.

Ngunit itinanggi ng pamunuan ng MTPB na mga enforcer nila ang tatlong kumag. Ibig sabihin ay mga pekenis ang tatlong ungas. Mantakin nyo, nakauniporme pa ang mga hinayupak.

Ang aking tanong:

Saan galing ang kanilang suot na uniporme? May nagbigay ba sa kanila nito o may nagbenta?

O kung nabili, saan ito nabibili? Sino ang mga may pakana?

Sa gabi umaatake ang mga nangongotong na ito sa mga motorista at sa madidilim pumupuwesto na tila na mga alagad ng kadiliman upang hindi sila mamukhaan.

Dapat siguro ay may umiikot na mga supervisor ang MTPB para alamin ang ginagawa ng kanilang mga tauhan, lalo sa gabi. Isa pang dahilan kung bakit kailangang may bisor sila na umiikot sa gabi ay para malaman kung mga tauhan pa ba nila ang mga nakakalat sa lansangan. Sabagay, kampante kasi ang MTPB na mga tauhan nila ang mga sumisita sa mga trak ng kargamento na dumaraan sa mga kalsada ng Maynila mula sa Port Area.

Maglabas din sana ng anunsyo kung hanggang anong oras lang sa gabi ang operasyon ng mga traffic enforcer.

E kasi, may nakikita tayo na kahit madaling araw na, may mga traffic enforcer pa rin nanghuhuli lalo na sa kanto ng Dimasalang at A.H.Lacson, kahabaan ng Abad Santos, kahabaan ng R-10 at maging sa Quirino Highway. Ang sisipag, hindi ba?

D’yan mismo sa harap ng Manila City Hall, may mga “traffic enforcer-in-tandem” na nanghaharang ng mga truck para sitahin.

Naku, hindi naman siguro magpupuyat at sisipagin nang ganoon-ganoon lang ang mga traffic enforcer na ‘yan kung hindi sila “nasisiyahan” sa kanilang ginagawa.

Gaano ba sila kasaya? Ang hepe nila, masaya rin ba?

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

MAKAMIT SANA NI PERCY LAPID ANG HUSTISYA SA PANAHON NI PBBM!

Nitong nakaraang buwan lang, may pinatay na mamamahayag sa Mabinay, Negros Oriental. Traidor na pinagsasaksak ang radio broadcaster na si Rey Blanco at hindi na ito umabot sa ospital dahil sa sugat sa leeg. Naaresto naman ang suspek. Inaalam pa magpasa-hanggang ngayon ang motibo sa pagpatay kay Blanco.

Noong Lunes, isa namang mamamahayag ang pinatay. Binaril ang beteranong broadcaster na si Percy Lapid habang nasa kanyang sasakyan sa harap ng BF Resort Village sa Talon Dos, Las Piñas City. Dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang salarin.

Patungo si Lapid sa kanyang online broadcast nang maganap ang pagpatay. Mabilis na tumakas ang mga suspect. Si Lapid ay nagho-host ng “Lapid Fire”, isang radio news commentary program sa DWBL 1242. Si Lapid ang ikalawang mamamahayag na pinaslang sa gobyerno ni Pres. Ferdinand Marcos Jr.

Dati ko pong nakasama si Percy Lapid sa isang weekly tabloid na “Date Line News” na pagaari ng kaniyang ama. Halos mahigit 1 taon din kaming magkatrabaho hanggang lumipat ako sa radio ng DWOO 774 ng program ni Patiboy. Nuon pa man nakitaan ko na ang mabagsik na pambabatikos ni Lapid sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno sa kaniyang column sa Date Line News. Nakakalungkot lang isipin na ang pagkawala ng dati naming kasamahan ay sa karumal-dumal na pagpaslang ang naging sanhi ng kaniyang kamatayan.

Kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pagpatay kay Lapid na anila’y nangyari sa Metro Manila. Wala anilang nagawa ang mga awtoridad para protektahan ang mamamahayag. Kung ang mamamahayag ay walang awang pinapatay paano pa ang karaniwang mamamayan.

Sa panahon ng panunungkulan ni dating President Rodrigo Duterte, 24 na mamamahayag ang pinatay. Ang huli ay si Federico Gempesaw, radio commentator ng Carmen, Cagayan de Oro City. Pinatay siya ng riding-in-tandem sa harap mismo ng kanyang bahay noong Hunyo 27, 2022.

Karamihan sa mga nangyaring pagpatay sa mga mamamahayag ay hindi nalulutas. Maski ang karumal-dumal na pagpatay sa 30 mamamahayag sa Ampatuan, Maguindanao noong Nob. 23, 2009 ay hindi pa lubos na nakakamit ng hustisya.

Sa report ng Committee to Protect Journalists (CPJ) noong 2021, pampito ang Pilipinas sa pinakamasamang bansa para sa mga mamamahayag. Nangunguna ang Somalia at sinundan ng Syria, Iraq, South Sudan, Aghanistan, Mexico, Brazil, Pakistan, Bangladesh, Russia at India.

Noong nakaraang Hulyo sinabi ng Malacañang na maglalatag na ng mga bagong programa ang pamahalaan para maproteksiyunan ang mga miyembro ng media. Layunin ng bagong polisiya ang kaligtasan ng mga mamamahayag.

Ayon sa Palasyo ay binigyan ni Pangulong Bong-Bong Marcos Jr. ang PNP ng 7 araw para resolbahin ang pagkakapaslang kay Percy Lapid. Harinawa na hindi mangyari ang pagprisinta ng mga kapulisan ng mga fall guys kapag dumating na ang deadline na ibinigay ni PBBM sa PNP.

Magbibigay daw ng 1 milyon piso si Atty Alex Lopez sa sino man na  makapagtuturo sa mga salarin ni Percy Lapid. Pinakilos na din ni DOJ Sec. Boying Remulla ang NBI para magimbestiga sa insidente.

Sana mabigyan ng tama at totoong hustisya ang pagpaslang kay Percy Lapid para maproteksiyunan din ang mga mamamahayag at wakasan na ang pagpatay sa mga jorno.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

MAALIS KAYA NI BIR COMMISSIONER LILIA GUILLERMO ANG MGA BUWAYA SA BIR O ISA DIN SIYA SA MGA LALAMUNIN NITO?

Pinili ni President-elect Bongbong Marcos si dating Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) assistant governor Lilia Guillermo para maging chief ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Malawak ang karanasan ni Guillermo sapagkat dati na siyang nasa BIR at nagsilbi na ng 40 taon sa nasabing tanggapan. Dati siyang deputy commissioner ng BIR bago lumipat sa BSP. Naglingkod din siya sa Department of Budget and Management (DBM).

Noong nasa BIR pa, si Guillermo ang namahala sa Tax Computerization Project na pinondohan ng World Bank at marami ang pumuri sa kanyang maayos na supervision sa proyekto. Nang nasa BSP si Guillermo siya ang naging presidente ng Chief Information Officers Forum, isang grupo na isinasaayos ang IT positions at nag-a-upgrade ng IT salaries. Sa pamamahala ni Guillermo, na­isakatuparan nila ang central banks IT Modernization Roadmap of 2018-2023.

Hindi matatawaran ang kakayanan ni Guillermo at lahat ito ay pinatotohanan ni dating BSP Governor­ at ngayon ay mauupong Finance Secretary Benjamin Diokno. Matagal na umano silang magkasama ni Guillermo at katunayan siya ang humikayat dito para magtrabaho sa BSP. Hindi umano matatawaran ang kakayahan ni Guillermo ayon kay Diokno.

Masusubukan ang kakayahan at husay ni Guillermo ngayong siya na ang hepe ng BIR. Tiyak na magpapakitang gilas siya sa pagkolekta ng buwis. Kailangang mapalaki ang koleksiyon para magkaroon nang malaking pondo ang bansa. Sa kasalukuyan, trilyong piso ang utang ng Pilipinas. Kung mahina ang koleksiyon ng BIR, saan kukunin ang pambayad sa utang.

Malaking hamon din kay Guillermo ang mga “buwaya” sa BIR na nagiging dahilan kaya karampot ang koleksiyon. Sa halip na sa kaban ng bayan mapunta ang koleksiyon, sa bulsa ng mga “buwaya’’ nagsu-shoot.

Isa sa gustong silipin ni Guillermo ang tax record ng mga indibidwal na marangya ang pamumuhay.

“(Sa) mga nakikita mo na ang kotse nila eh…. frequent travels although sa COVID time walang frequent travels, ang lalaki ng bahay and yet pagka nakita mo kung sino sila and try to match sa aming files they did not even file their returns… parang `di ba duda ka. How come you have these properties, pa-explain lang naman natin,” sabi ni Guillermo.

Itatatag din daw niya ang isang task force ng mga data scientist upang tingnan ang mga datos ng mga social media influencer/vloggers. Makayanan sana ni Guillermo ang mga hamon na pagbabago sa isang kilalang korap na ahensya ng gobyerno at hindi ningas-kugon lamang ang kanyang mga sinabi. Kung malilipol ang mga “buwaya’’ magtatagumpay ang BIR sa mga hangarin sa bayan. Good Luck na lang Commissioner Guillermo.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

NAG-PASIKAT LANG O TUNAY NA SERYOSO SI PBBM SA PAGPARUSA SA MAG KORAP NA OPISYALES NG BIR AT BOC?

Maraming korap na opisyal at empleyado sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC). Kasabihan nang maraming opis­yal sa dalawang tanggapang ito ang may sakit na “Hepa” dahil naninilaw sa suot na alahas. Nanagana ang mga opisyal dito sapagkat pera-pera ang katapat ng bawat transaction. Noon pa, malaking problema na ang katiwalian sa mga tanggapang ito at hindi magawang maputol o masolusyunan ng mga namuno sa bansa. Maski ang matapang na si President Duterte na maraming beses nagbanta sa mga korap ay walang nagawa. Mayroon siyang mga nasibak sa puwesto dahil sa katiwalian pero hindi nalipol ang mga “buwaya”, partikular sa BIR at BOC. Lalo pa ngang dumami ang mga ito.

Nang interbyuhin si president-elect Ferdinand Marcos Jr. ng mga piling media members, nagbabala siya sa mga gumagawa ng kati­walian sa mga tanggapan ng pamahalaan, partikular ang BIR at BOC. Hindi umano niya kukunsintihin ang anumang katiwalian sa pamahalaan sa ilalim ng kanyang pamumuno. Ngayong siya na umano ang nagpapatakbo ng pamahalaan wala nang mangyaya­ring corruption. Ang mga corrupt officials ay hahabulin at parurusahan. Hindi umano magtatagumpay ang bansa kapag may nangyayaring katiwalian. Hindi lalago ang ekonomiya kung hindi makakakolekta ng buwis o duties sa Bureau of Customs. Kung hindi maayos ang pagkolekta ng taxes, malabong umunlad ang bansa.

Marami nang pinuno ang nagbanta at nagbabala laban sa mga korap subalit walang nagawa sa loob ng anim na taong pamumuno. Nanatili pa rin ang mga korap at ang resulta, nasadlak sa kumunoy ng kahirapan ang mga Pilipino. Ang salaping dapat gastusin para sa pagpapaunlad at sa pagsisilbi sa mamamayan ay sa bulsa ng mga matatakaw na napupunta.

Harinawang ang babala ni Marcos sa mga korap ay magkaroon ng kaganapan at hindi katulad ng iba pang pinuno na nawalan ng saysay. Kaila­ngang mawasak ang korapsiyon para magtagumpay at umunlad ang bansa. Kung mananatili ang mga matatakaw, habang panahong magdurusa ang mga maliliit at mahihirap. Wala na silang pag-asang guminhawa pa. Nararapat masampolan ang mga “buwaya” sa 2 ahensyang ito!

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

DEVANADERA NG ERC ITINUTULAK SA DOE PIHADONG MAGBUBUNYI ANG MERALCO!

Hindi angkop para sa DEPARTMENT OF ENERGY (DOE) ang isang kalihim na ignorante sa mga batas na may kaugnayan sa kuryente at langis. … lalo na ngayong tayo ay nasa gitna ng krisis sa enerhiya,

Tumbukin na natin.., hindi kasi inaasahan ng karamihan na sa bibig mismo ni ENERGY REGULATION COMMISSION (ERC) CHAIRPERSON AGNES DEVANADERA magmumula ang giit na pagbasura ng value added tax sa kuryente.., na hindi na kailangan pa ang anumang batas.

Ang totoo, sadyang pasakit sa mga ordinaryong Pinoy ang mataas na buwanang singil sa kuryente.., na dapat lang naman gawan ng paraan ng pamahalaang mapababa ang buwanang singil ng mga pribadong kumpanyang gaya ng MERALCO.

Ani Devanadera na dating Justice Secretary sa administrasyon ni GMA.., ay hindi na kailangan ang Kongreso para ibasura ang VAT sa power generation.

Mga ka-ARYA.., hindi ako isang abogado at hindi naman kailangang maging abogado para maunawaan na Kongreso lang ang pwedeng gumawa ng batas..,

katunayan, ang mismong may akda ng REPUBLIC ACT 10963 (Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law) ay ang mismong kumapon sa giit ng dating Justice Secretary nina GMA at Big Mike.

Ayon kay HOUSE COMMITTEE ON WAYS AND MEANS Chairperson Joey Salceda ng Albay na gawa ng Kongreso ang VAT.., kaya Kongreso rin lang ang pwedeng magbasura o magrebisa sa tax law.., at dito ay walang panama ang isang reglamentong taliwas sa batas na binalangkas ng Kongreso at nilagdaan ng PRESIDENTE.

Heto pa.., mali rin aniya ang pag-unawa ni Atty. Devanadera sa usaping double taxation sa VAT na ipinapataw sa generation charge at distribution charge.

Sa tono ni Cong. Salceda, mukhang hindi sapat ang kaalaman ng ERC Chairwoman sa batas na may kaugnayan sa enerhiya.., ang masaklap ay tila target pa ni Atty.. Devanadera na pumuwesto bilang DOE Secretary na bahagi ng Economic Team ni PRESIDENT ELECT BBM.., naku po, hindi kaya magkakahetot-hetot ang isang sensitibong departamento kung ihihirang ang tulad ni Devanadera o kaya ay isang Mikey Arroyo sa DOE?

Tama ang punto ni Salceda.., na walang dapat pinapaboran ang VAT; kung papatawan mo ng buwis ang pandesal na paborito ng isang simpleng pamilya, bakit di mo rin patawan ng buwis ang mga negosyanteng gumagawa ng harina at lebadurang sangkap sa tinapay?

Maraming paraan para pababain ang electricity rate nang hindi masasagasaan ang mga programa ng pamahalaan para sa mga mamamayan.

Mas angkop kung pag-aaralan muna niyang mabuti ang mga batas hinggil sa enerhiya para naman hindi siya nagmumukhang eng-eng.., pero teka, ano ba ang nagawa niya bilang ERC Chair?

Ah meron nga naman pala…,ang isulong ang interes ng taong nagluklok sa kanya sa pwesto; protektahan ang ABOITIZ POWER at pahintulutan ang walang puknat na dagdag singil ng mga power distribution companies sa mga konsyumer.., bagay na ginawa na ng mga tulad nina Mikey Arroyo at ni outgoing Energy  Secretary Al Cusi.

Sa problemang kinakaharap at dinadanas ngayon ng ating bansa ay hindi kailangan ang isang hilaw na pag-unawa sa mandato ng pinupuntirya niyang ahensya na mapamunuan!

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

BILANG NA ANG ORAS NG MGA SINDIKATO SA DEPARTAMENTO NI SEC. DAR SA PAG-UPO NI PBBM!

Napapanahon ang plano ni President-elect Ferdinand”Bongbong”Marcos Jr. na buhayin muli ang sektor ng agrikultura sa bansa tulad noong kapanahunan ng yumaong amang si Apong Ferdie kung saan kumikita ang mga magsasaka.

At mas lalong lumakas ang loob ng kanayunan kaugnay sa lumutang na balitang uupuan ni Pangulong Bongbong ang ahensyang ito upang alamin ang kaliwa’t kanang suliraning sadyang isinantabi ng gobyerno ang sektor na itinuturing na food producer’s ng kalunsuran.

Nasisiguro ng taumbayan na mistulang sinilaban ang mga tumbong ng ilang buwayang opisyal sa Department of Agriculture na sangkot sa ilang sindikato sa loob sakaling masilip na ni PBBM ang kunwaring programa nila ngunit pinagkakaperahan pala ng mga kupal.

Halimbawa,’yung inireklamo noon ng lokal na hog growers kaugnay sa malawakang importasyon na inirekomenda ng kalihim ng DA na si William Dar sa kasagsagan ng kakulangan ng suplay ng karne samantalang kaya naman umanong tugunan ng mga kababayan nating magbababoy.

Lumutang na kakutsaba pala ng mga kampon ni Mang William ang ilang importer ng baboy kaya sukdulang makipag-patayan ang departamento na aprubahan ang importasyong ito.

Maging ang pag-angkat ng gulay mula sa ibang bansa ay ipinanukala rin ng mga ganid sa kwartang opisyal sa loob samantalang kaya namang suplayan ng local farmers ang konsumo ng mamamayan bunsod sa hindi lang Benguet ang nagtatanim ng gulay tulad ng  repolyo, carrots, pechay Baguio at iba pa kundi malawakan na rin ang pagtatanim nito sa Visayas at Mindanao.

Maaamoy rin ni Pangulong Bongbong ang raket ng ilang hindot sa loob kaugnay sa pag-angkat ng galunggong mula sa China na ginawang gatasan ng mga ito samantalang sa loob mismo ng teritoryo ng bansa sa WPS hinuhuli ng mga Tsinoy ang ibinebenta sa sambayanan.

At mas lalong uusok ang ilong ni Pangulong Bongbong kapag nalaman nitong inobliga ng BFAR ang mga operator ng bangka maliit man o malaki na bumili ng napakamahal na Vessel Monitoring System device at ginawang pangunahing requirement upang maka-rehistro ang mga ito.

Tangna,batid ng taumbayan na malaki ang kinuwarta ng mga mokong mula sa supplier ng VMS na higit pa sa presyo ng bangka ang halaga nito. Kaya humanda na kayo at mag praktis na maging kamag-anak ni hudas pihadong magtu-turuan mode kayo sa pag-imbestiga ni PBBM.

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

ITUTULOY KAYA NI MARCOS Jr. ANG INIWANG LABAN NI PRRD SA MGA BIGTIME NA SINDIKATO SA DROGA?

Noong nangangampanya pa si President Duterte, isa sa mga ipinangako niya ay ang paglutas sa problema sa droga. Sinabi niya noong 2016, anim na buwan lang at masosolb niya ang problema sa illegal drugs. Marahil ang pangako niyang ito ang isa sa dahilan kung bakit siya nanalo sa presidency. Uhaw na uhaw ang taumbayan sa presidente na may tapang na harapin ang problema sa illegal drugs. Tanging si Duterte ang nangako ng ganito kaikling panahon—anim na buwan—para matapos ang problema sa droga. Nanalo siyang presidente.

Isang buwan makaraang makapanumpa, umarangkada na ang “Oplan Tokhang” na pinamunuan ng noon ay PNP chief na si Ronald de la Rosa na nga­yon ay senador na. Salakay dito salakay doon ang mga pulis sa mga squatters area at pinagdadampot ang mga “tulak”. Mayroon daw mga lumaban kaya binaril. Ang mga ayaw sumuko, sapilitang dinala ng mga pulis para imbestigahan. Pati mga tinedyer na vendor, dinampot dahil tulak daw ng droga. Ang tinedyer na si Kian delos Santos ng Caloocan City, binaril ng dalawang pulis at napatay. Lumaban daw. Mayroon ding mag-ama sa Pasay na pinagbabaril ng mga pulis dahil lumaban daw.

Daming napatay sa war on drugs ng Duterte admi­nistration. Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), umabot na sa 6,165 ang mga napatay sa kampanya sa illegal na droga mula Hulyo 2016. Pero sa kabila na marami na ang napatay at naaresto, patuloy ang pagkalat ng droga. Sa halip na mabawasan, lalo pang dumami ang droga, parti­kular ang shabu.

Noong Miyerkules, sinabi ni President Duterte na nagkamali siya nang sabihing lulutasin ang droga sa loob ng anim na buwan. Sa kanyang talumpati kama­­kalawa ng gabi sa inagurasyon ng Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) Project sa Cebu, sinabi ng Pangulo na naging tiwala siya nang ipangako na mare­resolba ang problema sa loob lamang ng kalaha­ting taon kung mahahalal sa puwesto. Nakita raw niya kung gaano kalaki ang problema nang malaman niya na anim na heneral ng Philippine National Police (PNP) ang diumano’y sangkot sa illegal na droga.

Nagkamali talaga ang presidente sapagkat pawang mga “maliliit” ang nahuli ng kapulisan. Walang malalaking tao na source ng droga. Ang mga tinukoy niyang nasa likod ng droga ay nasaan na. Aalis na siya sa puwesto pero walang malaking “isda” na nalambat. Nangako siya pero hindi natupad. Ngayon na papalitan na si PRRD ang problema ni Juan Dela Cruz ay makakayanan kaya ni Bong-Bong Marcos bilang bagong Pangulo ng Pilipinas na sugpuin o ipagpatuloy ang naiwang laban ni Pangulong Duterte sa mga bigtime na sindikato sa droga? Tsk..Tsk..

———–

Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa mikelawin22@gmail.com o kaya’y i-private message sa Headlines Ngayon Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Maraming salamat po at stay safe!

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

BAKIT TALAMAK PA RIN ANG KIDNAPPING SA ATING BANSA!

Sinamantala ng mga kidnappers ang pagiging busy ng PNP bilang implementers ng quarantine protocol kaya kidnap dito kidnap doon ang kanilang ginagawa. Sunud-sunod ang kidnapan at noong naka­raang Pebrero nakapagtala ng 23 insidente ng kidnapping at pawang mga Chinese ang sangkot.

Sabi ni Teresita Ang See, founder ng Movement for Restoration of Peace and Order (MRPO), nakababahala na ang mga nagaganap na kidnapan sapagkat halos araw-araw ay may natatanggap silang report. Sabi ni See, dati ay dalawa hanggang tatlo lamang ang nata­tanggap nilang kaso ng pangingidnap bawat buwan pero ngayon ay napakarami na.

Nag-aalala si See na magpatuloy ang kidnapping activities sa mga Chinese sapagkat karamihan sa mga biktima ay hindi na inirereport sa pulisya ang pangi­ngidnap matapos bantaan ng mga kidnappers na baba­likan kapag nagsumbong sa mga awtoridad. Gaya raw ng isang kinidnap na negosyante sa Metro Manila na nagbayad ng P3.5 milyon ang pamilya at hindi na inireport sa pulisya ang pangyayari dahil sa takot.

Sabi naman ng PNP-Anti-Kidnapping Group (AKG), tatlong kaso lang umano ng kidnapping ng Chinese ang natanggap nila mula Enero at karamihan sa kinidnap ay mga nagtatrabaho sa Philippine offshore gaming operator (POGO).

Ayon pa sa AKG, regular silang nakikipag-coordinate sa Chinese Embassy at ipinaaalam ang mga insidente ng kidnapping ng mga Chinese. Marami na umano silang na-rescue na kidnap victim.

Noong Marso 2, na-rescue nila ang isang Chinese national sa isang hotel sa Parañaque City. Hindi nahuli ang kumidnap sa Chinese. Napag-alaman na ang biktima ay ipinagbili umano sa dalawang POGO companies. Mga Chinese rin umano ang kumidnap sa biktima.

Tumataas ang bilang ng mga kinikidnap at pawang Chinese ang biktima. Ang nakapagtataka, mga kapwa Chinese rin nila ang mga kidnapper. Nakapagtataka rin na mga nagtatrabaho sa POGO ang target kidnapin.

Sinabi ni See na sinasamantala umano ng mga kidnapper ang pagiging abala ng mga alagad ng batas nga­yong may pandemya lalo’t ang PNP ay implementters ng quarantine protocol.

Paigtingin pa ng PNP-AKG ang pagbabantay upang masawata ang kidnapping ng Chinese sa Metro Manila at kalapit probinsiya. Naghahatid na ito ng pa­ngamba at takot na baka lumala pa ang biktimahin na ay mga maykayang Pinoy.

Kailangan din naman ang paghihigpit sa mga Chinese na papasok sa bansa na dito pa gumagawa ng krimen. Mula nang mag-operate ang POGOs noong 2017, dumami na ang krimen kabilang ang kidnapping.

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

BAKIT HINDI MAUBOS-UBOS ANG ILLEGAL NA DROGA SA ATING BANSA?!

Sobrang dami ng shabu sa bansa. Hindi maubos-ubos kahit araw-araw ay nagsasagawa ng buy-bust operation ang mga pulis at PDEA. Kung bakit hindi maubos ang supply ng shabu ay isang malaking katanungan sa kasalukuyan.

Lubhang nakapagtataka na kahit may pandemya, hindi masawata ang pagdagsa ng shabu. Kahit pa may checkpoint dahil sa lockdown, nakalulusot ang shabu. Mas naghigpit, mas lalong naging mabangis ang mga nagkakalat ng droga at bulto-bulto pa ang dinideliber na shabu.

Noong Miyerkules ng gabi, nakasamsam ang pulisya ng 30 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P200-milyon sa magkasunod na buy-bust operation sa Paranaque City at Taguig City. Tatlong lalaki na miyembro ng Golden Triangle Syndicate ang naaresto ng Drug Enforcement Group ng Philippine National Police (PNP-DEG). Nakilala ang mga naarestong suspek na sina “Ibrahim” “Omal” at «Abdul» na pawang taga-Upper Bicutan, Taguig.

Ayon sa PNP-DEG, ang Golden Triangle Syndicate ay nakabase sa China at ang sinusuplayan dito sa bansa ay mga kapwa Chinese at mga nasa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Noong nakaraang taon, inamin mismo ni President Duterte na narito na sa bansa ang mga mala-laking sindikato ng droga. Kaya ang order niya ay shoot to kill sa mga miyembro ng sindikato. Noong 2016 pa nagsimula ang kampanya ng pamahalaan laban sa droga subalit hindi pa rin matapos ang problema at lalo pang lumalala.

Nakakapasok din sa bansa ang shabu sa pamamagitan ng pagdaan sa Bureau of Customs. Nakakalusot dahil sa pakikipagkutsaba sa mga korap na Customs officials at personnel. Mayroong inilalagay sa magnetic lifter at walang anumang nailabas sa bakuran ng Customs.

Ilang linggo na ang nakararaan, sinabi ni President Duterte na sirain na ang mga nakukumpiskang droga para hindi ma-recycle. Dapat noon pa ito ginawa para hindi na naibabalik pa sa kalye ang shabu para ibenta muli. Ganunman, kahit ang utos ay sirain na ang droga, atasan pa rin ng Presidente ang PDEA na targetin ang big time drug syndicates sapagkat ang mga ito dahilan kung bakit patuloy ang drug problem sa bansa. Huwag lang maliliit na drug pushers ang hulihin.

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

NARARAPAT LANG NA MAS TANGKILIKIN NATING MGA PILIPINO ANG MGA PPEs NA GAWANG ATIN

Tangkilikin ang sarili at gawang atin. Iyan ang laging sinasabi ng ating pamahalaan. Pero kung ang pag-uusapan ay ang personal protective equipment­(PPE) na mahalagang gamit ngayon ng mga health frontliners, taliwas ito sa sinasabi sapagkat ang tinatangkilik ng pamahalaan ay mga gawang China.

Maraming kompanya sa Pilipinas na gumagawa ng PPE pero ang kinukontrata ay mga kompanya sa China. Bakit kailangan pang lumayo e narito lamang sa bansa ang mga mahuhusay na gumagawa ng PPE? Sa kasalukuyan, maraming kompanya sa China ang nagkakontrata sa Pilipinas para gumawa ng PPE. Ayon sa report, pitong Chinese companies ang nakakontrata para magsuplay ng PPE pero naka­panlulumong malaman na overpriced ang mga ito.

Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, ang per unit ng PPE ay overpriced ng P200 kaya sa kabuuan, P1 bilyon ang lugi ng pamahalaan. Ayon sa senadora, ang halaga ng PPE, batay sa estimate ng Philippine General Hospital ay nagkakahalaga ng P1,200 hang­gang P1,500 subalit sa ginawang procurement ng Department of Budget ay nagkakahalaga ito ng P1,700 hanggang P2,000. “Isang bilyon ang nawala sa kaban ng bayan,” sabi ni Honteveros. Ang isang bilyong piso ayon sa kanya ay maraming mabibi­ling PPEs para sa mga health workers. Marami sa health workers ang nasa panganib ang buhay dahil salat sila sa proteksiyon laban sa virus. Ang isang bilyon umano ay maaaring i-allocate para madag­dagan ang sahod ng mga health workers.

Maraming lokal na kompanya ang gumagawa ng PPE pero una pang kinontrata ang mga sumusunod na Chinese companies: Xuzhou Const. Machinery Group, Wen Hua Dev’t Industrial Co., Ltd., Chushen Company Ltd., Pacific Field (Hong Kong) Ltd., at Shanghai Puheng Medical Equipment Co. Ltd.

Sinabi kamakailan ng Department of Health na kapag nalagdaan ni President Duterte ang Bayanihan Act 2, magiging prayoridad ang mga local companies para gumawa ng PPEs. Ngayong nalagdaan na ng Presidente ang Bayanihan Act 2 eh bakit ang mga Chinese companies pa rin na ubod ng mahal ang gumagawa at umano’y walang kalidad ang produkto. May mga health workers na nagsasabi na madaling masira ang supply nilang PPE na made in China.

Kung ang mga kompanyang Pilipino ang kinontrata para sa PPE, maraming magkakaroon ng trabaho. Marami ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Kung dito na gagawin ang PPE, hindi na kailangang ikarga pa sa eroplano at barko at tiyak na may kalidad at mura pa ang halaga.

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

ANO ANG DAPAT GAWIN KUNG WALANG LUMABAS NA PERA SA PAGWI-WITHDRAW SA ATM?

Malaking convenience sa mga tao  ang dulot ng pagkakaroon ng Automated Teller Machines o ATM dahil hindi na kailangan pang magtungo sa mga bangko kapag kinakailangan ng cash, lalo na kung araw ng Sabado o Linggo, dahil hindi lahat ay bukas at may operasyon kapag weekend. Subalit paano kung walang iniluwang pera ang ATM sa iyong pag-withdraw? Ano ang kinakailangan mong gawin?

Nagbigay ng guidelines ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP sa mga hakbang na maaaring gawin kung sakaling hindi makuha ang cash na dapat ay makukuha sa pagwi-withdraw.

Una, isulat ang petsa, oras, lokasyon ng ATM at iba pang impormasyon tungkol sa naging transaksyon.

Pangalawa, mangyaring itago ang resibo upang magkaroon ng katibayan na nagsagawa ng transaksyon dito. Maaari itong kuhanan ng larawan o ipa-photocopy dahil may mga resibong madaling mabura ang mga nakasulat sa paglipas ng panahon.

Pangatlo, ipagbigay-alam kaagad sa mga kinauukulan ang nangyari. Tumawag kaagad sa mga emergency hotlines ng  inyong bangko at sabihin ang detalye ng insidente.

Pang-apat, magsampa ng pormal na reklamo. Kung sakaling hindi kaagad natugunan ang insidente o hindi naibalik ang pera, magpadala ng sulat-reklamo sa bangko, kasama ang mga mahahalagang dokumento katulad ng resibo.

At panlima at panghuli, maaaring dalhin ang ulat sa BSP. Kung hindi agad maaaksyunan ng bangko ang reklamo, iparating kaagad ito sa BSP sa pamamagitan ng kanilang mga daluyan ng komunikasyon. Huwag kalimutang ilakip ang mga detalye at sipi ng mga dokumento, lalo na ang pagpapadala ng reklamo sa bangko.

Naglahad naman ng kanilang karanasan ang mga netizens kaugnay ng concern na ito.

“Nangyari na rin sa akin ‘yan, months bago naibalik… kinaltasan pa ako ng penalty ng bangko kasi nag-below minimum yung balance,” sabi ng isa.

Wika naman ng isa, “Naranasan ko ‘to dati, dalawang beses pero binalik naman agad ng teller yung perang nawala… paliwanag nila may glitch daw po minsan ‘yung machine. Pero ‘di nila alam kung bakit nangyayari ‘yon baka na rin siguro may nagtatangkang lagyan nang skimming device pero ‘di natutuloy dahil maraming tao at nasa loob iyong ATM booth.”

“Ang dapat na tanong diyan, bakit nangyayari iyon? Dapat may solution kaagad kasi computerized na nga, ‘di ba? Centralized system na, so bakit hindi agad puwede ibalik iyong hindi lumabas na pera mo? Kasalanan mo ba yun? giit naman ng isa.

Kung naranasan mo ito, agad na isagawa ang mga tips na ibinigay ng BSP upang maibalik ang perang pinaghirapan mo.

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

BIGTIME ANG SINDIKATO SA PHILHEALTH NA KAHIT PA DAW SI SUPERMAN AY HINDI KAYANG TIBAGIN ITO?!

Grabe pala talaga ang corruption sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil kahit daw si Superman ang paupuin doon ay hindi kayang sawatain. Ibang klase kung ganun ang nangyayaring katiwalian sa PhilHealth na hindi pala kayang gibain ng superhero na si Superman.

Sabi ni PhilHealth President and Chief Executive Ricardo Morales hindi raw madaling solusyunan ang mga iregularidad sa state insurance firm. Sabi pa ni Morales sa radio interview na 20,000 kaso ang kanilang iniimbestigahan kung saan P4.5 bilyon ang involved na pondo ng ahensiya. Wala raw talagang madaling solusyon dito, sabi ni Morales.

Nagbigay ng testimonya si Morales sa Senado kaugnay ng mga nangyayaring korapsiyon sa pinamumunuang ahensiya. Sinabi niya na ang nangyayaring “systemic” fraud sa PhilHealth ay hindi malulutas sa loob ng isang taon o maski sa mga susunod pang mga taon. Hindi raw mabibigla ang paglutas pero magsisimula siya nang dahan-dahan hanggang makakita ng buwelo. Tiwala siyang malilinis ang katiwalian sa ahensiyang pinamumunuan.

Sabi ng mga senador, napapaikutan si Morales ng mga tiwaling opisyal at empleyado sa PhilHealth. Nang tanungin naman kung bakit hindi siya bumababa sa puwesto sa kabila ng mga isyu ng korapsiyon, sabi niya, may pinagagawa pa raw si President Duterte sa kanya.

Nagsimula ang alingasngas sa PhilHealth nang isang dating opisyal ang humarap sa Senado at ibinunyag na may sindikato sa ahensiya na dahilan sa pagkalustay ng P15-bilyong pondo. Ayon kay Thorsson Montes Keith, dating anti-fraud legal officer, ang natuklasan niyang anomalya sa ahensiya ay maituturing na “krimen ng taon”. Minamaniubra umano ng sindikato ang interim reimbursement mechanism at procurement ng “overpriced” information and communication equipment.

Sa pag-iimbestiga naman ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), natuklasan nila na 36 na opisyal ng ahensiya ang sangkot sa corruption at inihahanda na ang kaso laban sa mga ito.

Talamak ang corruption sa PhilHealth at ‘di raw uubra si Superman. Siguro ang dapat palitan ay namu­muno. Maaaring may iba pa na may mas kaka­yahan. Hindi naman dapat ay kasing lakas ni Superman ang kailangan basta determinado at may political will.

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

PAGPAPAKULONG SA MGA PABAYANG MAGULANG NI YORME ISKO MORENO, EPEKTIBO!

Mga menor-de-edad ang karaniwang nahahawahan ng COVID-19. Karamihan sa kanila ay mga nakatira sa matataong lugar na ang mga bahay ay dingding lang ang pagitan. Dito rin makikita ang mga menor-de-edad na nasa kalye pa kahit disoras na ng gabi. Pagala-gala sila sa labas kahit wala namang mahalagang ginagawa. Kahit may ipinatutupad na curfew, walang takot ang mga menor at patuloy sila sa paglilimayon. Mayroong nagkumpol-kumpol na nagkukuwentuhan, nagtatawanan at mayroon pang mga nag-iinuman. At karamihan pa sa kanila ay mga walang face mask.

Maraming lungsod at bayan ang nagpapatupad na ng curfew, nagsisimula ito ng alas-diyes ng gabi hanggang alas singko ng umaga. Mayroon namang alas nuwebe hanggang alas kuwatro ng umaga. Maraming nagrorondang pulis at barangay tanod para mapigilan ang paglabas, paglaboy at paggala ng mga kabataan.

Pero talagang marami pa rin ang pasaway na kabataan at nakakalusot pa rin sa mga nagbabantay. Tila ba mayroon silang sekretong lagusan na dinadaanan para makapuslit. At nakapagtataka na hindi naman ito nalalaman ng kanilang mga magulang. O maaa-ring ang kanilang mga magulang ay naglilimayon din. Maaaring wala rin sa bahay ang mga magulang kaya ang kanilang mga anak ay nagmistulang mga pinakawalang daga sa lansangan.

Pinakamaraming kabataan na lumalabag sa curfew ay sa Maynila. Ito ang nagpapasakit sa ulo ni Mayor Isko Moreno. Kamakailan ay nakapagtala ang Maynila ng 9,367 na curfew violators at karamihan ay mga menor-de-edad. Ayon pa sa report, 1,039 sa mga ito ay walang suot na face masks.

Kaya’t isang paraan ang naisip ni Yorme Isko Moreno para masawata ang mga pasaway na kabataan sa paglaboy-laboy sa mga lansangan –– ikalaboso ang mga iresponsableng magulang. Ipinag-utos agad ni Yorme Moreno sa Manila Police District (MPD) na kasuhan ang mga magulang ng mga kabataang lumabag sa curfew.

Isang magandang paraan ito upang matuto ang mga magulang at mabantayan na rin ang kanilang mga anak na hindi magsilabas pa ng kanilang bahay. Tunay na mabisang paraan ito at ng mabawasan na ang pagkalat ng killer virus na pataas ng pataas ang nagpopositibo araw-araw sa ating bansa.                       

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

MAHIGPIT NA KALABAN NGAYON NG MGA PILIPINO AY ANG KKK!

Noon ay mga Kastila ang kalaban ng mga Pilipino. Pero ngayon, makalipas ang 122 taon, mas marami pang naging kalaban ang mamamayan na wala ring ipinagkaiba sa mababagsik na mananakop. Mas matindi ang mga kalaban ngayon sapagkat nagdu­dulot sa pagkahilahod ng bansa.

Unang kalaban: Korapsiyon.

Maraming korap sa mga tanggapan ng pamahalaan ngayon. Walang patawad. Kahit na nasa gitna ng paglaban sa COVID-19 ang bansa, patuloy ang pangu­­ngurakot ng mga taong gobyerno. Maski ang pondo sa social amelioration program (SAP) ay kinu­kurakot ng mga barangay kapitan. Sa halip na ibigay nang buo ang SAP na para sa mahihirap, kalahati lang ang ibibigay at ang kalahati ay sa sariling bulsa nila nilalagay. Hanggang ngayon, marami ang nag­rerek­lamo na hindi sila nakatanggap ng SAP sa unang tranche. Iyon ay dahil kinurakot ng barangay official.

Ikalawang kalaban: Kahirapan.

Maraming mahirap na Pilipino at ngayong sinalanta ng COVID ang bansa, inaasahang darami pa ang bilang ng mga magsasalat sa buhay. Lolobo ang bilang ng mga walang trabaho sapagkat marami nang nag­sarang kompanya, establisimento, pabrika at pak­torya. Maraming magugutom na pamilya dahil walang pag­kakakitaan.

Ikatlong kalaban: Krimen.

Patuloy ang mga nangyayaring krimen. Sumasalakay ang riding-in-tandem at walang awang pumapatay. Patuloy din naman ang pagdagsa ng illegal na droga. Kahit naka-lockdown ang bansa, nakakapasok ang shabu na nagkakahalaga ng bilyong piso. Paano nakakapasok ang salot na shabu gayung walang biyahe ang barko at eroplano. Kabi-kabila rin ang checkpoint at napakahigpit ng mga awtoridad.

Mababangis ang tatlong kalaban ng mga Pilipino sa kasalukuyang panahon. Kailangan ang mahusay na paglaban ng gobyerno sa mga ito. Kailangan ang mahusay na plano para mapalaya ang mamamayan sa korapsiyon, kahirapan at krimen (KKK).

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

HINDI LAHAT NG BARANGAY OFFICIALS AY KORAP AT WALANG-HIYA MAY MGA MATITINO AT TAPAT DIN SA TUNGKULIN!

Sinampahan na ng kaso sa Prosecutor’s Office ng Department of Justice (DOJ) ang mahigit na 300 barangay officials na sangkot sa corruption sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP). Sabi ni DILG Secretary Eduardo M. Año, mayroon pang mga barangay officials na sasampahan ng kaso. Lahat may kaugnayan sa pagnanakaw ng pera na laan sa mga mahihirap na naapektuhan ng COVID-19.

Sabi ni Sec. Año, hindi matatakasan ng mga corrupt na barangay officials ang batas. Mananagot ang mga ito. Sinira umano ng mga ito ang tiwala ng gobyerno at ganundin ng mga kabarangay kaya makukulong ang mga ito.

Bago pa ang pamamahagi ng SAP, nag-warning na si President Rody Duterte sa barangay officials na huwag nanakawin ang perang ayuda sa mga mahihirap. Ipakukulong umano niya ang mga mangu­ngurakot ng pondo. Pero sa kabila ng babala, maraming nangurakot. Halos kalahati ng SAP ibinubulsa ng corrupt officials.

Isa sa mga corrupt barangay official na nakunan pa ng video at napanood ng Presidente ay ang kagawad sa Hagonoy, Bulacan na si Reynaldo Flores. Kalahati lang ng SAP ang binigay ni Flores sa mga kabarangay. Nagmura ang Presidente sa napanood, mahirap na nga raw ang mga tao ay ninanakawan pa ito ng kagawad.

Matapos mapanood ang ginawa ni Flores, nag-alok ng pabuyang P30,000 ang Presidente sa sinumang makapagsusuplong sa kanya ng mga corrupt na barangay officials. Ipinayo naman ng Presidente sa mga mayor na kilalanin ang pagkatao ng mga aatasan na mamamahagi ng SAP para hindi masayang ang pera. Siguruhing sa mga mahihirap na nangangailangan mapupunta ang pera hindi sa barangay official na kurakot. Kailangan daw na may malinis na kalooban ang mamamahagi ng pera.

Nasa P205-bilyon ang inilabas ng pamahalaan para sa SAP. Sa second tranche ay 20 milyong mahihirap ang target maayudahan. Lahat umano ang mga hindi pa nakatanggap sa first tranche ay mabibigyan. Ipagkakaloob na umano ito sa mga mahihirap na nasa ilalim ng General Community Quarantine. Bantayan ang pondo para di-manakaw ng mga kurakot na barangay officials.

Sa kabilang banda hindi lahat ng mga Punong Barangay o mga opisyales nito ay mga korap at walang-hiya mayroon din mga tapat at mapagkakatiwalaan. Ang mga ito ay inaalay ang kanilang buhay para lamang mapatupad ang sinumpaan nilang tungkulin sa bayan at isa na dito ang serbisyong publiko. Mas inuuna nila ang kapakanan ng kanilang kabarangay kaysa sa kanilang pamilya kaya nararapat din naman na purihin at bigyan ng karangalan o kahit na respeto man lang sa kanilang mga ginagawa. May kasabihang hindi lahat ng mga bunga sa isang puno ay panay bulok at inuuod, may mga matitinong bunga din.

Tulad ng ating naipangako nuong nakaraang issue na ating ilalabas at kikilalanin ang mga Barangay Officials na mga kahanga-hanga at tapat sa pagbibigay ng serbisyo publiko sa kanilang mga nasasakupan ngayong nasa pandemya ang ating bansa, lihim na inalam ng ating mga HN Agents kung sino-sino ang mga ito. Atin muna uunahin ang mga Barangay sa Distrito 3 at Distrito 4 ng Maynila. Ito ay ang mga sumusunod:

BRGY. 270  ZONE 25 – P/B Adora Usero

BRGY. 273  ZONE 25 – P/B Mary Ann L. Arboleda

BRGY. 296  ZONE 28 – P/B Rolando R. Wong

BRGY. 307  ZONE 30 – P/B Johnny “Rollin J” F. Dela Cruz, Kag. Lavernie Dinglasan, Kag. Olan Pangan, Kag. EddieBoy Trinio, Kag. Michael Alonzo

BRGY. 314  ZONE 31 – P/B Hilda L. Turla

BRGY. 340  ZONE 34 – P/B Rosario Cruz

BRGY. 362  ZONE 36 – P/B Ann Christine Abella

BRGY. 392  ZONE 40 – P/B Anna Corazon T. Arce

BRGY. 403  ZONE 41 – P/B Jesusito Ponciano L. Diosana

BRGY. 407  ZONE 42 – P/B Justin Leonard R. Lee

BRGY. 411  ZONE 42 – P/B Ma. Anne Vanessa B. Dabuet

BRGY. 425  ZONE 43 – P/B Benjamin M. Pasamonte

BRGY. 432  ZONE 44 – P/B Ramil R. Barrientos

BRGY. 439  ZONE 44 – P/B Rolando F. Sison

BRGY. 465  ZONE 46 – P/B Alexander Tasarra

BRGY. 470  ZONE 46 – P/B Harry Y. Nagal, Kag. Bryan Requinala, Kag. Joseph Venzon, Kag.Michael Orpia, SK Chairman John  Delinger Cruz, SK Kag. Christine Marcelino

BRGY. 472  ZONE 47 – P/B Francisco F. Bonifacio

BRGY. 485  ZONE 48 – P/B Antonio A. Mendoza

BRGY. 488  ZONE 48 – P/B Hermie S. Cabrera

BRGY. 491  ZONE 48 – P/B Edgarlito A. Reyes

BRGY. 509  ZONE 50 – P/B Jeffrey D. Estabaya

BRGY. 510  ZONE 50 – P/B Abelardo Sarmiento

BRGY. 513  ZONE 51 – P/B Rolando R. Hernandez

BRGY. 516  ZONE 51 – P/B Allan Dale Basco, Kag. Emilio Soliven jr, Kag. Dindo Ferrer, , Kag. Jojo Casuco, Kag. Cecille Serrano, Kag. Sally Tolentino, Kag. Gerardo Serrano, Kag. Ome Erpelo

BRGY. 521  ZONE 52 – P/B Santiago R Calizo

BRGY. 553  ZONE 54 – P/B Rosario E. Arcon

BRGY. 563  ZONE 55 – P/B Allan E. Lagman

BRGY. 564  ZONE 55 – P/B Yvex A Cabansag

BRGY. 575  ZONE 56 – P/B Sylvia Santicruz

BRGY. 576  ZONE 56 – P/B Jeffrey B. Fabiana

BRGY. 583  ZONE 57 – P/B Joel P. Santos

Sa susunod na issue ng ating column ay ang mga kapuripuring Barangay Officials ng Distrito 1 at 2 ng Maynila. Stay Safe pa rin mga Kabayan ingatan natin ang ating sarili sa patuloy na naka ambang ang COVID-19 Virus.

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

KANINO AT SAAN DAPAT ISUMBONG ANG MGA PALPAK, KORAP AT WALANG-SILBI NA MGA BARANGAY KAPITAN AT MGA OPISYALES NITO?

Marami pa ring pasaway na residente na kahit na ipinagbabawal ang paglalabas sa kalsada kaugnay sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) ay patuloy pa rin at tila walang pakialam kung mahawa o makahawa ng virus. At ang paglilimayon na ito ay kinukunsinti naman ng ibang mga barangay kapitan na tila wala ring pakialam kung kumalat man ang virus sa kanyang nasasakupan.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 na umabot na sa mahigit na 7,700, at higit sa 500 na ang namamatay sa pinakahuling report ng Department of Health (DOH). Naka-ECQ ang Luzon mula pa noong Marso 14 at matatapos ngayong Mayo 15 depende sa pasya muli ng ating Presidente.

Ang pagpapabaya ng mga barangay kapitan ay nakaabot na sa kaalaman ng Department of Interior and Local Government (DILG) at nagbabala ito na kakasuhan ang mga mapapatunayan. Ayon sa DILG, mahigit 30 na barangay chairman na ang inireport na hindi pinatutupad nang mahigpit ang ECQ at patuloy naman na iniimbestigahan ang iba pang mga pumapasok na reklamo sa mga anomaliyang ginagawa ng iba pang mga barangay kapitan. Karamihan sa mga barangay kapitan ay nasa Metro Manila. Patuloy umano ang pagiging pasaway ng mga tao sa barangay na para bang walang kinatatakutang virus. Mayroon ding mga residente sa barangay na nagbibingo, mayroon ding mga nagto-tongits at nag-iinuman.

Sabi ng DILG, ipatatawag na nila ang higit na 30 barangay chiefs at pagpapaliwanagin kung bakit hindi maipatupad ng mga ito ang ECQ. Kapag hindi umano naipaliwanag ng mga ito ang dahilan, sasampahan ng kaso ang mga ito. Malinaw na may paglabag ang barangay kapitan kaya patuloy na pasaway ang mga residente ng nasasakupan nila sa kabila ng ECQ.

Kastiguhin ang mga barangay kapitan. Sila ang pinuno sa komunidad kaya nararapat lamang na ipatupad nila kung ano ang nasa batas. Hindi makokontrol ang virus kapag patuloy ang mga residente sa paglabas sa lansangan. Pararamihin nila ang maysakit at tatagal ang problema.

Sa mga residenteng gustong magreklamo sa kanilang mga Barangay Kapitan na gumagawa ng kabalbalan o ano mang krimen o paglabag sa batas na gusto niyong iparating sa mga kinauukulan ngayong panahon ng ECQ ay maaring ireklamo sa mga sumusunod:

*PACC (Presidential Anti-Corruption Commission)

0906-692-7324

Email: pacc.complaints@gmail.com

*MRRD-NECC (Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee)

0956-3688-363

*DILG: EOC & PACC

8876-3454 Local: 8806/8810, 8925-0304, 0961-384-9272, 0927-422-6300, 0915-005-4535, 0961-772-1668

*Regarding sa anomalya ng DSWD-SAP

0947-482-2864, 0916-247-1194, 0932-933-3251

*ANTI-DISCRIMINATION ORDINANCE (For Patients & Frontliners)

NBI Hotlines:

8524-0232, 0966-472-3056, 0961-734-9450, 0975-153-9146

*PNP-NCRPO QRT HOTLINE FOR COVID-19

0917-336-0091, 0920-979-7027

Tungkol naman sa mga Punong Barangay at mga Barangay officials na tumutugon at sumusunod sa mga ipinatutupad na batas ngayong nasa panahon ng pandemya ay dapat naman siguro silang pasalamatan, purihin at parangalan ng ating mga kinauukulan sa gobyerno katulad na lang nina Punong Barangay Harry Nagal, Kagawad Bryan Requinala, Kagawad Joseph Venzon, Kagawad Michael Orpia, SK Chairman John  Delinger Cruz at SK Kagawad Christine Marcelino ng Brgy 470 Zone 46 ng Maynila, Punong Barangay Allan Dale Basco, Kagawad Emilio Soliven jr, Kagawad Dindo Ferrer ng Brgy 516 Zone 51 ng Maynila, Punong Barangay Cecilia Tiamson, officers and staff ( Ms. Carla Dinglasan and Ms. Marjorie Salimbagat) ng Brgy. Paligsahan Quezon City at Punong Barangay Ma. Carmela Gotladera, Officers and staff ng Brgy. Roxas Quezon City.

Kahanga-hanga ang walang kapagurang serbisyo publiko ang inyong ibinibigay at ginagawa sampu ng inyong mga opisyales at staff sa mga residenteng inyong nasasakupan at karapat-dapat lamang kayong purihin at tularan ng iba pang mga Punong Barangay. Muli kami po sa HN ay sumasaludo sa inyo at sana’y dumami pa ang lahi ninyo.

PAGING!!! Honorables Sen. Bong Go, DILG Sec. Eduardo Año, Usec. Martin Diño, Mayor Isko Moreno at Mayor Joy Belmonte baka maari niyo naman bigyan ng kahit na certificate of appreciation ang ating mga masisipag at tapat na public servants na mga Barangay Officials na ito. Malaking privilege na sa kanila ang makatanggap ng isang certificate na magmumula sa inyo at kanilang pagkakaingatan at dadalhin ito habang-buhay. Para sa kanila isa itong mahalagang kayamanan na hindi matutumbasan ng kahit ano mang halaga. Higit sa lahat ay maipagmamalaki ito ng kanilang barangay. Huwag naman natin pagkaitan ang mga gumagawa ng tama. Isang sertipikadong papel ay sapat nang pagkilala sa kanilang serbisyo publiko ngayong panahon ng pandemya, diba mga Sir’s and Ma’am.

Sa susunod nating issue ay atin pa rin ilalahad ang mga pangalan ng iba’t ibang kahanga-hanga at kapuri-puring mga frontliners na Punong Barangay at mga opisyales nito na nagbibigay ng tamang serbisyo sa kanilang mga nasasakupan. Siyempre hindi rin maaring mawala ang mga pangalan ng mga punyetang Punong Barangay at kasabwat na mga opisyales nito na walang-silbi at pawang pangungurakot o mga magic na ginagawa sa mga ayuda o proyektong ibinibigay ng ating gobyerno para sa mga sambayanang Pilipino. Kaya inyong abangan ang susunod na issue Kabayan.

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

SAMPOLAN ANG MGA KORAP NA LGUs LALO NA ANG MGA BARANGAY KUPITAN AT HINDI PURO PAGBABANTA LANG ANG GINAGAWA NG MGA KINAUUKULAN!

May mga barangay kapitan na inirereklamo ng mga residente dahil daw hindi pa sila naaabutan ng tulong. Kung ‘yung ibang barangay daw ay ilang beses nang nakapagbigay ng relief goods, sa kanila raw kahit karampot na bigas ay wala pang dumarating.

Marami na ang dumadaing na wala nang maisaing dahil wala na silang pambili dahil nawalan na sila nang pagkakakitaan mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) noong Marso 16. Kahit mga jeepney at bus driver ay umaaray na sapagkat natigil ang kanilang biyahe dahil sa ECQ.

Ang inaasahan nila ay ang sinasabing tulong mula sa local government units (LGUs) subalit wala silang natatanggap. Meron din daw cash na matatanggap subalit marami ang napapailing sapagkat kung ang bigas at sardinas ay wala silang natatanggap, cash pa kaya.

Nagbabala si President Duterte sa mga mangu-ngupit ng pera at relief goods na ipakukulong niya ang mga ito.

Huwag daw magkakamali ang mga opisyal ng gobyerno na nakawin ang pondo o mga tulong sapagkat hindi niya palulusutin ang mga ito. Kapag gumawa umano ng katiwalian ang mga opisyal na naatasang mamahagi ng pera, pagkain at iba pa sa mga apektado ng COVID, humanda ang mga ito sapagkat ipakakalaboso niya.

Binalaan din niya ang mga nagho-hoard ng paninda at mga nagda-divert ng tulong sa mga hindi naman dapat tulungan, huwag na huwag daw itong gagawin sapagkat hindi niya patatawarin. Huwag daw mandaya, mangurakot o itago ang pagkain sapagkat malalaman niya ang mga ito at ipakukulong niya ang government official. Bukod sa ipakukulong, sususpendihin din daw niya ang mga mangungurakot.

Nararapat din namang imbestigahan ng Presidente ang reklamo na may mga barangay chairman na inuunang bigyan ng relief goods ang kanyang mga kamag-anak at supporters. Mayroon ding reklamo na binabawasan ng chairman ang mga naka-pack na relief goods at inilalagay sa kanyang sari-sari store.

Dapat parusahan ang mga opisyal ng gobyerno na kinukurakot ang pondo at relief goods para sa mamamayan. Hindi lang sana pawang banta ang Presidente kundi sampolan niya para hindi pamarisan ang mga kurakot sa gobyerno at barangay officials.

Maari daw isumbong ang mga korap na opisyal ng gobyerno at mga tiwaling Barangay officials sa DILG-EOC 8876-3454 local 8806/8810, DILG-PACC 8925-0343, MRRD-NECC 0956-3688-363, PACC 8967-7051.

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

MAARING MAY MENSAHE ANG DIYOS SA ATIN GAMIT ANG PANANALASA NG COVID-19 SA BUONG MUNDO!

“GOD MUST BE PUTTING THINGS IN ORDER…”

Ito ang ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang “Kelly Jane Bacuyag Jove” ang kaniyang mga napagnilayan sa mga nangyayari ngayon, kaugnay ng sunod–sunod na hamong kinahaharap ng mga tao sa buong mundo, partikular ang pandemic ng COVID–19.

Makikita ito sa kaniyang Facebook post noong Marso 15, 2020.

Aniya, “In the midst of this crisis and chaos, I was wondering if God is actually setting things right. He is allowing all these so the world can be shaken and sifted, then things will settle and be clearer. I wonder if He is resetting some things.”

Dahil daw sa mga nangyayari ngayon, nababantad daw kung ano ang tunay na kulay ng mga opisyal ng pamahalaang binoto ng taumbayan. Nakikita raw ng taumbayan kung sino–sino ang mga tunay na bayani.

Imagine, citizens are made to see clearly how their elected officials are responding to the crisis, selfishly or compassionately. Citizens will witness the real heroes who are on the frontlines battling this ‘enemy’ to save lives. And they will see those who are just grandstanding and doing the blame game. Citizens will see.”

Dagdag pa niya, hamon din ito sa lahat upang maging mas personal at mas dalasan ang pakikipag–ugnayan sa Diyos, lalo pa’t ipinagbawal na rin ang mga panrelihiyong gawain, bilang pagsunod sa social distancing; lalo pa’t nalalapit na rin ang panahon ng Kuwaresma.

The Lenten season will become more personal, interior and spiritual, not just religious,” aniya.

Mas mabibigyan din daw ng pagkakataon ang bawat pamilya na makasalamuha ang isa’t isa lalo’t pinatutupad ang curfew mula 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga. “Families will learn to talk to one another again.”

Napagtanto niya raw na, “Friends, God is probably asking us to STOP FOR A WHILE. We have scurried to and fro for a long time and we must have been missing something. God is forcing us to stop and be mindful of what He is doing.”

Sa kaniyang pagtatapos, “STOP, LOOK AND LISTEN! He is probably setting some things right in your life.”

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

HINDI DAPAT MAG-PANIC AT KATAKUTAN NG MAMAMAYANG PILIPINO ANG COMMUNITY QUARANTINE!

Mahigit sa kalahating oras na nagsalita si Pangulong Duterte nitong Huwebes, Marso 12 ng gabi at isa-isang inihayag ang mga gagawin para maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19 sa bansa. Sa lahat nang pagsasalita ng Pangulo, kapansin-pansin na masyado siyang seryoso at wala ang mga nakaugaliang pagbibiro.

Pawang mga hakbang na may kaugnayan sa pag-iingat sa nakahahawang sakit ang kanyang inihayag at mahigpit ang kanyang paalala sa lahat na sundin ang ipinag-uutos. Ang lahat aniya ng mga ito ay para sa kaligtasan ng mamamayan.

Una sa mga inihayag ng Pangulo ay ang pagsasailalim sa community quarantine ng Metro Manila na magsisimula Marso 15 at matatapos hanggang Abril 14. Bagama’t hindi ginamit ang salitang lockdown, parang ganito na rin ang kahulugan sapagkat hindi na papayagan ang domestic, air at sea travel sa mga nabanggit na na panahon.

Ganunman, sinabi ng Pangulo na huwag mag-panic ang mamamayan. Huwag daw masyadong ma-stress na parang hindi na magawa ang mga gustong gawin.

Bukod sa community quarantine, ipinag-utos din ng Presidente ang extension ng suspension ng klase hanggang Abril 14. Makaraang ideklara ang suspension ng klase sa Metro Manila, sinabi ng Presidente na hindi naman dapat tumigil sa pag-aaral ang mga estudyante kahit na nasa bahay.

Nag­pasaring pa na huwag laging nakatutok sa gadgets at pindot nang pindot ang mga estudyante. Nararapat aniyang mag-aral ang mga ito. Ngayong humaba na ang suspension ng klase, nararapat namang maging alerto ang mga magulang sa kanilang mga anak.

Ang pagsasailalim sa community quarantine na itinuring namang “lockdown” ay naghatid ng panic sa ilan kahit na sinabi ng Presidente na huwag mataranta. Marami ang nagpa-panic buying ngayon at inubos ang mga paninda. Hindi na inisip ang iba nating mga kababayang wala ng mabili. Matigil na sana ang ganitong gawin.

Sundin ang utos para makaiwas sa sakit at huwag sanang magpanic. Kalma lang sa sitwasyon.

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

TULOY PA RIN ANG LIGAYA NG MGA KORAP NA OPISYAL NG GOBYERNO AT BINABALE-WALA ANG BANTA SA KANILA NI PANGULONG DUTERTE?

Nuong mga unang buwan ni President Duterte sa puwesto noong 2016, agad siyang nagpahiwatig ng galit sa mga corrupt sa gobyerno. Galit siya sa mga gumagawa ng katiwalian. Kaya paulit-ulit niyang sinasabi na kapag nakaamoy siya ng “singaw” ng korapsiyon sa isang tanggapan ng gobyerno, sisibakin agad niya ang pinuno rito. Hindi na raw niya tatanungin pa. Sibak agad ito sa puwesto. Kaya ang babala niya sa mga pinuno ng tanggapan na nauugnay sa korapsiyon, kusa nang magbitiw kaysa ipahiya pa niya ang mga ito.

Noong 2017, pinakamaraming sinibak sa puwesto ang Presidente. Pawang mga miyembro ng Gabinete ang sinibak niya. Sinibak niya ang DILG secretary, NIA undersecretary, SSS official at Customs commissioner. May kusang nagbitiw gaya ng Tourism at Justice secretary dahil din sa isyu ng corruption.

Noong 2018, marami pa ring sinibak na opisyal ng pamahalaan at umabot pa ang delubyo hanggang 2019 kung saan, harap-harapang sinasabi ng Presidente na corrupt ang isang opisyal at dapat nang magbitiw bago pa niya hiyain sa karamihan.

Pero kahit marami na siyang sinibak, ang korapsiyon ay hindi pa rin mawala at nananatiling nasa mga tanggapan ng pamahalaan. Kahit pa nagbanta nang nagbanta, marami pa rin ang gumagawa ng katiwalian at patuloy sa pangungurakot.

Halimbawa ay sa Bureau of Customs na patuloy ang korapsiyon. Maraming nakalulusot na kontrabando dahil sa pakikipagsabwatan sa mga corrupt na Customs personnel. Kahit Customs police at janitor doon ay kasabwat din sa katiwalian. Ang pinaka latest na mga nadiskubreng korap officials ay ang tinaguriang “Pastillas Boys” ng Bureau of Immigration sa NAIA.

Sa report ng Corruption Perception Index (CPI) ng Transparency International, pang-113th ang Pilipinas kung ang pagbabasehan ay ang pagsugpo sa korapsiyon sa pamahalaan. Nasa 180 bansa ang covered ng nasabing Corruption Index report.

Ibig sabihin masyadong malayo pa ang bansa kung ang pagpuksa sa katiwalian ang pag-uusapan. Kulang pa ang tapang ni President Duterte para malipol ang mga tiwali sa pamahalaan. Kailangan pa niyang maging marahas at mabangis laban sa mga corrupt na nagpapahirap sa bayan.

Kung kayo ang tatanungin ano ang magandang maipapayo niyo sa ating Pangulo ng masawata o mawala ang korapsyon sa ating gobyerno? Maari niyong i-email sa mikelawin22@gmail.com o headlines_ngayon@yahoo.com at ating ipo-post ang inyong mga payo sa susunod nating issue.

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

MGA BOTETENG PULIS NA HINDI MAPO-PROMOTE AYOS LANG DAW!!!

Nagkalat na ang maraming obese o buteteng mga pulis ngayon. Kapag nagpa-pass-in review sa Camp Crame, makikita ang mabibilog at naglalakihan na tiyan na halos lumuwa na sa suot na uniporme. Masagwang tingnan ang pulis na bundat ang tiyan. Hindi bagay sa propesyon na ang tungkulin ay pagsilbihan at proteksiyunan ang mamamayan.

Paano mapagsisilbihan ang mamamayan kung ang pulis ay hindi makakilos nang maayos dahil malaki ang tiyan. Paano mahahabol ng pulis na obese ang criminal? Malamang kung may katok sa ulo ang pulis na di makahabol sa kriminal pihadong babarilin na lang ito.

May direktiba ang bagong PNP Chief Lt. General Archie Gamboa na bago ma-promote ang isang pulis, kailangang ang kanyang timbang ay naaayon sa body mass index (BMI). Sa BMI dapat umaakma ang height sa weight ng tao. Ang resulta ng BMI ang magde-determine kung maaaring ma-promote ang pulis.

Ayon pa kay PNPC Gamboa ang pinakamahalagang requirements para makaakyat sa promosyon. Bagama’t mahalaga rin ang pag-aaral o schooling ng pulis, mas malaking puntos kung fit na fit ang kanyang panga­ngatawan. Nararapat na physically at mentally fit ang mga pulis.

Nararapat ipatupad ang direktibang ito. Kailangang maging kaakmaakma ang pangangatawan ng mga pulis para sa pagtatanggol at pagprotekta sa mamamayan. Isa pa, hindi magandang tingnan ang mga pulis na butete at may namamayagpag na bilbil.

Noong panahon ni dating PNP chief at ngayo’y senador Panfilo Lacson, ipinatupad niya na dapat ay 34 inches waistline ang mga pulis. Ang mga sobra sa sukat ay pinagbabawas ng timbang. Nawala na ang kautusang iyon kaya naman lalong dumami ang mga matatabang pulis.

Nararapat na ipatupad ang bagong kautusan ng bagong PNP Chief na hindi mapo-promote ang mga obese na pulis. Kung tutuusin dapat nga sibakin at tanggalin ang mga boteteng pulis. Tiyakin na mangyayari ito at hindi isang ningas-kogon lamang dahil kahihiyan ito ng bagong PNP Chief at sana lang huwag babastusin ang kautusan ito ni PNPC Gamboa dahil malaking kahihiyan ito ni PNP Chief hindi lamang sa mga mamamayang Pilipino kung-di pati kay Pangulong Duterte.

Good Luck PNP Chief Lt. General Archie Gamboa sana bukod sa kautusan mong ito ay malinis mo na rin ang mga ninja cops at scalawags sa PNP na siyang inaasahan sa iyo ni Pangulong Duterte at DILG Sec. Año. Sana sa pamumuno mo ngayon bilang PNP Chief ay hindi na umiral ang mga bata-bata system at ka-batch system na naging tradisyon na at siyang sumira sa kridibilidad ng dating naupong PNPC. May mga alingas-ngas na kumakalat sa pansitan na diumano’y ibang obese/buteteng pulis na ok lang daw sa kanila ang di ma-promote.

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

NAKAMAMATAY NA MISTERYOSONG SAKIT SA CHINA MAARING MASALISIHAN ANG PILIPINAS DALA NG MGA NAGSISIDATINGANG MGA TSINO SA NAIA!

Hindi lamang drug traffickers at mga terorista ang dapat na binabantayan ngayon sa bansa kundi pati na rin ang “misteryosong sakit” na nag-originate sa China na ayon sa report ay mabilis makahawa.

Mayroon na umanong nasawi at 44 na ang nabibiktima sa Wuhan, China at nadadagdagan pa. Ang sakit ay halos katulad umano ng severe acute respiratory syndrome (SARS) na nanalasa sa China noong 2002-2003 na dahilan ng kamatayan ng daang katao sa China at Hong Kong.

Parang pneumonia umano ang “misteryosong sakit” at unang nakita ito noong Disyembre 24 sa Wuhan. Ayon sa report, mabilis ang pagdami ng nagkasakit kaya naalerto ang mga awtoridad at lahat nang mga galing sa Wuhan ay idinaan sa masusing check-up.

Lahat nang mga Chinese na nagtutungo sa Hong Kong ay kanilang idinadaan sa check-up at ang makikitaan ng sintomas ay ikina-quarantine para hindi na kumalat ang nasabing sakit.

Lubhang nakakatakot sapagkat delikado ang sakit na ito. Hindi ito dapat ipagwalambahala ng ating gobyerno.

Ngayong dagsa ang mga Chinese sa ating bansa, maaaring may makalusot at maikalat ang sakit. Mayroon lamang isang Chinese na maysakit nito at makalusot, pihadong kakalat na ang virus sa ating bansa. Hindi dapat mangyari ito.

Paigtingin ang pag-screen sa mga dumarating na pasahero lalo na ang mga nanggaling sa China at Hong Kong. Huwag magtanga-tangahan ang mga itatalagang mga magbabantay sa mga parating na mga tsino na galling ng China at Hong Kong

Masusing tingnan kung may mga pasaherong nagtataglay ng sakit na ito at agad na ilagay sa quarantine para hindi na makahawa o kumalat pa.

Ang walang tigil na pagtatrabaho ng Department of Health (DOH) sa pagkakataong ito ang nararapat na maipakita. Hindi dapat makalusot ang mga maysakit na ito sa NAIA pa lang. Kadalasang nangyayari na ang pagkalat ng sakit ay dahil hindi na-monitor sa airport at nga-nga ang nagbabantay.

Ngayon kung anu-anong sakit na ang nakapasok sa ating bansa na ang pinaka-latest ay ang African Swine Fever (ASF), dapat na maging alerto at magbantay ang lahat. Ang ASF na kasalukuyan pang nasa bansa ay naipasok dahil umano sa mga pagkaing pork na dala ng mga dayuhan.

Maging alerto upang ang “misteryosong sakit” ay hindi makapasok sa bansa natin. Panatilihin dapat ng mamamayang Pilipino ang pagiging malinis sa katawan para makaiwas sa mga anumang sakit.

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

SA PAG-LAMIG NG ISSUE SA DRUG QUEEN NG SAMPALOC MAY POSIBILIDAD NA SINANDYA ITO UPANG DI MALANTAD ANG MGA PROTEKTOR NA POLITIKO AT MGA NINJA COPS NA NASA PAYROLL!

Magpasa-hanggang ngayon ay hindi matukoy kung nasa Bangkok o nasa Canada ang tinaguriang “drug queen” ng Sampaloc na si Guia Gomez Castro. Unang report ay lumipad daw ito patungong Bangkok noong Setyembre 21.

Mapapansin na pinalalamig na ang issue sa Sampaloc Drug Queen upang ito’y makalimutan na at di matuon o malantad sa madla ang mga politikong protektor nito at mga ninja cops na nasa kanyang payroll.

Ang kahuli-hulihang balita ay nasa Canada raw ito at kasama ang asawa. Nakalipad paalis si Castro, ilang araw makaraang pumutok ang balita na isang maimpluwensiyang barangay chairman sa Sampaloc ang nag-eempleo ng mga pulis na nagre-recycle ng droga.

Sumunod na araw, pinanga­lanan na siya ng mga pulis. At makalipas pa ang ilang araw, nabalita na nakalabas na siya ng bansa. Ganon katindi ang intelehensya ng drug queen ng Sampaloc sa kapulisan at natakasan niya agad ang batas.

Ayon naman sa mga meron ang PNP na rin mismo ang may depekto kaya natakasan sila ng “drug queen”. Hindi sana muna sila nag-ingay nang nag-ingay ukol sa aktibidad ni Castro. Ang pagiging maingay lalo na sa isang sensitibong isyu ay hindi dapat na ginagawa.

Siyempre kapag pumutok ang balita, nakakapaghanda ang suspek at mabilis na nalalabas ito ng bansa lalo na kung may mga protektor ito na siyang agaran magpaplano sa pag alis nito ng bansa. Alam naman natin na kapag nakalabas na ito ay mahihirap nang mahuli.

Kinumpirma naman ng Bureau of Immigration na naka­labas na ng bansa si Castro ilang araw makaraang pumutok ang balita na siya ang “drug queen” at nag­mementini ng “ninja cops”. Ayon pa sa report, ang mga “ninja cops” ay nakikinabang kay Castro sapagkat ito ang bumibili ng shabu na kanilang nakukum­piska sa drug operations.

Nanalong chairman si Castro noong nakaraang barangay election subalit naka-leave ito sa kasalukuyan. Itinanggi naman ng mga kaanak ni Castro ang mga akusasyon na sangkot ito sa recycled drugs. Ayon pa sa report, maraming “ninja cops” na naka-payroll kay Castro at ang ilan ay binibigyan niya ng SUV.

Sinabi naman ng Immigration na hindi nila puwedeng harangin o pagbawalan si Castro na makalabas ng bansa sapagkat wala namang kaso na naka­sampa rito. Dapat ang PNP umano ang naging maigting sa pagsasampa ng kaso laban sa sinasabing “drug queen”.

Aminin man o hindi ng PNP sila ang maituturing na nagkaroon ng pagkakamali kaya nakalabas agad ng bansa si Castro. Sila ang nagkulang, nagpabaya at wala nang iba pa. Higit sa lahat, walang ibang nakakaalam sa gawain ni Castro kundi ang PNP mismo kaya dapat sila ang maging masigasig ngayon para ito’y madakip at makasuhan. Gawin dapat ng PNP ang lahat nang paraan para maibalik at maaresto ang “drug queen”.

Napag alaman din na may mga warrant of arrest ang nasabing drug queen ng Sampaloc. Sa ngayon ay pinoproseso umano ng DFA ang pag kakansela ng passport ni Castro upang madali itong mahuli at maibalik sa ating bansa at nang mapanagutan niya ang mga ginawa niyang kasalanan sa batas at maituro na rin kung sino-sino ang mga ninja cops at mga government officials na nakikinabang sa iligal niyang gawain.

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST

**********************************************************************************

Naniniwala kami na hindi lang 60 ang opisyal at empleado na sangkot sa katiwalian sa Customs. Kahit ang mga sekyu at janitor doon ay nakapagbubulsa rin ng pera mula sa katiwalian. May mga janitor doon na kumikita lamang umano ng P10,000 pero may bagumbagong sasakyan at may-ari ng ilang pintong apartment. May mga sekyu na may depositong milyong piso sa banko.

Kailangan pa ang dibdibang paglilinis sa Customs para malaki ang makolektang buwis. Patuloy pa raw ang paglaban ng Presidente laban sa mga corrupt at drug traffickers, dapat siyang tulungan. Ireport ang mga tiwali hindi lang sa customs pati na rin sa DOH, BIR, DPWH, IMMIGRATION, PCSO at iba pa sa hotline 8888 o sa PACC 521-1306 / 09452541549, ARTA 478-5093.

By: MIKE LAWIN – NEWS EDITOR / COLUMNIST