SURE HIT

TINUTUGIS NGAYON NG NBI ANG MGA NASA LIKOD NG PEKENG AUDIO NA BOSES NI PBBM!  

Inatasan na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa National Bureau of Investigation (NBI) ang agarang imbestigasyon para malaman kung sino ang nagpakalat ng pekeng audio gamit ang boses ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ay may kaugnayan sa inalabas na kautusan gamit ang artificial intelligence (AI) na paigtingin pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagbabantay kontra China.

Ang naturang video ay kumalat sa social media platforms kung saan una na itong ipinatanggal ng Department of Information and Communications Technology (DICT) matapos kumpirmahin ng Presidential Communications Office (PCO) na peke ito.

Iginiit ni Remulla na kinakailangang mapanagot ang mga nasa likod nito at magsagawa ng malalimang imbestigasyon para malaman ang katotohanan.

Ipinag-utos din ng kalihim sa NBI na sampahan ng kaukulang kaso ang mga nagpakalat ng fake news.

Samantala tinawag naman na deepfake ng Malakayang ang kumalat na video sa social media na gumamit sa boses ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung saan tila nagpapahiwatig na ito ng giyera laban sa isang bansa.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang deepfake ay isang advanced na klase ng digital content manipulation sa pamamagita ng ng generative artificial intelligence.

Nilinaw naman ng Palasyo na walang anumang direktiba ang Punong Ehekutibo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na giyerahin ang anumang bansa.

Sinabi ng PCO na walang direktang pinatutungkulang bansa ang Malakanyang ngunit mababatid na may isang kumalat na video kung saan sinabi ng Pangulo na lalaban na ang bansa sa China dahil sa patuloy nitong pag-aangkin sa teritoryo ng Pilipinas.

Nakikipag-ugnayan na sa ngayon ang PCO sa Department of Information and Communications Technology, National Security Council, National Cybersecurity Inter-agency Committee at maging sa mga private sector upang matugunan ang pagkalat at malisyosong paggamit ng mga video at audio deepfakes at iba pang generative Artificial Intelligence content.

Hinimok naman ng Palasyo ang publiko na maging aktibo sa paglaban sa fake news, misinformation, disinformation at maging responsable at maingat sa pag share ng mga content sa social media.

ATTY. EDNA B. DEL MORAL – SR. LEGAL OFFICER/HN COLUMNIST

**********************************************************************************

TAMA SI PBBM NARARAPAT NA MALAMAN KUNG SINO-SINO ANG POLITIKO AT MGA PULIS NA PROTEKTOR SA P13.3 BILYONG IMPORTED NA SHABU!

Imported daw ang higit dalawang toneladang shabu na nasabat ng local police sa Barangay Pinagkrusan, Alitagtag, Batangas nitong Lunes ng umaga.

Sinaksihan mismo ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. ang pag-inspeksyon sa 1.8 toneladang kontrabando, pinakamalaking huli ng pulisya sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon na walang dumanak na dugo.

Noong Marso 2022 ay nakasabat din ang mga awtoridad ng mahigit P11-billion halaga ng shabu sa Infanta, Quezon kungsaan 10 katao ang naaresto at walang nasawi.

Noong termino ni Rody Duterte sa Malakanyang, higit 6,000 ang napatay (pero sa datus ng human rights groups mahigit 30,000 ang nasawi) sa “giyera” kontra droga, kungsaan karamihan sa mga biktima ay “barya-barya” lamang.

Naharang ang kontrabando sa simpleng checkpoint ng local police sa Barangay Pinagkrusan. Hinanapan lamang ng driver license ang driver ng Foton van na si Ajalon Michael Zarate ng Project 4, Masaga, Quezon City. Pero wala itong maipakitang lisensiya. At nang sitahin at pabuksan ang karga ng van ay tumambad ang bulto-bultong shabu!

Ang kontrabando ay galing daw mismo sa bayan ng Alitagtag at dadalhin sa Metro Manila partikukar siguro sa Quezon City kungsaan nakatira si Zarate.

Sinilip ko sa Facebook ang profile ang isang Ajalon Zarate. Hindi ako sigurado kung siya itong Zarate na driver ng naharang na van na puno ng shabu. Wala itong picture, mikropono na hawig sa gamit ng broadcaster at vloger ang nakalagay na profile pic.

Nakalagay sa profile pic ng Ajalon Zarate na nagtatrabaho ito bilang US Army, nag-aral sa Pierce College, mula Lakes High School, nakatira sa Qiezon City, at galing sa Queens New York. Maaring peke ang mga detalyeng ito kasi nga walang mukha ang profile picture.

Anyway, pinupuri natin ang Alitagtag Municipal Police Station, sa pamumuno ni Captain Luis de Luna, sa pagkakasabat sa naturang kontrabando, na kung nakalusot ay libu-libong kababayan natin ang mabubuang at masisira ang pamilya.

Dahil sa hindi matawarang tagumpay ng Alitagtag MPS ay nabigyan ng spot promotion si De Luna, isa na siyang Major ngayon. Pero dapat ma-promote din ang kanyang mga pulis na silang nagsagawa ng checkpoint, Interior Secretary Benhur Abalos, Jr, Sir!

Sino-sino kaya ang nasa likod halos 2 toneldang shabu na ito? Siguradong pawn lang itong si Ajalon Michael Zarate. Sino kaya ang kanyang amo, at saan niya kinuha ang droga?

Well, abangan natin ang magiging resulta ng nga imbestigasyon sa kasong ito. Tiyak na malaking sindikato ang nasa likod nito. Sana hindi politiko o pulis!!!

Oo! Siguradong bahagi lamang ng shipments, kung galing man ito sa ibang bansa, ang nasabat na kontrabando sa Alitagtag.

Kung imported nga ang shabu na ito, tiyak sa barko ito kinarga.

Ang Batangas ay notorious na bagsakan ng mga kontrabando tulad ng iligal na droga dahil napakaraming barko mula sa iba’t ibang bansa ang dumadaong dito.

Ang tanong: Sino ang nasa likod nito, Mr President?

ATTY. EDNA B. DEL MORAL – SR. LEGAL OFFICER/HN COLUMNIST

**********************************************************************************

HUWAG BALE-WALAIN ANG BABALA NG PHIVOLCS NA MAY POSIBILIDAD TUMAMA ANG MAG. 7.7 NA LINDOL AT 10 METRONG TSUNAMI!

Kailan kaya gagalaw ang Manila Trench at Philippine Trench?

Manila Trench ang tawag sa malaking bitak ng lupa mula Taiwan hanggang Mindoro sa West Philippine Sea at may lalim na 5.4 kilometro.

Ang Philippine Trench naman, nagmumula sa tapat ng Quezon Province hanggang sa lagpas ng Davao Oriental at may lalim na 10.5 kilometro ang bitak at nasa parteng dagat Pasipiko.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, may lakas o magnitude na 7.7 hanggang 8.3 ang Manila Trench at magnitude 8.1 naman ang Philippine Trench.

Parehong lilikha ang dalawang bitak ng lupang ito ng nasa 10 metrong taas ng tsunami o alon mula sa dagat.

Higit na mas mataas ang tsunami ng dalawang bitak ng lupang ito, kung gagalaw o magkalindol, sa 7 metrong pinakamataas na storm surge o tsunami ng nilikha ng bagyong Yolanda.

Kaya naman, imadyinin na lang ang ibubunga ng 10 metro, hindi 7 metro, na alon mula sa dagat na lulusob sa mga dalampasigan at kalupaan ng western Luzon at eastern Luzon.

Bubong ng ikatlong palapag na gusali ang 10 metro, mga brad.

Paano kung lilikha ng intensity 8 ang magnitude 8 lindol?

Heto ang magaganap sa intensity 8 o galaw ng ibabaw ng lupa na likha ng magnitude 8 lindol.

Magpapanik ang mga tao at hindi makatayo, may magigibang matitibay na gusali, magigiba ang mga kongkretong dike at pundasyon ng mga tulay, magkahiwa-hiwalay ang mga riles ng tren at magkakaroon ng mga landslide.

Gaano kaya karami ang mamamatay na tao na pinakamahalaga sa lahat ng usapin sa harap ng napakalakas na lindol na mas malakas pa sa magnitude 7.7 na killer-quake sa Baguio City-Cabanatuan City noong Hulyo 1990?

Maghanda-handa na lang tayo sa 10 metrong tsunami at Intensity 8 na lindol.

ATTY. EDNA B. DEL MORAL – SR. LEGAL OFFICER/HN COLUMNIST

**********************************************************************************

PALIHIM NA GUMAGAPANG ANG MGA KUMAG NA KANDIDATO SA PANGANGAMPANYA PARA SA MAY 2025 ELECTION!

Nagsimula nang mag-ikot ang mga kakandidato para sa May 2025 election.

Pitong buwan nalang kasi at filing na ng certificate of candidacy para sa midterm election.

Importante ang eleksyon na ito para sa mga may balak kumasa sa pagkapangulo sa 2028. Ito kasi ang magiging pundasyon ng mga tatakbo sa nasyunal – pagka-presidente, bise at senador.

Sa mga probinsiya, nagsimula nang magpakita sa publiko ang mga tatakbong konsehal, vice mayor, mayor, gobernador at congressman.

Kaya tuwang tuwa ang mga organizer ng piyesta sa mga barangay, may mahihingan sila ng financial support para sa kanilang mga gagawing palaro pati pambayad sa sound system.

Kung sino ang mababalitaan na tatakbong mayor o vice mayor ay kaagad kinukuhang coronator ng “reyna” ng piyesta.

At yung mga kumakandidata naman para sa reyna ng piyesta ay diretso agad ang pagbenta ng tiket sa mga kandidato.

Sabi ng isang may planong kumandidato sa pagka-mayor: “Ayaw ko nang tumuloy. Binabalak ko palang, pinuputakte na ako ng solicitations. Mamumulubi ako bago mag-eleksyon.” Hahaha…

Ito ang nangyayari kapag maaga kang nagdeklara ng iyong kandidatura, uubusin ka ng mga abusadong botante, pipilahan ka ng mga boboto kuno sa iyo. Wala ka namang choice kundi ang magbigay or else ipagkakalat ng mga yan na ‘kuripot ka at hindi malapitan’!

Pero ‘wag ka, pagsapit ng araw ng eleksiyon, kailangan mo uli magbigay sa kanila para maiboto or else makakalimutan nila ang mga naibigay mo sa kanila noon.

Lamang sa ganito ang mga incumbent. Dahil mayroon silang mapagkukunang “banga” para sa mga mapagsamantala.

Kaya kapag ikaw ay may balak kumandidato, makabubuti na ‘wag ka kaagad magdeklara. Ikot-ikutan mo lang muna ang iyong mga kakilala, kaibigan at kamag-anak. Makiramay sa mga namatayan, magbigay ng kahit konting limos, at batiin ng “happy birthday” kahit sa Facebook ang mga nagdiriwang ng kanilang kaarawan. Sa pamamagitan nito, hindi ka nila makakalimutan kapag ikaw ay natuloy sa pagkandidato.

ATTY. EDNA B. DEL MORAL – SR. LEGAL OFFICER/HN COLUMNIST

**********************************************************************************

NGAYONG LUMABAS NA ANG ARREST WARRANT NG SENADO LABAN KAY QUIBOLOY, DITO MAKIKITA ANG GALING NG OSSA, PNP AT NBI

Pinaaresto na ng Senado si Pastor Apolo Quiboloy, ang multi-bilionaire founder ng Kingdon of Jeus Christ (KOJC) na nahaharap sa mga kasong panggagahasa, child trafficking, dollar smuggling at fraud sa Amerika.

Nag-isyu ng arrest warrant si Senate President Migz Zubiri matapos na ‘di nakakuha ng sapat na pirma ng mga senador ang “protektor” ni Quiboloy na si Senador Robin Padilla para mapigilan ang arrest order ng Senado, makaraang i-cite in contempt ng komite ni Sen. Risa Hontiveros ang pastor dahil sa pag-isnab nito sa Senate invetigation hinggil sa mga reklamong rape at pang-aabuso sa mga dating miyembro ng kanyang KOJC.

Maliban sa Senado, pinaaaresto rin ng House of Representatives o Kamara si Quiboloy dahil din sa hindi pagsipot sa House inquiry hinggil sa mga reklamo ng paglabag sa franchise ng kanyang network, Sonshine Media Network International (SMNI).

Ngayong may arrest order na ang Senado at Kamara laban kay Quiboloy, nasa mga kamay na ngayon ng Office of the Senate Sergeant at Arms (OSSA), PNP at NBI ang pag-aresto sa dating spiritual adviser ni dating Pangulo “Digong” Duterte.

Ngayong nagtatago sa batas si Quiboloy, si Digong ang itinalaga niyang administrator ng kanyang mga ari-arian.

Si Quiboloy, ayon sa ulat, ay nagmamay-ari ng tatlong ari-arian sa Canada at California na nagkakahalaga ng P338 million.

Ang mga ari-ariang ito ni Quiboloy ay posibleng kunin ng gobyerno ng Amerika dahil sa mga kasong kinakaharap niya rito tulad rape, child trafficking, dollar smuggling at fraud.

Nais din ni dating Senador Liela de Lima na imbestigahan ng Anti-Money Laundering Council (ALMC) ang salapi ni Quiboloy at ng kanyang ministry bago pa ito mailipat kay Digong at masimot.

Si Quiboloy ay sinasabing nagtatago sa kanyang “Dome” sa Davao City kung saan protektado ito ng pamilya ng maimpluwensiyang politiko sa Mindanao.

ATTY. EDNA B. DEL MORAL – SR. LEGAL OFFICER/HN COLUMNIST

**********************************************************************************

NANGUNGUNA  SA “VLOGGING” ANG PILIPINAS SA BUONG MUNDO!

Hindi maikakaila ang pagiging aktibo ng mga Filipino pagdating sa social media hindi lamang sa Southeast Asia kundi sa buong mundo. Pagdating nga sa video content ay nangunguna tayo ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Meltwater at We Are Social.

Mayrong 87 million internet users sa buong bansa o katumbas ng 74% ng populasyon.

Umaabot sa 3 hours at 34 minutes ang panahong nailalaan ng isang Filipino sa bawat araw sa internet, pero nasa ika-apat na puwesto lamang ang bansa na bahagyang naungusan ng Brazil, South Africa at Kenya.

Nasa ika-apat ding puwesto ang bansa pagdating sa haba ng oras na inilalaan sa social media kung saan nanguna ang Saudi Arabia, Mexico at Indonesia.

Pangunahing paborito ng mga Filipino ang Facebook app kung saan nasa 26 hours at 54 minutes ang average na nauubos dito sa bawat buwan. Pero nasa ika-apat na puwesto pa rin tayo, mas mahilig sa FB ang Vietnam, United Arab Emirates at Egypt.

Kabilang lang sa top eight ang Pilipinas sa TikTok na mayroong 40 hours at 46 minutes. Habang hindi naman natin masyadong hilig ang Instagram na mayroon lamang 2 hours at 41 minutes, malayo sa global average na 15 hours at 50 minutes bawat buwan.

Pero pagdating sa panonood ng vlogs and influencer content, nangunguna ang Pilipinas na mayroong 50.7% bawat Linggo sa mga edad 16 years old hanggang 24 years old.

Nasa 43.9% ng mga may social media sa bansa ang sumusu­baybay sa “influencers and experts”. At nasa 97.2% ang nano­nood ng video content Linggo-linggo sa buong mundo.

Paborito ng mga Filipino ang online music videos na pi­nanonood ng 72.7% o ng tatlo sa bawat apat na Filipino.

Sa malaking bilang na ito, nasa 22% lamang ang nanonood ng music videos sa pamamagitan ng streaming services o may bayad, karamihan ay sa mga free site o mga pirated site.

Sa mga “how-to videos” naman, nasa 58.3% naman ang nanonood, ikalawa sa buong mundo.

ATTY. EDNA B. DEL MORAL – SR. LEGAL OFFICER/HN COLUMNIST

**********************************************************************************

INILABAS NG SWS AT OCTA RESEARCH ANG SURVEY NA SANGAYON ANG MGA PINOY NA IMBESTIGAHAN NG ICC SI DATING PANGULONG DIGONG!

Lumalaki ang tiwala ng mga Pinoy partikular ng mga biktima ng “pekeng” ‘war on drugs’ ng nakaraang Duterte administration sa International Criminal Court (ICC), ayon sa mga survey ng OCTA Research (OCTA) at Social Weather Stations (SWS).

Ang SWS at OCTA ay naglatag ng magkaibang katanungan tungkol sa ICC, at ang mga sagot ay karamihan pabor sa foreign court.

Sa survey ng SWS nung Disyembre 2023, twenty five percent (25%) sa mga Pinoy “strongly approve” sa ICC investigation, kumpara sa survey nung Marso 2023 na 20% lang ang nag-aprub sa ICC probe.

Mula naman sa 25% ay tumaas sa 28% ang mga Pinoy na “somewhat approve” sa imbestigasyon. Kaunti lamang sa mga Pinoy ang “undecided” sa isyu, mula sa 31% ay bumaba sa 26%, at lumiit din ang bilang nga mga Pinoy na “strongly disapprove” sa imbestigasyon, mula 14% ay bumaba sa 11%.

Tinanong din sa sirvey ng SWS kung papayagan ba ng gobyerno ang ICC investigation. Ayon sa survey, 26% ng mga Pinoy “strongly approve” para payagan ng gobyerno ang imbestigasyon. Tumaas ito mula sa 21% noong March 2023.

Sa survey naman ng OCTA na ginawa December 2023, karamihan sa mga adult Filipino o 59% ay paabor sa ICC probe.

Kita rin sa survey ng OCTA na 55% ng adult Filipinos ay pabor para makipag-ugnayan ang gobyerno sa ICC.

Lumaki narin ang bilang ng mga Pinoy na nakakaintindi tungkol sa ICC simula noong 2018 nang simulan ang preliminary examination, ayon sa SWS survey.

Mula sa 10% na nakakauna sa ICC investigation noong March 2023, umakyat na ito sa 14%. Mayroon na ngayong 30% ng mga Filipino ang “partial but sufficient” knowledge, kungsaan tumaas ng 24%.

Samantalang karamihan o 55% ng mga Filipino ay nanatiling “unsure” na ang ICC ay makapagsagawa ng impartial investigation, nagkaroon ng dagdag na tiwala sa 29%, ayon sa SWS survey.

Ang ICC ay kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon sa war on drugs na sinasabi ng human rights group mahigit sa 36,000 ang napatay, pero ayon sa datus ng Philippine National Police (PNP) aay higit 6,000 lang ang biktima.

Tutol ang kampo ng dating Pangulo Digong Duterte sa imbestigasyon ng ICC dahil gumagana naman daw ang hustisya sa Pilipinas at hindi na raw tumiwalag na ang bansa sa ICC mula 2018.

Kumalas ang Pilipinas sa ICC nang magsagawa ng priliminary investigation ang ICC sa war on drugs matapos magsampa ng reklamo sina noo’y Senador Leila de Lima at Antonio Trillanes kasama ang human rights lawyers.

Si Dela Lima ay nagawang ipakulong ng Duterte administration, pero nabigo silang ibalik sa kulungan ang dating rebel soldier na Trillanes.

Nang matapos ang termino ni Duterte, nakalabas sa kulungan si De Lima na higit 6 years nabilanggo, habang naglabas-pasok na sa Pilipinas ang ICC investigators simula 2022.

Ayon sa isa sa mga testigo ng ICC na si ex-police at umaming “hitman” ng Davao Death Dquad (DDS) na si Arturo Lascanas, sigurado maiisyuhan ng arrest warrant si Duterte.

ATTY. EDNA B. DEL MORAL – SR. LEGAL OFFICER/HN COLUMNIST

**********************************************************************************

NAPAKA-IMPOSIBLENG MAWALA ANG MGA HINAYUPAK NA MGA BUWAYA SA BUREAU OF IMMIGRATION!

Hindi lamang pala dalawa ang Immigration lawyers na sangkot sa pag-aapruba ng working visas ng mga dayuhan—apat ang mga ito.

Sinibak na ang apat at binuwag na rin ang tanggapan ng mga ito sa Bureau of Immigration. Hindi lamang malinaw kung kakasuhan pa ang mga ito o sinibak na lang. Kung sinibak, abot hanggang taynga ang ngiti ng mga ito sapagkat marami na silang napakinabang sa immigration.

Matagal na umanong nangyayari ang mala-‘‘pastillas scam’’ na aktibidad ng apat na abogado na pag-aapruba ng working visas sa mga pekeng kompanya.

Ang pag-aapruba sa visas ng mga dayuhan ay labis na ikinaligalig ni Sen. Risa Hontiveros sapagkat banta ito sa seguridad ng bansa. Maaaring ang mga nakapasok na dayuhan ay miyembro ng sindikato at mga kriminal. Sabi pa ng senadora, karamihan sa mga nabigyan ng pekeng visas ay mga nagtatrabaho sa Philippine offshore and gaming operators (POGOs).

Sinabi pa ni Hontiveros na ang pag-aapruba ng immigration lawyers sa working visas ay walang ipinagka­iba sa ‘‘pastillas’’ scam na ibinulgar niya noong 2021.

Dahil sa pagkakabulgar ng pastillas scam, 45 immigration officials ang nasibak sa puwesto. Sa imbes­tigasyon ng komite ni Hontiveros, P40 bilyon ang na­ibubulsa ng mga corrupt Immigration officials dahil sa visa-upon-arrival (VUA) policy na ipinatutupad sa mga dayuhang pumapasok sa bansa partikular ang mga Chinese.

Lahat nang Chinese nationals na hindi nag-avail ng visa upon arrival (VUA) system ay magbabayad ng P10,000 sa Immigration para makapasok nang walang aberya sa bansa.

Tinawag na “pastillas” ang modus dahil ang perang ipinangsusuhol sa BI officials ay binibilot na hawig sa “pastillas. Wasak na wasak ang imahe ng Immigration dahil sa pastillas.

Noong Hunyo 2021, lalo pang nalubog sa kumunoy ang imahe ng Bureau of Immigration nang ma-convict ng Sandiganbayan ang dalawang senior officials nito. Pinatawan ng reclusion perpetua (40 taon na pagkakulong) sina dating Deputy Immigration Commis­sioners Al Argosino at Michael Robles at isang dating pulis.

 Napatunayan na nagkasala ng plunder at graft ang dalawang opisyales dahil sa pag-extort ng P50 million mula sa Chinese gaming tycoon na si Jack Lam noong 2016.

Sa kabila ng mga nabulgar na katiwalian sa Immigration, patuloy pa rin hanggang sa ngayon ang mga buktot na gawain ng nabanggit na tanggapan. Walang pagbabago.

Naging tahanan ng mga gutom na “buwaya” ang tanggapan. Ang paglilinis sa nasabing “tahanan” ng mga “buwaya” ang nararapat isagawa ng namumuno.

Kung hindi, hindi makaaahon ang bansa sa kumunoy ng katiwalian.

ATTY. EDNA B. DEL MORAL – SR. LEGAL OFFICER/HN COLUMNIST

**********************************************************************************

BAKIT KAYA HANGGANG NGAYON HINDI PA RIN NAPUPUNAN ANG HALOS 6,000 POSITIONS SA PAMAHALAAN?

Ang kahalagahan ng maayos at mabilis na paglalagay ng mga tamang tao sa mga tamang puwesto sa gobyerno ay hindi maitatatwa.

Ngunit, sa kasalukuyang sitwasyon, tila ba nagiging hamon ang paglalagay ng halos 6,000 na mga posisyon sa loob ng pamahalaan.

Sinasabing sa huling tala, wala pang kalahati ng mga ito ang napupunan.

Ibig sabihin, ang mga nakaupo ay palitin na o nasa holdover capacity, na nagdudulot ng hindi pagkakaroon ng sapat na implementasyon at operasyon sa iba’t ibang sektor ng pamahalaan.

Ang isa pang isyu na nais bigyang-diin ay ang mabagal daw na proseso ng Malacañang sa paglalagay ng mga tao.

Kung hindi ako nagkakamali, halos 600 araw na mula nang maupo sa puwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong June 30, 2022.

Napakabagal daw ng proseso at tila nakatambak lang ang mga papel sa Presidential Management Staff (PMS).

Ang PMS, sa ngayon, ay pinamumunuan ni Senior Underscretary Atty. Elaine Masukat, na pansamantalang umuupo matapos magbitiw sa puwesto ang dating pinuno ng ahensya na si Zenaida Angping noong December 2, 2022.

Nakadaragdag sa alalahanin ang naging insidente kung saan isang customs collector daw ang naitalaga sa isang posisyon, ngunit natuklasan na ang dami raw palang sablay ng customs official.

Sa kabutihang palad, naagapan at nabawi naman daw ang appointment.

Aba’y sa totoo lang, ang malupit na pangangailangan na punan ang mga posisyon ay nagdudulot ng pagkasayang ng oras at pondo ng ating gobyerno.

Sa gitna ng seryosong isyu na ito, mahalaga rin na siguruhing ang mga itatalagang opisyal ay may angkop na kasanayan at kakayahan para sa kanilang mga responsibilidad.

Dapat nating suriin at pagtuunan ng pansin ang mga usaping ito upang matiyak ang maayos na pamamahala ng bansa.

Ang mabagal na proseso ng paglalagay ng mga tao sa posisyon ay hindi lamang nagdudulot ng kawalan ng epekto sa mga proyekto at programa, kundi nagiging sagabal din ito sa mas mataas na layunin ng pamahalaan ni Pangulong Marcos na magtagumpay sa pagpapatakbo ng bansa.

ATTY. EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

SUMISINGAW NA ANG BAHO NG ISA SA POLICE DISTRICT NG NCR DAHIL SA BATA-BATA SYSTEM

Umaalingasaw na ang bumabahong imahe ng isa sa Police District sa National Capital Region dahil sinisindikato na raw ng mga Untouchable ang Police Headquarter?

Ang siste o ikinaiinis ng ilang mga deserving police ay tila binalewala na ang panuntunan na ang dapat ma-assign sa headquarters ay yaong mga nakapasa o nakapagtapos sa investigation course o criminal investigation course…, pero, dahil palakasan system o yaong mga nakapag-aambag ng intelehensya o kabuhayan ay sila ang naitatalaga sa headquarters.

Ang mga qualified o deserving police na hindi raw napapakinabangan sa ‘Intelehensiya’ ay ipinatatapon sa ibang lugar at ang mga nasa headquarters ay nagtataka naman dahil may mga nakalista sa iba’t-ibang unit o section na hindi naman nila nakikitang pumapasok araw-araw.

Tamang-tama ito sa inilulunsad ngayon ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr na paglilinis sa hanay ng Law Enforcers.., na kailangang mawala sa serbisyo ang mga tiwali upang maibalik ang imahe ng mga pulis at maging huwaran sa pagiging Law Abiding Citizens.

Kailangang paganahin na ang Inte Fund para mahalukay ang mga tiwali at hindi makuntento sa kung ano ang sinusuweldo sa pagiging mga pulis sa ating bansa!

ATTY. EDNA B. DEL MORAL – SR. LEGAL OFFICER/HN COLUMNIST

**********************************************************************************

PNP CYBERCRIME GROUP, NBI CYBERCRIME UNIT AT DICT HUWAG TUTULOG-TULOG AT NAGDAGSAAN NA ANG MGA SCAMMERS SA SOCIAL MEDIA!

Halos nawala na ang scammers sa text dahil nakarehistro na ang mga simcard, sa social media naman sila ngayon nanloloko.

Oo! ayon sa Philippine National Police – Cybercrime Group, tumaas ang bilang ng kaso ng scammers sa social media. Nangunguna rito ang online buy and sale, online booking para sa pagta-travel/tour at marami pang bagong nagsulputan gaya ng online raffle at online gambling.

Maaring maiwasan ang lahat ng ito kapag naging maingat sa pakikipagtransaksiyo

Tulad ng sa online buy and sale, kapag naging makulit ang katransaksiyon, nagmamadaling magpadala agad kayo ng pera tapos kulang ang mga detalyeng hinihingi mo, malamang scam yan lalo kung hindi naman sila pasok sa mga kilalang online sellers.

Sa online booking naman para sa pagta-travel/tour, kapag ang kausap ay nag-aalok ng mas mababang rate sa food and accomodation, kulang ang mga detalyeng gusto mong malaman at nanghihingi agad ng downpayment, magduda na kayo, malamang scam!

Dito naman sa mga online raffle kuno ng kotse, na ang tiket ay tig-P300, at may choices na P2 million cash, malamang scam yan.

Ang legal na raffle lalo milyones ang halaga ay dapat nakarehistro, may kinatawan ng Department of Trade and Industry (DTI) at may petsa at oras ng draw, hindi yung parang jueteng na isisigaw nalang sayo ng kubrador kung ano ang lumabas na kombinasyon. Animal!

Kalat na kalat ngayon sa Facebook ang online raffle ng mga kotse na may choices na P2m cash. Napakarami nilang FB accounts pero iisa ang porma ng kanilang marketing, ibig sabihin isa lang ang may gawa nito. Scam ito!

Talamak narin ang online gambling, kabilang na rito ang online sabong na gumagamit pa ng mga mukha ng mga kilalang sabungero at breeders sa kanilang panghihikayat ng mananaya sa Facebook. Huwag itong patulan, talong talo kayo rito.

Dapat trabahuin ito ng husto ng PNP Cybercrime Group, NBI Cybercrime Unit at ng Department of Information, Communications and Technology (DICT). Now na

ATTY. EDNA B. DEL MORAL – SR. LEGAL OFFICER/HN COLUMNIST

**********************************************************************************

ANO-ANO ANG AABANGAN NG MGA PINOY SA TAONG 2024?

May tatlong bagay ang dapat asahan at abangan sa taong 2024. Una, ang pag-inog ng proseso ng International Criminal Court (ICC) sa sakdal na crimes against humanity kontra Gongdi at mga kapanalig; pangalawa, ang pagpapalakas ng Filipinas sa mga alyansa sa ibang bansa kontra sa pangangamkam ng Tsina sa ating teritoryo at karagatan; at pangatlo, ang pagpapatuloy ng paglago ng pambansang ekonomiya at pagpapatatag upang harapin ang mga hamon.

Walang hadlang upang ituloy ng ICC ang tila naaantala na formal investigation kay Gongdi at mga kasapakat tulad ni Sara Duterte, Bato dela Rosa, Bong Go, Jose Calida, at iba pa na pawang mga taga-Davao City.

Huwag kalimutan ang ibang sangkot sa walang humpay na patayan sa madugo pero nabigong digmaan kontra droga ni Gongdi tulad ni Alan Peter Cayetano, Dick Gordon, at mga opisyales ng PNP na naglunsad at nagpatupad ng Operation Double Project na may dalawang mukha – Oplan Tokhang at Oplan High Value Target.

Walang ibinabang executive order, memorandum-circular, o verbal order si BBM upang pigilan ang mga taga-ICC sa kanilang pakay na siyasatin ang mga nangyari sa giyera kontra droga ni Gongdi at sipatin ang mga responsable sa walang humpay na patayan batay sa illegal order sa ilalim ng Memorandum Circular 1 (Project Double Barrel) na ibinaba at nilagdaan ni Bato bilang hepe ng PNP. Inaasahan namin na tuloy tuloy at walang sagabal sa imbestigasyon ng ICC kahit maingay ang grupong Davao City.

Kinilala ni BBM ang desisyon ng Korte Suprema noong 2021 hinggil sa pagtiwalag ng Filipinas sa ICC. Sa desisyon sa usapin Pangilinan v. Cayetano, kinatigan ng Korte Suprema na may poder si Gongdi na pangunahan ang pagtiwalag ng Filipinas sa pagiging kasapi ng Rome Statute, ang tratadong multilateral na nagtatag sa ICC. Hindi nilabag ni Gongdi ang Saligang Batas ng bansa sa pagtiwalag sa ICC kahit hindi niya kinunsulta ang ibang mga lider tulad ng mga senador, DFA, at iba pang opisyales.

Ngunit binigyan diin ng Korte Suprema na may tungkulin ang Filipinas na sundin ang probisyon ng ICC noong kasaping bansa ito sa panahon 2011 hanggang 2019. Hindi matalikuran, ayon sa Korte Suprema, ang atas ng ICC sa panahon na kasaping bansa ang Filipinas. Hindi nawawala ang pananagutan ng Filipinas dahil tumiwalag ito noong 2019.

Naging kasaping bansa ng ICC ang Filipinas nang sang-ayunan ng Senado ang Rome Statute noong 2011. Tumiwalag ito sa utos ni Gongdi noong 2019.

Nakikita ang pagbabalik ng Filipinas sa ICC sa susunod na taon. Nagparinig si BBM na balak ng kanyang administrasyon na bumalik sa ICC at wala kaming nakikitang hadlang sa ganitong hakbang. Marami ang sang-ayon sa hakbang na balik-ICC ang bansa.

ATTY. EDNA B. DEL MORAL – SR. LEGAL OFFICER/HN COLUMNIST

**********************************************************************************

NAGLAHO NA YATA ANG ANGAS NI PASTOR APOLLO QUIBOLOY NG MAWALA  SA PUWESTO SI DIGONG!

Sabay sa pagbaba sa puwesto ni Pangulong Rody Duterte noong Hunyo 31, 2022, nawala narin ang angas ng kanyang spiritual adviser Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at may-ari ng Sonshine Media Network Incorporated (SMNI).

Naputulan din ng pakpak si Quiboloy para lumipad sa ibang bansa dahil sa kanyang warrant of arrest kaugnay ng mga kasong kinakaharap sa Esrados Unidos. Wanted siya sa Federal Bureau of Investigation (FBI).

At mukhang tuluyan siyang mapipilay sa panibagong problema na ikinasa ni Senador Risa Hontiveros laban sa kanya matapos lumapit sa Senadora ang mga taong umano’y naging biktima niya sa KOJC.

Katulad ng ilang kasong kinakaharap niya sa Estados Unidos, ikinasa ni Sen. Hontiveros ang Senate Resolution 884 para imbestigahan si Quiboloy sa mga reklamong “large scale human trafficking, rape, sexual at child abuse”.

Nanganganib din mahinto ang pagsahimpapawid ng SMNI dahil sa umano’y pagkakalat nito ng mga maling impormasyon, kungsaan nakalusot na sa committee level ng House of Representatives (Kamara) ang unang hakbang para masuspinde ang operasyon ng naturang media company ni Quiboloy.

Sa mga problemang kinakaharap na ito ni Quiboloy, dito niya ilabas ang “magic” niya kung “sugo” nga siya ng Diyos, tulad ng pagyayabang niya noon na napapatigil niya ang lindol. Hehehe…

Dahil kung wala na siyang “power…” malamang na sapitin din niya ang nangyari kay “Senior Agila”, Jey Rence B. Quilario, ng “kultong” Socorro Bayanihan Services Incorporated (SBSI) sa Surigao del Norte, na dinurog ng Senado.

Ito ang sinasabi natin na walang masama na nagtatagumpay habang panahon, may resbak itong masamang karma!!!

ATTY. EDNA B. DEL MORAL – SR. LEGAL OFFICER/HN COLUMNIST

**********************************************************************************

PAMBU-BULLY NG CHINA HANGGANG KELAN MATITIIS NG PINAS? PBBM ANO NA?

Hanggang kailan kaya bu-bullyhin ng China ang Pinas sa sariling teritoryo mismo natin sa South Philippine Sea (SPS)?

Ito ang katanungan ng buong sambayanan partikular na sa Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines(AFP) na tila kalmado pa rin sa kabila ng ginagawang harassment at harapang pamba-bastos ng mga Intsik.

Kumbaga sa away, masyado ng nayuyurakan ang ating pagkalalaki na marami na ring beses na tinapik at sinanggi sa sarili nitong baluwarte.

Napakarami ng paliwanagan ang namagitan sa tuwinang tayo ay hina-harang at pinipigilan ng kanilang coast guard at Chinese militia na pumasok sa sarili nating karagatan na para bang sinasabing sila ang lehitimong may-ari ng SPS.

Tayo pa ang lumalabas na mga intruder at nagtre-trespass sa sarili nating karagatan kung kaya’t ganon na lamang tayo kung pagtabuyan ng mga ito lalo na ang ating mga mangingisda.

Hindi rin naman makaporma ang sarili nating coast guard at hukbong-dagat sa China na lumalabas na sila ang nagdidikta at nagdadala ng phasing sa SPS.

Mantakin niyong pati ang paghahatid ng mga supply tulad ng pagkain at iba pang prime commodities sa ating mga kababayan sa M/V Sierra Madre na nakadaong sa isa sa mga isla sa SPS ay pinagbabawal ng mga ito.

Kailangan mo munang makipag-patintero sa mga Chinese coast guard upang makalusot patungo sa nasabing isla tsk… tsk… tsk…

Maraming situwasyon na rin ang naganap na kung saan tayo ay bino-bomba ng kanilang water cannon, ginagamitan ng laser beam hanggang sa sadyang banggain ang ating mga bangka at iiwanan na lang ng ganon na lang.

Sa kabila ng mga aktuwasyong ito ng China, wala tayong naging ibang tugon kundi ang mag-file ng “diplomatic protest” na tila hindi naman tina-tanggap ng nasabing bansa.

Ewan ba natin kung bakit ganon na lang i-deny at pasinungalingan ito ng China na obvious namang nagpapalusot at gumagawa na lang ng sarili nilang alibi.

Walang kamatayang pag-file ng diplomatic protest na ang ating inihain nguni’t sadya yatang hindi ito tanggap ng mga Tsino.

Hindi rin kinikilala ng mga ito ang desisyon at pagkapanalo natin sa International Tribunal Court on the law of the seas.

Dito ay sinasaad ng nasabing korte na ang inaangking teritoryo ng China ay lehitimong pag-aari ng Pilipinas. Ito ay hindi rin tanggap ng nasabing bansa.

Ayon sa China, hindi daw sila kasapi ng nasabing korte. Meron daw silang sariling sukat at interpretasyon na sila ang legit na may-ari ng ilan isla sa SPS na kaya nilang panindigan.

Hanggang kailan kaya matatapos ang isyung ito na lubhang sensitibo dahil ito ay “threat to national security” na pwedeng pagmulan ng sigalot at digmaan.

Habang maaga sana ay matuldukan na ang usaping ito ng kalmado at mapayapa dahil sa walang ibang magdudusa dito kundi ang Pinas at ating mga kababayan.

Maaaring tulungan tayo ng ating mga kaalyadong bansa tulad ng Estados Unidos, Japan, Australia at iba pa pag dumating na sa sukdulan.

Harinaway huwag ng umabot sa puntong ito at ayusin na agad habang may panahon pang natitira.

ATTY. EDNA B. DEL MORAL – SR. LEGAL OFFICER/HN COLUMNIST

**********************************************************************************

Suportado natin ang kampanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na habulin at pagbayarin ng buwis ang mga malalaki at sikat na mga social media influencer dito sa bansa.

Base sa mga huling datos ay umaabot na sa mahigit na 13,000 ang lokal na mga social media influencer dito sa atin at ilan sa kanila ay kumpirmadong kumikita talaga ng milyon-milyon kada taon.

Ayon sa talaan ng BIR, ang isang vlogger na may isang milyong follower ay maaaring kumita ng P100,000 hanggang P150,000 kada post.

Samantalang iyong iba naman na hindi masiyadong sikat ay kumikita nang P50,000 pababa kada post sa mga online platform na ginagamit nila.

Aba hindi na masama ang kitang ito!

Kaya hindi nila dapat ikasasama ng loob kung magbayad sila ng buwis at makatulong sa mga programa at proyektong ginagastusan ng pamahalaan.

Wala naman kasing masama “trabaho” nilang ito hangga’t ginagamit lang nila sa maayos na pamamaraan ang kanilang impluwensya sa kanilang mga followers, at siyempre kung nagbabayad sila ng tamang buwis.

Sa nakaraang ilang taon ay nakita natin ang paglakas ng impluwensya ng social media sa halos lahat ng aspeto ng buhay ng tao sa buong mundo.

At dahil dito tinataya ng mga eksperto na aabot na sa 4.89 bilyon ang social media user o iyong may access sa mga computer at internet sa buong planeta ngayong 2023.

Base sa tala ng blog na ISNG, tinataya nito na naglaan nang budget na aabot sa US$ 32.5-B ang mga kilalang mga global brands para lamang i-promote ang kanilang mga produkto ngayong taong 2023.

Gaya ng alam na natin ang Pilipinas ang pangalawa sa pinaka-aktibong social media user sa buong mundo.

Habang base pa rin sa pag-aaral ay 51% ng social media user sa bansa ay talagang naniniwala sa mga social media influencer.

At base sa bilang na ito ay 70% sa kanila ang bumibili ng mga produktong inendorso ng sinusubaybayan nilang mga vlogger.

Bakit ko sinasabi ang mga bagay na ito? Sapagkat gusto ko lang ipaliwanag na talagang kumikita ang marami sa ating mga vlogger at social media influencer.

Kaya naman walang dahilan para tanggihan nila ang panawagan ng BIR na magbayad sila ng buwis dahil sa totoo lang ay trabaho na ang ginagawa nila.

Kung ang mga ordinaryong mga manggagawa ay matik na kinakaltasan ng buwis sa kanilang mga sahod, dapat lang din naman na magbayad sila ng tax na naaayon sa batas.

Madalas kasing palusot ng mga influencer na ito ay kesyo hindi naman daw dito nanggagaling ang kanilang kinikita dahil binabayaran sila ng mga sponsor nila mula sa ibang bansa.

Para sa akin, kahit saan pa man nanggagaling ang kanilang kinikita marapat lamang na magbayad pa rin sila ng buwis sapagkat isang paraan ito para maipakita nila na nais din nilang makatulong para sa kapakanan ng ekonomiya ng ating bansa.

ATTY. EDNA B. DEL MORAL – SR. LEGAL OFFICER/HN COLUMNIST

**********************************************************************************

ISA-ISANG LUMILIPAT NA NG IBANG PARTIDO ANG MGA ALAGAD NI DATING PANGULONG DIGONG!

Patuloy ang pagkalasan ng mga mambabatas sa partido ni dating Pangulo Rody Duterte.

Nitong Nob. 11, Sabado ay napabalita ang pagkalas ng siyam pang mambabatas sa kampo ni Duterte, kasunod ng pagkalas ng unang tatlong mambabatas nung Huwebes.

Ang bagong siyam na mambabatas na nagtaksil kay Duterte at lumipat sa Partido Federal ng Pilipinas ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. ay sina: Francisco Benitez (3rd District Negros Occidental), Richard Gomez (4th District Leyte), Ralph Wendel Tulfo (2nd District Quezon City), Maria Jamina Katherine Agarao (4th District Laguna), Glona Labadlabad (2nd Dstrict Zamboanga del Norte), Marlyn Primicias-Agabas (6th District Pangasinan), Florida Robes (San Jose del Monte City), Leody Tarriela (Occidental Mindoro), Rosanna Vergara (3rd District Nueva Ecija), at Linabelle Villarica (4th District Bulacan).

Nauna nang kumalas kay Digong at tumalon sa kampo ni PBBM sina Cong. Aurelio Gonzales, Jr. ng 3rd District ng Pampanga, Cong. Carmelo Lazatin ll ng 1st District ng Pampanga, at Cong. Zaldy Villa ng Siquijor.

Sumama narin sa partido ni PBBM sina DILG Secretary Benhur Abalos Jr., Quirino Gov. Dakila Carlo Cua, Ormoc City Mayor Lucy Torres, Cabanatuan City Mayor Myca Vergara, Meycauyan City Mayor Henrry Villarica, Cabanatuan City Vice Mayor Julius Cesar Vergara, at Surallah Vice Mayor Antonio Bendita.

Ang tawag sa kanila ay “political butterfly”. Kung sino ang pangulo o naghaharing-uri sa politika ay doon sila. They stake the words “If you cannot beat them, join them.” Hehehe…

Minaliit naman ni Duterte ang pag-iwan sa kanya ng mga dating kapartido, na nakinabang ng todo todo sa kanyang administrasyon noon.

Sabi ng nag-aangas-angasan nalang na dating Pangulo, “Walang problema sa akin ‘yan kahit mag-isa nalang akong matira sa partido. Magtatayo uli ako.”

Wala nga itong epekto kay Digong kasi patapos na ang kanyang political career, naging presidente na siya. Paano naman ang kanyang mga anak, sina Vice President Sara Duterte-Carpio na naghahangad kumasa ng Presidente sa 2028, Congressman Paolo Duterte at Mayor Baste Duterte? Malamang magwakas din ang political career ng mga ito ‘pag tuluyang nalusaw ang popularidad ni Digong.

Ang pagkalasan ng mga mambabatas na dating “sipsip” kay Duterte ay bunga ng pahayag ng dating pangulo na “ang pinakabulok na institution sa bansa ay ang Kongreso.” Kasunod narin ito ng pag-alis ng Kongreso sa confidential funds ni VP Sara.

Ang pagkalasan ng mga mambabatas sa partido ni Duterte at paglipat kay Romualdez ay senyales na ito ng mas malaking plano ng pinsan ni PBBM para sa 2025 midterm election in preparation for 2028 Presidential election.

ATTY. EDNA B. DEL MORAL – SR. LEGAL OFFICER/HN COLUMNIST

**********************************************************************************

MGA PARAAN UPANG MAKABAWI SA PANGBU-BULLY NG CHINA SA PINAS

Mga paraan ang maaaring gawin para magantihan ang China sa ginagawang panggigipit at pambu-bully sa West Philippine Sea (WPS). Una ay ang pagboykot sa kanilang mga produkto. Dagsa ang mga produkto ng China sa Pilipinas at kung magkakaisa ang mga Pilipino na huwag tangkilikin ang mga produkto nila, tiyak ba­bagsak sila. Nakadepende ang China sa kanilang ini-export na mga produkto at ang pagboykot ay makasusugat sa kanilang ekonomiya. Maaring hindi bigla ang epekto sa kanilang kabuhayan, pero malaking kawalan kung iboboykot sila ng Pilipinas. Mara­ming mawawalan ng kabuhayan sa kanila lalo ang nasa manufacturing business.

Ikalawang paraan para magantihan ang sangganong China ay ang pagkansela o huwag nang ituloy ang pakikipagnegosasyon ukol sa concessional loan na una ng inilatag sa panahon ng Duterte administration. Maraming proyekto sa bansa ang nakalinyang gagawin ng China at pawang aprubado na umano.

Kabilang sa proyekto ay ang P83 bilyon na railway project sa Mindanao. Noong nakaraang linggo inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na kinakansela na nila ang pakikipagnegosasyon. Ang pagkansela ay ginawa ilang araw makaraan ang pagbangga ng China Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard noong Oktubre 22.

Ganti man ang pagkansela sa proyekto ng China, nararapat lang na ganito ang gawin para malaman ng China na marunong palang lumaban ang maliit na bansang tulad ng Pilipinas. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangang tanggapin nang tanggapin ang pambully at panggigipit ng China.

Ang nangyaring pagbangga ng CCG sa PCG noong Oktubre 22 ay maaaring maulit at maaaring hindi lamang pagbangga ang gawin kundi mamaril na. Bagamat nakahanda naman ang Armed Forces of the Philippines na ipagtanggol ang soberenya, mas maganda pa rin kung ang pagganti sa ginagawa ay ang pagboykot sa produktong China at pagkansela sa mga proyekto. Ito ang pinakamaganda at pinakae­pektibong paraan. Hindi makikipaggiyera sa pamamagitan ng armas subalit malaking sugat ang lilikhain.

Habang ginagawa ang dalawang paraan ng pagganti sa sangganong China, ipagpatuloy naman ang paghahain ng reklamo sa International Court. Daan-daang reklamo na ang naihain ng Pilipinas pero ipinagkikibit lang ng sangganong China.

Sa kabila nito, huwag titigil sa pagrereklamo. Ang lahat nang pagtitiyaga ay magkakaroon din ng resulta. Patuloy din namang suportahan ang AFP at PCG at mga sundalong nagbabantay sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

ATTY. EDNA B. DEL MORAL – SR. LEGAL OFFICER/HN COLUMNIST

**********************************************************************************

MATAGAL NANG KALAKARAN O SIDE-LINE NG MGA KAPULISAN ANG PAG-E-ESCORT AT ISA NA DITO ANG MGA POGO OPERATORS!

Matagal nang nangyayari ang police escort sa POGO operators.

Kahit noong PNP Chief pa si ex-Senator Ping Lacson ay nagsisilbi nang badigard ng mga dayuhan ang ilang miyembro ng Philippine National Police.

Mayroon nga diyan gambling lord, police and mga badigard!

Ang pinakamasaklap nito, mga pare’t mare, pinasusuweldo pa natin mga pulis na ito na nagtatrabaho sa mga iligalista at mga banyaga.

Ito ang sinasabi ni National Press Club NPC Director at DWIZ radio reporter Aya Yupangco na: “Sumusuweldo na, sumasahod pa!”

Tinalakay ko ito dahil sa post ni Lacson sa social media na ilan sa mga miyembro ng PNP Highway Patrol Group (HPG) ay nag-e-escort sa POGO operators gayung kulang na kulang ang mga pulis sa kalye. Mismo!

Katunayan hindi lang sa POGO operators nag-e-escort itong ilang HPG members kundi maging sa bigtime casino players na mga Fil-Chinese businessman, hatid-sundo pa yan.

Actually, ang nga miyembro ng HPG na nag-e-escort sa mga sibilyan ay may timbre yan sa kanilang opisyal. Peks man!

Nasabi ko ito dahil marami akong kakilala na bigtime persons na hatid-sundo ng HPG personnel sa kanilang tahanan o sa opisina kapag nag-casino o pumunta ng clubs.

May ilang miyembro naman ng HPG na nag-e-escort sa trucking mula sa mga pier.

Mantakin n’yo ‘yan, mga pare’t mare, pinasusuweldo natin ang mga pulis na ito para magserbisyo sa mamamayan, tapos nagdu-duty pala sa mga pribadong individual. Animal!

Ano ba naman yan PNP Chief Benjamin Acorda Jr!

ATTY. EDNA B. DEL MORAL – SR. LEGAL OFFICER/HN COLUMNIST

**********************************************************************************

NASAMSAM NA BILYON-BILYONG ILIGAL NA DROGA BAKIT NI ISA WALANG NAHUHULING NAGMAMAY-ARI NG DROGA?

Mapapailing at makakapag-isip ka ng masama laban sa mga awtoridad na nakasamsam ng bilyon bilyong hakaga ng shabu nitong mga nagdaang araw.

Oo! Mantakin n’yo mga kabayan, sa nakalipas na tatlong linggo ay halos P6 billion halaga ng “bato” ang nasamsam ng mga awtoridad partikular Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police Anti-Drugs Group (PNP-DEG) pero wala manlang kahit isang individual na nasa likod ng nagparating o ng pinadadalhan ng iligal na droga na galing sa ibang bansa. Anyare?

Napapaisip tuloy ako ng masama. Na mayroong kontak ang sindikato ng droga sa intelligence ng mga ahensiyang nabanggit. Say n’yo mga kabayan?

Few weeks ago, nasamsam ng PDEA, Bureau of Customs at National Bureau of Investigation (NBI) ang nasa P3.6 billion halaga ng shabu sa isang warehouse sa Mexico, Pampanga, na pinalusot mula sa Subic Port.

Sinasabing nasunog ang naturang operasyon kaya walang nahuli sa grupong tatanggap nito. Usap-usapan na isang politiko na kasama noon sa drug-list ni ex-President Rody Duterte ang nagparating nito. Hmmm…

At nang sumunod na linggo, nasabat naman ng PDEA at PNP-DEG ang nasa P2.1 billion halaga ng shabu sa Manila International Container Port (MICP) sa Tondo, Maynila.

Ang pakete ng mga nasamsam na shabu sa Pampanga at sa Maynila ay pare-pareho. Ibig sabihin ay parehong tao o grupo ng sindikato ang nagpasok nito sa Pilipinas. Pinaghiwalay lang ng dinaanang port para lituhin ang mga awtoridad. Kaso nasabat parin ng ating mga tiktik. Yun nga lang walang nahuli, kasi siguro ay may tiktik din sa loob ng intel ang sindikato. Mismo!

Gayunpaman, binabati natin ang PDEA, NBI, PNP-PDEG, Bureau of Customs at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa pagkakasabat sa naturang mga “basura” na kung hindi ito nasamsam ay siguradong marami na namang mabubuang at ngingiwi ang mukha na mga adik nating kababayan.

Mabuhay kayo, mga Sir! Sana sa sunod ay may mahuli na kayong miyembro ng sindikato!!!

By: ATTY. EDNA B. DEL MORAL – SR. LEGAL OFFICER/HN COLUMNIST

**********************************************************************************

MAGING HANDA ANG LAHAT SA KINAKATAKUTANG ‘THE BIG ONE’ SA PAGKAKAHINOG NG WEST VALLEY FAULT  AYON SA PHIVOLCS!

Hindi lang nakababahala kundi nakakatakot pa ang naging pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology  na aabutin ng 34,000 ang mamamatay at 114,000 ang masusugatan kapag tumama sa Metro Manila ang malakas na lindol na kahalintulad na naranasan sa bansang Morocco.

Lalo pang nakadagdag sa pangamba ng publiko ang sinabi ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol na hinog na raw ang West Valley Fault o ang Marikina Valley Fault na huling gumalaw noon pang 1658.

Medyo nakahinga lang nang bahagya ang marami dahil sa kuwenta ng Phivolcs, mga taong 2058 ang posibleng paggalaw ng fault line pero hindi naman daw ito ang saktong petsa o baka mas maaga pa. Kapag nangyari ito, posibleng raw aabot sa magnitude 7.2 ang tatamang lindol sa National Capital Region  at mga karatig lalawigan na mararamdaman ng hanggang intensity 8.

Naku po! Huwag naman sanang mangyari dahil posibleng aabot nga sa 34,000 ang mamamatay. Alam naman natin na kahit sabihin pang matitibay ang mga gusali rito kumpara sa mga gumuhong gusali sa Morocco, tiyak na marami pa ring mawawasak na tirahan kung ganito kalakas ang mararamdamang pagyanig ng lupa.

Sabi ng Phivolcs, handa naman daw ang marami sa Metro Manila sakaling tumama ang “The Big One” dahil regular naman ang ginagawang ‘earthquake drill’ kaya alam na ng mga tao kung ano ang kanilang nararapat gawin sa oras na tumama ang malakas na lindol.

Alam na rin daw ng publiko kung saan ang ligtas na mga lugar na dapat nilang pansamantalang patunguhan kapag yumanig nang todo ang lupa kaya makatutulong daw ito para kahit papaano ay mabawasan ang bilang ng mga posibleng masawi.

Pero hindi natin maiaalis na iba ang pagsasanay sa aktuwal na pangyayari, bukod sa hindi maikakaila na marami sa atin ang may katigasan talaga ang ulo pagdating sa kalamidad.

Napatunayan na rin yan sa maraming pagkakataon lalo na sa paghagupit ng malalakas na bagyo kung saan pinupuwersa pa ang marami para lumikas mula sa mga delikadong lugar. Kapag nariyan na ang tunay na panganib, tsaka lamang hihingi ng tulong ang mga pasaway na ayaw umalis sa kanilang tinutuluyan dahil sa pangambang manakawan pero sino pa ang tutulong sa kanila kung malalagay din sa peligro ang buhay ng mga rescuer dahil sa matinding pagbaha o anomang kalamidad.

Siguro, taimtim na panalangin na lamang ang makakatulong sa atin upang hindi mangyari ang pinangangambahang pagtama ng The Big One sa Metro Manila dahil kahit araw-araw pang gawin ang earthquake drill, posibleng hindi rin ang itinuturong pamamaraan ang gagawin ng marami dahil hindi maiaalis ang pagkataranta o pagpapanic sa mga biglaan delubyo tulad ng malakas na lindol lalo pa’t walang naiimbentong kagamitan na tutukoy kung magaganap ito.

By: ATTY. EDNA B. DEL MORAL – SR. LEGAL OFFICER/HN COLUMNIST

**********************************************************************************

PANAHON NA PARA PARUSAHAN ANG MGA TELCOS! IPAIRAL ANG BATAS!

Maraming criminal acts ang ginagawa ng telecommunications company na hindi sila naparurusahan.

Nag-load ka ng Php 100 ng prepaid SIM mo, ilang txt lang, wala na, “ninakaw” na.

Nagbayad ka ng internet service, madalas, wala o mahina ang signal, perwisyo sa negosyo, sa trabaho ang resulta nito.

Noon, nagbenta sila ng kung ano-anong gadget tulad ng pocket wifi, wala ring nangyari, nagastusan ka na, naaburido ka pa.

Kung ikaw ay naka-postpaid, di ka lang nakabayad ng ilang linggo, putol na agad ang serbisyo mo, panay pa ang kuda ng telco na magbayad ka at may mga sulat pang nananakot na idedemanda ka.

Ganyan katapang ang Smart Telco, Globe Telco sa customer nila, pero sanabagan pag palpak ang serbisyo nila, ni kapirasong sorry o refund wala kang matatanggap sa mga hinayupak.

Maging ang ilang independent internet provider tulad ng Converge, Verizon, Singtel, Tata Communications, Sprint, Telstar at iba pa, di sulit ang ibinabayad sa serbisyong superbagal na internet speed ng mga telcos na ito.

Di po ba, kapag may serbisyo kang binayaran na hindi mo naman natanggap, ano ang krimeng nagagawa nito, magagaling na abogado, di po ba estafa ito?

Sa estafa, ang parusa ay dapat ibalik ang pera na ibinayad sa binili o serbisyong di naman natanggap o hindi mahusay na naibigay sa customer.

E, ganito po ang ginagawa ng mga telcos na ito, dear readers.

Ating hinahamon ang mga bar topnotchers natin na magsampa ng kasong estafa laban sa mga telcos perwisyo ang serbisyo sa bayan.

Dito masusubok ang husay nyo sa batas para protektahan ang interes ng mamamayang Pilipino.

Pag karaniwang “estapador” ay kaybibilis magdemanda ang mahuhusay nating attorney-at-law.

Kilos na kayo, magagaling na barristers, magagaling na kongresista at senador, pwede kaya na magsampa ng kasong estapa versus palpak na serbisyo ng mga telcos?

Sa isinampang batas kamakailan ni Sen. Jinggoy Ejercito Estrada, ang Senate Bill (SB) 2074 – na kung magiging batas, uutusan, oobligahin ang mga internet service providers na agad-agad, i-refund ang nawalang load, di naibigay na serbisyo paputol-putol, kukurap-kurap at makupad na serbisyo ng kanilang postpaid at prepaid subscribers.

Sa katugong House Bill (HB) 7479 na ang panukala, multang Php 1 million a day (o Php365-m) sa telcos na laging palpak ang kanilang serbisyo.

Di sana mangyayari ang ganitong kabulok na serbisyo kung nagtatrabaho itong ating Philippine Competition Commission (PCC) na ang mandato, protektahan ang publiko sa mga abusadong kompanya na laging palpak ang serbisyo.

Isa pa itong PCC na ito ang dapat sisihin sa kainutilang obligahin ang mga tulad ng Smart at Globe na magserbisyo nang matino sa mamamayang Pilipino.

Nagpapasalamat na rin tayo kay Makati Rep. Luis Campos Jr. sa kanyang panukala na sasagot sa matagal nang perwisyong inaabot natin sa napakainutil na serbisyo ng telcos na Smart, Globe at iba pa.

Daming foreign investor ang nangako kay Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na magtatayo sila ng negosyo sa atin, kung ganyang kamahal na, superbagal pa ang internet service sa atin, idagdag pa ang supermahal na koryente at tubig!

Sa 10 ASEAN countries, ikalawang kulelat sa internet speed ang Pilipinas sa 18.94 megabytes per second (Mbps).

Nais amyendahan ng dalawalang panukalang batas ang Section 20 of the Public Telecommunications Policy Act of the Philippines na obligahin na bigyan ng refund credit ang isang customer na di naserbisyuhan sa loob ng 24 oras o higit pa sa loob ng isang buwan.

Tama ang sabi ni Sen. Jinggoy, bakit nga magbabayad at sisingilin tayo sa serbisyong di natin natanggap.

Isang human rights na itong digital services, hindi na ito kapritso, kaya sabi ni Sen. Estrada, mahalaga na magbigay ng mabilis, maaasahan at tiyak na internet connection ang mamamayang Pilipino.

Dapat, sabi niya, ang connection services ay laging “regular, reliable, consistent, uninterrupted, and fast to allow continuity of activities and interconnection among different users.”

Sabi ni Rep. Campos itong National Telecommunication Commission (NTC) ay dapat ding masipag na magpatupad ng parusa sa mga telcos na lumalabag sa kanilang prangkisa.

Parusahan na, sabi ni Campos kung mabigong magbigay ng mahusay, maasahan at mabilis na serbisyo.

Pero bakit daw pag tinakot na pasasabugin ang kanilang tower, ay kaybilis magbigay ng ‘revolutionary tax’ o suhol ang mga telcos sa mga rebeldeng komunista.

‘Yan pa ang isang dahilan kaya supermahal ang singil sa ating digital services ng mga telcos, aba sa atin binabawi ang milyones na suhol nila sa mga terrorista.

Di krimen itong ‘aiding and abetting’ ang pagbibigay ng ‘revolutionary tax’ sa mga rebelde, tama po ba ako, Manong Johnny Ponce Enrile?

Kaya naitatanong natin, bakit wala tayong nabalitaan na isang kaso ang naisampa ng Department of Justice (DOJ), PNP o ang Office of the Solicitor General (OSG) laban sa mga telcos na nagbibigay suhol sa mga NPA at komunista?

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

PESTENG SIM CARD REGISTRATION IYAN USELESS TULOY PA RIN ANG MGA TEXT SCAM!

Wala rin palang kuwenta itong SIM card registration sa mga telecom company dahil kahit mukha ng hayop ay narerehistro.

Oo! isiniwalat ng Bureau of Investigation (NBI) sa Senate hearing na nakalusot ang pagpaparehistro ng SIM cards sa mga telecom company kahit mukha ng hayop gaya ng nakangising unggoy ang nakalagay sa identification card (ID) ng nagpaparehistro.

Sa pagdinig nung Martes, Sept. 5, ng Senate Committee on Public Services tungkol sa ipagpapatupad ng SIM card registration law, isiniwalat ni NBI Cybercrime Division chief Jeremy Lotoc na bumili ang kaniyang grupo ng SIM cards sa iba’t ibang telco at sinubukan nila itong irehistro gamit ang ID na may mga mukha ng hayop at iba’t iba ang pangalan.

“Pumasok parin, actually,” sabi ni Lotoc, na ipinakita ang ID na may mukha ng nakangising unggoy.

Tuloy, sabi ni Lotoc, nahihirapan silang hanapin ang mga scammer na gumagamit ng SIM card sa iregularidad dahil sa mga maling impormasyong nakalagay ng taong nakarehistro sa SIM card.

Ang palusot naman ng mga kinatawan ng telco, marami raw kasing iniwasan ang implementing rules and regulation sa SIM Regulation Act kagaya ng Data Privacy Law. Kaya konting detalye lang ng aplikante ang kanilang hinihingi.

At mababa lang din ang parusa sa lalabag.

Isiniwalat naman National Telecommunication Commission (NTC) na sa kabila ng SIM Registration Act ay nakatanggap parin sila ng 45,000 na reklamo sa text scams.

Iminungkahi naman ni Senador Grace Poe, chairperson ng komite, na amyendahan ang IRR ng batas para maisama ang pagkakilanlan ng mukha ng may-ari ng SIM card.

“It’s actually looking like what we have now is not really sufficient so we will have to go back to the drawing board and probably with the cooperation of the NTC, maybe we can amend the IRR,” diin ng Senadora.

Nagsagawa ng pagdinig ang komite ni Sen. Poe dahil narin sa patuloy na paagbaha ng mga reklamo ng text scams sa kabila ng ipinatupad na batas, SIM Regulation Act.

“Gumawa tayo ng batas pero mukhang nagkukulang sa implementasyon,” diin ng Senadora. Mismo!

Sa mga ni-raid na POGO hub sa Paranaque City at Pasay City ay nakasamsam ang mga awtoridad ng mahigit 28,000 rehistradong SIM cards na ginagamit daw sa mga pangloloko.

Hanggang ngayon ay marami parin ang nakakatanggap ng mga text ng panloloko na kapag inireklamo at inimbestigahan ay hindi parin matukoy ng mga awtoridad. Ako mismo ay nakatanggap ng text na galing daw sa bangko. Kailangan ko raw i-click ang website na ito para malaman ang problema sa bank account ko. Na kapag sinunod mo ang instruction sa text ay malamang masimot ang kuwarta mo sa bangko. Pero dahil alam kong ito’y isang panloloko. Binura ko ang text.

Kailangan pandayin uli ng kongreso ang SIM Registration Act ora mismo dahil lumalabas na walang kuwenta itong nabuo ninyong batas, Mr. Senate President Migz Zubiri at House Speaker Martin Romualdez, andami paring manloloko sa text. Animal!!!

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

CHIEF OF POLICE MAARING HULIHIN ANG KANIYANG MAYOR!

Marami ang nagdududa kung kaya ba ng isang chief of police mula sa malayong lungsod o munisipalidad na dakipin ang alkalde o mga bodyguard nito kapag may dalang hindi lisensiyadong baril.

Kasi nga, inatasan ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa si P/Maj. Jefferson Mucay, chief of police ng Aparri, Cagayan na dakpin ang mga bodyguard ni Mayor Bryan Dale Chan o mismong ang alkalde kapag nakitang may bitbit na hindi lisensiyadong baril sa ginanap na pagdinig ng Senado kaugnay sa pagpatay kay Aparri Vice Mayor Rommel Alameda at sa limang iba pa noong buwan ng Pebrero.

Isa kasi si Mayor Chan at ilan niyang bodyguard sa persons of interest ng pulisya kaugnay sa pananambang kay Vice Mayor Alameda na mariin namang ikinaila ng alkalde.

Iprinisinta kasi sa Senado ng kapatid ni Alameda ang larawan ng isang bogyguard ni  Chan habang may bitbit na armalite rifle sa loob ng munisipyo na nakagalit sa mga senador.

Siyempre, nangako ang opisyal na tatalima siya sa utos pero umani ito nang pagdududa sa marami lalo na’t nasa ilalim pa rin ng kapangyarihan ng mga alkalde ang puwersa ng  pulisya sa kanyang lungsod o bayan.

Me nabalitaan na ba kayo na hinuli ng pulis sa isang lungsod o munisipalidad ang bodyguard ng alkalde na nagbibitbit ng baril? Eh kadalasan nga, mas siga pa sa pulis ang mga bodyguard ni mayor.

Metro Manila, hindi naman nangyayari ang pagbibitbit ng isang katerbang bodyguard ng mga alkalde dahil may mga pulis na nakatalaga sa kanila para magbigay ng proteksyon at  hindi tulad sa malalayong bayan at lungsod na paramihan ng bodyguard ang mga pulitiko na kadalasan ay nagiging private army na nila.

Maganda nga ang panukalang ihahain ni Sen. Raffy Tulfo na alisin na sa kapangyarihan ng alkalde ang puwersa ng pulisya upang hindi mangimi ang mga chief of police na gumawa ng ligal na hakbang kung sa kanilang paniwala ay nakakagawa na ng pagmamalabis sa tungkulin ang kanilang alkalde o mga bodyguard nito.

Ang problema lang,  kapag nawala sa kapangyarihan ng alkalde ang superbisyon sa hanay ng lokal na pulis, hindi naipapatupad nang maayos ng mga lokal na pamahalaan ang pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan dahil binibigyang basbas ng ilang mga tiwaling pulis ang mga iligal na aktibidad, kapalit ng malaking “tongpats” na kanilang tinatanggap.

‘Di nga ba’t noong wala pa sa kapangyarihan ng mga alkalde at gobernador ang pangasiwaan ang  mga pulis ay namutiktik ang paghahari ng isang katerbang gambling lords na karamihan ay “kumpare” pa ng mga matataas na opisyal ng  pulisya.

Kaya siguro, dapat ding pag-aralang mabuti at timbangin kung nararapat bang alisin sa kapangyarihan ng lokal na pamahalaan ang pamamahala sa kapulisan o panatilihin ito sa ilalim ng kanilang poder.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

ILANG ARAW NA LANG FILING NA NG COC PARA SA BSKE

Ilang araw na lang at filing na ng Certificate of Candidacy (CoC) para sa Barangay at Sanggunigang Kabataan Elections (BSKE).

May mga nagkakalat ng fake news na hindi raw matutuloy ang eleksyon sa Oktubre, mae-extend na naman daw. Mga ulol!

Itong mga nagkakalat ng fake news marahil ay yaong mga incumbent officials na takot matalo dahil naging inutil sa loob ng kanilang termino. Mismo!

Hindi na ma-e-extend pa ang BSKE. Oo! Tinuldukan na ng Korte Suprema ang madalas na pagpalawig ng Kongreso sa nakatakdang 3 taon na termino ng mga opisyal ng barangay.

Labag sa Saligang Batas ang pagkansela sa BSKE, sabi ng Korte Suprema. Period!

Huling nagkaroon ng BSKE 2018 pa! Kaya ang mga kasalukuyang nakaupong barangay at SK officials ay anim na taon na sa puwesto, parang termino na ng presidente.

Kaya yung mga nagkakalat ng fake news na hindi uli matutuloy ang BSKE sa Oktubre, tumigil na kayo! Makabubuting umpisahan nyo na ang mag-ikot-ikot sa inyong barangay dahil hinding hindi na mangyayari na magkaroon uli ng posponement sa BSKE. Period!

Yung mga nagtatanong kung hindi ba bawal ang pamimigay ngayon ng polyetos ng mga tatakbo sa BSKE gayung hindi pa nagsisimula ang kampanyahan, sabi ng Commission on Election, walang bawal kung maagang nag-iikot na tila nangangampanya na ang mga nagnanais kumandidato dahil hindi pa naman sila opisyal na kandidato, hindi pa nakapag-file ng CoC. Sa August 28 hanggang Setyembre 2 pa ang filing ng CoC.

Kaya hayaan nyo nalang silang mag-ikot nang mag-ikot at magpainom nang magpainom para masaya sa barangay. Hehehe…

Anyway, kung ikaw ay maayos na tao, kilala sa barangay na matulungin, madaling lapitan at tatakbo sa BSKE, hindi mo na kailangan manligaw pa sa mga botante. Ang mga tao na mismo ang mangangampanya para sa iyo. Mismo!

Ang mga tao sa barangay lalo sa probinsiya ay magkakilala lahat, alam ng bawat isa ang pagkatao, kung sino ang maayos at walanghiya. Kaya kung may mahalal mang inutil na kandidato, ang may problema ay ang mga botante na. Tama, mali?

Laging tandaan: Ang kaayusan at pag-unlad ng isang barangay ay laging nakasalalay sa lider. Kaya maghalal ng lider na aayos at magpapaganda sa inyong lugar. Okey?

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

PBBM NGANGA ANG KAMPANYA LABAN SA KORAPSYON, BAKIT KAYA?

Sa nakaraang State of the Nation Address (SONA) ni President Ferdinand Marcos Jr. noong Hulyo 24, nakapagtataka na wala siyang iniulat ukol sa pakikipaglaban ng kanyang gobyerno laban sa katiwalian.

Kahit bali-baliktarin ang kanyang SONA na inabot ng isang oras at sampung minuto, wala siyang binanggit sa paglaban sa mga korap sa pamahalaan at sa mga tanggapan na pinagtataguan ng mga “gutom na buwaya at linta”.

Ang problema pa naman sa korapsiyon ang isa sa mga dapat solusyunan para makabangon ang bansa. Ang talamak na korapsiyon ang dahilan kaya maraming Pinoys ang naghihirap.

Sa Pulse Asia surbey na ginawa noong Hunyo 19-23 ng kasalukuyang taon, lumalabas na 84 percent ng Pinoys ang nagnanais na mapalakas ng gobyerno ang paglaban sa mga korap sa pamahalaan. Ayon pa sa surbey, 47 percent ng mamamayan ang lubos na apektado ng problema sa korapsiyon.

Ipinakita sa surbey ang matinding pagnanais ng mamamayan na mapalakas ng pamahalaan ang paglaban sa korapsiyon sa mga tanggapan ng pamahalaan. Masyadong malaki ang 84 percent na nagnanais magkaroon ng ngipin ang gobyerno laban sa mga korap.

Nakikita ang matinding sentimyento ng mamamayan na mahina ang kasalukuyang pamahalaan sa paglaban sa mga korap. Mahina ang kampanya para mahuli at makasuhan ang mga mandarambong.

Pawang pag-iimbestiga ang ginagawa subalit wala namang napaparusahan. Nauubos ang oras sa pagdinig sa Senado ng mga inaakusahang nagnakaw sa pera ng bayan pero wala ring nangyari.

Ang inaasam ng taumbayan na maitatapon sa kulungan ang mga “matatakaw” at “gahaman” ay hindi nagkaroon ng kaganapan. Sa halip na mapigilan ang korapsiyon, lalo pang lumala at ang mamamayan ang nagdurusa. Maraming mahihirap ang lalong naghirap ang buhay dahil sa malalang korapsiyon.

Nabatid din sa Pulse Asia surbey na 67% ang nagsabing nawalan na sila ng tiwala sa public officials dahil sa nangyayaring korapsiyon.

Bukod sa corrupt practices kagaya ng paghingi ng suhol kapalit ng serbisyo, lumabas din sa surbey ang mahinang pagdeliber ng serbisyo sa publiko.

Sagad na ang pagtitimpi ng mamamayan laban sa mga nangyayaring korapsiyon sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Kailangan ay matalas na ngipin laban sa mga korap. Kung hindi magiging mabangis sa paglaban sa mga korap, mas tatapang pa ang mga ito at masasaid ang kaban ng bayan. Walang magiging kawawa kundi ang mahihirap na walang laman ang sikmura.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

BATAS NA PURO BUTAS AT HINDI PANTAY-PANTAY NA KATARUNGAN SA MAHIHIRAP NA PINOY!

Talagang napakaraming butas ang mga batas sa Pilipinas. Kapag magaling ang abogado at malakas na politiko, malamang absuelto.

Oo! Ilang politiko na ba ang nakasuhan ng Plunder na napawalang-sala, at patuloy paring nahahalal dahil sikat at maraming perang pangkorap sa botante?

Banggitin natin sina dating Presidente Erap Estrada at Gloria Arroyo. Si Rody Duterte muntik lang din kung hindi lang iligal ang naging ebidensiya laban sa kanya noong imbestigahan ang kanyang bilyones sa mga bangko, kungsaan nasibak ang Sr. Deputy Ombudsman dahil sa paglabas ng bank history ni Duterte mula sa “anti-money laundering council” nang walang pahintulot.

Sina Senador Bong Revilla, Senador Jinggoy Estrada at dating Senador ngayo’y Presidential Chief Legal ni “Bongbong” Marcos na si Juan Ponce Enrile pawang nakulong sa Plunder pero nakabalik parin sa puwesto.

Ang kaso ni Revilla nadismis pero ipinababalik sa kanya ang mahigit P120 milyong nalustay mula sa kanyang pork barrel fund. Ang halagang ito ay hindi parin naman naibabalik hanggang ngayon pero hindi naman siya nakulong?

Sina Jinggoy at Enrile nakalalaya lang sila dahil sa piyansa.

Sa mga kongresista, napakarami sa mga ito ang may kaso ng paghukus-pukos sa kanilang pork barrel. Kapag nakasuhan, bago mahatulan ng korte tapos na ang mga termino. Tapos aapela pa sa Court of Appeals, maari pang tumakbo sa Korte Suprema kungsaan bibilang ng taon bago madesisyunan. Patay na ang magnanakaw, hindi parin naibababa ang desisyon.

Si dating First Lady Imelda Marcos, ina ni Pangulong Bongbong, convicted at may arrest warrant na sa ilang kaso ng Graft, pero hindi naman inaresto.

Si BBM mismo convicted sa tax evasion pero hindi nakulong at pinayan pang makatakbo at naging pangulo!

Samantalang ang mga pobre na nagnanakaw ng pambili ng pagkain, kulong agad! Napaka-unfair ng hustisya, ‘di ba?

Nevertheless, ang may kasalanan din kasi ng lahat ng ito ay ang maraming mahihirap nating kababayan. Alam na nilang tulisan yung politiko, inihahalal pa rin. Mismo!

Sana sa 2025 election ay matuto na ang masa. Dapat!!!

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

PNP NGANGA SA KALIWA’T-KANANG KRIMEN NA NANGYAYARI SA MGA LANSANGAN NG METRO MANILA!

Natutulog ba ang Philippine National Police (PNP) kaya may mga nangyayaring krimen? Hindi na ba nagagawa ang sinasabi nilang 24/7 na nagpapatrulya sa mga lugar na maraming nagaganap na krimen? Ningas-kugon na ba sa pagmamantini ng katiwasayan sa maraming lugar sa bansa?

Maraming nagaganap na krimen hindi lamang sa Metro Manila kundi sa probinsiya man. May mga na­­gaganap na pag-ambush na ang mga biktima ay mga mamamahayag. Noong nakaraang linggo, tinamba­ngan ang reporter ng tabloid Remate sa Masambong, Quezon City. Napatay ang pamangkin ng reporter na kasama niya sa sasakyan. Araw nang maganap ang krimen at sa lugar na matao. Blanko pa ang PNP sa mga gumawa ng krimen. Wala pang masabi kung ano ang motibo.

Noong Sabado, isang babaing estudyante ang tinangkang gahasain sa loob mismo ng UP campus. Pauwi na ang estudyante dakong alas diyes ng gabi nang harangin at tutukan ng patalim. Dinala sa mada­mong bahagi. Nanlaban ang estudyante hanggang sa makatakas sa rapist.

Noong nakaraang linggo, isang babaing architec­ture student ang pinatay matapos pagnakawan sa inu­upahang apartment sa San Jose, Occidental Mindoro. Naaagnas na ang bangkay ng estudyante nang matagpuan. Hanggang ngayon, wala pang naaaresto ang pulisya.

Habang may mga nagaganap na pananambang at panggagahasa, patuloy naman ang human trafficking na ginagawa ng mga Chinese na nag-o-ope­rate sa POGOs. Dalawang beses nang sinalakay ang mga POGO hub sa Las Piñas City subalit patu­loy pa rin ang operasyon. Mga dayuhan ang na-rescue ng pulisya na nagsabing ni-recruit sila para magtrabaho sa POGO subalit puwersahan at hindi pinagkakaloob ang sahod na pinangako. Hindi lamang mga dayuhan ang na-rescue sa Las Piñas kundi mga Pilipino.

Nakababahala ang pagtaas ng krimen at kung hindi gagawa nang epektibong aksiyon ang PNP ukol dito, darami pa at kawawa naman ang mama­mayan. Paigtingin ng PNP ang pagbabantay sa mga lugar na maraming nagaganap na krimen. Ipatupad ang sinasabing 24-oras na pagpapatrulya. Panga­lagaan at protektahan ang mamamayan. Hindi dapat malagay sa panganib ang kanilang buhay.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

GAANO KAYA KATOTOO ANG SINABI NI FPRRD NA MISMONG MGA PULIS NA ANG SINDIKATO NG ILLEGAL NA DROGA SA PINAS?

Mga mismong pulis aniya ang sindikato ng illegal na droga hindi lang dito sa National Capital Region (NCR) kundi sa buong bansa.

Ang pahayag na ito ni dating Pangulong PRRD ay batay sa pagkakasangkot ng ilan tauhan at opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa sinasabing cover-up sa 990 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng 6.7 Bilyon pesos.

Sinabi ni PRRD na kung ito ay gramo-gramo lang at maski na kilo-kilo ay maaari pang bigyan ng konting konsiderasyon ang mga pulis na ito nguni’t sa pagkakataong ito ay toneladang shabu ang pinag-uusapan.

Papaano nga namang ipapaliwanag ito eh malinaw pa sa sikat ng araw ang ginawang kalokohan ng mga ito at obvious ding masyado na talagang may naganap na cover-up.

Nag-ugat ang lahat ng ito ng nahulihan daw kunyari ng kilo-kilong shabu ang isang Sgt. Robert Mayo na napag-alamang tao rin nila na may ginagampanang mahalagang papel sa cover-up.

Hindi pwedeng gampanan ni Mayo ang ganitong klaseng labanan ng nag-iisa. Matic at siguradong may kasabwat, blessing at kunsinti ito sa ilang matataas na opisyal na lumalabas na nagdidikta lang ng martsa at phasing.

Pinapalagay ng marami na hindi lang ito ang unang pagkakataon na ginawa ito ng nasabing mga pulis dangan nga lang dahil sa kasamaang-palad ay ngayon lang ito nabuko.

Ayon kay PRRD ang mga pulis na ito ay hindi lang mga protektor ng sindikato kundi sila mismo ang sindikato sa likod ng mga illegal na droga na naging laganap na sa buong bansa.

Siguradong hindi lang ang mga pulis na ito ang may ganitong klaseng modus, marami pa aniya itong mga ibang kabaro at matataas na opisyal na maaari pang madawit kung tatagal pa at lalaliman pa ang inbesigasyon.

Ang mga pulis na sangkot at may kinalaman sa nasabing cover-up ay tinawag ni PRRD na mga “gate keeper” na sa simpleng salita ay sila ang may control sa mga ila-labas na droga na walang ibang dadaanan kundi sila-sila rin.

Kung siya lang daw ang masusunod, dapat aniyang patayin na lamang ang mga ito at huwag ng paabutin pa sa korte dahil sa gravity o’ bigat ng kasalanang ginawa nito sa bayan at lipunan.

Mantakin niyong ilan milyong mamamayan partikular na ang mga kabataan ang papahirapan ng mga demonyong ito dahil sa mga pinupuslit nitong mga droga na hindi lang kilo kundi tonetonelada pa ang timbang tsk… tsk… tsk…

Masyadong sagrado ang sinumpaang tungkulin ng mga ito sa sambayanang Pilipino at ito ay “TO SERVE AND PROTECT”. Eh ano ang ginawa ng mga damuhong ito na sa halip na protektahan ang mamamayan at sugpuin ang illegal na droga ay sila pa mismo ang numero unong nagpalaganap nito sa buong bansa.

Nuknukan pa ng sinungaling ang mga ito na halos paikutin sa palad nila ang mga nag-iimbestiga ng kaso nila na hanggang sa ngayon ay wala pa ring mapigang sapat na ebidensiya upang sila ay madiin, ” I INVOKE MY RIGHT TO SELF-INCRIMINATION”,tapos ang boxing.

Biruin mong hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin mapangalanan ang witness at ang may-ari ng droga, ano ito lokohan o’ baka naman sila rin mismo ang may-ari nito kung kaya’t hindi nila mapangalanan, ‘di po ba ?

Sa sama ng loob marahil, muling nagbigay ng suhestiyon si PRRD at ito ay ihulog na lang daw sa helicopter ang mga ito at baka sakaling aminin at sabihin na ang totoong may-ari ng droga na paulit-ulit ng tinanong sa house at sa senado.

Naging suhestiyon din ni PRRD na alisin muna sa kapangyarihan ng PNP ang anumang usapin, operasyon at pagpapatupad ng anumang batas o’ ordinansa patungkol sa illegal na droga. Maliban aniya sa mga corrupt na pulis, malaki rin ang posibilidad na deeply penetrated na ng mga sindikato ang hanay ng PNP.

Highly recommended ni PRRD ang institution ng Philippine Army upang sugpuin ang illegal na droga sa bansa.Ang army aniya ay wala pang bahid ng anumang anomalya sa larangan ng illegal na droga. Pawang mga matino at may prinsipyo ang ating mga sundalo, dagdag ni Digong.

Ang mga ito ay pawang mga suhestiyon lamang na kung ating titingnan ay may punto, may sustansiya ang sinasabi ni PRRD, kayo na po ang bahalang humusga.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

BALITANG PAGYAYABANG LANG NI CPNP GEN. ACORDA JR ANG ONE STRIKE POLICY SA PNP!

Mukhang dapat magsample si PNP chief,Gen.Benjamin Acorda Jr. sa binitiwan niyang salita na sisibakin ang mga RDs, PDs at COPs na kumakanlong sa mga illegal na sugal.

Close open ang buong nasasakupan ng PNP Region 3 dahil na rin sa isang nagngangalang Parak at mga alipores nitong sila Rainier, Pher, Beth, Jun na pawang nanghingi na naman ng Php100K na goodwill sa mga iligalista.

Bukas ang mga pasugalan tulad ng perya, sakla, tupada, video karera, on-line sabong at iba sa Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija, Bataan at Zambales. Nabubukulan ba si Regional Director (RD) o direktang nakikinabang sa mga tinaguriang kolektor ng payola ng PNP Region 3.

Mistulang basura lamang ang ” One Strike Policy” ni Gen. Acorda sa buong nasasakupan ng PNP Region 3 kung saan largado ang lahat ng uri ng iligal na sugal.

Tila walang takot at respeto kay Gen.Acorda ang kanya mismong mga opisyal partikular na dyan sa Central Luzon kung saan binansagan na itong Las Vegas at gambling capital ng buong rehiyon sa Luzon.

Sa mga nagdaang pagpuna natin sa talamak na operasyon ng illegal gambling sa buong region 3, lumalabas na protektado ito mismo ng PNP Region 3 command na naka-based sa Camp Prospero Olivas, sa San Fernando, Pampanga.

Ipinapangako ng inyong lingkod na hindi natin titigilan ang krusadang ito laban sa iligal na sugal hangga’t di pinangangatawanan ng pambansang kapulisan at ni CPNP Gen.Acorda ang mandato nito na itigil ang illegal gambling.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

NASA LEVEL NA BA NG NARCO STATE ANG PILIPINAS?

Seryoso ang problema sa iligal na droga dito sa ating bansa.

Kung hindi ba naman,halos magkasabay na nagdaraos ng kani- kanilang sariling imbestigasyon ang Kongreso at ang Senado sa isyung ito.

Mismong si dating PNP chief,Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang umamin na siya mismo ang nag-suggest kay PBBM na pagsumitihin ng courtesy resignations ang lahat ng 3rd level officers ng PNP.

Meaning, mga opisyal ng pambansang kapulisan na may ranggong koronel at heneral.

Tagos sa buto na ang cancer na sakit ng mga opisyal na ito na direktang sangkot sa drug trafficking.

Kung noong mga dating panahon ay sa pagbibigay proteksyon lamang sa mga sindikato ng droga ang kanilang opisyo, ngayon ay mismong mga kapulisan na ang umaaktong drug couriers at drug peddlers.

Worst, may ilang pang heneral ng PNP ang mismong godfather ng sindikato sa illegal drugs.

Ang pagkakasakote sa pulis na si M/Sgt.Rodolfo Mayo noong Oktubre ng nakaraang taon ang nagsambulat ng kabulukang ito sa loob ng hanay ng PNP.

Napatunayan din na mismong mga pulis ang nagre- recycle ng mga huling kilo- kilong droga pabalik ng merkado.

Patunay lamang na sadyang malapit nang ganap na maging narco state ang Pilipinas.

OMG!

Paano na ang kinabukasan ng ating mga kabataan?

Dumatal na nga ba ang tamang panahon para muling ibalik ang parusang bitay laban sa mga salot na drug traffickers na ito?

Ang kasagutan sa tanong na ito ay nakasalalay sa kamay ng ating mga mambabatas.

Konsiyensiya na nila kung masadlak sa madilim na bukas ang mga kabataan ng bansang ito kung magpapatumpik- tumpik pa sila.

Ngayon na dapat umaksyon at iligtas ang buong sambayanan laban sa punyetang drogang ito.

Hindi birong panganib sa buhay ng bawat mamamayan ang nakaamba kung mananatiling malayang pagala- gala ang mga salot na ito ng lipunan.

Kung hindi ngayon,kailan pa kikilos ang mga awtoridad?

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

NAGING TIO-VIVO ANG IMBESTIGASYON NG SENADO AT KONGRESO SA P6.7-BILYON SHABU HAUL!

Umiikot-ikot lang umano sa puno ng kamatis ang imbestigasyon ng Senado hinggil sa sinasabing cover-up ng matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa kumpiskadong shabu noong lumipas na taon 2022 na tinatayang nagka-kahalaga ngP 6.7-BILYON.

Ang kumpiskadong droga na tumitimbang ng 970 kilos na halos isang tonelada ay napag-alamang tinapiyasan ng 40 kilos ng ilan operatiba na balak umanong gawing perang muli sa lansangan.

Mula sa evidence room, nilabas at pinuslit umano ng isang Sgt. Rodolfo Mayo Jr. ang 40 kilo nito na pinaniniwalaang may basbas at go signal ng ilan matataas na opisyal ng PNP kung kaya’t nasabing may cover-up na naganap.

Ang akusasyon ay batay sa nilabas na video ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. na kung saan nakunan ang ilan opisyal ng PNP na may rangong Heneral, Koronelat Major kasama si Mayo na siyang may dala ng drogang nagkakahalaga ng bilyong piso.

Ang mga opisyal na ito ay kasalukuyang ini-imbestigahan sa senado gayundin sa camara de representante na tila wala pa ring napipigang ebidensiya na magpapatunay na may sabwatan o’ cover-up na naganap.

Sa loob halos ng dalawang buwan ay iyon pa rin ang mga tanong ng mga senador na pinamu-munuan ni Senador Bato de la Rosa ng committee on peace and order and illegal drugs.

Kung iyon pa rin ang mga tanong ay iyon pa rin ang pirmis na sagot ng mga umanoy sangkot sa cover-up kung kaya’t marami ang nagsasabing imiikot-ikot lang daw ang sesyon sa puno ng kamatis.

Sana man lang daw ay sa puno ng bayabas umi-ikot ang kuwento para malakilaking espasyo ang ginagalawan at maraming sanga nito ang dapat pang himayin pero kamatis ito at nandon na lang ang huling yugto ng kuwento.

May kasabihan nga naman sa english na “stop beating around the bush” ngunit hindi yata ito applicable sa situwasyong ito, mukhang kailangan pa ng pressure at conviction.

Mantakin niyong sa isang libong tinanong ng mga senador sa leading man na si Mayo ay walang ibang sinagot ito kundi “i invoke my right to be silent”, wala at hanggang doon na lang.

Hindi rin maiaalis sa marami nating kababayan na sumama ang loob dahil parang pinasakay sa tio vivo ang ating mga senador na kung saan pinaikot-ikot na lamang.

Para daw karnibal at mistulang nakaandador ang mga pinagpipitagan nating mga senador na walang ibang magawa kundi ang mapikon. Ganon talaga ang proseso kaya kailangan humanap ng pangontra sa kanilang istilo.

Sa puntong ito ay maliwanag pa sa sikat ng araw ang nasa mali. Biruin niyong mga alagad ng batas ang sangkot dito na dapat sanang sila ang sumu-sugpo, umaaresto at protektor ng publiko laban sa illegal na droga.

Subalit kabaligtaran ang nangyari dahil sila pa mismo ang nagpapalaganap, distributor at nagbe-benta sa mga mamamayan… susmaryosep… tsk… tsk… tsk…

Ang isang karaniwang mamamayan kapag nahuli nilang humihitit o gumagamit siguradong kulong at mas lalong kawawa kapag ikaw ay nahulihan ng 5 gramo pataas, wala pang isang linggo ay may hatol na sayo… reclusion perpetua o life sentence, kawawang Juan de la Cruz.

Samantalang tingnan niyo ang mga damuhong ito hindi lang gramo ang hawak kundi kilo-kilo at tonelada ngunit hanggang sa kasalukuyan ay on-going pa rin ang kaso at nananatili pa ring inosente, ano ba naman iyan?

Mainam din ang hinain na batas ni Senador Robinhood Padilla sa Senado na muling ibalik ang death sentence o death penalty sa mga taong sangkot sa heinous crime ngunit ito ay exclusibong para lang sa mga pulis at sundalo.

May punto at sustansiya rin ang panukala ni Senador Robin, ‘di po ba? Bakit kamo? Ito nga namang mga pulis at sundalong ito ay may sinumpaang tungkulin at may layunin, alam na alam nila iyon… TO SERVE AND PROTECT!!!

Itanim na lang natin sa ating mga kukote na hindi aamin ang mga taong sangkot dito dahil sila ang nagpapaamin. Siguradong pinag-usapan na nila ito at paninindigan na anoman ang mangyari. Isipin na lang natin na totoo at makatotohanan ang kasabihang “ANG MGA SINUNGALING AY KAPATID NG MGA MAGNA-NAKAW”

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

MAY ASIM KAYA ANG BANTA NI CPNP GEN. ACORDA JR SA MGA POLICE SCALAWAGS O PAGTATAWANAN LANG ITO?

Sa tuwing may bagong hepe ng Philippine National Police (PNP), may mga bago ring pa­ngako na pawang magaganda at makabuluhan. Marami nang naging PNP chief mula nang itatag ito noong Enero 29, 1991 pero ang mga pangako na sinabi hindi nagkakatotoo. Nagpapatunay na madaling mangako pero ang isagawa ito ay hindi madaling gawin. Mas maganda kung hindi na ma­ngangako sapagkat­ umaasa lamang ang taumba­yan. O ang mas maganda, huwag nang magbitiw ng pangako at gumawa na lamang nang tahimik. Mas pupurihin pa ng taumbayan ang PNP chief na tahimik pero ang dami na­man palang ginagawa para sa kapakanan ng mamamayan.

Si Gen. Benjamin Acorda Jr. ang ika-29 na PNP chief. Siya ang ikalawang PNP chief na itinalaga ni Pres. Ferdinand Marcos—una si Gen. Rodolfo Azurin­ Jr. Miyembro ng PMA Class 1991 si Acorda at ma­­rami nang hinawakang posisyon bago naabot ang pinakamataas na posisyon sa pambansang pulisya. Siya ang tanging PNP chief na hindi naging­ matunog ang pangalan sa mga pinagpilian ni Marcos. Marami ang nagulat nang ihayag ang pa­ngalan niya noong Lunes na magiging kapalit ni Azurin at mamumuno sa 220,000 miyembro ng PNP.

Sa lahat nang naging PNP chief, si Acorda ang may pinakamabigat na pasanin. Masyadong masa­limuot ang problemang iniwanan ni Azurin na may kaugnayan sa mga police officials at miyembro na sangkot sa illegal drugs. Hindi lamang mga criminal­ ang kalaban ni Acorda ngayon kundi pati mga “naka-asul na uniporme” na sangkot sa drug trade.

Mabigat ang mga kalaban niya sapagkat mismong ang mga opisyal at tauhan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ay sangkot umano sa illegal drugs. Katunayan, hinihinalang pinagtatakpan ng mga police officials ang 990 kilo ng shabu na nakumpiska kay MSgt. Rodolfo Mayo noong 2022. Nagkakahalaga ang droga ng P6.7 bilyon.

Pero ang pangako ni Acorda, lilinisin niya ang PNP sa scalawags. Ipatutupad niya ang internal cleansing. Patitindihin din umano ang paglaban sa illegal drugs, insurgency at terrorism.

Naipangako na ito ng mga naging PNP chief pero dapat subukan ang kakayahan ni Acorda. Kapag nagawa niya ang mga pinangako, siya ang tatanghaling pinakamahusay na PNP chief.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

KAYA HINDI MASUGPO AT MAWALA ANG ILLEGAL NA DROGA SA PINAS DAHIL TANGAN ITO MISMO NG ATING GOBYERNO!

Mismong gobyerno natin umano ang may tangan ng illegal na droga sa bansa kung kaya’t ito ay hindi masugpo-sugpo anumang kampanya at programang gawin ng ating pamahalaan laban dito.

Napag-alaman na ang maselang isyung ito ay nag-ugat matapos pangalanan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang 11personalidad na pawang mga miyembro ng Philippine National Police(PNP).

Hindi lang ito basta mga pulis kundi mga opisyal na may ranggong mula Heneral, Koronel, Major, Kapitan at Tinyente na siyang pinakamababa sa ranking.

Ang pagsisiwalat ni Abalos sa mga pangalan ng mga pulis ay batay sa isang video na kung saan akto silang nakitang kaharap at pinakikialaman ang higit-kumulang 1,000 kilos ng shabu (methampetamine hydrochloride) na sa kasalukuyan ay nawawala o dili kaya’y nabawasan ng malaki.

Ang mga illegal na drogang ito ay nakumpiska ng ating kapulisan sa kanilang isinagawang mga operation noon pang nakalipas na taon 2022.Ito sana ay magsisilbing ebidensiya.

Isang magaling na team anila kung kumilos ang mga pulis na ito.Properly coordinated, may intel, operatiba, back-up at commanding officer sa katauhan ng isang Gen.Domingo na umanoy mismong Director ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) na siyang lead agency ng PNP pagdating sa illegal na droga.

Maliban sa dalawang pulis mula sa Central Police District (CPD) at umano’y dating station commander sa Manila Police District(MPD), ang iba pang natitira sa grupo ay miyembro na ng PDEG.

Napag-alaman din na miyembro rin ng nasabing grupo ang isang Sgt. Mayo na una ng naaresto matapos na mahulihan ng kulang sa 40 kilo ng shabu na parte rin daw ng 1,000 kilong drogang nawa-wala na sana ay ebidensiya rin.

Si Mayo anila ay lumalabas na sacrifice ng grupo upang iligaw at ma-divert ang isyu hinggil sa malaking volume ng shabu ng hanggang sa ngayon ay di pa malaman kung nasaan.

Sa kaganapang ito, ipinapalagay ng marami na malaki ang posibilidad na hindi lang PNP ang gumawa nitong istilong ito kundi marami pang ibang ahensiya na pawang mga law enforcer din.

Ito ang unang pagkakataon na nabuko ang ganitong klaseng galawan. Siguradong marami na rin ang unang gumawa nito na kung saan nire-recycle at ginagawang pera ang ebidensiya.

Anumang kampanya ang gawin ng ating pamahalaan laban sa illegal na droga ay siguradong papalpak dahil sa mga men-in-uniform na walang konsensiya, budhi at kaluluwa.

Sa pagbabalik-tanaw, kahabag-habag naman ang mga namatay o’ pinatay nating mga kaba-bayan na may kaugnayan sa illegal na droga. Kulang yata sa 10,000 buhay ang nawala noong administrasyon ni dating Pangulong Digong Duterte sa kanyang all-out-war laban sa illegal na droga.

Kasagsagan ito ng kanyang programang “operation tokhang” at “operation double-barrel” na kung saan parang manok lang na binabaril ang sinumang taong sangkot sa illegal na droga.

Wala kang ibang maririnig na dahilang sasabihin ng mga pulis kundi ang “NANLABAN” nandyan na ang iitsahan ka ng plastic sachet ng shabu at taniman ka ng baril na paltik, wala ka ng magagawa dahil may blessing ito mula sa Pangulo.

Sa 10,000 mga namatay, iisa lang ang common denominator, silang lahat ay nakaapak at nakatsinelas na kumbaga sa ebaluwasyon ay puro yagit at mga dagang-dingding.

Mantakin mong bigyan mo ng super authority ang mga pulis na ito. Saksing-buhay tayong lahat sa kasaysayang ito na kung saan binigyan ng blanket authority ang kapulisan upang wakasan ang buhay ng sinuman na may kinalaman sa illegal na droga tsk… tsk… tsk…

Sa kasalukuyang situwasyon, sino kaya ang dapat na patayin ang mga user ba o ang mga taong pinanggalingan ng droga at nagpa-laganap nito… Pumatay na, may pera pa he… he… he…

Halos tatlong dekada na ang problema nating ito sa illegal na droga, malamang na umabot pa ito sa isang siglo dahil sa mismong gobyerno natin ito namamahay at nagkukubli.

Sayang naman ang nakalaang intelligence fund na ubod ng laki para matukoy lang kung saan at sino talaga ang nasa likod ng problemang ito.

Wala pa ring makakatumbas sa pruweba ni APO LAKAY MARCOS SR. na kung saan isang tao lang ang pinatay sa pamamagitan ng firing squad , open to the public ito. Ang taong ito ay si LIM SENG na siyang may pabrika at laboratoryo ng “opiyo” at “heroin” sa buong bansa, matapos barilin, wala ng lumabas pang opiyo at anumang droga… iyan ang teach by example, ‘di po ba?

Sa hanay naman ng ating PNP, hindi naman lahat ay ganyan ang mentalidad, marami pa rin ang marangal at may prinsipyong pinaglalaban. Ngayong bago na ang PNP Chief na si P/Maj. Gen. Benjie Acorda Jr malaking challenge sa kaniyang pamumuno ang  paglilinis at pagparusa sa mga tiwaling pulis.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

BANAL NA DIWA NG SEMANA SANTA TULUYAN NA NGA BANG NAWALA?

Nawala na nga ba ang espiritu o banal na diwa ng Semana Santa (Holy Week) na taunang ginugunita ng mga Katoliko at mga pangkat ng relihiyong Kristiyano?

Nitong nakaraang linggo at sinusulat natin ito, punuan, siksikan sa mga pantalan, bus station, airport ang mga taong nais gugulin ang sanlinggo sa kani-kanilang probinsiya, at ano ang pakay?

Bakasyon grande, reunion na nauuwi sa kainan, kantahan, at kung ano-anong okasyong ang layunin ay magpahinga o saglit ay iwan ang problema sa trabaho, pansariling problema.

Sa mga deboto, ang kinaugaliang pagbasa ng Pasyon ng Pasakit sa Kalbaryo ni Jesus at ang Visita Iglesia at pag-aayuno at di pagkain ng karne na ibinabawal ng Simbahan.

Kailan ba nagsisimula ang Mahal na Araw, ating gunitain.

Bago ang Semana Santa, may Linggo ng Palaspas, araw nang pumasok sa Jerusalem si Jesus na dito, ayon sa Biblia, sinalubong siya na parang Hari ng mamamayang Hudyo – na pagtupad sa propesiya (hula) ni Zacarias.

Kasama ang 12 apostol, nagpalipas ng gabi sa Bethany si Jesus at doon, nagpakita siya ng himala nang buhayin ang patay nang si Lazaro.

Mahal na araw ng Lunes, nagalit si Jesus nang makita na parang palengke sa dami ng vendor, nagkalat ang nagpapatubo ng pera (uso na yata noon ang 5-6) ang paligid at loob ng Templo.

Bakit daw ginawang kuta ng mga magnanakaw ang Templong bahay panalanginan sa Diyos, bulyaw ni Jesus sa mga Hudyo. (Lukas 19:46)

Martes, nagbalik sa Jerusalem si Jesus at mga apostol at ipinaalala ang kahalagahan ng pananampalataya sa Diyos, pero sa Templo, nagpulong ang mga pariseo dahil sa bintang na nilapastangan ang kanilang kapangyarihan bilang awtoridad ng pananampalataya.

Dito binalak ang pagdakip kay Jesus na hindi nangyari, at kinagabihan, nagtungo sila sa Bundok ng Olivo – ipinahiwatig niJesus ang pagbagsak ng Jerusalem, ang mga araw ng “katapusan” at ang Kanyang pagbabalik sa Araw ng Paghuhukom.

Martes, nakipagkita si Hudas, anak ni Eskaryote, sa Sanhedrin at pumayag sa alok ng mga saserdote na ipagkanulo ang Panginoong Jesus (Matero 26:14-16).

Pinalipas ni Jesus at mga apostol ang araw ng Miyerkoles sa pagninilay, pagpapahinga sa Bethany para sa araw ng Pascua.

Samantala, dahil sa pagbuhay ni Jesus kay Lazaro, kumalat ang paniniwalang Siya ang Anak ng Diyos – na labis na ikinagalit ng mga saserdote, lalo na ang punong si Caiaphas.

Gabi ng Huwebes, ipinaalala ni Jesus sa mga apostol na magmahalan sila sa isa’t isa – na dito, isa-isa, hinugasan niya ang mga paa ng kanyang mga disipulo.

Ginugunita ito sa seremonyang paghuhugas ng mga paa sa mga Simbahan tuwing Huwebes Santo.

Sa Lukas 22:15-16, sinabi ni Jesus na mag-aayuno Siya gusto man niyang kumain sa araw ng Pascua, pero kailangan muna sundin niya ang utos ng Diyos, at makaraan, idinaos ang Huling Hapunan na dito, pinagpira-piraso ang tinapay na walang lebadura at sinabi na ang tinapay ay ang katawan niya at pagkain, ang katas ng ubas na sinabing iyon ay dugo niya na magpapatawad sa kasalanan.

Sa hapunang iyon, sinabi ni Jesus, ipagkakanulo siya ng isa sa kanyang apostol – Hudas Eskaryote katumbas ng 30 pirasong pilak.

Nangyari ang pagkakanulo habang nananalangin si Jesus sa halaman ng Gethsamane nang dakpin Siya ng mga kawal Romano sa utos ni Caiaphas.( Mateo26:17–75, Marcos 14:12-72, Lukas 22:7-62, at Juan 13:1-38.)

Sa tindi ng pagsisisi sa pagkanulo kay Jesus, nagbigti umaga ng Biyernes Santo si Hudas Eskaryote.

Kasunod ang maling paratang kay Jesus, ang pag-alipusta, magpuputong ng koronang tinik at ang pagtatakwil sa Kanya ng mga dati ay nananampalatayang Siya ay Anak ng Diyos.

Hinatulan Siya ng kamatayan sa pagpako sa krus – ang pinakamalupit na parusa sa panahong iyon ng Imperyo Romano sa mga kriminal, rebelde, at iba pang krimen laban sa gobyerno.

Pasan ang mabigat na kahoy na krus, hinahagupit si Jesus paakyat sa bundok ng Kalbaryo (bundok ng mga bungo), at ipinako sa kamay at paa ng mga sundalong Romano.

Sa mga huling hugot ng hininga sa hindi makayanang hirap sa pagkabayubay sa Krus, matinding pagkauhaw, pagkabilad sa araw at pagsibat sa Kanyang tagiliran at matinding kirot ng nakapakong mga kamay at paa, nawika ni Jesus: “Ama ko, patawarin mo sila pagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa (Lukas 23:34)).

Sa huling hugot ng hininga, tumingala Siya sa Langit at sinabi: “Ama ko, sa Iyong mga kamay, ipinakakatiwala ko ang aking espiritu.”(Lukas23:46)

Alas tres ng Biyenes ng hapon, namatay si Jesus, alas sais ng gabi, kinuha nina Nicodemus at Jose ng Arimathea ang bangkay ni Jesus at inilibing na mahigpit na isinelyo, tinakpan saka binantayan ng mga sundalong Romano upang tiyaking walang magnanakaw sa bangkay.

Iniutos iyon ni Caiaphas sa takot sa sinabi ni Jesus na sa ikatlong araw, Siya ay babangon at muling mabubuhay.

Dumaan ang Sabado at Linggo, tulad ng sinabi ni Jesus, muli siyang nabuhay kaya ang tawag sa araw na ito, Resurrection Sunday, o Linggo ng Pagkabuhay.

Bago umakyat sa langit, limang ulit na nagpakita si Jesus sa mga apostol, nakipagkita rin Siya kay Maria Magdalena, kay Pedro, ipinahipo sa nagdududang si Tomas ang butas ng pako sa Kanyang mga kamay at paa. (Mateo 28:1-13, Marcos 16; 1-14, Lukas 24:1-49, at Juan 20:1-23.)

Tinubos ni Jesus ang kasalanan ng tao na nanampalataya at sumusunod sa Kanyang utos, at sinabi, muling babalik sa lupa, upang isama sa Kaharian ang mga tupa niya, at makaraan ang sanlibong taon, ihuhulog sa impierno ang mga kriminal, mga sinungaling, mga mangangalunya, magnanakaw at sumasamba sa diyos-diyosan at ang lahat na nadaya ni Satanas.

Bago tayo mag-aliw, magmuni-muni muna tayo, siyasatin ang ating mga sarili, at alalahanin ang sakripisyo at kamatayan ni JesuKristo para iligtas ang mga mananampalataya sa Kanya.

Amen.By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

MGA SENADOR TUNAY NGA BANG MGA DULY ELECTED O DULY SELECTED?

Kakaiba ang imahe ng Kongreso natin. Noong araw, kinakatawan nito ang mga matalino at matinong nilalang na ang dahilan ng pagpunta sa Kongreso ay upang manilbihan, Taliwas ito sa layunin ng kasalukuyang Kongreso. Bagama’t kalakip ang titulong “Honorable,”ang ipinamamalas ng mga halal ng sambayanan ay masasabi na hindi honorable. Nagtatanong ang taong-bayan: halal nga ba? Sila ba ay “duly-elected” o “duly-selected?

Aral at bihasa sa Saligang Batas ang mga bumuo ng 1987 Constitution. Pinili sila dahil sa taglay na dunong at malalim na kaalaman. Hindi sila pipitsugin at mangmang. Hindi ang Saligang Batas ang may problema, kundi ang mga mapangahas na nagpasok ng enmiyenda o palitan ito. Ang mga pangahas na palitan ang Saligang-Batas ay karilyo lang. Isipin ninyong mabuti. Si Bato de la Rosa, si Bong Go, lalo na si Robin Padilla ay walang kakayahan na bumuo at gumawa ng plano upang palitan ang Saligang-Batas. Wala silang sapat na isip at dunong. Sila ay mga papet. Mga mamaratso na gagalaw kapag hinila ang tali. Sumusunod sila sa udyok at senyales ng humihila ng tali, ang mga tunay na may pakana ng “charter change.”

Sa simula pa ng nakaraang administrasyon, pilit na isinusubo sa bibig ng madla na sukang-suka na. Sumasalamin ito sa sapantaha ng kaibigan natin na expat at kritiko ng lipunan si Joe America. Isinalin ko sa Tagalog ang saloobin niya. Ani Joe: “Sa opinyon ko hindi ang Saligang-Batas ang problema. Korapsyon, kawalan ng kakayahan, kabiguan na mag automate, at palpak na sistema ng hustisya; iyon ang mga problema; ang pagkakaroon ng isang katulad ni Robin Padilla sa Senado, at mga abugado na bumabaluktot sa batas…”

Ito ang mga dahilan kung bakit namamayagpag ang kamangmangan. Totoo ang latang walang laman ay mas maingay. Pagmasdan ang mga tumutulak sa pagpalit ng Saligang-Batas; sila ang maiingay. Isang maingay ay si Robin Padilla. Maging ang pagkakaroon ng oil spill ay sinisisi sa hindi pagpapalit sa Saligang-Batas. Heto lang masasabi ko sa iyo. Pumasok ang hangin sa ulo mo ang pagiging senador mo. Kung may bigat ang sinasabi mo baka pakinggan kita. Iyon lang, iyong dating hangin sa ulo mo ay pinalitan ng bagong hangin. Iyon ay dahil isa ka nang ganap na “duly-selected senator of the Republic of the Philippines.

Tapusin ko na ito dahil walang sustansyang makukuha sa pakikinig sa iyo, at katulad mong mga mamaratso sa Kongreso. Tuldukan ko ito sa sinabi ni Joel Pablo Salud, isang manunulat at kritiko ng lipunan: “Naku hijo, sinong niloko mo? Obligasyon ninyo palitan ang Konstitusyon? Ang obligasyon ninyo ay itigil ang korapsyon na nagpapahirap sa bayan, putulin ang dynasty rule, at bulukin sa kulungan ang lahat ng nakilahok sa drug war at red-tagging. At kung kayo kayo lang din ang magpapalit sa Saligang Batas, aba kahibangan na ‘yan…”

Ipinapanalangin ko na ang mga nagdaan na ang espiritu ng mga nagdaang mambabatas ay sumanib sa katawan ng mga ito upang ang Senado ay manatiling katipunang lubos na kagalang-galang. Kasihan nawa tayong lahat ng Poong may kapal.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

SA BATAS NA RA 10640 ANG MAGPAPATUNAY NA HINDI SAPILITAN NA TUMISTIGO ANG ISANG MEDIAMAN SA KASONG DROGA!

May mga mamamahayag na nakararanas ng pamimilit ng mga pulis o National Bureau of Investigation o Philippine Drug Enforcement Agency na gawin silang testigo sa mga kasong droga.

Kung aktuwal ang mediamen na nasa lugar ng aksyon ng nasabing mga awtoridad sa panghuhuli sa buy-bust, raid sa drug laboratory o iba pa, dito pilit na pinapipirma ang mediamen ng mga awtoridad sa kanilang report bilang saksi sa pangyayari.

At mula rito, magiging testigo na sila sa mga pagdinig sa korte hanggang sa ma-convict o ma-acquit ang akusado sa droga.

Naiintindihan natin, mga brad, ang nais na mangyari ng mga awtoridad na tugunan ang mandatory 3-witness rule sa mga nasabing kasong droga upang hindi tsugiin ng korte ang kanilang pinaghirapan at pinagbubuwisan ng buhay na trabaho at tiyak nilang mapakulong ang mga sangkot sa droga.

Nagsimula ang patakarang 3-witness rule sa mismong batas sa droga na Republic Act No. 9165, Section 1 (1) na nagsasabing, “The apprehending team having initial custody and control of the drugs shall, immediately after seizure and confiscation, physically inventory and photograph the same in the presence of the accused or the person/s from whom such items were confiscated and/or seized, or his/her representative or counsel, a representative from the media and the Department of Justice (DOJ), and any elected public official who shall be required to sign the copies of the inventory and be given a copy thereof;…”

Kaya lang, inamyemdahan na ito ng R.A. No. 10640, Section 21(1) na nagsasabing “The apprehending team having initial custody and control of the dangerous drugs, controlled precursors and essential chemicals, instruments/paraphernalia and/or laboratory equipment shall, immediately after seizure and confiscation, conduct a physical inventory of the seized items and photograph the same in the presence of the accused or the person/s from whom such items were confiscated and/or seized, or his/her representative or counsel, with an elected public official and a representative of the National Prosecution Service or the media who shall be required to sign the copies of the inventory and be given a copy thereof.”

Habang sapilitang testigo ang mediaman sa RA 9165 dahil sa phrase na “representative from the media and the Department of Justice) dahil sa salitang “and”, hindi na sa RA 10640 dahil pinalitan ang “and” ng salitang “or” na klarong nilalaman nitong “representative of the National Prosecution Service or the media”.

Pinirmahan ni ex-President Gloria Macapagal-Arroyo noong Hunyo 27, 2002 ang RA 9165 at published ito ng Official Gazette na nilalaman ang salitang “and” habang pinirmahan ni ex-Pres. Benigno Aquino ang RA 10640 noong Hulyo 15, 2014 at naging epektibo noong Hulyo 23, 2014.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

DAPAT NA TIRAHIN DIN NI REPS. CHUA AT VALERIANO ANG MTPB AT MDPS LABAN SA OBSTRUCTIONS HINDI LANG ANG MMDA!

Nagnggigilaiti sa galit sina Manila Representatives Joel Chua ng 3rd District at Rolando Valeriano ng 2nd District dahil sa ginagawang clearing operations ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga secondary road o mga kalye sa looban ng Maynila.

Iminungkahi na nga ng mga kinatawang ito ng Maynila na buwagin nalang ang MMDA. Abusado na raw ito. At duplication lang daw ng mga ginagawa ng local government units (LGUs) ang trabaho nito. Malaking tipid nga naman sa gobyerno ‘pag binuwag ang MMDA na mayroong higit P4 bilyong budget.

Ang dapat lang kasing nililinis sa obstructions ng MMDA ay ang ‘Mabuhay Lanes’. Pero pati ang secondary roads ay kanila nang kini-clear sa obstructions.

Ang rason dito ng MMDA ay marami ang nagrereklamo sa kanila laban sa illegal structures at illegal parking kung saan halos hindi na madaanan ng mga sasakyang apat ang gulong.

Tama naman dito ang MMDA eh!

Kasi nga itong mga LGU sa Metro Manila partikular sa Maynila ay mga inutil, pabaya sa obstructions. Paano kasi ginawa nang negosyo ang sidewalks o mga bangketa! Mismo!

Bibilib ako kina Chua at Valeriano kung ipabuwag din nila sa Manila LGU ang Manila Traffic and Parking Bureau at Manila Department of Public Service pati Hawkers na pawang pabaya sa kanilang trabaho, sa halip ay pinagkakakitaan ang mga kalye mula sa Mabuhay Lanes lalo sa secondary roads na halos ‘di na madaanan ng mga sasakyan dahil sa illegal vendors, illegal parking, at kung anu ano pang obstructions na may “lagay” sa mga nasabing departamento.

Diyan lang sa distrito ni Valeriano, grabe ang obstructions sa mga secondary road. Hindi na nga madaan ang sidewalks dahil puno ng mga negosyong pasok sa bulsa ng mga opisyal ng MTPB, DPS at Hawkers. Aminin!!!

Lalo na sa distrito ni Chua. Nanang ko po!!! Ang sisikip ng secondary roads dahil sa illegal parking ng mga naglalakihang truck, mga tindahan sa isang lane ng kalsada at kung anu-ano pang mga sagabal sa kalsada! Perwisyo sa mga motorista!

Kaya hindi masisisi nina Chua at Valeriano kung pasukin ng MMDA ang secondary roads ay dahil narin sa kahilingan ng concerned citizens na Manileño..

Again, para maging makatuwiran ang pagwawala nyo, mga malilinis at tapat na kongresista sa Maynila, kastiguhin nyo rin tulad ng pag-atake nyo sa MMDA ang MTPB, MDPS pati Manila Hawkers na linisin ng mga ito ang obstructions sa secondary roads nang hindi na magsumbong pa sa MMDA ang inyong constituents!

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

NAGUMPISA NA ANG MAINIT NA HALALANG BARANGAY SA KABI-KABILANG PINAPATAY NA TSERMAN!

Ramdam na nga ang mainit na eleksyon sa barangay, mas madugo ito kesa labanan ng mayor, gobernador at kongresista.

Oo! Walong buwan bago pa itakda ng Commission on Election ang calendar of activities ay sunud-sunod na ang ambush sa mga may planong kumandidato sa barangay election.

Sa Mindanao lang, halos araw-araw ay may nababalitang inambus o pinatay na taong may balak tumakbong barangay kapitan (chairman) sa darating na halalan.

Gayundin sa Batangas, masuwerte ang araw na walang napapaslang na naghahangad maging barangay kapitan.

Nitong Linggo lang ng umaga, isang barangay chairman sa Lipa City ang pinaslang. Ito’y si Vivencio Palo ng Barangay San Carlos.

Bago ito, isang nagngangalang Larry Laura na nagpaplanong kumandidatong barangay chairman ng Barangay Trapiche sa Tanauan City, Batangas ang tinambangan din. Masuwerte lang itong hindi napuruhan.

Maging sa Bicol at Quezon ay sunud-sunod narin ang pang-a-ambush sa mga nagbabalak tumakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ang BSKE ay gaganapin sa Oktubre 30 ng taon, walong buwan nalang ito.

Ang filing ng Certificate of Candidacy ay itinakda ng July 3 – 7, limang buwan nalang mula ngayon.

Ang campaign period ay Oct. 19 hanggang 28. Dapat nakaalerto rito ang pulisya at militar lalo sa mga erya na matindi ang labanan ng mga politiko.

Kaya naman ganun kainit ang barangay election ay dahil magkakilala ang mga tao sa lugar lalo sa mga probinsiya. Ang matatapang dito, na gustong makatiyak ng panalo, ay ang mga backup o patakbo ng mayor.

Opo! Kasi gusto ng mayor na makatiyak ng panalo ang kanyang “bata”. Dahil kailangan nya ito sa kanyang pagtakbo uli sa mayoral election sa 2025. Mismo!

Hindi po nasusunod ang nakasaad sa batas na “non partisan” ang barangay election. Sa papel lang yun. Dahil ang katotohanan, ang mayor ay siya mismong nakikialam sa halalang barangay. Nagpapatakbo ito ng mga tao para magamit niya sa kanya ring pagtakbo sa mayoral. Ito ang dahilan kaya nagiging madugo ang eleksyong barangay. Dahil din sa pakikialam ng mga gahamang politiko. Peks man!

Kaya yung mga nagbabalak tumakbong tserman/kapitan sa darating na BSKE, mag-ingat…mag-ingat…mag-ingat!!!

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

PUTOK NGAYON SA MGA MARITES ANG SEX SCANDAL SA SENADO!

Usap-usapan ngayon sa lahat ng sulok ng Senado ang kuwento tungkol sa dalawang staff na nahuli sa aktong nagtatalik sa loob ng sasakyan na nakaparada sa mapunong bahagi ng Senado.

Sa nakuhang impormasyon ni Mang Kanor, nagroronda raw ang security guard sa parking area sa gilid ng Senado nang mapansin nitong gumagalaw ang isang sports utility vehicle (SUV) habang nakaparada ito.

Dahan-dahang nilapitan ng guwardya ang SUV at nang buksan nito ang kanyang flashlight, tumambad sa kanyang paningin ang babae na nakapatong sa lalaki na nakaupo sa backseat ng nasabing sasakyan. Half-naked umano ang dalawa.

Dahil nabulaga, mabilisang nagbihis ang babae na nakasuot ng blouse at skirt noong oras na iyon. Magulo pa umano ang buhok ng babae at tagaktak ang pawis nang lumabas sa sasakyan ng lalaki na naiwan ng oras na iyon.

Nag-report ang blue guard sa Office of Senate Sergeant-at-Arms (OSAA) subalit hindi na nagsagawa ng imbestigasyon dahil nangyari naman daw ang ‘dyugdyugan’ sa labas at hindi sa loob ng open parking space ng Senado.

Tsika ng isang source, ito na ang pangalawang beses na ginawang parausan ng mga nalilibugang staff ang gusali o perimeter ng Senado. Ang una ay nangyari noong nagdaang taon sa isang tanggapan sa Senado.

Nabatid na kinuhang consultant ang lalaki ng tanggapan ng isang senadora para makasama sa basketball team ng Senado na naglalaro sa UNTV Cup. Naka-assign umano ito sa Special Public Assistance Office (SPAO) ng Senado.

Ang babae naman ay dating nakatalaga sa Human Resources Management Service (HRMS) at kalauna’y itinalaga sa tanggapan ng isang senador sa 6th floor.

Nang malaman ang “sex scandal” na kinasasangkutan ng babae, tinanggal siya ng senador at ibinalik sa HRMS at kalaunan ay inilipat naman sa Office of the Senate Deputy Secretary.

Clue. Magaling mag-shoot ang lalaki sa basketball man o sa kama dahil may asawa na ito at mga anak, habang ang babae ay single at ready to mingle, morena at may pagka-sosyalera.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

LUBOS NA KAAWA-AWA NA ANG ATING INANG BAYAN!

Bakit may nagsasabi na mas mabuti pa raw noong panahon ni Macoy iilan lamang ang magnanakaw?

Tanong naman ng ilang netizen sa social media, meron bang nagbago sa panahon ngayon na sandamukal ang mga magnanakaw at noong panahon ni Macoy na siste nang uri ng pagnakaw sa kaban ni Juan dela Cruz?

Meron po ba dear SH readers, nada as in nothing, di po ba?

Bakit po natin ito nasabi?

Marami na po na mga naging pangulo ng bansa ang nagtangka na usigin at kasuhan ang mga magnanakaw at korap sa gobyerno.

Meron isang nagtangka na matapang at maangas na dating presidente na wakasan o bawasan ang korapsiyon sa gobyerno na talamak na talamak sa lahat ng sektor ng ating lipunan, may nangyari ba?

Napakaraming ahensya ng gobyerno ang sagad sa buto ang suhulan, extortion, pandarambong sa salapi ng bayan, mga pailalim na kontrata na talo ang bayan, nepotismo, padrino, pamemeke, at iba pang kabulukan.

May mga nagdusa at naipakulong ba, wala, di po ba dear readers?

Maging sa pulisya at militar, maging ang mga korte at ang Kongreso at Senado ay sangkot din sa korapsiyon.

Marami nang kaso ang naisampa sa mga inaakusahang korap, pero nangyayari na marami ang naaabsuwelto dahil sa kulang sa ebidensiya, kapos o mangmang ang mga tagausig o kaya naman, sinadyang mahihina ang mga kasong isinampa na tiyak na ang bagsak ay dismissal.

Kaawa-awang Pilipinas!

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

MARAMI ANG TUTOL SA MANDATORY ROTC BUKOD SA DAGDAG GASTOS MANANAIG NA NAMAN ANG KORAPSYON, HAZING SA MGA ESTUDYANTE!

Mukhang hindi nagustuhan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang mga narinig n’ya sa public hearing ng Senado nitong nakaraang linggo. 

Tinalakay ng Senate Committee on Higher, Technical, and Vocational Education ang panukalang  ibalik at gawing mandatory muli ang Reserved Officers Training Course o ROTC.  

Nag-komento kasi ang kinatawan ng Department of National Defense na kung tutuusin, suportado naman ng kagawaran ang panukalang batas, pero alam nila na baka mahihirapan ang gobyerno sa pagpapatupad nito.   

Anila, dahil meron halos 2,400 na mga universities, colleges at technical schools, at kakailanganin ng halos 10,000 libong tauhan para patakbuhin ang ROTC kung sakaling matuloy nga ito.

Bukod sa dagdag na mga tao, malaking halaga rin daw ang kakailanganin para sa pasweldo, kagamitan, mga babasahin at uniporme.   Hindi lang gobyerno ang gagastos dito, mukhang pati mga magulang mismo ay maglalabas din ng pera nila.

Ako mismo ay hindi pabor sa pagbabalik ng ROTC.   Kung babalikan kasi natin, marami ang magandang dahilan kung bakit inalis ang ROTC sa kurikulum ng kolehiyo noong 2002.   Una dito ay ang korapsyon sa buong sistema at palakad ng ROTC programs.

Noon, pwede kang makatakas sa pagseserbisyo basta handa kang magbayad.   Bukas na sikreto yan sa aming mga nasa college noon.

Pangalawa, wala ka namang natutunan talaga sa ROTC sked nyo, bukod lang sa bilangin ang hakbang ng pagma-martsa ng kaliwa’t kanan at abante at paatras.   Buti pa ang Physical Education o P.E. namin na camping o outdoor recreation,  talagang natuto kaming gumamit ng compass at magbasa ng mapa.

Pangatlo, dagdag gastusin ang ROTC, at sa panahon ngayon na sobrang mahal ng mga bilihin lalo na ang pagpapa-aral sa mga anak, isa na namang dagdag gastos ito.

Panghuli at pinakamahalaga, mukhang mabubuhay uli ang kultura ng karahasan at kalupitan.   Ang kaso ng mga hazing ang sumasagi sa alaala ng marami kapag ROTC na ang usapan.

Suggestion ko kay  dela Rosa ay makinig sa mga kasama sa public hearing ng komite nila sa Senado.  Kaya nga imbitado ang iba’t-ibang sektor, para makapag-bigay sila ng kani-kanilang mga kaisipan at mungkahi. 

Dapat nga ay kasama ang mga kabataang estudyante mismo sa susunod na Senate hearing, sa usapin ng ROTC.

Nararapat din nating sariwain ang UST student na si Mark Welson Chua isang ROTC Cadet na pinatay noong Marso 2001 ng isiwalat nito ang mga anomaly ng  ROTC. Si Roel Sedenio isang ROTC Cadet sa Pagadian, Zamboanga na namatay   umano sa atake sa puso nuong nag-physical fitness routine ito pero ang pinagtataka ng pamilya ay kung bakit maraming pasa daw ang katawan ni Roel.

Kung magiging Mandatory ang ROTC pihadong marami sa mga estudyante ang magkakasakit o maaring mamatay dahil sa kinakaharap nating climate change. Kadalasan kasi ang training ng ROTC ay sa field at ibabad sa araw kaya ito ang panganib na kakaharapin ng mga ROTC Cadets.

Baka nakalimutan o hindi alam ng ating magagaling na mga mambabatas na nagtutulak sa Mandatory ROTC na ang mga Pilipino ay likas na matatapang at madiskarte kung sakaling may mga mananakop na gustong akinin ang ating inang bayan.

Ipapaalala ko lang noong sinakop tayo ng mga kastila nag training ba ang mga katipunero dba wala pero nanalo pa rin tayo dahil sa diskarte o utak ng mga namuno hindi ang training. Mismong si Heneral Emilio Aguinaldo hindi pinag-training ang mga kawal nuon basic lang ang kalimitan na itinuro. Una ang pagsaludo bilang respeto sa mga nakakataas na mga opisyal kung ito’y darating o makakasalubong. Pangalawa ang humanay o pumila at kung paano gamitin ang ibinigay na sandata riple.

Sa panahon ng pananakop ng Hapon nag training din ba ang mga HukBalahap Aeta at mga Moro? Aba wala din diba pero naipagtanggol nila ang Pilipinas laban sa mga Hapon.

 Kaya huwag maliitin sana ng mga magagaling natin mambabatas ang kakayahan ng mga Pilipinong kabataan ngayon pihadong may mga sarili din diskarte sila na maipaglaban ang kalayaan laban sa mga mananakop.

 Nararapat din na bigyan ng laya ang mga ito kung talagang bukal sa kanilang loob na sumali sa ROTC at huwag sikilin.

Sa totoo lang tama na yun papogi points niyo mga magagaling na mambubutas este mambabatas pala taong 2023 na at hindi na tanga, mang-mang at Malabo na niyong mapaikot pa ang ulo ng mga kabataang Pinoy ngayon. Hindi na uso ang Diktador sa panahong ito at mga ulol at bayaran na lang ang maari ninyong utuin sa totoo lang.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

HINDI DAPAT NA GINIBA AGAD-AGAD ANG MANILA COVID-19 FIELD HOSPITAL HANGGANG MAY BANTA PA ANG MGA BAGONG VIRUS!

Nakapanghihinayang isipin na giniba ang Manila COVID-19 Field Hospital habang nagtataasan na naman ang mga kaso ng COVID sa China at kasabay pa niyan ang paghihigpit ng ilang bansa sa pagpasok ng Chinese nationals sa kanila.

Ang mas nakakalungkot pa riyan ay kung paano winasak ang ilang gamit na maari namang pakinabangan pa gaya ng mga inidoro, na sana ay ipinamigay na lamang sa mga lugar kung saan walang palikuran kagaya ng mga depressed areas ng Baseco at Isla Puting Bato sa Maynila at sa maraming karatig-lugar ng Maynila.

Bagamat nagbababaan na ang kaso ng COVID sa Pilipinas, hindi maikakaila na narito pa rin ang COVID at katunayan nga niyan ay nariyan pa rin ang banta ng muling pagtaas ng mga kaso kasunod ng nangyayari ngayon sa China.

Habang ang ibang bansa ay naghihigpit na sa pagpasok ng mga taga-China sa kanila, walang ganyan sa Pilipinas kaya ni hindi natin mapanghawakan kung ano ang maaring epekto nito sa ating bansa.

Natural, nananalangin tayong lahat na huwag magkaroon ng muling pagtaas ng kaso ng COVID sa Pilipinas pero hindi maaring isantabi ang posibilidad na ito.

Kaya naman sana ay hindi kaagad-agad na binuwag ang COVID-19 Field Hospital sa Luneta.

Bago matapos ang operasyon nito noong October 31, naiulat ni hospital director Dr. Arlene Dominguez kay Mayor Honey Lacuna na ang Manila COVID-19 Field Hospital ay takbuhan ng mga may COVID na walang pambayad sa ospital. Karamihan sa mga naging pasyente nito ay hindi taga-Maynila at mga OFWs o di kaya ay mga referral mula sa Bureau of Quarantine (BOQ) at Tondo Medical Center na kapwa nasa ilalim ng pangangasiwa ng national government.

Ang BOQ ang siyang nagdadala ng mga pasyente na pagdating sa airport ay nadidiskubreng positibo sa COVID.

Matatandaang itinayo ito noon sa pagsisikap ng noon ay Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna bago pa man bumulusok ang mga kaso ng COVID sa bansa.

Inabot ng humigit-kumulang sa P200 milyon ang ginastos para mabuo ang nasabing ospital na may 344 bed capacity at kumpleto sa lahat ng gamit pang-COVID patients at ultimo pagkain sa maghapon ng mga pasyente ay libre.

Noong June 2022, sinabi ni DOH Regional Director Dr. Gloria Balboa kay Moreno na walang kinalaman ang DOH sa planong pagpapaalis sa ospital at pagbaklas dito, nang banggitin ni Manila Health Department chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan ang ukol sa request ng National Parks Development Committee (NPDC) sa City Hall na tanggalin na ang ospital na inilagay sa Burnham Green sa katapat ng Quirino Grandstand, dahil gagamitin daw ang nasabing lugar para sa ilang proyekto.

Hindi umano inimpormahan ang DOH ukol sa isyu at ni hindi rin kinoordinate sa kanila ng NPDC ang naturang hakbang dahil ultimo sila ay hindi pabor sa balak ng NPDC dahil nga may COVID pa sa bansa.

Mariing tinutulan nina Moreno at Lacuna ang ibinigay na dahilan noon ng NPDC na gagamitin para pagdausan ng concert ang nasabing lugar kung saan nakatayo ang COVID Field Hospital.

Sa katunayan, sumulat pa ang City Hall para ipahayag ang pagtutol sa planong alisin ang field hospital dahil nang mga oras na iyon ay may mga pasyente pa at mas mahalaga nga naman ang paggamot ng me COVID kesa sa concert at nang mga oras na iyon hanggang ngayon, hindi pa naman nawawala nang lubusan ang COVID sa ating bansa. “Nawi-weirdohan lang ako bakit nila minamadali, may pandemya pa,” ani Moreno. 

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

PINAPAIKOT LANG NG SENADO ANG MAMAMAYANG PILIPINO, PANAHON NA SIGURONG LUSAWIN ITO PATI KONGRESO NG MAKATIPID AT UMUNLAD ANG PILIPINAS!

Nagmalaki nu’ng Disyembre ang mga senador na tinapyas kuno nila ang confidential/intelligence funds (CIF) ng Secretary of Education. Ginawang P30 milyon na lang daw ang hininging P150 milyon ni Sara Duterte. Nilalang-lang nila ang P30 milyon.

Pero sa bicameral conference committee, ibinalik ng mga senador ang buong P150-milyong CIF. Giit daw kasi ‘yon ng House of Reps. Kung hindi raw pumayag ang mga senador, maaantala ang pagpasa ng 2023 national budget.

May bukod pa si Duterte na P500-milyong CIF bilang Vice President. Kaya P650 milyon ang kabuoang extraordinary funds niya.

Walang law enforcement at intelligence functions ang VP at DepEd. Hindi nito kailangan ni isang kusing na CIF. Mawawaldas lang ang pera. Wala kasing resibo sa liquidation ng CIF. Kathang-isip lang ang kailangan ng head of agency. Hindi mabusisi ng Commission on Audit ang pinag-gagastusan ng CIF.

Pumayag ang mga senador na ibalik ang CIF ni Duterte para maparte na nila agad ang pork barrels nila na nakapaloob sa 2023 budget. Kunwari lang na brinaso sila ng mga representante. Pare-pareho silang political dynasts na nagpapayaman sa puwesto.

Mabuti pang lusawin na lang ang Senado. Ipaubaya na lang sa House of Reps lahat. Makakatipid ang bayan o kaya’y mas makakabuting parehas na lang lusawin pati ang Kongreso. Mas malaking katipiran.

Sinasabing 20% ng taunang national budget ang ibinubulsa ng mga pulitiko. Mahigit P5 trilyon ang budget para sa 2023. Bente porsiyento nu’n ay P1 trilyon. Kung isara ang Kongreso, P1 trilyon na mananakaw nila ay mailalaan sa edukasyon, kalusugan, pabahay, kabuhayan at infrastructures kada taon. Kaya pihadong uunlad ang bansa natin.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

PAANO NAABSWELTO SA DRUG CASE ANG ANAK NI DOJ SEC. BOYING REMULLA?

Usap-usapan ngayon online ang pagkakaabsuwelto sa anak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kaugnay sa kasong possession of illegal drugs.

Nitong Biyernes, pinalaya si Juanito Jose Remulla III matapos ipawalang-sala siya ng Las Piñas court sa possession of illegal drugs na nagkakahalaga ng P1.3 milyon.

Ayon sa Las Piñas Regional Trial Court Branch 197, nabigo ang prosekusyon na magbigay ng ebidensya, na inaasahan ni Juanito na tatanggap siya ng isang package ng iligal na droga.

Nakagawa rin umano ang mga anti-drug agent ng “lapses” sa chain of custody ng halos 900 gramo ng umano’y high-grade marijuana.

“Wherefore, premises considered, accused Juanito Jose Remulla III y Diaz is acquitted of the crime of violation of Section 11, Article II of Republic Act No. 9165, on the ground of reasonable doubt,” mababasa sa may 34-pahinang desisyon ni Acting Presiding Judge Ricardo Moldez II.

Binigyang-bigat ng korte ang mga testimonya ng mga agent ng Philippine Drug Enforcement Agency na sina Eduardo Bongao Jr. at Clint Mek-eng na parehong nagsabi na nang maihatid ang package na naglalaman ng marijuana kay Juanito, sinabi nitong wala siyang inaasahang anumang package na darating.

Nang tanungin ni Bongao, na naghatid ng package kay Juanito, kung kilala niya ang shipper nito na si Benjamin Huffman, sinabi ng anak ng Justice secretary na hindi niya ito kilala, ngunit kukunin pa rin ang package kung ito ay ipinangalan sa kanya.

“His reactions were consistent with a person who was not expecting a parcel or a package from a certain Benjamin Huffman or from any other person for that matter. They are likewise consistent with a person who is oblivious to the parcel’s contents,” sabi ng korte.

May pagdududa rin ang korte tungkol sa pag-handle sa mga iligal na droga na ginamit bilang ebidensya laban kay Juanito, at sinabing “nakompromiso” ang chain of custody.

Binigyang-diin nito na ang package na naglalaman ng marijuana ay may nakasulat na “CAIDTF 9/28/22 Kush” na may pirma.

Sinabi ng korte na bigo ang customs examiner na si Gerardo Pascual na linawin kung sino ang sumulat nito at kung bakit ito naroon.

Wala rin umanong records kung paano ito pinangasiwaan, inimbak at napreserba mula Setyembre 28, 2022.

“From the foregoing and in the absence of an explanation, it can be reasonably inferred that as early as 28 September 2022, the Customs Anti-Illegal Drug Task Force already had possession over the parcel allegedly containing marijuana or, at the very least, was aware of its existence,” saad pa ng korte.

“It has effectively put into question the identity, integrity and evidentiary value of the purportedly seized dangerous drugs,” dagdag nito.

Ito ang dahilan kaya napawalang-sala ang anak ni DOJ Sec, Boying Remulla sa drug case na isinampa ng PDEA.

Sa komento naman ng iba nating readers na ‘SANA ALL’ daw kabilis magresolba ng kaso ang ating mga korte na hindi na ipina-aabot ng ilang taon ang desisyon kung inosente ba o may sala ang isang kinasuhan at ‘SANA ALL’ din raw na walang kinikilingan ang ating hukuman,  mayaman o mahirap, opisyal ng gobyerno o normal na mamamayan dapat pantay-patay kung ituring walang palakasan.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

BANTAYAN, I-VIDEO AT  I-REPORT ANG MGA TRIGGER HAPPY NGAYONG BAGONG TAON!

Tuwing Pasko at Bagong Taon maraming tinatamaan ng ligaw na bala at karamihan sa kanila ay mga bata. Kahit na may mahigpit na paalala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko at maging sa mga miyembro ng PNP, marami pa rin ang lumalabag. Sa gitna ng kasiyahan at kalasingan, may iresponsableng gun owner na nag­pa­paputok ng baril. At ang resulta ay kamatayan. Ang kasiyahan sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon ay napa­litan ng lungkot.

Sabi ni PNP chief General Rodolfo Azurin Jr. sa isang interbyu noong Martes, hindi na raw lalagyan ng tape o takip ang bunganga ng mga baril ng pulis. Pinagtitiwalaan daw niya ang mga pulis na hindi lalabag sa kautusan na huwag magpaputok ng baril habang nagkakasiyahan sa Pasko at Bagong Taon. Ayon pa kay Azurin, disipli­nado na ang mga pulis. Ilang taon na rin umanong hindi nilalagyan ng takip o tape ang mga baril ng pulis.

Harinawang disiplinado na nga ang mga pulis at ganundin sana ang iba pang nagmamay-ari ng baril. Hindi na sana maulit ang mga madudugong pangyayari na habang nagseselebreyt ng pagsapit ng Bagong Taon ay may bumubulagta dahil tinamaan na ng ligaw na bala sa ulo.

Gaya ng nangyari kay Stephanie Nicole Ella, 7-anyos na tinamaan ng bala noong Enero 1, 2013 habang nano­nood ng fireworks malapit sa kanilang bahay sa Caloocan City. Masayang nanonood si Stephanie­ Nicole, kasama ang kanyang mga pinsan ng mga sinin­dihang pailaw nang biglang bumagsak ang bata. Dumudugo ang ulo. Dinala sa ospital pero makalipas ang isang araw namatay ito. Hindi na nahuli hanggang ngayon ang nagpaputok ng baril.

Ganito rin ang nangyari sa 15-anyos na si Emilyn Villanueva Calano ng Malabon noong Enero 2017. Nano­nood din si Emilyn ng fireworks sa kanilang lugar nang tamaan ng ligaw na bala sa ulo. Apat na araw na-coma si Emily at saka namatay. Hindi rin naaresto ang nagpa­putok ng baril.

Noong Enero 2021, isang 12-anyos na batang babae sa Lanao del Norte ang namatay makaraang tamaan ng bala sa ulo habang nagseselebreyt ng New Year. Hindi rin naaresto ang nagpaputok ng baril.

Noong Disyembre 23, 2020, nagmemeryenda si Fely Joy Paras ng Bantay, Ilocos Sur sa kusina ng kanyang bahay nang may maramdaman siya sa kanyang ulo. Nang kapain niya at tingnan ang daliri, may dugo roon. Tinamaan na pala siya ng bala.

Maging mapagmatyag habang nagseselebra ng Bagong Taon. Bantayan ang mga “trigger happy”. Kumilos ang PNP para madaling matukoy ang mga “makakati ang daliri” sa pagpapaputok ng baril—kahit pa kanilang kabaro.

MALIGAYANG PASKO AT MASAGANANG BAGONG TAON SA INYONG LAHAT!

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

MALINAW NA GINAGAMIT NG MGA SINDIKATO NG DROGA ANG MGA  EROPLANO AT BARKO!

Malinaw pa sa tubig na halos imported lahat ang pumapasok na iligal na droga sa Pilipinas at ginagamit ang mga barko at eroplano.

Base na rin ito sa mga pinakahuling balita cocaine,  ecstasy at shabu.

Sa Quezon, may natagpuang cocaine na nasa pag-iingat ni Jasmin Dagohoy, ng Barangay Ibabang Dupay,  Lucena City.

Nasamsaman ito ng 489 gramo ng cocaine na nagkakahalaga ng P2.59 milyon.

Ito namang si Jomer Nora, nakumpiskahan ng 59.78 gramo ng cocaine na nagkakahalaga ng  P950,000 sa Purok Daus, Brgy. Poblacion 61 sa Real.

Nakunan din si Nora ng 59.02 gramo shabu na nagkakahalaga ng P1.2 milyon.

Saludo tayo, mga brad, sa pwersa ni Quezon  Province Police director PCol. Ledon Monte sa galing na umamoy kung nasaan at sino ang nagkakalakal ng droga.

Paalala lang, PCol. Ledon, na alagaan ang mga nakalap na ebidensya at hindi pakialaman ng iba.

Sa Ninoy Aquino International Airport naman, nasabat ng Bureau of Customs ang ecstasy pills na galing sa United States at France.

Inilagay ang mga ito sa foot massager, cartridge at pinagmukha pang candy.

Nauna rito, dala-dala naman ng Amerikanong si Stephen Joseph Szuhar, isang retired casino manager, ang 3.7 kilos na nagkakahalaga ng P10.6 milyon nitong nakaraang Setyembre.

Ayon sa BoC, umaabot na sa P443.26 milyon ang kabuuang halaga ng droga, kasama ang shabu, na nakumpiska nila sa mga paliparan ng bansa.

Lahat ng mga nasasamsam na droga ay inililipat sa Philippine Drug Enforcement Agency.

Kung pag-aaralan ang pagpasok ng mga droga sa bansa,  aba, barko at eroplano nga ang gamit ng mga ismagler at druglord.

Dapat ipagpatuloy ng mga awtoridad ang pagsisipag sa pagbabantay sa karagatan at kalangitan laban sa droga.

Pero pwede bang sunugin lahat ng ito makaraang maipasok sa mga hukuman ang mga kaso rito para hindi mapakialaman ng “ninja cops”  at “ninja PDEA”?

EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

MGA GUTOM NA BUWAYA NG MANILA CITY HALL BATA RAW NI MAYOR HONEY LACUNA!

Grabe ang nakarating sa ating sumbong mula sa mga public transport drivers na bumibiyahe diyan sa lungsod ng Maynila na pinamumunuan ni Mayora Honey Lacuna.

Talamak di umano ang pangongotong na ginagawa sa kanila ng isang alyas JACK na kilala ng lahat ng mga traffic enforcers ng Maynila.

Ang siste o raketa ng JACK na ito ay pakuhain ng stickers sa Manila City Hall ang mga drivers at operators ng mga public transport na pumapasok ng lungsod.

Ito ang magiging proteksyon ng mga drivers upang hindi hulihin ng mga traffic enforcers.

Ilalagay ang sticker sa isang parte sa wind shield ng mga jeepneys, bus, UV Express at mga tricycles.

Walang bayad ang pagkuha ng sticker sa city hall pero ang mabigat dito, bente pesos (P20) kada araw ang butaw na hinihingi sa mga pampublikong sasakyang may sticker.

Sumahin po natin ito at halimbawang nasa limang libong (5K) pampublikong sasakyan ang bumibiyahe sa lungsod ng Maynila on a daily basis, mantakin mong halaga ang koleksyong nahahakot sa araw-araw!

Magkano po ang aabutin sa loob lamang ng isang buwan?

Wala po itong resibong iniisyu sa mga drivers at operators na tuwing araw ng Biyernes nagbabayad ng tinaguriang “butaw”.

Sa simpleng Arithmetic , hindi na natin kaya pang maarok kung magkano nga bang halaga ang direktang napupunta sa bulsa o lukbutan ng mga tinaguriang Diyos diyan sa Manila City Hall.

Itong si alyas JACK umano ang pasimuno ng mga katarantaduhang ito na nagmamayabang na “SUPER BAGYO” at malapit na tauhan umano ni Mayora Honey.

Ano naman ang nangyayari doon sa mga public transport vehicles na walang “stickers” na bumibiyahe rin sa lungsod ni Mayora Honey Lacuna?

Ang mga kaawa-awang drivers na ito na walang sticker ang mga ibinibiyaheng saksakyan ang paboritong “pulutan” ng masisibang traffic enforcers ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).

Hindi lamang po basta tinitikitan ng kanilang traffic violation ha, ini-impound pa ang mga sasakyan at dinadala sa impounding area diyan sa may Central Market.

Grabeng perwisyo po talaga ang inaabot ng mga kaawa-awa nating mga kababayang drivers diyan sa Maynila kapag di ka nakikisama sa “vertical” na diskarte nitong kupal na si alyas JACK! .

Hindi pa po daw kasali dito ang butaw na ibinibigay ng mga tsuper at operators sa mga “designated terminals” gaya ng sa Plaza Lawton na tinatarimahan naman ng mga bus at UV Express na biyaheng Cavite, Laguna at Batangas.

May ilan pang terminal gaya ng sa Plaza Sta. Cruz tapat ng lumang bangko, sa Pedro Gil at iba pang lugar sa Maynila.

Kung susumahing lahat, hindi bababa sa 10 milyong piso (P10M) kada buwan ang kabuang tong o butaw na nakokolekta sa mga drivers ng mga pampublikong sasakyang pumapasok sa lungsod ni Mayora Honey Lacuna ng Maynila.

Hindi pa kasama dito ang mga legal na penalties na may resibo na binabayaran sa pagtubos ng lisensiyang natitikitan at ang bayad sa mga nahihilang sasakyan na dinadala sa impounding area sa Central Market.

Malupit po sa dilang malupit ang umiiral na kabulukan sa ngayon diyan sa lungsod ng Maynila na ang pangunahing target ay ang mga tsuper na lumalaban ng parehas at nagtitiis na maghanapbuhay kahit ubod ng hirap ang pasada.

Tila kultura ng korapsiyon ang umiiral ngayon sa administrasyon ni Mayora Honey Lacuna diyan sa city hall.

Walang ipinadaramang kahit man lamang konting habag at awa sa ating maliliit na mga kababayang tsuper.

Sabi nga ng mga drivers na ito, mabuti pang mahuli ka sa ibang siyudad, ‘wag lang sa Maynila dahil nasa Maynila ang sangkaterbang “gutom na buwaya” na inaalagaan mismo ng lokal na pamahalaan.

Ano kaya ang masasabi sa isyung ito ni Mayora Honey Lacuna?

Intriga lamang nga ba ito ng kanyang mga kalaban sa pulitika o isang nagdudumilat na katotohanan.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

HADLANG SA OPERASYON NG MGA SINDIKATO SA DROGA PINAPATAY KAHIT PA PULIS?!

Kung totoong pinatay ang dalawang pulis sa Pampanga kamakailan dahil sa kanilang operasyon laban sa droga, aba, dapat mag-isip-isip ang mga awtoridad at mga mamamayan sa banta at bagsik ng droga na tila lumalaganap at sinusubukan ang giyera laban sa droga mismo ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay Police Regional Office 3 director P/BGen. Cesar Pasiwen, pinagbabaril ng magkahiwalay na riding-in-tandem sina PSMS Sofronio Capitle Jr. at PSSgt. Dominador Gacusan Jr., ng Drug Enforcement Unit ng Mabalacat City Police Station sa Pampanga.

Ginawa ang krimen ng mga naka-bonnet sa Brgy. Dau, Mabalacat City dakong 3:45 ng madaling araw nitong Sabado.

Sana, madakip ang mga ito sa pinakamadaling panahon at, sana rin, hindi mga pulis o ibang awtoridad din ang mga ito.

Sinasabi nating sana “hindi mga awtoridad” dahil lumalabas na may nagbabalik na mga ninja cop at ilang iskalawag na miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Pinakasampol ang pagbabalik-droga ng ilang awtoridad kaugnay ng nasakoteng halos P1 bilyong shabu ng pulisya sa Sta. Cruz, Manila na pag-aari umano ng mga pulis na miyembro pa ng Philippine National Police -Drug Enforcement Group.

Napakahigpit ang pulis sa mga checkpoint sa motorsiklo, lalo na sa gabi, at isang malaking katanungan ang hindi pagkaka-checkpoint ng mga suspek sa pagdating sa lugar ng krimen at hindi rin pagkakaharang ng mga ito sa iba pang mga checkpoint.

Pero sana naman, hindi talaga kagagawan ng mga iskalawag na awtoridad ang krimen upang mas madaling matunton ang mga ito.

Pero kung mga awtoridad man sila, hindi sana sila pagtakpan ng mga kasamahan nila kundi bitbitin sila para iharap sa timbangan ng katarungan.

Hiling nating mabilis na madakip ang mga salarin upang hindi nila maipagpapatuloy ang paggawa ng malagim na krimen. Isipin na lang ito.

Kung walang habas silang pumatay ng mga armadong awtoridad, lalong mas mabagsik ang mga ito sa sinomang mamamayang walang kalaban-laban.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

PAMASKONG HANDOG NI MAYOR HONEY LACUNA SA MGA VENDORS ANG PALAYASIN SA KANILANG PUWESTO AT GAWING PAY PARKING SLOT!

Kahabag-habag ang sinapit ng maraming vendor dito sa Maynila matapos umano silang palayasin sa kanilang mga pwesto upang gawin daw pay parking slot ng mga motor ang kanilang nilisang lugar sa Sta. Cruz, Mabini, Blumentrit at Quiapo partikular na sa buong Plaza Miranda.

Tinuturing na isang henyo ang may akda ng hakbang na ito na kung saan mas malaking di hamak nga naman ang kikitain sa motor parking sa loob lamang ng ilan oras kaysa sa mga vendor na nakapwesto ng buong araw at magbabayad lang ng halagang 10-20 pesos sa Hawkers.

Sa parking nga naman ay payat na ang 50 pesos kada isang motor ang kikitain sa loob lang ng 3 oras. Maliban dito, mas malaki ang espasyong pakikinabangan dahil sa masinsing pagsasaayos nito.

Ang henyong ito ayon sa mga vendor ay isang nagnga-ngalang Amurao na lumalabas na economic adviser ni Mayora Honey Lacuna na wala umanong ibang tinu-tugon kundi yes sir lalo na’t malaking halaga ng pera ang namaagitan.

Si Amurao anila ay hepe rin ng DPS na ang ka-tandem naman ay MTPB na hanggang sa ngayon ay hawak pa rin ng mag-asawang Viaje.

One-two punch daw ang teamwork ng dalawang departamentong ito na kung saan DPS ang tagapag-palayas at taga-bugaw ng mga vendor samantalang ang MTPB ay nakaabang na lang sa maba-bakanteng pwesto na nakahulma na para sa motor parking.

Bukod sa dalawang ito, meron din daw inatasang mga Chairman itong si Mayora na malalapit sa kanya na ang trabaho’y di natin alam kung mga bantay o’ abang lang sa perang papasok sa parking. Ang mga ito anila ay may sariling kubol sa Hidalgo at hawak din ang nasasakupan ng Plaza Miranda, ang dami niyan mga Che.

Ang mga chairman na ito daw ay hindi lehitimong chairman sa nasabing lugar at lumalabas lang na appointee ni Mayora.

Sa dami ng lugar na may ganitong parking, hindi malayong tawagin ang Lungsod ng Maynila na motor pay-parking capital of the Philippines, bakit kamo?

Kung inyong mapapansin, halos lahat na yata ng pangunahing kalsadang malakas ang komersiyo ay meron ng pay parking slot para sa mga motor.

Maliban dito, lahat ng lugar na may palengke at mall ay merong malaking espasyo ang pay parking slot na kopong lahat ng MTPB, eh magkano naman kaya ang pinapasok nitong pera sa kaban ng lungsod?

Huwag na tayong lumayo pa, bukod sa harapan ng Manila City Hall na nasa Taft Avenue, sipatin niyo ang likod at gilid nito dahil wala kayong ibang makikita kundi sandamakmak na mga motor na nakahilera at obligadong magbayad ito ng parking fee, dulo’t dulo po iyan.

Ang butihing Mayora naman ay wala yatang sariling disposisyon at damdamin upang timbangin at tingnan naman ang kalagayan ng mga vendor dahil sa ito na ang kanilang nagisnan hanapbuhay.

Saan kaya kukuha ang mga ito ng kanilang kakainin sa araw-araw sampu ng kanilang pamilya na wala rin namang ina-asahan kundi ang tutubuin sa kanilang tindang kalakal.

Sa puntong ito ay labis na sumasama ang loob ng mga ito kay Mayora na anila’y niluklok nila sa liderato sa pag-aakalang ito ay isang babae na may puso rin ng isang ina na handang umunawa lalo na sa kanilang maliliit.

Ang akala daw nilang ito ay taliwas sa katotohanan dahil mas higit na malupit daw ito kaysa sa mga lalaking naging Punong-Lungsod din mula kina Arsenio Lacson, Antonio Villegas hanggang kay Yorme Isko Moreno.

Mantakin niyo nga naman na labis silang pinahirapan sa panahon ng pandemya sa loob ng dalawang taon at ngayon lang nakakabawi kahit konti pagkatapos ay bigla na namang pipigilan sa pag-ahon.

Ang pinakamabigat daw na problemeng kanilang kaka-harapin ay kung kailan pa sasapit ang araw ng Pasko ay saka pa sila pinalayas. Paskong paksiw daw ang malamang na kanilang iselebra tsk… tsk… tsk…

Kung ikukumpara mo daw sa halos lahat ng naging Alkalde ng Maynila ay malayong-malayo itong si Mayora. Si Mayora na daw siguro ang hindi marunong magbigay ng konsiderasyon sa sinuman sa lahat ng aspeto.

Ang mga lumipas daw na mga Alkalde ay pinamimigay na at pinapaagaw na sa mga vendor ang buwan ng Nobyembre, Disyembre hanggang Bagong Taon para everybody happy daw samantalang ito daw si Lacuna ay siya lang at iilan lang ang happy.

Hayaan niyo mga kababayan, malayo pa naman ang araw ng Pasko. Malaki pa ang pag-asa natin na maa-antig pa ang puso ng butihing Mayora Honey, baka kasi nabubunsol lang ito ng mga nasa paligid niya.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

BAGONG MAPANGANIB NA OMICRON SUBVARIANT NA BQ.1 NAKAPASOK SA PINAS DAHIL SA KALUWAGAN NG MARCOS JR ADMIN!

Nagdudulot ng pangamba ang balitang nasa Pilipinas na ang bagong subvariant ng Omicron at mayroon nang 14 na kaso na na-detect ang Department of Health (DOH). Biglang-bigla na nasa bansa na ang subvariant BQ.1 at mayroon nang tinamaan. Paano nangyari ito gayung lagi nang sinasabi ng health authorities na mino-monitor nila ang mga pumapasok sa bansa. Masyado na bang maluwag at wala nang ginagawang pag-monitor sa mga pumapasok sa bansa? Pasok na lang nang pasok ang mga dayuhan at mga balikbayan? Tanggap na lang nang tanggap para bumalik ang sigla ng turismo at nang makaahon na ang lugmok na ekonomiya.

Ayon sa DOH, ang mga bagong kaso ng Omicron subvariant BQ.1 ay nakita sa 14 na samples na nagmula sa Cordillera Admi­nistrative Region (CAR), Ilocos Region, Calabarzon, Central Visayas at National Capital Region (NCR). Nakita umano ito sa pinakahuling genome sequencing na ginawa noong Oktubre 28 hanggang Nobyembre 18. Sinabi ng DOH na ang subvariant BQ.1 ay variant interest ng European Center Disease Control. Mas malala umano ang dinudulot nitong sakit kaysa sa ibang variant ng Omicron. Mas mabilis at madali rin umano itong mailipat sa ibang tao.

Noong nakaraang linggo, nagbabala ang OCTA Research Group na maaaring nasa bansa na ang subvariant BQ.1 at ito ang magiging dahilan nang pag-akyat ng kaso ng COVID-19. Kailangan umano ang istriktong pag-iingat upang hindi na lumaganap ang bagong subvariant.

Hindi dapat ipagwalambahala ang nangyayaring ito. Nararapat magpatupad na nang paghihigpit lalo pa at papalapit na ang Pasko at Bagong Taon na marami ang magtitipun-tipon. Ipatupad ang mahigpit na pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay at ipagbawal muna ang pagtitipon. Kailan pa maghihigpit kung nakakalat na sa buong bansa ang bagong variant? Hindi na dapat maulit ang mga nangyari na kung kailan marami na ang infected ay saka naghigpit. Magbabalik na naman sa panibagong hirap ang bansa.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

MATINDI PA RIN ANG KORAPSYON SA PILIPINAS!

Nasa “medium risk” ng korapsiyon ang bansa batay sa resulta ng Corruption Perception Index na lumabas noong nakaraang Enero at sa isinagawang pag-aaral ng Transparency International.

Sa Global Corruption Index 2022, na lumabas noong nakaraang linggo, nasa ika-105th ang Pilipinas sa 196 na bansa kung ang korapsiyon ang pag-u­usapan.

Noong 2020, ika-111th ang Pilipinas; 102nd noong 2021 at ngayong 2022 ay ika-105th nga. Hindi pa rin naglalayo ang ranking ng bansa sa korapsiyon at malayo pang maabot ang tinatamasa ng ibang bansa na walang bahid ng korapsiyon.

Masyadong malayo ang puwesto ng Pilipinas sa mga kapitbahay na bansa sa Southeast Asia. Ang Singapore ay ika-13; Malaysia (49th), Brunei (79th), Indonesia (98th) at Thailand (101st).

Ang mga bansa na  pinaka-very low risk sa corruption ay ang Norway, Finland, Sweden, Denmark, Estonia, New Zealand, Iceland, Australia at Ireland.

Nakabalot sa korapsiyon ang Pilipinas at sa pana­ginip na lamang matatamo ang tinatawag na “malinis na paglilingkod” na walang bahid ng korapsiyon. Dito, hindi gagalaw ang mga nilalakad na dokumento sa pamahalaan kung hindi magpapadulas ng pera. Pinaghihintay nang matagal ang taumbayan para makakuha ng permit sapagkat kailangang maglagay. Aabutin ng “siyam-siyam” kung hindi maglalagay sa hepe at sa mga tauhan.

Laganap ang korapsiyon sa Customs at BIR. Maraming nakalulusot na kontrabando at walang pumapasok na tax sa pamahalaan. Pawang sa bulsa ng mga korap sa Customs at BIR ang hantong ng pera. Gaano karaming korap sa mga nasabing tanggapan ang nagsiyaman.

Marami ring nangyayaring korapsiyon sa DPWH at LTO. Maraming proyekto ang hindi tumatagal o nasisira dahil ang ginamit na materyales ay pinagkakitaan. Nitong panahon ng pandemya, pinagkakitaan ang mga gamit para sa COVID. Dahil sa korapsiyon, hindi maibigay ang benepisyo sa healthcare workers.

Hanggang kailan ang korapsiyon sa bansang ito. Mahirap sagutin. Hangga’t marami ang nasisilaw sa salapi, tiyak magpapatuloy.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

KRIMEN SA PINAS WALA NG PINIPILING ORAS KAHIT MAPA-UMAGA O GABI, PNP NGA-NGA PA RIN!

Lagi nang sinasabi ng Philippine National Police (PNP) na nagbabantay sila 24/7 para maproteksiyunan ang publiko sa lahat ng krimen. May police visibility. Mayroon daw nagpapatrulyang mga pulis sa kalye. Lagi raw nakahandang magresponde ang kapulisan sa tawag ng pangangailangan.

Kung totoong may mga pulis sa kalye na nagpapatrulya, bakit may mga nangyayaring ambush na isinasagawa ng  at nagagawa pa nila sa gitna ng sikat ng araw. At ang matindi, isinasagawa pa ang pagtambang sa lugar na maraming taong nagdaraan o sa mga abalang lugar. Nagpapakita lamang ito na wala nang kinatatakutan ang mga kriminal. Ang pagpatay sa kaliwanagan ng araw ay isang paghamon sa kakayahan ng PNP. Kayang-kaya nilang gumawa ng krimen at walang nagagawa ang PNP.

Sunud-sunod ang mga nangyayaring pagpatay mula pa nang pumasok ang “ber” months. Karamihan ay kagagawan ng hired killers. Noong Oktubre 3, tinambangan ang mamamahayag na si Percy Lapid sa Las Piñas habang pauwi galing sa trabaho.

Walang nakarespondeng pulis gayung malapit­ lang ang police community precinct sa lugar. Mabuti at sumuko ang gunman na si Joel Escorial kung hindi nangangapa pa marahil hanggang ngayon ang pulisya.

Noong nakaraang Martes, isang negosyante rin ang tinambangan at napatay ng riding-in-tandem sa kanto ng Mindanao at North Avenues sa Quezon City. Naganap ang pagpatay dakong alas dose ng tanghali. Mabilis na nakatakas ang mga suspect. Ang lugar na pinangyarihan ng krimen ay maraming taong nagdaraan dahil nasa tapat ng isang mall. Marami ring nagdaraang sasakyan doon.

Malapit lang din doon ang police community precinct. Pero kahit malapit, wala ni isa mang pulis ang nakaresponde. Nasaan ang 24/7 na sinasabi ng PNP na nagpapatrulya o nagroronda?

Ngayong panahon ng Kapaskuhan, tiyak na magi­ging mabangis pa ang mga kriminal. Sana makaresponde na ang mga pulis at mapigilan ang mga kawatan at mamamatay-tao.

Aba CPNP Gen. Rodolfo Azurin Jr. tila yata na ginagago o itinatago ng mga tao mo yun tunay na nagyayaring mga krimen sa lansangan ngayon sabi nga ng ibang tambay sa barberya ni Ka-Bestre na kayang paikutin ng ibang opisyal ng kapulisan ang ulo ng nakaupong PNP Chief.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

MGA PEKENG PRODUKTO KALAT NA KALAT NGAYON LALO NA SA SOCMED, MGA OTORIDAD NGA-NGA!

Parang  mga kabuteng nagsusulputan ang mga namemeke ngayon ng iba’t ibang produkto.

Aba’y sinasamantala ang pagkakataon para makakamal ng pera.

Lahat na yata ay ginagawa para makapanloko ng kapwa.

Ngayong nagbubukas na muli ang buong ekonomiya, namamayagpag naman ang mga ganid na negosyante.

Hindi na bago sa ating pandinig ang talamak na piracy at counterfeiting sa bansa.

Pati ang social media, e-commerce, at iba pang platforms ay napasok na ng mga sindikato.

Batay sa report ng Intellectual Property Association of the Philippines (IPAP) sa Asian Patent Attorneys Association (APAA) Conference sa Busan, South Korea, isiniwalat na ang nasa 136 o 90 percent ng mga reklamo ukol sa piracy at counterfeiting noong 2021 ay nangyari online.

Ang terminong “counterfeit” ay tumutukoy sa mga pekeng produkto o unauthorized imitation ng mga branded na item.

Gumagamit ito ng trademark nang walang permiso mula sa original na may-ari ng pangalan ng produkto.

Bukod sa naaagaw nila ang mga suki ng produkto, bumababa rin ang tingin ng tao sa orihinal na goods o nasisira ang kanilang reputason dahil dito.

Ang piracy naman o pamimirata ay ang paggawa ng kapareho o unauthorized exact copy, hindi lang simpleng imitasyon, ng isang produkto na may intellectual property right, o pagre-reproduce ng mga pelikula, musika, aklat at iba pang copyrighted works nang walang permiso mula sa copyright owner.

Ayon naman sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL), nakatanggap ito ng 151 counterfeiting at piracy complaints noong 2021, mas mataas kumpara sa dating record-high na 121 noong 2020 o nagkaroon ng 25 percent na pagtaas kada taon.

Mas marami ang apparel items sa hanay ng ‘most counterfeited’ na nasa 85 counts na sinundan ng perfume at beauty products (8 counts), pharmaceutical o medical products (5 counts), at iba pang items gaya ng payong at keychains (5 counts).

Napag-alaman na marami ring binebentang mga pekeng produkto sa Facebook.

Sinundan ito ng Shopee (27 reports o complaints), Lazada (10), Instagram (4) at Carousell (2).

Hindi naman daw pinababayaan ng mga awtoridad ang mga kasong ito.

Katunayan, ayon sa National Committee on Intellectual Property Rights (NCIPR), nakapagtala ito ng record-breaking na P24.9 bilyong halaga ng counterfeit goods na nakumpiska sa mga inspeksiyon at raid operations noong 2021.

Nahigitan nito ang P23.6 bilyong halaga ng goods na nasabat noong 2018 at P9.8 bilyon noong 2020.

Dahil nasa kasagsayan iyon ng pandemya, karamihan sa mga nakumpiska noong 2021 ay mga pekeng sigarilyo, alcohol, handbags, wallets, at footwear.

Sa kabilang banda, nakapagtala naman daw ang IPOPHL ng 56 counterfeiting at piracy reports sa unang bahagi ng 2022 o pagbaba ng 48 percent kumpara sa 107 recorded reports at complaints noong isang taon.

Ang pamemeke at pamimirata ay malinaw na labag sa batas.

Animo’y ninanakaw nito ang kita ng mga lehitimong negosyo at sinasamantala ang unti-unting pag-angat ng ating teknolohiya.

Winawasak ng mga aktibidad na ito ang reputasyon ng mga matitinong kompanya at maging ang kumpiyansa ng mga consumer sa merkado.

Malinaw din na nakakaapekto ito sa paglago ng mga negosyo.

Madalas ang mga peke at piniratang produkto ay substandard at maaaring magdulot ng panganib sa sinumang bibili nito.

Kaya mag-ingat po tayo sa mga binibili nating automotive parts, electronics, safety equipment, gamot, damit, pabango at cosmetics dahil baka sa halip na makatulong ay maging mitsa pa ng inyong buhay.

Ang mga ganitong krimen ay hindi lamang hamon para sa Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), at iba pang law enforcement agencies kundi pagkakataon ding ipakita ang katapatan sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Huwag nating hayaang mamayagpag ang mga namemeke at namimirata sa panahong ito.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

NDRRMC DIREKTANG MAPAPASAILALIM NG OP? BAKIT HINDI NG MABAGO NAMAN!

Plano ni Pangulong BongBong Marcos (PBBM) na direktang mapunta sa ilalim ng Office of the President (OP) ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang mas mapahusay ang tugon ng gobyerno tuwing may mga kalamidad at sakuna.

Binanggit ito ng Pangulo sa anibersaryo ng Bagyong Yolanda sa Tacloban City at ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit aniya mas magiging maganda kung mapupunta sa OP ang NDRRMC.

Naniniwala ang Pangulo na dapat maging prayoridad ang pagtugon sa mga kalamidad at sakuna dahil sa climate change.

Bagamat sinabi ng Pangulo na maganda naman ang pagtugon na ginagawa ng NDRRMC pero maaaring mas maging epektibo ito kung direktang mapapamunuan ng OP lalo na sa mga agarang desisyon. May mga pamamaraan umano kung paano mapapabuti ang operasyon ng NDRRMC kung nasa OP ito.

Dagdag ng Pangulo na lalong lumalakas ang mga bagyo at nagiging mas mapaminsala ang mga kalamidad kaya kinakailangan ang mga agarang reporma para mas maging aktibo at epektibo ang pagtugon sa mga sakuna. Mas magagawa ito kung nasa kaniyang pamamahala ang NDRRMC.

Tingin natin na magandang subukan ito dahil mahalaga ang mga agarang desisyon at pagtugon sa tuwing may sakuna at kalamidad. Makakatulong ng malaki kung sa OP mismong magmumula ang mga kautusan para mapabilis ang serbisyo na kinakailangan sa mga ganitong pagkakataon.

Magandang makasubok ng mga bagong pamamaraan dahil bago ang mga kinakaharap na problema ng ating bansa pagdating sa mga kalamidad at sakuna. At tulad ng ating nasabi na, naniniwala si PBBM na totoo ang climate change at prayoridad ito ng gobyerno.

At nakikita naman talaga natin ang mga nagiging epekto ngayon sa atin ng mga bagyo. Lubhang nagiging mapaminsala at nagiging sunud-sunod na halos taun-taon ay bilyung-bilyong halaga ng mga ari-arian at imprastraktura ang nasisira. Maliban pa ito sa maraming buhay na nawawala.

Bagamat masasabi nating marami nang trabaho ang kinakaharap ang isang Pangulo, sa mga ganitong pagkakataon na may sakuna at kalamidad ay ang presensiya at liderato ng Pangulo ang laging hinahanap.

Siyempre, kapag nandiyan ang lider ay nagbibigay ito ng mataas na moral hindi lamang sa mga naapektuhan o biktima maging sa mga rumeresponde dito. Iba ang kanilang pakiramdam kapag nakikitang namumuno sa kanila ay ang mismong Pangulo.

Kaya naman tingin natin na marapat lamang na mabigyan ito ng pagkakataon na makatugon at mamuno sa mga ganitong panahon na kailangan na kailangan ng mga mamamayan ang serbisyo mula sa gobyerno.

Kung ating iisipin ay talaga naman dapat na nasa ilalim ng OP ang NDRRMC dahil kumbaga sa gera kailangan mo ang commander-in-chief. At sa pagharap natin sa mga sakuna ay para tayong humaharap sa gera.

Kung ganito ang iniisip ng Pangulo, malinaw na nais niyang maging hands-on sa kaniyang prayoridad sa pagharap sa mga banta ng climate change sa bansa. Kung narito ang kaniyang interes at nakikitang dapat na maging prayoridad, kailangang masuportahan siya ng buong burukrasya ng gobyerno.

Kaya naman sa tingin natin ay pwedeng-pwede itong mangyari at tiyak natin na may mga positibong resulta kung maililipat sa OP ang NDRRMC. Kailangan nating sumubok ng bago para malaman natin kung ano talaga ang epektibo.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

DAPAT MAGKAROON NG EVACUATION CENTERS AT HINDI GAWING TAKBUHAN ANG MGA ESKWELAHAN

Noon pa man ay marami nang nananawagan sa mga nakaraang pamahalaan na magkaroon na ng perma­nenteng evacuation center sa mga nasalanta ng bagyo o lindol at iba pang kalamidad. Mula nang tumama ang Super Typhoon Yolanda noong 2009, lumakas pang lalo ang panawagan na magkaroon ng evacuation center sa bawat barangay.

Pero ang panawagang ito ay dinedma lamang ng mga nakaraang presidente—Gloria Arroyo, Noynoy Aquino at Rodrigo Duterte. Wala silang ginawang plano ukol sa evacuation center sa kabila na mahigit 20 bagyo ang tumatama sa bansa bukod pa sa pagtama ng lindol, baha, sunog at iba pang kalamidad na kailangang ilikas ang mga tao sa ligtas na lugar. Hindi sila nagsikap na makapagtayo ng evacuation center na sa anumang sandali pagtama ng kalamidad ay mapupuntahan ng mga apektadong residente.

Mas ginusto pa nilang i-evacuate ang mga tao sa eskuwelahan at mga covered court na siksikan at nagkakahawahan ng sakit. Ang mga walang masilungan, pinipili na lamang na huwag umalis sa kani-kanilang mga bahay kaya naman marami ang nadidisgrasya—nalulunod at natatabunan ng lupa at putik kasama ng kanilang bahay.

Nang tumama ang Bagyong Paeng noong nakaraang linggo sa maraming bahagi ng bansa—Mindanao hanggang Luzon—naging problema na naman ang pagdadalhan sa mga taong apektado ng baha at pagguho ng lupa. Umabot na sa mahigit 100 ang namatay sa pananalasa ng bagyong Paeng.

Dahil walang ibang pagdadalhan sa mga biktima ng bagyo, sa mga eskuwelahan na naman sila dinala para makasilong. Napuno na naman ang mga eskuwelahan ng evacuees kaya apektado ang pag-aaral ng mga bata na nagsimula na sa face-to-face classes noong Nobyembre 2. Walang magamit ang mga bata dahil hanggang ngayon mayroon pang evacuees sa mga school.

Mayroon namang mga classroom na sinira at dinumihan ng evacuees. Gaya ng school sa Muntinlupa na sinira ang blackboard, silya, dingding at nag-iwan nang maraming basura. Nagalit si Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon sa nangyari.

Sikapin sana ng kasalukuyang administrasyon na makapagpatayo ng permanenteng evacuation centers sa bawat barangay. Ang Pilipinas ay forever nang babayuhin ng bagyo at yayanigin ng lindol. Taun-taon, malalakas na bagyo ang tumatama kaya nararapat nang magkaroon nang matibay na evacuation centers. Huwag nang gamitin ang mga school sapagkat ginagamit ito ng mga bata. Magkaroon ng sariling evacuation centers para anumang oras ay may pansamantalang masisilungan.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

APPOINTEES NG MARCOS ADMIN HINDI PA UMANO SUMUSWELDO, PLANONG MAGRESIGN?

Maga-anim na buwan na ngayon ang Marcos administration simula nang opisyal na maluklok noong katapusan ng Hunyo.

At ayon sa mga itinalaga sa puwesto, political appointees, simula noon hanggang ngayon ay hindi pa sila sumusuweldo. Gutom na raw sila. Aray ko!

Maging ang mga bagong talaga sa Department of Budget ay hindi parin daw sumusuweldo. Wala raw budget. Inubos ng nakaraang administrasyon! Tsk tsk tsk…

Pero yaong mga itinalaga sa makakatas na puwesto tulad ng Bureau of Immigration, Bureau of Customs, Dept. of Public Works and Highways, Dept. of Interior and Local Government, at iba pa, kahit hindi pa sumusuweldo ay “sumasahod” na pagkaupo na pagkaupo noong Hulyo. You know. Hehehe…

Naisip nga nitong mga Usec. sa “walang grasyang” government agencies na mag-resign nalang bago pa tuluyang magutom ang kanilang pamilya. So sad!!!

“Four months na ngayon na hindi kami sumusuweldo, wala na kaming pang-gas, at wala naring pang-tagay. Hirap ng buhay dito sa puwesto namin. Walang pondo, inubos ng Duterte,” sabi ng dalawang Usecs na ating nakatagayan few nights ago.

‘Pag hindi pa raw sila sumuweldo sa Nobyembre, magbibitiw nalang sila, hanap nalang ng trabaho sa pribado.

Ang isa pang problema dito sa Marcos administration ay tila ibang tao ang nagpapagalaw, parang ang mga nakaraang presidente na nagtulong-tulong sa kampanya ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. Araguy!!!

Kung napapansin ninyo, karamihan ng mga nakaupo sa matataas na puwesto ngayon ay mga dati ring tao ng mga nakaraang presidente o ‘di kaya’y “bata” ng mga negosyanteng nag-ambag ng malaki sa kampanya noon ni PBBM. Resulta: Walang magandang pagbabago sa pamahalaan. Umiiral parin ang “bata-bata” system.

Well, tingnan natin after one year. Baka nagbabayad-utang lang ngayon si PBBM. Tapos ay pagsisipain na niya itong mga tao ng mga nakaraang administrasyon, at mag-install na ng talagang kanya na magsisilbi sa masa, partikular sa higit 31 milyong Pinoy na nagbalik sa kanila sa Palasyo ng Malakanyang. Let’s see!!!

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

INUNA ANG PA-POGI POINTS SA MEDIA KAYA TULALA SILA NG MALAMAN NA TIGOK NA ANG MIDDLEMAN!

Patay na ang middleman na siyang nagbayad sa mga umambus kay broadcaster Percy Lapid. Nauna kasing ianunsyo kung nasaan ang middleman bago ito i-secure ng mga awtoridad.

Nauna kasing magpalapad ng papel ang mga opisyal ng gobyerno dahil lamang sumuko na ang umaming gunman.

Ngayong patay na ang middleman, paano malalaman kung sino ang mastermind o utak sa pamamaslang kay Lapid o Percival Mabasa sa tunay na buhay.

Martes, Oktubre 18, iprinisinta sa media si Joel Escorial. Doon pa lamang ay marami na siyang sinabing mabibigat na impormasyon tulad ng pinahayag nitong taga-Bilibid daw ang middleman. Ito raw ang nagbayad sa kanila ng P550,000 para itumba si Mabasa.

Lunes pa lamang, hawak na ng mga awtoridad si Escorial at doon pa lamang ay piniga na dapat para maikanta ang mga taong may kinalaman para mapatay ang broadcaster.

Sa mga makakalap na impormasyon, maaari na nilang puntahan ang sinasabing middleman sa New Bilibid Prison.

Pero hindi ito nangyari, pinagsalita sa press conference noong Martes si Escorial at niladlad ang mga mahahalagang impormasyon.

Natural, nabulabog ang mastermind kung sino man ito, at posibleng inutos ang paglikida rito. Hindi ako maniniwalang natural cause ang kalalabasan ng autopsy kay Escorial.

Matagal na raw gawain ang paggamit ng mga preso sa NBP para itumba ang mga taong nasa labas. Sabi ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, minsan isang nakakulong na drug lord ang nag-utos na ipapatay ang kanyang live-in partner na nasa labas.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

MGA SINDIKATO AT KRIMINAL NG ASYA NAKAPASOK SA PINAS DAHIL SA POGO!

Mula nang mag-operate ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa noong 2016, marami nang krimen ang nangyari—kidnapping, pagpatay, at pati corruption. Noong una, malaki ang perang isinasampa ng POGO sa kaban ng bansa pero ngayon, waley na. Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, noong 2017, nag-aakyat ng P20 bilyon ang POGO pero ngayon, wala pang P3 bilyon ang sumasampa.

At hindi lamang krimen ang hatid ng POGO, naging gatasan ng mga corrupt sa Bureau of Immigration ang mga Chinese na empleyado ng POGO. Lahat nang mga papasok na Chinese ay kinikikilan ng mga corrupt sa BI sa pamamagitan ng ‘‘pastillas scheme’’. Nasibak naman ang mga sangkot na BI officials pero marami pa rin ang gumagawa ng katiwalian sa tanggapan.

Laganap ang kidnapan sa bansa na ang target ay mga empleyado ng POGO. Ang mga nangingidnap­ ay kapwa rin Chinese na may kasabwat na mga Pilipino. Karaniwang ang mga kinikidnap ay mga Chinese na lulong sa sugal.

Kahapon, nahuli ang apat na Chinese makaraang kidnapin ang kanilang kapwa Chinese at ipinatutubos ng P2 milyon. Nangyari ang kidnapping sa Pasay. Nahuli naman ang mga kasabwat na Pinoy.

Ang mga insidente ng kidnapping ay lumalala at maski ang pinuno ng Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (PCCCII) ay nanga­ngamba sa paglubha ng krimen. Ayon sa presidente ng PCCCII, sa loob ng 10 araw, 56 kidnapping incidents na ang naganap at ang mga biktima ay Pilipino at Chinese nationals.

Ayon naman sa PNP Anti-kidnapping group, nasa 27 kidnapping incidents mula Enero hanggang Setyembre ng kasalukuyang taon at karamihan sa mga biktima ay empleyado ng POGO.

Hindi maganda ang hatid ng POGO sa bansa, hindi na nga nagbibigay ng karampatang buwis, pina­lulubha pa ang krimen. Dumayo pa rito ang mga Chinese para magsabog ng kanilang kasamaan.

Walang ibang dapat gawin kundi ihinto na ang POGO. Kumilos na ang Senado para ganap nang ibasura ang POGO. Huwag hayaang lumala pa ang mga kidnapan at patayan. Marami nang problema sa bansa at hindi na dapat dagdagan pa ng mga pasaway na empleyado ng POGO. Sa kabilang banda inamin ng Bureau of Immigration na ang 40,000 na mga idedeport na mga illegal Pogo workers ay hindi na nila mahagilap sa ngayon. Anyare BI?

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

MGA KASONG MAARING ISAMPA SA MGA ONLINE MARITES!

Bukod sa loob o labas ng kanilang mga tahanan, mga kalsada at iba pang lugar, nagkalat na rin online ang mga “Marites” o mga tsismoso at tsismosa. Ano nga ba ang maaaring ikaso sa mga tao na nagkakalat ng tsismis online at nakakapanira ng puri ng iba?

Ang pagkakalat ng tsismis o iba pang paraan na nakasisira ng reputasyon ng isang tao ay tinatawag na paninirang puri o defamation.

Halimbawa ng paninirang-puri ang pag-aakusa sa isang tao na mayroon siyang ginawang krimen, o nagtataglay ng isang depekto o kondisyon.

Kung ang paninirang-puri ay sinabi nang pasalita, ito ay matatawag na slander at may mga kategoryang “simple slander” o “grave slander,” depende sa antas ng pang-iinsulto o paninira.

Kung nasulat o nailathala naman ang paninirang-puri, maaaring kasuhan ang isang tao ng “libel.”

Kung hindi naman malalagay sa kategorya ng slander o libel ang paninirang-puri ngunit nasaktan pa rin ang damdamin ng isang tao, maaari itong maging kaso ng unjust vexation.

Ang unjust vexation ay isang kaso laban sa kahit anong kagagawan ng isang tao na hindi pisikal, na nagreresulta sa matinding inis, matinding pagkaasar o dahilan para mabagabag ang kalooban ng isang tao.

Ayon pa sa Korte Suprema, ang unjust vexation ay human conduct na nagresulta sa “annoyance, irritation, torment, distress or disturbance” sa isang tao.

Sa landmark ruling naman na Disini v. Secretary of Justice, idineklara ng SC na walang pananagutan ang isang tao na nag-like o share ng online post o tsismis umano ngunit hindi naman nagkomento.

Sa ilalim ng batas, ang maaari lamang managot ang may-akda o nagsulat o gumawa ng tsismis.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

SINONG PNP CHIEF KAYA ANG IPAPALIT KAY OIC-CPNP LT. GEN. DANAO?

Matapos ang halalang 2022 at ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato, nagsimula na ang gapangan ng mga opisyal sa Philippine National Police (PNP).

Aba, hindi lang mga nasa itaas o National Headquarters ang gumagapang upang makasungkit ng pwesto kundi maging ang mga nasa, region, district, province, city at town, kasama maging ang mga nasa station, sub-station at police community precinct. Kanya kanyang hanap ng padrino para lang makuha ang minimithing pwesto sa pulisya.

Ang laban sa national, medyo hirap pa ang mga opisyal na nag-aambisyon na maging PNP chief dahil hilo pa sila kung sino ang talagang malakas sa nanalong si President Ferdinand “Bong Bong” Marcos. Jr. Ang nakatatandang kapatid ba ni BBM na si Imee Marcos, ang mauupong Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, o ang alinman sa grupo ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy at Iglesia ni Cristo ang gagamiting daan upang makatuloy sa pintuan ng Malakanyang?

Pero mukhang nakalalamang na si Ate Imee na sa totoo lang ay siya ang malapit at tutok sa mga Pulis na nanilbihan sa kanilang lalawigan.

Hindi nagkamali ang isang taga-Norte sa paglapit sa tamang padrino dahil kabisado na siya ng Senadora na talaga namang tutok sa mga naging opisyal sa kanilang lalawigan.

Pero teka, hindi naman nawawalan ng lakas ng loob ang isang opisyal ng PNP na humahanap ng linya sa DILG upang makuha ang puwestong noon pa man ay pangarap na niya at ipinagdarasal  kaya lang ay hindi talaga siya buwenasin. Sabagay, baka naman sa panahon ni BBM ay makuha na niya ang PNP Chief.

Si Officer-in-Charge PLtGen Vicente Danao, paborito ni outgoing Pres. Rodrigo Duterte naman ay sinasabing may nilalapitan na mauupo sa mataas na pwesto sa Malakanyang para ma-extend ng kahit lang apat na buwan sa kanyang pwesto. Ang tanong mapagbigyan kaya?

Simulan ang hula-hula kung sino ang mauupong PNP Chief sa pag upo ni Pang. Marcos Jr.

Basta dapat maging sports ang bawat isa sa kanilang naghahangad ng puwesto sa PNP. Kapag ‘di nakuha ang pwestong nais, cool lang dapat. Isipin ang kasabihang ” There’s always a next time.”

EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

UMAASA ANG MGA PINOY NA GIGINHAWA KAHIT KONTI ANG PAMUMUHAY SA MARCOS ADMIN!

Sa totoo lang inaabangan ng mamamayan ang pangakong “job creation” o paglikha ng mas maraming trabaho para sa mga Filipino lalo na yaong mga walang trabaho na higit na tinamaan ng pandemyang umiiral hanggang ngayon.

Sapul din ang mga Pinoy sa patuloy na pagtaas at baba ng presyo ng produktong petrolyo na sinabayan din ng pagtaas ng mga bilihin at iba’t ibang serbisyo.

Mabuti na lamang at nagtataas na rin ang suweldo sa iba’t ibang rehiyon ng bansa na sabi nila’y mababa pa rin nguni’t kailangan pagkasyahin sa pangangailangan kaysa wala at inaprubahan na rin ng DTI ang suggested retail price ng ilang pangunahing bilihin kamakailan na sabi nila’y itinaas na ng mga ilang malalaki hanggang maliliit na tindahan kasabay umano ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Buhay na buhay ang kasabihan na ang Pinoy talagang sanay ng magtiis at sabi nga “huli man at magaling maihahabol din.”

Sa totoo lang kung job creation ang pag-uusapan may plano na si incoming Labor secretary Bienvenido Laguesma na bibigyang prayoridad ito na lumikha ng mas maraming trabaho sa bansa upang hikayatin ang mga Pinoy na dito na magtrabaho kaysa sa ibayong dagat.

Ayon kay Laguesma, misyon niya ang promosyon at lumikha ng mas maraming trabaho para magkaroon ng pagpipilian ang mga Pilipinong gustong magtrabaho sa ibang bansa o manatiling kapiling ang kanilang pamilya kung dito magtatrabaho.

Binanggit ng incoming labor chief na maaring mas mataas ang tinatanggap na suweldo ng mga OFW ngunit kadalasang lumilikha ito ng matagalang paghihiwalay ng pamilya at umaasa na lamang sa padala ang mga pamilya sa bansa na kadalasan aniya kinukulang pa sa sobrang paggastos dito ng umaasang pamilya.

Giit ni Laguesma, hindi gaanong kataasan ang pasahod sa bansa pero makakasama naman ang mga anak sa paglaki.

Sa panig ni incoming Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople, plano nitong rebisahin ang lahat ng sistema ng hiring ng mga Overseas Filipino Workers.

Ani Ople, aalamin niya kung bakit hirap ang mga matitinong employers ng mga Filipino kumpara sa tinagurian niyang “bad” employers na aniya’y mas madaling makahikayat ng mga manggagagawa.

Samantala, iniulat ng DOLE na tataas na rin ang dagdag pasahod sa Region V o Bicol Region matapos na irekumenda ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board at posibleng umabot na ng P365 ang minimum wage rate sa rehiyon ngayong taon.

Maraming umaasa at sana magtutuloy na ang aksyon at kilos ng mga Regional Wage Boards sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa mga huling yugto maramdaman ang biyaya ng lilipas na administrasyon.

Sa totoo lang may punto sina Ople at Laguesma sa mga sisimulan nilang pagsasaayos ng mga patakaran at prayoridad sa mga tanggapang kanilang pamumunuan dahil ito ang poprotekta at magbibigay benepisyo sa mga mamamayan sa kabuuan.

Mabilis at positibong aksyon marahil ang inaantabayanan din ng mamamayan sa susunod na administrasyon sa mga malalaking problemang haharapin nito at sana dumating ang panahon na hindi na natin sasabihin ang mga katagang “matiisin ang Pinoy at huli man at magaling maihahabol din” na siya yatang sagabal sa pag-unlad ng ilang Pinoy at ng bansa.

EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

ANO ANG DAHILAN AT BINUWAG ANG ROTC?

Dahil sa pagpatay sa isang estudyante ng University of Santo Tomas ang naging mitsa kung bakit tinanggal ang mandatory na Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program.

Noong 2001 ay binunyag ni Mark Welson Chua ang korapsyon sa loob ng ROTC unit ng UST.

Naghain ng reklamo si Chua kasama ang isa pang kadete sa Department of National Defense (DND) para ireklamo ang bribery at katiwalian sa ROTC program.

Ang naturang expose ay nilathala ng The Varsitarian, ang school publication ng UST.

Kasama sa isiniwalat ni Chua ay ang pagbabayad ng ilang estudyante ng P1,500 kada semestre para hindi na lumahok sa ROTC training.

Nang lumabas ang naturang balita ay biglang naglaho si Chua, hanggang sa noong March 2001 ay nakita na lang ang walang buhay na katawan nitong palutang-lutang sa Pasig River.

Isang kadete ng ROTC na si Arnufo Aparri Jr ang nasentensyahan ng death penalty noong 2004. Ngunit naibaba ito sa habambuhay na pagkakabilanggo nang malusaw ang parusang bitay noong 2006.

Ilan pang sangkot sa pagkamatay ni Chua ang hindi pa rin napaparusahan, kasama na rito sina Paul Tan at Michael Manangbao.

Sa report ng The Varsitarian, nais ng pamilya ni Chua na muling mabuksan ang kaso para mahuli ang dalawa pang sangkot sa pagpaslang kay Mark.

“Ang gusto ko nga na mabuhay ‘yung kaso sana and makulong, mahuli ‘yong mga pumatay. ‘Yung iba nasa ibang bansa na, baka nga may mga pamilya, asawa at anak na siguro kasi 20 years ago na ‘yon,” ayon kay Amelita, ang ina ni Mark.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

SAMPAGUITA GAS FIELD IPINATIGIL NG DOE SA PANGIGIPIT NG CHINA!

Habang nagmamatyag ang lahat sa pagsisigurong magi­ging malinis, tapat, mapayapa at mapagkakatiwalaan ang eleksyon sa Mayo 9, ang minamahal nating bansa ay patalikod na inaatake ng paboritong kontrabida ang ating papaalis nang Pangulo, ang China.

Paliwanag ni University of the Philippines professor Jay Batongbacal, lumagda ng kasunduan sa Beijing ang ating gobyerno noong 2018 para sa pagtutulungan ng dalawang bansa sa pagde-develop ng langis at gasolina na pareho nating pakikinabangan habang isinasantabi ng dalawang bansa ang agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Siyempre pa, ang friendly gesture na ito ay nagpahintulot kay Duterte upang ipag-utos ang pagpapatuloy ng drilling para sa pinakainaasam na oil at gas deposits sa West Philippine Sea simula pa noong Oktubre 2020. Ang katwiran sa joint exploration, pareho namang makikinabang dito ang China at Pilipinas.

Bukod dito, ang seguridad sa enerhiya ng ating bansa ngayong dekada ay lubos na nakasalalay dito dahil ang Malampaya – na nagsu-supply ng 20 porsiyento ng pangangailangan natin sa kuryente – ay nasasaid nang mabilis pa sa inaasahan. Babala ni  Senator Sherwin Gatchalian, tuluyang masasaid ang deep-water gas nito sa unang tatlong buwan ng 2027.

Pero biglaan namang kinansela ang pangakong papalitan ito ng Sampaguita gas field, na nasa Recto Bank, at itinigil na ang drilling. Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, dahil sa panggigipit ng China, napilitan ang Department of Energy (DOE) na utusan ang pribadong petroleum service contractor sa Sampaguita field na “itigil ang ginagawang exploration” sa WPS.

“Ang Sampaguita ay tinatayang naglalaman ng 3.5 hanggang 4.6 trillion cubic feet (tcf) ng gas. Maikukumpara ito, kung hindi man mas malaki, sa 3.4 tcf ng gas ng Malampaya nang madiskubre ito,” ayon kay Pimentel. Pero dahil hinaharang ng China ang development, ano na ngayon ang gagawin natin, Mr. President?

EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

DAPAT NA PAHALAGAHAN ANG ATING MGA NURSES

Kailangan ang serbisyo ng mga nurses sa ka­salukuyan dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-­19. Halos araw-araw, libu-libo ang naitatalang kaso. Kamakailan, naitala ang pinakamataas na kaso ng COVID ng 9,838.

Maraming ospital – ma-pribado man o ma-publiko ang full capacity na. Wala nang hihigaan para sa pasyente. Naulit  o mas marami pa ang mga pasyen­teng may COVID ngayon kaysa nakaraang taon.

Ang problema, pagod na ang mga doktor at mga nurses dahil sa rami ng mga pasyente. Sinabi ng mga ospital na kulang na sila sa mga nurses para mag-asikaso sa mga pasyente. Inamin ng mga ospital owners­ na marami na sa kanilang nurses ang nagbitiw.

Ang iba ay nangibang bansa makaraang payagan ng pa­ma­halaan noong Setyembre 2020 na maari nang magtrabaho sa ibang bansa ang mga nurse at iba pang healthcare workers.

Maraming sinamantala ang pagkakataon at lumipad para masiguro ang magandang kinabukasan sa ibang bansa.

Bukod sa pag-aabroad, marami ring nurses ang nag-aplay bilang call center agents (BPO) at bilang nurse sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sapagkat malaki ang suweldo rito.

Katwiran ng grupo ng mga nurses, masyadong mababa ang suweldo nila sa pribado at publikong ospital. Pati ang mga benepisyo ay hindi katanggap-tanggap. Pati ang mga kagamitan gaya ng PPE, face mask, gloves at iba pa ay sila pa ang bumibili.

Tinaasan nga ang suweldo noong nakaraang taon at gina­wang P32,000 bawat buwan pero hindi pa rin sapat sa rami ng trabaho. Mas masakit na pati ovetime at hazard pays ay hindi binabayaran.

Noong isang araw, nagpapasaklolo ang Philippine Hospital Association sa mga nurses na nasa PNP, AFP at mga BPOs, na tumulong sa kanila sa pagka­kataong ito na kinakapos ang puwersa ng nurses dahil sa pagdami ng COVID patients.

Ayon sa PHA, bukod sa marami ang umalis na nurses, marami rin ang nagkasakit ng COVID sa mga ito kaya kulang ang workforce sa mga ospital. Kung magpapatuloy ang pagdami ng infected, lalo nang kakapusin sa nurses ang mga ospital. Hiling nila na saklolohan sila ng mga nurses sa PNP, AFP at BPOs. Wala namang balita kung tatalima ang mga nurses sa hiling ng PHA.

Lubhang kailangan ang serbisyo ng mga nurses sa kasalukuyan. Magbukas sana ito sa mata ng pamahalaan para lakihan ang suweldo at mga benepisyo ng mga nurses at iba pang healthcare workers. Buhusan sila ng biyaya para hindi umalis ng bansa o lumipat ng trabaho.

EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

AYON SA BATAS NARARAPAT NA IPAGKALOOB ANG 13TH MONTH PAY NG MGA MANGGAGAWANG PILIPINO!

Dapat ipagkaloob sa manggagawa ang 13th month pay sapagkat ito ang nakasaad sa batas. Hindi dapat ipagpaliban ang pagbibigay nito at dapat matanggap ng mga manggagawa bago ang Disyembre 24. Maski ang Malacanang ay ganito rin ang posisyon sa 13th month pay. Sabi ni Presidential Spokeperson Harry Roque, “The law has not been amended – that is the law, that is a mandatory provision of the Labor Code…”

Unang sinabi ng Deparment of Labor and Employment (DOLE) na pinag-aaralan nila ang proposal ng mga may-ari ng kompanya na ipagpaliban o i-exempt ang mga kompanyang “distressed” dahil sa COVID-19 sa kanilang kita sa pagbibigay ng 13th month pay sa kanilang mga manggagawa.

Maraming labor group ang umangal sa paha­yag ng DOLE. Ayon sa kanila, hindi dapat ipagpa­liban ang pagbibigay ng 13th month pay sa mga manggagawa. Lalabagin ng mga kompanya ang batas.

Kamakalawa, may mga manggagawang nag-rally sa harap ng DOLE sa Intramuros at ipinanawagan ang pagbibigay ng 13th month pay. Hindi raw makatwiran kung magsasawalang kibo ang mga may-ari ng kompanya sa panawagang ipagkaloob ang 13th month. Hindi raw sila titigil hangga’t hindi pumapayag ang mga employer sa pinag-uutos ng batas ukol sa 13th month pay. Kakalampagin daw nila ang Labor department ukol dito.

Ngayong sinabi na ng Malacanang at pati ng DOLE na dapat ipagkaloob ang 13th month pay, dapat namang sumunod ang mga kompanya. Bagama’t matindi ang lugi, kailangang gumawa sila ng paraan para maipagkaloob sa kanilang manggagawa ang 13th month pay. Kung sa kabila nito ay hindi pa rin sumusunod ang mga kompanya, dapat ang DOLE na ang kumilos. Sila na ang humikayat sa mga kompanya na ibigay ang 13th month pay.

Sinabi naman ng DOLE na bukas ang kanilang opisina para sa mga reklamo ng manggagawa ukol sa 13th month pay. Pag hindi raw nagbayad ang kompanya, ang legal remedy ay pumunta sa Supreme Court ang mga manggagawa.

Mas maganda kung maipagkakaloob ng kompanya sa kanilang manggagawa ang 13th month pay. Dapat masunod kung ano ang nakasaad sa batas.

EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

HINDI DAPAT NA BUWAGIN ANG PHILHEALTH, MR. PRESIDENT!

Dahil sa mga nangyayaring katiwalian sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), pinagbabalakan umano ni President Duterte na buwagin o isapribado na ito. Ang balak na ito ng Presidente ay inihayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III makaraang makausap niya ito noong Miyerkules. Nakipag-meeting si Sotto sa Presidente kung saan napag-usapan nila ang Universal Health Care Act, PhilHealth Law at ang posibleng pag-amyenda sa Anti-Red Tape Law.

Balak na raw ng Presidente na i-abolished o isa­pribado ang insurance agency upang mapigil ang katiwalian pero iminungkahi raw ni Sotto na maghintay muna ng ilang buwan at tingnan kung may magagawa ang bagong PhilHealth chief na si Dante Gierran. Ipinaliwanag umano ni Sotto na ang PhilHealth ay insurance corporation at hindi Health entity.

Inilagay ng Presidente si Gierran, isang linggo ma­karaang magbitiw si dating PhilHealth chief Ricardo Morales. Si Gierran ay dating director ng National Bureau of Investigation (NBI). Nang tanggapin ni Gierran ang posisyon, humingi siya ng pang-unawa at bigyan daw ng pagkakataon ang PhilHealth na makabangon. Gagawin daw niya ang lahat para ma­ibalik ang pagtitiwala sa PhilHealth. Kahapon, nanumpa na sa puwesto si Gierran.

Talamak ang korapsiyon sa PhilHealth at ang mga sangkot ay matataas na opisyal nito. Inaprubahan na ng Presidente ang pagsasampa ng kasong graft kay Morales at anim na iba pang matataas na opisyales. Hindi naman kasama sa mga kinasuhan si Health Sec. Francisco Duque III sa kabila ng mga akusasyon na mayroon umano itong pananagutan sa malawakang korapsiyon.

Sumingaw ang korapsiyon sa PhilHealth nang ibulgar ng ilang tauhan nito ang “mafia” sa loob na minamaniubra ng mga matataas na opisyal. Kabi­lang sa mga alegasyon ay ang procurement ng over­priced IT equipment; kuwestiyunableng pag-re­lease ng pondo sa ilalim ng Interim Reimbursement Me­chanism (IRM); at ang manipulation ng financial status ng ahensiya.

Mas makabubuti kung hindi bubuwagin o kaya’y isapribado ang PhilHealth. Obserbahan muna kung may magagawa si Gierran para maibangon ang Phil­Health. Mukha namang desidido at mapagkakatiwalaan si Gierran. Tingnan natin kung paano irereporma ang PhilHealth para sa kapakanan ng mga miyembro.

EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

SA PAGBIBIGAY NG REGALO SA PASKO ANO NA NGA BA ANG MAGIGING BAGONG NORMAL?

Sa muling pagdating ni “Jose Mari Chan” sa pagpasok ng “Ber Months,” marami na tuloy ang napapaisip kung paano na nga ba ipagdiriwang ng mga Pilipino ang pagsapit ng Kapaskuhan sa panahon ng pandemya, gayong sanay ang lahat sa pagdaraos ng iba’t ibang mga party o pagtitipon upang maisagawa ito.

Kumbaga, paano na ang pangangaroling,  pagdaraos ng mga Christmas Party, pagdayo ng mga inaanak sa kani-kanilang mga ninong at ninang, at pagbibigayan ng aginaldo? Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizens ang larawang ibinahagi sa Facebook page na “Papa.”

Makikita rito ang isang kamay na may hawak na angpao: sa halip na pera ang laman nito na nakasanayan na tuwing Pasko, surgical face mask ang laman nito bilang simbolo ng patuloy na pagdiriwang ng maituturing na pinakamasayang kaganapan sa mga Kristiyano, sa kabila ng nararanasan pa ring pandemya.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Hahaha, mukhang ang magiging laman ng mga regalo ngayon ay surgical mask, face mask, face shield, sanitizers, alcohols, o kaya PPE,” pabirong sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Iyan na raw kasi ang Bagong Normal. Sa ngayon, for sure maaappreciate kapag nagregalo ka ng isang kahong face mask o kaya face shield hahaha.”

“Why not? Kung ako makatatanggap ng angpao na may lamang surgical face mask, okay lang sa akin. Just make sure na hindi pa gamit ah, hehehe,” wika naman ng isa.

Para sa maraming mga Pilipino, hindi dahilan ang pandemya upang mahinto ang pagdiriwang ng Pasko. Tiyak na makaiisip nang paraan ang mga Pinoy kung paano ito maisasagawa, kalakip ang pag-iingat sa sarili at kapwa. Abangan natin kung ano-ano nga bang pauso ang gagawin ng mga Pilipino sa “Bagong Normal” na pagdiriwang ng Pasko.

EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST

**********************************************************************************

MGA FRONTLINERS NA PUBLIC NURSES DAPAT LANG NA BAYARAN NG TAMA NG ATING PAMAHALAAN AT IBIGAY ANG NARARAPAT NA GAMIT PROTEKSYON LABAN SA COVID-19

Kawawa ang mga nurses na kabilang sa mga humaharap (frontliners) ngayong nananalasa ang COVID-19 pandemic. Sila ang unang apektado at tinatamaan ng virus at ang pinakamasaklap, namamatay.

Marami nang nurse ang nagbuwis ng buhay dahil sa pakikipaglaban sa virus. Ang pandemic na ito ang tinuturing nilang pinakamabigat na laban. Marami ang nagsasabi na ang kalahati ng kanilang paa ay nasa hukay.

Pero sa kabila nang nararanasang ito, ang kanilang hinaing ay hindi marinig ng pamahalaan. Kahit na paulit-ulit ang kanilang pagsamo at pag­luhog sa mga kinauukulan, hindi sila naririnig. Ang kanilang pagdaing ay dumadaan lang sa kanang taynga at walang anumang lumalabas sa kaliwa. Nagtatanong ang mga nurses at iba pang health workers kung bakit hindi matugunan ng gobyerno ang kanilang mga hinaing lalo ngayong may pandemia.

Kamakailan sinabi ng mga miyembro ng Filipino Nurses United (FNU) na marami na sa kanilang hanay ang natatakot at nagbabalak nang umalis dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID sa bansa. Nangangamba umano ang kanilang mga kasamahan para sa kaligtasan ng kanilang pamilya sapagkat maaaring mahawa ang mga ito, kaya marami ang nagbabalak na magbitiw sa trabaho. Naghahatid sa kanila ng takot ang patuloy na pagdami ng mga pasyenteng may COVID.

Nagsagawa ng protest actions ang mga nurse sa San Lazaro Hospital kamakailan para ipabatid sa pamahalaan ang kanilang mahirap na kalagayan o kondisyon ngayong may pandemic crisis. Maraming kulang na kagamitan ang mga nurses kagaya ng personal protective equipment (PPE).

Ang pinakamasaklap pa, marami silang trabaho sa ospital subalit hindi sila nababayaran ng sapat. Marami sa mga nurses ng San Lazaro Hospital ang nagrereklamo sapagkat hindi binabayaran ang kanilang hazard pay at pati mga overtime.

Sobra-sobra umano ang oras ng kanilang trabaho pero hindi sila binabayaran.

Sana naman ay pakinggan ng pamahalaan ang mga reklamo at karaingan ng mga nurses natin. I-improve ang kanilang kalagayan. Dapat silang buhusan ng kalinga, suweldo at maraming benepisyo. Kung ang mga sundalo at pulis ay tinaasan ng suweldo, bakit hindi rin ang mga nurses.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER / COLUMNIST

**********************************************************************************

PNP, TIGILAN NA ANG VICTIM BLAMING AT PAGHUHUGAS-KAMAY, LUMANG STYLE NA YAN!

Naging ugali na sisihin ng Philippine National Police (PNP) ang mga kababaihan kapag may nangyaring hindi maganda sa mga ito. Halimbawang na-rape ang babae, ito palagi ang may kasalanan. Hindi tama ang ganitong payo na ang mga biktima pa ang napagbubuntunan ng sisi. Pangalawang beses na itong ginagawa ng PNP at nakadaragdag ito sa pagbaba ng kanilang imahe.

Kamakailan ay nag-viral sa social media ang pinost ng Lucban Municipal Station na may himig paninisi sa mga babae kung bakit nababastos ang mga ito. Umani nang batikos ang ginawa ng Lucban MPS. Nakasaad sa post: “Mahalin natin ang mga kababaihan at huwag n’yo abusuhin ang kanilang kabaitan. Kayo naman mga ghurlz, huwag kayo magsusuot ng pagkaikli-ikling damit at pag naman nabastos ay magsumbong din sa amin. Isipin niyo rin!”

Noong Hulyo 2018, nag-viral din sa social media ang 10 paalala ng Angono, Rizal police sa mga kaba­baihan para hindi ma-rape. Umabot ng 2,000 reaksiyon ang ginawa ng Angono police. Ang Number 2 at 4 tips ang labis na ikinagalit ng netizens. Ang Number 2 tips ay nagsasaad na “Huwag magsuot ng maikling damit” samantalang ang Number 4 ay “Kung makikipag-date, huwag uminom ng alak.

Sa himig ng No. 2 at No. 4 tips ang sinisisi nila ay ang biktima dahil sa pagsusuot ng revealing na damit kaya siya nagahasa. Sa halip na ang bagsakan ng sisi ay ang nang-rape, ang babaing may maikling damit ang sinisisi. Masyadong mababaw ang katwiran ng Angono police na para makaiwas ang kababaihan sa mga posibleng paggahasa ay huwag magsusuot nang maikli.

Nakakababa naman ng moral ng kababaihan ang Number 4 tip kung saan ang paalala ay huwag iinom ng alak ang babae kapag makikipag-date para hindi magahasa. Hindi akma ang paalalang ito na sa halip na matuwa ang mga kababaihan ay nagalit dahil naka­bababa ng pagtingin.

Sa tono ng paalala, ang sinisisi ng Angono police kaya may mga nagagahasang babae ngayon ay dahil na rin sa kilos at pananamit ng mga ito. Para bang nilalahat na nila ang kababaihan. Maaaring ang nasa isip nila ay may mga babaing nagagahasa dahil nakipag-inuman sa boyfriend o sa barkada kaya nangyari ang insidente.

Iwasan ng PNP ang victim blaming. Sa halip pag-ibayuhin ang pagbabantay sa komunidad para mapigilan ang krimen lalo na ang pangre-rape. Sa ganitong paraan, higit na mapapangalagaan ang seguridad ng kababaihan. Police visibility ang nararapat para hindi magkaroon ng pagkakataon ang mga “hayok sa laman”.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER / COLUMNIST

**********************************************************************************

NGAYONG GCQ SA NCR BALIK KALSADA ANG MGA SASAKYAN KAYA BALIK POLUSYON NANAMAN ANG ATING KAPALIGIRAN!

Noong mag-lockdown sa Luzon noong Marso 16, kasamang na-lock ang maruming hangin na kumukulapol sa Metro Manila. Tigil ang pasada ng mga pribado at pampublikong sasakyan. Pati train, eroplano at mga barko tigil din. Wala ring usok na nagmumula sa mga pabrika.

At ang resulta, nawala ang air pollution sa Metro Manila. Sa umaga, kung kayo ay nasa Quezon City o sa Ortigas, matatanaw n’yo na ang Antipolo at ang bulubundukin ng Sierra Madre. Napakagandang tingnan. Mayroon palang bundok na matatanaw dito sa Metro.

Gumanda ang kalidad ng hangin sa loob ng dala­wang buwan na pagpapatupad na enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa COVID-19. Sa Mayo 15 ito magtatapos. Pag-uusapan pa kung ilalagay sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila.

Anuman ang maging pasya, may naibigay na kabutihan ang ECQ sa kalidad ng hangin sa Metro Manila. Ang tanong ngayon tinangal na ang MECQ at naging GCQ na sa Metro Manila babalik din kaya muli ang air pollution?

Sa pagbabalik ng mga pribado at pampublikong sasakyan sa kalsada, muli na namang bubulwak sa mga tambutso ang maruming usok na lalason muli sa kapaligiran at unti-unting papatay sa mga tao. Sana, makaisip ng paraan kung paano mapapanatili ang malinis na hangin.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang maruming hangin ay nagdudulot ng non-communicable diseases (NCDs) gaya ng allergies, acute respiratory infections, chronic obstructive pulmonary diseases, cancer at cardiovascular diseases.

Unang tinatamaaan ng sakit ang mga pasahero at pedestrians dahil sila ang nakalantad sa maruming ha-ngin. Bukod sa usok ng mga sasakyan, nalalanghap din ang usok ng mga sinunog na basura, goma, plastic at iba pang harmful wastes.

Maraming napatunayan habang ang bansa ay nasa ilalim ng quarantine. Isa rito ang katotohanang kapag nabawasan ang mga sasakyan, tiyak na magiging malinis ang hangin. Maaaring mag-eksperimento na kahit man lang isang araw sa loob ng isang buwan ay walang lalabas na sasakyan, na maaaring makatulong sa pagkawala ng air pollution sa Metro Manila.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER / COLUMNIST

**********************************************************************************

ANO NA NANGYARE DOLE SEC. BELLO III? SINO AT SAAN KAYA PUMALPAK?

Mahigit 1 buwan na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon at tatagal pa ito hanggang Mayo 15 dahil ini-extend pa. Ang masyadong tinamaan ng lockdown ay ang mga manggagawa na walang ibang pagkukunan kundi ang kanilang suweldo ganundin ang mga maliliit na negosyo na kailangang magsara. Mas naging kawawa ang mga manggagawang arawan dahil “no work, no pay” sila. At sa nakalipas na isang buwan na walang kayod, hindi na malaman ng mga manggagawang ito kung saan kukunin ang gagastusin.

Nakapagtataka rin naman na hanggang ngayon, isang buwan na ang lockdown, ang sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na P5,000 financial aid o subsidy para sa mga nawalan ng trabaho ay hindi pa natatanggap. Sinabi ng DOLE na lahat ng mga manggagawang naapektuhan ng pagsasara ng establisimento ay makatatanggap ng financial aid sa ilalim ng kanilang tinawag na COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP). Tatanggap umano ng one-time financial assistance ang workers. Nakasaad ito sa Department Order 209 na nilagdaan noong Marso 17, 2020.

Ayon sa direktiba, ang employers ang mag-aaplay para sa kanilang workers. Kailangan ding may establishment report kung paano naapektuhan ng pandemic ang negosyo. Kailangang may documentary requirements at isa-submit ito sa DOLE’s online application system. Susuriin umano ito ng labor officials at makakatanggap ang aplikante ng notice of approval o notice of denial sa loob ng 3 araw. Maaari raw ma-denied ang aplikasyon kapag may nakitang pandaraya sa documents.

Pero maraming workers ang nagsabing wala pa silang natatanggap na financial aid mula sa kanilang employers. Lagi raw nilang tsinitsek sa ATM pero walang pera. Nasaan na raw ang sinasabing tulong.

Sabi naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III, marami na silang naproseso at naabrubahang aplikasyon mula sa employers. Umabot na raw sa 435,000 ang naaprubahan at ang nabigyan na ng subsidy o aid ay 228,000 workers. Ayon kay Bello, posibleng maging P8,000 ang ibibigay sa mga workers na naapektuhan ng lockdown.

Nararapat siyasatin ng DOLE ang sinasabing marami pang workers ang hindi nabibigyan ng tulong. Kung maaari, ilabas ang listahan ng mga pinagkalooban ng subsidy para malinaw ang lahat.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER / COLUMNIST

**********************************************************************************

MGA PASAWAY AT ‘DI SUMUSUNOD SA MGA IPINAGBAWAL NG GOBYERNO NARARAPAT LANG NA KASUHAN AT IKULONG!

Marami pa rin ang pasaway na hindi sumusunod sa pagsusuot ng facemask at ang tamang agwat para hindi makapitan ng virus. Mahigpit na nagbabala ang World Health Organization (WHO) na mahalaga ang facemask at social distancing para mapigil ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon sa WHO, kaya mataas ang bilang ng mga nagkakaroon ng COVID-19 kahit sa mauunlad na bansa ay sapagkat marami pa rin ang hindi sumusunod sa utos ng health authorities. Sa United States na lamang halimbawa, marami pa rin ang hindi sumusunod sa social distancing at kahit kumakalat na ang virus, marami pa rin ang nasa matataong beaches.

Sa Italy, bago sila nagpatupad ng lockdown ay kumalat na ang virus at nalampasan nila ang bilang sa rami nang nagka-infection at namatay. Marami umano sa mga Italyano ang binalewala ang babala ng pamahalaan at nagpatuloy sa pagdalo sa mga party, kasayahan at pakikipagsosyalan. Marami pa rin ang nagkakasakit sa Italy.

Sa Spain ay marami rin ang nagkaroon ng COVID-19 at marami na ang namatay. Hindi rin ka­agad nagpatupad ng lockdown ang Spain kaya dumami rin ang kaso. Marami rin umano sa mga tao roon ang hindi nagsusuot ng facemask at binabalewala ang social distancing.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER / COLUMNIST

**********************************************************************************

HUWAG BASTUSIN O PANDIRIHAN ANG MGA HEALTH WORKERS!

Mapaubo, mapahatsing o mapasinghot lamang ang katabi habang nakapila sa groceries o botika at automated teller machine (ATM) ay pinandidirihan na dahil sa epektong dulot ng COVID-19.

Sabi nga ng ilan, mas mabuti pa raw ang mapautot at hindi gaanong pandidilatan at kinukutya dahil hindi naman nakakahawa ang utot. Pero ang umubo o humatsing ay isa nang malaking pagka­kamali at senyales na pinandidirihan.

Pero mas matindi ang nararanasan ngayon ng ilang health workers na hindi lang pinandidilatan o kaya’y iniirapan kundi sinasabuyan ng bleach o kaya’y chlorine para umano mamatay ang taglay na virus mula sa ospital na pinagtatrabahuhan.

Sobra na ang ginagawang ito sa ilang health workers na na nakaharap pa naman sa panganib na dulot ng COVID-19. Hindi dapat ganito ang ginagawa sa mga itinuturing na bayani ngayon.

Isang lalaking health worker sa Sultan Kudarat ang nanganganib na mabulag dahil sa sinabuyan siya ng bleach ng apat na lalaki habang pauwi galing sa pagtatrabaho sa ospital.

Ayon sa lalaki, nang makita umano siya na naka-unipormeng pang-ospital, dali-dali umanong kumuha ng bleach ang mga lalaki at isinaboy ito sa kanya. Tinamaan ang kanyang mga mata at hindi siya makakita dahil sa hapdi. Nagmamadali umanong umalis ang mga lalaki. May tumulong sa health worker para madala ito sa ospital. Ayon sa mga doktor maaaring mabulag ang lalaki.

Sa Cebu City naman, isa pang lalaking health worker ang nakaranas ng diskriminasyon makaraang sabuyan naman ng chlorine sa katawan. Nang malaman umano na nagtatrabaho siya sa ospital, dali-daling may kumuha ng chlorine at isinaboy sa kanya para ma-disinfect. Ayaw daw nilang mahawa sa virus na maaaring dala ng lalaki mula sa ospital.

Igalang ang health workers. Huwag naman silang ituring na may nakahahawang sakit porke at nagta­trabaho sila sa ospital. Dapat pa nga silang tulungan sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng mga protective gears para makaiwas sila sa virus. Hindi sila dapat bastusin sapagkat malaki ang ginagampanan nilang papel para madaluhan at matulungan ang mga biktima ng COVID-19. Kawawa naman sila kaya dapat irespeto.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER / COLUMNIST

**********************************************************************************

MGA UTAK PRANING AT TOLONGES ANG MGA MAMAMAYANG NAGPA-PANIC BUYING!

Kahit na paulit-ulit ang paalala ng pamahalaan sa publiko na huwag mag-panic buying sapagkat sapat naman ang supply ng pagkain at mga gamit sa sanitation gaya ng alcohol at hand sanitizers, hindi mapigil ang ibang mga mamamayan sa patuloy na pagbili ng sobra-sobra.

Mapapansin na napakahaba ng pila ngayon sa mga supermarket sapagkat marami ang bumili ng pagkain at alcohol. Mayroong pinakyaw ang alcohol at wala nang natira sa estante. Kahit pa nagbabala ang Department of Trade Industry (DTI) na dalawang bote lamang ang bilhing alcohol, marami pa rin ang namamakyaw at wala nang mabili ang iba pa.

Hindi lamang sa Metro Manila nangyayari ang panic buying kundi maging sa probinsiya man. Pati toilet paper ay mabilis maubos. Hindi naman maipaliwanag kung bakit pati toilet paper ay pinapakyaw ng mga nagpa-panic.

Sapat ang suplay ng mga pangunahing pangangailangan kaya walang dahilan para mag-panic. Sabi ng Malacañang, dahil sa ginagawang panic buying, posibleng tumaas ang presyo at mas lalong mahirap ito. Tiyak na pagtumaas ang presyo, mga mayayaman na lamang ang maka-kabili. Hindi umano dapat magpanic sapagkat gumagawa ng paraan ang gobyerno para mapigil ang pagkalat ng COVID-19 na ngayon ay isa nang pandemic, ayon sa World Health Organization (WHO).

Kadalasang ang mga maling balita o fake news sa social media ang dahilan kaya may panic buying. May mga nagpo-post nang maling balita at walang batayan ukol sa COVID-19 at ito ang dahilan kaya nababalot ng takot ang mamamayan. Sa halip na mapanatag ang loob, maraming natataranta at hindi malaman ang gagawin.

Malaki ang maitutulong ng social media sa pagkakataong ito para hindi mag-panic ang mamamayan. Iwasang mag-post ng mga impormasyon na walang katotohanan at magdudulot lamang ito ng takot. Hindi dapat lumikha ng mga maling balita sa panahong ito. Makasasama ito sa halip na makatutulong.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER / COLUMNIST

**********************************************************************************

NASAAN NA ANG IPINANGAKONG DEPARTMENT OF OFWs NI PANGULONG DUTERTE?

Malinaw pa sa tubig inumin ang direktiba ni Pangulong Duterte noong Hulyo 2019 na kailangan nang buuin o itatag ang Department of OFWs. Ang direktiba ay inihayag niya sa mismong araw ng Pasasalamat sa OFWs na ginanap sa Camp Aguinaldo.

Ayon pa kay Pangulo, nararapat ay plantsado na ito bago matapos ang 2019. Anim na buwan ang ibinigay niyang panahon para maitatag ang departamentong tututok sa mga pangangailangan at problema ng overseas workers.

Pero nagdaan ang Disyembre 2019, Enero 2020 at ngayong Marso na ay wala pa rin Department of OFWs na naitatag. Marami tuloy ang nagtatanong, kabilang na ang mga OFWs, kung bakit hindi nagkatotoo ang sinabi ng Presidente? Ano ba ang nangyari sa direktiba?

Mula nang iutos ang pagtatatag ng Department of OFWs, marami nang masasama o karumal-dumal na nangyari sa mga tinatawag na “bagong bayani”. Kabilang na dito ang pagpatay sa dalawang Pinay domestic helpers sa Kuwait. Una si Constancia Dayag na pinatay sa bugbog ng kanyang amo noong Hulyo 2019. Nang dalhin siya sa ospital, nakitaan ng pipino na nakapasak sa ari nito. Ikalawa ay si Jeanelyn Villa­vende na pinatay din sa bugbog at ginahasa pa ng amo noong Disyembre 2019. Itinigil ang pagpapadala ng OFWs sa Kuwait dahil sa karumal-dumal na nangyari kay Jeanelyn.

Nalagay din sa panganib ang buhay ng OFWs sa Iraq dahil sa pagganti ng Iran sa United States sa pagkakapatay sa kanilang top army general noong nakaraang Disyembre. Nagkaroon din ng problema ang mga OFWs sa Libya dahil sa civil war doon.

Ang gusto ng Pangulong Duterte na may isang departamento na tututok sa kalagayan ng ating OFWs. Nakikita marahil niya na masyado nang napapabayaan ang OFWs. Pinag­papasa-pasahan ang mga ito kaya hindi na malaman kung saan sila talaga pupunta sa panahon ng kaguluhan.

Malaki ang naitulong ng OFWs sa bansa noong 1990 na nagkaroon ng financial crisis sa Asia. Dahil sa dollar remittances ng OFWs, nakabangon ang bansa at sumigla ang kalakalan.

Ang OFWs ang may pinakamalaking kontribusyon sa pag-unlad ng ekonomiya dahil sa ipinadadalang dollars.

At nakadidismaya ang nangyayari ngayon na ang inaasam nilang sariling departamento ay hindi maisakatuparan. Nararapat kumilos ang mga inatasan na lumikha sa Department of OFWs. Huwag nang ibitin-bitin pa.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER / COLUMNIST

**********************************************************************************

MGA WALANG-HIYA AT GANID NA NEGOSYANTE SINASAMANTALA ANG KAGIPITAN NG MGA PILIPINO SA ORAS NG KALAMIDAD

Sa oras ng may kalamidad, lumulutang ang mga ganid at walang pusong mga negosyante. Sinasamantala ang pagkakataon para kumamal ng pera. Ang nasa isip nila ay kumita nang malaki kahit pa nakikita nilang marami ang biktima ng kalamidad ay walang ibibili o kapos na kapos na sa buhay. Wala na sa isip nila ang awa sa kapwa. Ang sarili na lang ang iniisip at pawang kita.

Ang ganitong sitwasyon ay nakita makaraang pumutok ang Bulkang Taal kamakailan lang. Nagbuga nang makapal na abo ang bulkan at sa isang iglap, nabalot ng abo ang maraming bayan sa Batangas at iba pang karatig na lalawigan. Nagmistulang disyerto ang mga lugar na malapit sa bulkan dahil sa kapal ng abo. Maski sa Metro Manila ay umabot ang ashfall.

Mabilis mag-isip ang mga hayop na negosyante. Hindi pa bumabagsak ang abo, nailabas na ang mga face masks. Ang face masks ang mabisang pananggalang para maprotektahan ang pagpasok ng deli­kadong abo na galing sa bulkan. Kapag nalanghap ang abo, maaaring magkasakit sa respiratory system. Lubhang delikado umano kapag nakalanghap at pumasok sa baga ang abo ng bulkan. Ang mga maysakit na asthma ay nararapat na maprotektahan ng face mask. Palulubhain ng abo ang kanyang kondis­yon kapag walang face mask.

Ang face mask ay nagkakahalaga lamang ng P30 bawat piraso. Mabibili ang mga ito sa mga drug store, department store at convenient store. Subalit nang magsimulang kumalat ang abo ng bulkan, ang P30 na face mask ay naging P200 at ang iba pa ay ibinebenta sa halagang P500.

Isang lalaking may-asthma ang nagsabing napilitan siyang bumili ng face mask sa isang tindahan sa halagang P200 para lamang may maipamprotekta sa kanyang mukha at hindi makalanghap ng abo. Wala umano siyang magawa kundi bumili kahit mahal.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), mapaparusahan ang sinumang magsasamantala sa panahon ng kalamidad. Ang mga negosyanteng mag­tataas ng sobra-sobra ng binibentang face mask ay mapaparusahan nang mabigat.

Isuplong ang mga hayop at mga ganid na negosyante na walang iniisip kundi ang kumita ng pera. Nararapat lamang na maparusahan ang mga ganid na ito dahil sa panahon ng kagipitan ay muli pang lumalabas ang mga pagsasamantala ito. Hindi sila dapat kaawaan. Maari niyong ipadala sa email namin ang inyong sumbong sa headlines_ngayon@yahoo.com o sa headlinesngayon@gmail.com.

Sisiguraduhin namin na makakarating ang inyong mga reklamo sa kinauukulan. Huwag din kalimutan na ilakip ang litrato ng resibo ng inyong nabiling mamahaling facemask.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER / COLUMNIST

**********************************************************************************

SAKIT NA POLIO, CHOLERA, DIARRHEA, TYPHOID FEVER AT HEPATITIS A LAGANAP SA BANSA DAHIL SA KADUGYUTAN NG IBANG PILIPINO

Marami Pinoy ang inuuna pa ang pagbili ng cell phone kaysa magpagawa ng kubeta. Kaya naman hindi kataka-taka kung bakit nagsulputan ang iba’t ibang sakit ngayon, gaya ng polio, cholera, diarrhea, typhoid fever at hepatitis A.

Ang mga sakit na ito ay nakukuha dahil sa karumihan ng paligid dahil sa kawalan ng kubeta. Marami ang dumudumi sa kung saan-saan na lang.

Sabi ng Department of Health (DOH), sa kabuuang 42,045 barangays sa buong bansa, 4,625 lamang ang mayroong sariling kubeta. May dumudumi sa ilog, sapa at mga lugar na nakalantad sa kabahayan. May mga dumudumi sa mismong lugar kung saan nakatayo ang kanilang barung-barong.

Sa report ng Philippine National Demographic and Health Survey noong 2017, napag-alaman na 4.5 percent ng mga Pilipino ay walang sariling kubeta at wala nang balak gumawa nito. Ang nakasanayan na pagdumi sa kung saan-saan ay nagpapatuloy. Mayroon din namang may kubeta pero hindi improved kaya para na ring dumumi sa open na lugar.

Ayon pa sa DOH, sa halagang P1,200 ay maaari nang makapagpagawa ng kubeta ang mga Pinoy pero hindi nila ito prayoridad. Mas inuuna pa nila ang pagkakaron ng cell phone at iba pang gadgets.

Nararapat unahin ang pagkakaroon ng kubeta sapagkat mahalaga ito sa araw-araw na pamumuhay. Ang pagdumi sa kung saan-saan ay nagdudulot ng iba’t ibang uri ng sakit. Nayayapakan ang mga duming ito at naisasalin ang mikrobyo. Kapag naglaro ang mga bata sa isang lugar na nagkalat ang dumi, hawa-hawa na. Isusubo ng mga bata ang daliri at dito na nag-uumpisa ang sakit. Mayroon ding naisasalin ang sakit dahil sa pag-inom ng kontaminadong tubig.

Ang pagkalat ng polio ay itinuturo sa maruming kapaligiran. Noong nakaraang Setyembre, sinuri ang tubig sa mga estero sa Metro Manila nagpositibo sa polio virus. Ilang kaso ng polio sa bansa ang lumutang. Nagsagawa ng pagbabakuna sa mga bata sa buong bansa para masawata ang pagkalat ng polio.

Ang pagkakaroon ng sariling kubeta sa bawat bahay ang nararapat. Kung nakakayang bumili ng cell phone at iba pang gadgets, sana paglaanan din ang pagkakaroon ng kubeta. Dapat obligahin ng gob­yerno na magkaroon ng kubeta sa bawat bahay.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER / COLUMNIST

**********************************************************************************

BAHAGI BA NG ATING KULTURA ANG PAGIGING TSISMOSO AT TSISMOSA?

Mahilig sa pagkukuwento at pakikinig ng kuwento ang mga Pilipino. Batay sa mga pag–aaral ng mga dalubhasa at iskolar sa panitikan, namayani ang mga alamat at kuwentong bayan noong panahon ng mga katutubo sa pamamagitan ng oral na tradisyon o pasalitang paraan. Marahil, isa ito sa mga maaaring pagbatayan kung bakit minsan din ay lumalabis ang paggawa ng kuwento mula sa buhay ng ibang tao tulad ng “tsismis” o alingasngas.

Kaya naman, kinaaliwan ng netizens sa isang larawan na makikita sa “Memories of Old Manila” kung saan makikita ang mga “tsismosa” na ginawan lamang ng diyalogo upang maipakita ang aktong ito.

Paglilinaw ng nagpost nito, hindi siya ang gumawa ng naturang memes at nakita niya lamang sa internet. Gayunman, nagkomento pa rin ang netizens hinggil sa naturang larawan.

Kahit anong lahi may ganyan… HINDI lang Pinoy ang may ganyan, mas grabe pa nga sila. Sa tulad naming nakabase sa ibang bansa, witness kami sa iba’t ibang klase ng nationalities at iba’t ibang way ng mga “radio patrolers” aka tsismosas at  tsismosos.”

Sila ang KBP o Kapisanan ng mga Bukambibig sa Pilipinas hahahaha. Bagong cost savings yan. Sila na ang ipapalit sa CCTV, dapat isabit sila sa poste… makatitipid pa ang barangay.”

Pero aminin natin, minsan din nakikitsismis tayo. Sa trabaho man o sa kapitbahay, lahat tayo ay guilty diyan.”

Ang tsismis o alingasngas ay pakikipagkuwentuhan sa isa o pangkat ng mga tao na ang paksa ay mula sa buhay ng isa o maraming tao, totoo man o hindi. Sa kulturang Pilipino, maituturing ang tsismis bilang negatibong akto ng pakikipagkuwentuhan dahil maaaring ang mga impormasyon o detalye ng isang “tsismoso” o “tsismosa” ay walang sapat na batayan o nakaangkla lamang sa haka–haka o pananaw ng nagsasalaysay.

Sa Baguio City, naging ordinansa ang pagbabawal sa pagkakalat ng tsismis na maaaring magbunsod sa multa o pagkakabilanggo.

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER / COLUMNIST

**********************************************************************************

MGA MANDURUGAS AT ILIGAL NA POGO PROVIDER TAMA LANG NA TUGISIN!

Maraming online gambling operators sa bansa na nasa ilalim ng Philippine Offshore Gaming­ Operator (POGO). Dagsa rin ang pagdating ng mga Chinese sa bansa sapagkat sila ang tauhan ng mga POGO provider. Mga Chinese ang customer kaya ka­ilangan na marunong magsalita ng Chinese ang empleyado.

Mula 2017 hanggang sa kasalu­kuyan, umaabot na sa 130,000 Chinese ang nasa bansa na pawang naka-employ sa POGO. Sa bilang na ito ng mga Chinese, mai-imagine kung gaano karaming online gambling operators sa bansa.

Pero malaking problema rin pala ang kahaharapin ng bansa sa mga POGO na ito sapagkat karamihan sa kanila ay hindi nagbabayad ng buwis. Karamihan, hindi nakarehistro sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Kumikita nang malaki ang mga POGO pero hindi sila nagbabayad ng buwis. Dinadaya nila ang gobyerno.

Isa sa mga POGO provider na dinaya ang gob­yerno ay ang Great Empire Gaming and Amusement Corp. (GEGAC) na nasa Libis, Quezon City. Kamakalawa, ipinasara na ng BIR ang GEGAC dahil sa hindi pagbabayad ng P21.62 billion. Ayon sa BIR, nag-isyu na sila ng 130 notices sa GEGAC pero hindi nagko-comply ang mga ito. Ipinasara na rin ang branch ng GEGAC sa Subic at Parañaque City.

Tiyak na may iba pang POGO provider na ganito rin ang ginagawa. Nakarehistro nga sila sa PAGCOR pero hindi sa BIR. Dapat maging alerto ang BIR sapagkat malaki ang nadadaya sa pamahalaan ng mga pasaway na POGO.

Inamin naman ng BIR na kumikita ang pamahalaan sa ibinabayad na buwis ng online gambling operators. Ayon sa BIR, kumita ang bansa ng P579 million noong 2018 dahil sa ibinayad na buwis.

At ngayong 2019, umabot na sa P789 million ang ibinayad na tax sa unang tatlong buwan lang. Sa ibina-bayad na tax ng online gambling operators, mapopondohan ang mga proyekto ng gobyerno lalo na ang “Build, Build, Build, Program”.

Habulin ang mga POGO provider na ang gusto’y kumita lang nang kumita sa bansa pero ayaw magbayad ng buwis. Ano sila sinusuwerte?

Kung kumikita sila, dapat kumita rin ang pamahalaan. Hindi puwede ang ginagawa nilang pandaraya. Huwag palusutin ang mga pasaway na POGO. Parusahan ang dapat parusahan!

By: EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER / COLUMNIST

**********************************************************************************