BATIKOS NI JUAN

UGAT NG GALIT NI FIRST LADY LIZA KAY VP SARA ANG SELOS?

May pagka-marites talaga itong si Atty. Roque, ang matabil na dating presidential spokesperson ni Rody “Digong” Duterte.

Mantakin mong mag-post sa kanyang Facebook account na “selos” lang ang ngitngit ni First Lady Liza Araneta-Marcos kay Vice President Sara Duterte-Carpio, matapos ipahayag ng Unang Ginang na “bad shot” na sa kanya ang Vice President.

“Ako po ay kasama nung kampanya. Kaya nga po alam ko na kampanya palang ay bad blood na po si Liza Araneta-Marcos kay VP Sara,” bira ni Roqueta este Roque.

“Hindi lang po ngayon nagdeklara ng giyera si Liza Araneta-Marcos. Panahon pa po ng eleksiyon ay ginigiyera na niya si VP Sara. Mayroon pong elemento ‘yan ng selos. Unang-una, tanggapin po natin saksakan naman ng ganda ni VP Sara kumpara kay First Lady,” bira pa ni Roque. Hehehe…

Tapos ang problema raw kay PBBM, “touchy, touchy”. Mahilig daw “mag-touch, touch”! May ganung factor pala. Hahaha…

Pero may palusot naman si Roque, para makaiwas rin siguro sa ngitngit ni FL Liza at pagkagalit narin ni PBBM. Tila wala naman daw kasi malisya ang pangangalabit at pahawak-hawak sa kamay ng Pangulo sa kanyang VP. Tila mali lang daw ang tingin dito ng Unang Ginang.

“Napansin ko noong eleksyon touchy touchy itong si BBM (kay VP Sara) siguro ganun lang talaga siya, walang malisya. I can give him that. Pero siyempre sa mata ng isang asawa, ayaw niya ‘yan na touchy touchy siya sa ibang babae,” dagdag pa ng marites na tagapagsalita ni Digong. “At tingin ko, nakikita ko sa mata niya (FL Liza) noong eleksyon palang na talagang mainit talaga ang mata niya kay VP Sara. Sa tingin ko ‘yung selos may kinalamanan narin yan.”

Ang post na ito ni Roque ay nagsariwa sa ikinuwento sa akin ng aking kumpareng Ike S. nang minsang magkainuman kami at mapag-usapan ang relasyon o samahan ng Pangulo at Pangalawang Pangulo pagkatapos ng eleksyon.

Sabi ni kumpareng Ike: “Mukhang nagseselos na si Liza kay Sara, kasi grabe kung makatitig at makahawak sa kamay ni Sara si Bongbong,” sabay tawanan namin.

Kung nagseselos si Liza kay Sara, how about ang mister ni Sara na si Hans Carpio?

Oo nga pala, hindi manlang natin nakita sa publiko kahit minsan na magkasama sa anumang okasyon si VP Sara at mister niya. Sila pa ba? Nagtatanong lang po. Hehehe…

Anyway, wish natin na magkabati uli sina FL Liza at VP Sara or else tuluyang mawawasak ang Marcos-Duterte tandem, ang kanilang UniTeam.

At dapat tigilan na ni ex-President Duterte ang kababanat kay PBBM, na nagsusumikap magamot ang grabeng pilas sa ekonomiya ng bansa na ginawa ng nakaraang administrasyon na nagbaon sa Pilipinas sa mahigit P13 trilyong utang!

Kung tutuusin, kung paiimbestigahan ni PBBM ang grabeng korapsyon na nangyari sa termino ni Duterte, tiyak marami ang makukulong tulad ng ginawa noon ni late President Noynoy Aquino sa administrasyon ni Gloria M. Arroyo kungsaan pati si GMA ay nakulong sa kasong “pangungulimbat”!

Pero kalma lang, mga Kabayan…lilipas din ang pagtingin ni PBBM kay VP Sara. Sana hahaha!

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*******************************************************************

ANG MAKA-BAGONG HENERASYON NG MAKAPILI AT HUDAS SA ATING INANG BAYAN!

Kahit si PBBM ay nagulantang sa pagkakanulo ng interes ng bansa sa Tsina. “I am horrified at the idea that we have compromised through a secret agreement the territory, sovereignty, and sovereign rights of the Philippines.” Ito ang binitiwang salita ni BBM nang tanungin siya ng mga mamamahayag sa saloobin tungkol sa lihim na kasunduan sa pagitan ni Digong at Xi Jinping, ang lider ng Tsina, tungkol sa West Philippine Sea.

Kulang sabihin ni PBBM na nandidiri siya kay Tatang Digs dahil sa pagkakanulo sa interes ng bansa sa usapin ng West Philippine Sea. Hindi sinabi ng diretso pero mababasa sa pahayag niya na walang record sa opisyal na talaan ng bansa ang secret agreement sa pagitan ni Tatang Digs at Xi.

Sa maikli, hindi gentleman’s agreement ang pinasok ni Tatang Digs kay Xi. Pareho silang hindi maginoo at anumang gentleman’s agreement sa dalawang maituturing hindi na maginoo ay hindi kasunduan. Dahil walang dokumento na magpapatunay sa kasunduan, hindi ito maaaring banggitin sa anuman pag-uusap.

“Kung mayroon man, wala itong bisa at pinawawalang bisa ko ito,” minsan sinabi ito ni PBBM na hindi niya kinikilala ang anumang kasunduan pinasok ni Tatang Digs kay Xi ng walang malinaw na batayan.

Sino ang maniniwala kay Tatang Digs? Sino ang hindi mag-aakala na isa siyang taksil sa bayan, o isang makapili? Hindi maaaring pagkatiwalaan ang pamilya ni Tatang Digs basta usapin ng Tsina ang pag-uusapan.

Tungkol naman kay VP Sara marami ang nagulat sa sinabi nitong  “no comment” sa usapin ng paggamit ng dahas ng Tsina sa sasakyang pandagat ng bansa na naghatid ng resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayunging Shoal. Isa lang ang ibig sabihin ng kanyang komentaryo. Ayaw niyang banggain ang kanyang amo – ang Tsina sa isyu.

’No comment’ means: I dare not offend my overlord.” Ito ang sinabi ni Prof. Cesar Polvorosa, isang netizen na kasalukuyang nagtuturo sa isang pamantasan sa Canada.

May idinugtong si Jocelyn Onrubia, isa pang netizen: “The false narrative being propagated by Pro-China trolls, claiming that only the Philippines is facing provocation and harassment for exposing China’s illegal actions in the West Philippine Sea, is completely untrue. Vice President Sara Duterte’s “no comment” remark on China’s acts of violence and harassment against Filipinos in the West Philippine Sea epitomizes the most traitorous two words uttered by the second highest leader of the land. Isang malaking katrayduran! It echoes the dangerous depths of her allegiance to China over the well-being and dignity of the Filipino people.”

 “To the Dutertes, makapilis & China, the arbitral ruling is a mere scrap of paper. To the patriotic Filipinos & the “civilized” world, it is proof the West Philippine Sea is ours.” – Joel Cochico, netizen, kritiko

We are not demonizing China but merely stating facts. The Dutertes is a family of traitors & should be removed from any gov’t position they.hold immediately.” – Joel Cochico, netizen

We’re not a people born to cowardice but to courage.” – Ma. Lourdes Sereno, Chief Justice

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*******************************************************************

GINAGAMIT NA NG MGA INTERNATIONAL SYNDICATE ANG DRONE SA PAGDE-DELIVER NG KONTRABANDO KAYA’T ‘DI IMPOSIBLENG GAYAHIN DIN ITO NG MGA SINDIKATO SA PINAS

Ibang klase na ang mga makabagong gadgets ngayon, pati sa pag-deliver ng mga kontrabando ay gamit na.

Oo! Sa southern France, nabuking ang pagbabagsak ng drone ng mga iligal na droga at pagkain sa isang bilangguan sa French.

Natuklasan lamang ito ng jailguards nang sumabit ang isang parcel sa railing sa labas ng bintana ng selda, at nakakumpiska ng tatlo pa ang mga guwardiya.

Ang ganitong ideya ay hindi malayong gawin din ng mga sindikato ng iligal na droga dito sa Pilipinas partikular sa mga pambansang bilangguan. Kaya dapat maging alerto rito ang mga otoridad. Ipagbawal ang magpalipad ng drone sa mga pasilidad ng kulungan.

Dapat ding manmanan ng mga otoridad ang pagpalipad ng drone sa mga matataas na gusali tulad ng condominiums kungsaan marami nakatira na foreigners, baka shabu na ang laman ng drone na yan.

May nakalap din tayong info na ang mga iligal na droga na pumapasok sa Pilippinas ay binabagsak nalang ng barko sa laot at pini-pickup ng kanilang kontak na gumagamit naman ng yate.

Ang naturang mga kontrabando ay ginagamitan ng GPS para madaling makita ng pi-pickup sa laot.

Kadalasang ginagawa ito ng drug syndicate kapag hindi gaanong malalaki ang alon para hindi anurin. 

Nangyayari ito sa mga karagatang bahagi ng Visayas, Ilocos at Bicol kungsaan madalas makalambat ng tone-toneladang cocaine ang mga mangingisda.

Kaya dapat maging alerto 24 oras ang Philippine Navy at Philippine Coast Guards sa bagay na ito.

Ang numero uno namang dapat tuklasin dito ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay kung sino-sino ang kontak ng mga banyagang drug syndicate sa bansa.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*******************************************************************

KUNG TUNAY NA AARESTUHIN NG INTERPOL SINA DIGONG, SEN. BATO AT V. AGUIRRE MAPAPATUNAYAN NILA SA MADLA LALO NA KAY QUIBOLOY AT BANTAG NA WALANG IWANAN HANGGANG SA HULI!

Maari palang gamitin ng International Criminal Court (ICC) ang International Police sa pag-aresto sa mga naiisyuhan nito ng arrest warrant sa mga bansang kasapi ng Interpol kahit ‘di miyembro ng ICC.

Nakasaad sa Article 4 (Publication and Circulation of Interpol Notices):

The ICC-OTP shall have the right to request the Interpol General Secretariat to pulish and circulate to National Central Bureaus (NCBs) Interpol notices of all types for the facilitation of inquires: the red notices for the circulation of details of persons sought by the ICC-OTP and for perventing such persons from escaping prosecution; the blue notices for obtaining supplementary information, for instance on perpetrators or key witnesses; the yellow notices for tracing missing persons; and the black notices for facilitating identification of corpses.

Nakasaad naman sa Article 5 (Other assistance from Intepol):

– The ICC-OTP may seek the expertise of the Interpol General Secretariat’s specialized staff, in particular in matter related to the search for fugitives and to criminal analysis, subject to any provisions of confidentiality which may prove necessary and within the limits of available resources.

Dahil ang Pilipinas ay member ng Interpol, at ang ICC ay may cooperation agreement sa Interpol maaring humingi ng tulong ang ICC sa Interpol na ipahuli ang mga akusado sa korte nila. Obligado lahat ng Interpol members worlwide na ipatupad ito kahit hindi sila member ng ICC.

Sina dating Pangulo Rodrigo Duterte, dating PNP Chief ngayo’y Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre at ilan pang dating mga opisyal ng nakaraang Duterte administration ay iniimbestigahan ng ICC sa kasong ‘Crimes against humanity’ kaugnay ng “pekeng” war on drugs nila noon, kungsaan ayon sa human rights group ay mahigit 30,000 ang pinatay pero ayon sa datus ng Philippine National Police (PNP) higit 6,000 lang ang naging biktima.

Ang Pilipinas ay kumalas sa ICC nang imbestigahan nito sina Duterte.

Ayon sa ulat, nakapagsagawa na ng imbestigasyon ang ICC sa mga pamilya ng mga biktima ng war on drugs kahit hindi nakipag-coordinate ang gobyerno ni Marcos Jr..

Nakatakda na nga raw maglabas ng arrest warrant and ICC laban sa mga nabanggit na mga opisyal ng nakaraang administrasyon.

Ito marahil ang dahilan kung kaya’t kaliwa’t kanan na ang atake ni Duterte laban kay Marcos, Jr.

Bagama’t sinabi ni Pangulong Marcos na hind niya ipatutupad ang arrest warrant ng ICC sa Pilipinas dahil hindi na nga miyembro ng ICC ang bansa, mapipilitan naman itong i-enforce kapag ang Interpol na ang kumilos para arestuhin ang mga nasasakdal sa ICC.

Sinasabing anumang araw o buwan ay maglalabas na ng arrest warrant ang ICC laban sa mga nabanggit na mga nakaraang opisyal ng bansa.

Kung sakali mang hanggang sa pagiging wanted ay magkakasama pa rin sila ni Pastor Apollo Quiboloy na paninindigang sa hirap at ginhawa wala silang iwanan.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*******************************************************************

MGA GAHAMAN NA NEGOSYANTE, POLITIKO AT OPISYAL NG AHENSYA SA GOBYERNO ANG SUMIRA SA CHOCOLATE HILLS

Maraming nilabag sa pagtatayo ng resorts sa paanan ng Chocolate Hills. Hindi lamang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang dapat imbestigahan kundi pati ang local government na nagbigay ng permit para maitayo ito. Malaki ang pananagutan ng DENR at LGUs. Ito ay lantarang pagsira sa isang protected area na dineklara ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organizations (UNESCO). Kapag hindi naipasara o naipatigil ang operasyon ng resort, maaaring bawiin ng UNESCO ang pagkakadeklara na ito ay protected area. Kahiya-hiya ang bansa kapag nangyari ito. Sirang-sira ang bansa sa paningin ng mga turista’t dayuhan dahil sa pagkagahaman ng mga taong nagtayo ng resort.

Noong 1997, iniisyu ni dating President Fidel V. Ramos ang Presidential Decree No. 1037 na nagdedeklara sa Chocolate Hills sa mga bayan ng Carmen, Bilar, Batuan, Sagbayan, Sierra Bullones at Valencia na mga Natural na Monumento at sinisiguro ang protection para sa mga ito.

Maliwanag sa PD 1037 na puprotektahan ang Chocolate Hills sa mga nabanggit na bayan at walang sinuman ang papayagang sumira sa mga ito. Protektado ng kautusan kaya mananagot ang mga gagawa ng katampalasanan sa mga itinuturing na Natural na Monumento.

Pero nangyari na ang pagsira. Isang resort ang tinayo sa paanan ng dalawang Chocolate Hills sa bayan ng Sagbayan. Nilagyan ng cottages at malaking swimming pool. May bahagi pa ng Chocolate Hills na tila inuka para mailagay ang mga slides at iba pang-akit sa mga turista.

Sinimulan umanong gawin ang Captain’s Peak Resort noong 2020. Nakakuha umano ito ng permit sa local ­government. Nagpatuloy na maipatayo kahit nasa kasagsagan ang COVID-19 at natapos noong nakaraang taon. Binuksan umano ito sa publiko noong Agosto 2023.

Nanghimasok na ang Senado sa kontrobersiyal na resort at mag-iimbestiga na sa pamumuno ni Sen. Nancy Binay. Ayon kay Binay nakakagalit at nakakadurog ng puso na may makitang resorts sa lugar na dapat ay pinoproteksiyunan ng gobyerno. Sa unang tingin pa lamang daw ay alam nang may mali.

Ayon sa report, inendorso pa raw ng Protected Area Management Board (PAMB) noong 2022 at 2023 ang development ng Captain’s Peak Resort. Ibig sabihin, sa halip na pagbawalan ang pagtatayo, ay pinagparangalan pa ang resort. Magkano kaya ang pag-eendorso?

Maling-mali talaga ang ginawang ito sa Chocolate Hills. Ang pagkilos ng Senado ay nararapat at hindi dapat mawalan ng saysay. Panagutin ang mga nasa likod nang pagsira sa Chocolate Hills.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*******************************************************************

KAPABAYAAN NG MIAA ANG NAKAKAHIYANG MGA NANIRAHANG SUROT, IPIS AT DAGA SA AIRPORT

Kung wala pang mga nagreklamong pasahero na namantal ang balat sa kagat ng “surot” ay hindi pa maglilinis ng peste ang Manila International Airport Authority (MIAA).

Oo! Pinaalis na raw ni MIAA General Manager Eric Ines ang mga upuang ratan na pinamahayan ng surot sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 at 3, matapos ulanin ng batikos ng netizens nang mabasa ang post ng mga pasaherong nakaranas ng pamamantal ng balat makaraang maupo sa naturang mga upuan.

Simple lang naman ang problemang ito. Hindi pamamahayan ng surot ang mga upuan kung merong regular na pag-spray laban sa mga peste sa paliparan. Kaso wala eh… puros kasi pagkakaperahan ang nasa kukute ng mga namamahala sa paliparan.

Sa ibang bansa, ang opisyal na naiisyuhan ng kapabayaan sa kanyang tungkulin ay kaagad nagbibitiw para hindi na makadamay pa ng iba. Maisip kaya ito ni GM Ines?

Maaring isipin mo na maliit na bagay lang ito para pagbitiwin natin sa kanyang posisyon si Ines, pero nakaka-INES, napakalaking kahihiyan sa madla na pati mga upuan sa ating international airport ay pinamahayan ng mga peste. Tinagurian na ngang pinaka-worst sa buong mundo ang paliparan ng Pilipinas, nadagdagan pa ng surot! Animal!!!

Magbitiw ka nalang Ines! para hindi na umabot kay Pangulong “Bongbong” Marcos ang isyung ito ng kapabayaan, at bago ka maINES at ipasipa ka ni First Lady Liza dyan!!!

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*******************************************************************

MGA PULIS SCALAWAGS WAPAKELS KUNG MASIBAK SA SERBISYO ANG IMPORTANTE MARAMI SILANG PERA!

Maraming pulis na ang nasibak sa serbisyo dahil sa katakawan sa pera. Imagine, itinaas na ang kanilang suweldo noong 2016 ni dating President Rodrigo Duterte pero marami pa rin sa kanila ang hindi kuntento.

Ang sahod ng pinakamababang ranggo (Patrolman) ay P29,668 bawat buwan. Ang pagtataas ng sahod ng mga pulis at sundalo ang unang ginawa ni Duterte. Pero sa kabila ng lahat, patuloy pa rin sa paggawa ng kabuktutan ang ilang pulis. Nakakahiya na ang nangyayari na tila mahirap nang mapagkatiwalaan ang mga pulis.

Gaya nang ginawa ng 10 pulis mula Southern­ Police District (SPD) na nang-raid sa Solemare Parksuites Condominium sa Parañaque City noong Set­yembre 16, 2023. Apat na Chinese na residente ng condo ang kanilang hinuli at illegal na ikinulong.

Walang search warrant, hinalughog nila ang condo unit. Binuksan ang vault. Ninakaw ng mga ito ang Rolex watch at P27 milyon na hindi nakasaad sa search warrant. Tinaniman din ng dalawang baril at magazine at pinalabas nilang ebidensiya ang mga ito. Sinira nila ang CCTV at DVR at maging ang kanilang body worn camera ay hindi pinagana.

Ang mga sinibak na pulis ay sina Lt. Col. Jolet Guevarra, Maj. Jason Quijana; Maj. John Patrick Magsalos, Capt. Sherwin Limbauan; Executive M/Sgt. Arsenio Valle; S/Sgt. Mark Democrito; S/Sgt. Danilo Desder; S/Sgt. Roy Pioquinto, S/Sgt. Christian Corpuz at Cpl. Rexes Claveria.

Kinasuhan sila ng grave misconduct, grave irregularity in the performance of duty, grave neglect of duty, conduct of unbecoming of a police officer, less grave misconduct at less grave neglect of duty with certificates of implimentation.

Sina Gen. Roderick Mariano at Col. Charlie Cabradilla na sangkot sa maanomalyang operasyon ay isi­nasailalim sa administrative disciplinary proceedings. Wala namang sinabi kung nasaan na ang nawawalang P27 milyon. Pinaghati-hatian na?

Noong Agosto 2023, pitong matatakaw na pulis sa Imus, Cavite ang ni-raid ang bahay ng isang dating propesor. Inakusahan ng mga pulis na sangkot sa illegal drugs ang propesor. Walang search warrant ang mga pulis. Nilimas ng mga ito ang mga mahahalagang bagay sa bahay—singsing, cell phone, gadgets, relo at helmet.

Noong 2023 pa rin, limang pulis sa Manila Police Disrict (MPD) ang nagnakaw sa isang computer shop sa Sampaloc, Manila. Tinakot ang may-ari ng shop na huhulihin kung hindi magbibigay ng pera. Sa takot ng may-ari nagbigay ng P30,000. Bago umalis ang mga pulis tinangay pa ng mga ito ang gadgets.

Tuwing may uupo na bagong PNP chief, nanga­ngako na wawalisin ang scalawags. Pero sa kabila na marami nang namuno sa PNP, nananatili pa rin ang mga “anay”. Nananatili pa rin ang mga matatakaw na pulis. Kailan malilipol ang mga matatakaw?

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*******************************************************************

MISTULANG SI PASIG MAYOR VICO SOTTO LAMANG ANG MAY TAPANG NA IPASARA ANG POGO”s AT E-BINGOs SA KANYANG NASASAKUPAN! IBANG MAYORS ALAWS MGA NGA-NGA!

Sa totoo lang hindi ko kilala si Pasig City Mayor Vico Sotto. Pero base sa kanyang mga ginagawa bilang batang alkalde na pumabagsak sa traditional politician sa kanilang lungsod, nakakabilib siya, talagang mayroong siyang political will, ipinatutupad ang mga naaayon sa batas sinuman ang tatamaan…

Ang ganitong karakter ng isang public servant partikukar ng local executives ang dapat kopyahin. Talagang may magandang patutunguhan ang local government units (LGUs) na susunod sa sistema ng pamamalakad ng batang Sotto!

Katulad ng pagpatupad niya sa City Ordinance na nagbabawal sa operasyon ng lahat ng e-games sa kanilang lungsod. Ipinasara niya ang mga ‘di sumunod. Pero bago niya gawin ito ay binigyan niya ng panahon ang mga establishment na makalipat at matapos ang bisa ng kanilang permit, at hindi na ni-renew nang mag-expire. Ang mga nagpumilit paring mag-operate, pinadlak!

Katuwiran ni Sotto, mayroon silang City Ordinance. Kaya dapat lang ipatupad. At marami na aniyang nasirang pamilya sa mga e-gambing, nagiging ugat din ng korapsyon. Ang ganitong establishments, aniya, ay hindi makabubuti sa kanyang constituents.

LGUs, kopyahin n’yo si Vico Sotto may political will huwag magpalaki ng wetpu sa loob ng opisina at maging nga-nga kumilos naman kayo!!!

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*******************************************************************

MAY TIWALA PA KAYA ANG MANANAYANG PINOY SA KINASASANGKUTANG ANOMALYA NGAYON SA LOTTO?

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang biglang pagpalobo sa lotto jackpots, ang sunud-sunod na nanalo, at ang in-edit na larawan ng nanalong bettor.

Umabot na nga sa Senado ang isyu. Inamin naman ng PCSO ang pag-edit sa larawan ng bettor. Ginawa raw hindi ito para hindi makilala ang bettor para sa kanilang seguridad.

Tama rin naman sa kanilang rason si PCSO General Manager Mel Robles.

Pero marami parin ang nagdududa na niluluto ang lotto draws pabor sa mayayamang mananaya.

Tulad halimbawa ng biglang pagpalobo sa initial jackpot para makaengganyo ng maraming mananaya noong Disyembre at nitong Enero.

December 16, 2023, ang minimum jackpots ng Grand 6/55, Ultra 6/58 at Super 6/49 ay ginawang P500 million, habang ang 6/42 at 6/45 ay ginawang tig-P100 million!

Noong Dec. 29, isang mananaya ang nakadale ng P571 million sa Ultra 6/58 draw.

Enero 2, tatlong bettors ang naghati-hati sa P108 million jackpot ng Lotto 6/42.

Enero 8, dalawang bettors ang naghati P121 million Mega 6/45 jackpot.

Sumunod Enero 16, isang mananaya rin ang nakayari sa P640 million jackpot ng Super 6/49 draw.

Tapos nitong Enero 17, isang bettor naman ang nakapagbulsa ng P698.8 million sa Grand 6/55.

Ang pagpalobo ng todo sa jackpot ay maaring sugalan ng multimilyonaryong sugarol, tayaan lahat ng kombinasyon, kungsaan kung solo lang siyang nakagawa nito ay sureball na siya ang panalo ng higit sa kanyang puhunan.

Tulad halimbawa sa 6/49 na mayroong 14 million combinations, nagkakahakaga ng P280 million mula sa tig-P20 per ticket.

Ang jackpot sa 6/49 nung Enero 16 ay P640 million nang tamaan ng solo bettor. Kung ang bettor na ito ay sinugalan ng P280 million ang lahat ng kombinasyon, kabig siya ng P360 million! Tama ba ako, GM Mel Robles? Kayang kaya gawin ito ng bilyonaryong gambling lord na si Boss AA!

Bagama’t hinahangaan natin sa kanilang marketing strategy si GM Mel, unfair naman ito sa mahihirap na mananaya na pa-etneb etneb lang.

Dapat hayaan nalang ni Boss Mel na lumago ang jackpot mula sa mga taya. Kasi ‘pag biglang binuhusan ng jackpot na sobra sa jackpot ng mga kombinasyon tulad ng nangyari sa 6/49 draw, aba’y papabor ito sa mayayamang mananaya na minsan ay naghahati-hati sa kapital para madale ang napakalaki nang jackpot, na sobra na sa akmang bilang ng mga kombinasyon. Mismo!

Sa ginawang pag-imbestiga ng Senado, sigurong ihinto na ni GM Mel ang bulok niyang marketing strategy.

Teka, baka naman sila sila lang din yung nakadale sa P640 million jackpot ng Super 6/49? Balato naman dyan, Hehehe…

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*******************************************************************

PIPIRMA BA KAYO SA PEOPLE’S INITIATIVE PETITION NA GAWA NG POLITIKO?

Hinihikayat ni Bishop Broderick Pabillo ang mga Katolikong Filipino na huwag pumirma sa People’s Initiative petition na gawa ng politiko, na nanunuhol para makalikom ng kailangang mga pirma para mabago ang kasalukuyang Saligang Batas.

Ang naturang initiative kasi ay gawa ng iilang politiko, hindi ng mamamayan, sabi ng opisyal ng Simbahan.

Ang initiative na may kaakibat na panunuhol, sabi ni Bishop Pabillo, ay mayroong masamang motibo tulad ng pananatili nilang mga politiko sa puwesto ng matagal na panahon tulad ng diktador na si yumaong Ferdinand Marcos Sr., ang ama ng kasalukuyan nating pangulo, “Bongbong” Marcos; at pagbalewala sa kapangyarihan ng Senado.

“Sabihin sa mga tao na huwag pumirma!,” anang opisyal ng Simbahan. “Hindi ito inisyatiba na galing sa mga tao kundi ng ilang mga politiko.”

Dagdag pa niya: “Babalewalain nito ang senado.”

Isa kasi sa mga gusto mangyari sa pagbago sa Saligang Batas ay pag-isahin nalang ang boto ng mga senador at kongresista.

Ang Senado ay 24 lamang ang bilang habang ang kongresista ay 315. Ibig sabihin nito, kahit komontra pa ang 24 senador sa panukalang isinusulong ng majority ng mga kongresista ay balewala ang kanilang numero.

Malakas din ang kutob ni Bishop Pabillo na malamang magpatawag ng Barangay Assemply para maitulak ang charter change, tulad ng ginawa noon ng administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo. Unfortunately hindi nagtagumpay si GMA na tumagal ng siyam na taon sa Malakanyang, 2nd longest-served President kasunod ni Marcos Sr. (21 years).

Obviously, may masamang motibo ang nasa likod ng Charter change: Isa rito ay ang palawigin ang termino nilang mga nakaupo at balewalain ang power ng Senado.

Tama si dating Congressman Erin Tanada: Hindi problematic ang 1987 Constitution, ang mga politiko ang problema.

“There is nothing wrong with the 1987 Constitution. It hasn’t failed the Filipinos. Its is the majority of the elected officials in the Congress from 1987 to the present who failed the Filipinos by putting their interests ahead of those from the marginalized sectors.”

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*******************************************************************

MGA BULLY NA TSEKWA SA WPS BUMAHAG ANG BUNTOT NG MAG-JOINT MILITARY PATROL ANG PINAS AT US SA EEZ 

Nag-mistulang binatang nakadungaw sa bintana habang dumaraan ang magandang dilag sa kalsada ang naging papel ng dalawang Chinese warhips na missile destroyer na Hefei at frigate Huangshan habang nagsasagawa ng Joint Maritime patrol ang dalawang barkong pandigma ng bansa na BRP Gregorio Del Pilar at BRP Davao Del Sur sa West Philippine Sea.

Hindi nakaporma ang puwersa armada ng China sa nakagawian nitong pambabalahura’t pang-aapi sa ilang barko ng Pinoy bunsod sa kasama nito ang US 7th Fleet, guided missile cruiser at dalawang destroyer sa pagpapatrolya sa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa sa WPS.

Patunay ito na bahag ang buntot ng Tsino kapag kadikit ng puwersa natin ang mga dambuhalang barko ng US na sadyang itinuturing pa ring pinakamalakas sa larangan ng military power sa sanlibutan.

Bagaman binira ng China ang pagsasanib puwersa ng US at ‘Pinas kaugnay sa Joint Maritime patrol subalit maliwanag pa sa sinag ng buwan na hindi kailanman kayang banggain ng abusadong Instik ang kapwa niya superpower na Amerika na anomang oras ay sumasaklolo sa atin sa panahon ng kagipitan.

Sa totoo lang, bilib na bilib ang sambayanan kay Pangulong Bongbong Marcos na walang ibang ginamit na stratehiya kundi ang isiwalat sa buong mundo ang pambababoy at pang-aapi ng China sa mga kababayang mangingisda sa WPS kung saan umani ito nang simpatiya mula sa iba’t-ibang bansang kaalyado man o hindi.

Mas lalo pang lumutang ang pagiging mautak ng ating Pangulo makaraang palakasin pa nito ang relasyon ng bansa sa US na sadyang sanggang-dikit na natin mula noon hanggang ngayon.

Kunsabagay, ang pakikipagtulungan ng US sa bansa ay kaakibat sa “Mutual Defense Treaty” nito na matagal nang nilagdaan kaya naman kahit ano pang ingakngak ng China sa isinasagawang pagpapatrolya sa WPS laban sa atin, ligal at makatuwiran ito alinsunod sa kasunduan ng dalawang bansa.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*******************************************************************

PAGHANDAAN NA DAPAT NG MARCOS ADMIN ANG NAPAPABALITANG BAGONG COVID-19 OUTBREAK AT NG HINDI NA TAYO MULING MAGMUKHANG NGA-NGA!

Kamakailan ay sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na malabo umanong makaranas muli ang Pilipinas ng malakihang COVID-19 outbreak.

Ito ay sa kabila nang naitatalang pagtaas ng mga bagong kaso ng sakit nitong mga nakalipas na araw.

Ang basehan ni Herbosa ay mahigit 74 milyong Pinoy na umano ang nakatanggap ng proteksiyon mula sa COVID-19 vaccines.

Mayroon na rin aniyang nasa limang milyong indibidwal ang nakakuha na rin ng natural na depensa ng katawan laban sa coronavirus matapos na dapuan sila ng naturang karamdaman.

“I don’t think there will be large or huge outbreak that will stress the health system,” sabi ni Herbosa sa isang panayam sa telebisyon.

Tiniyak din ni Herbosa na mas kumpiyansa na ngayon ang mga doktor kung paano nila gagamutin ang mga bagong kaso ng sakit.

Ayos naman kung positibo ang pananaw ni Herbosa hinggil sa magiging sitwasyon ng bansa sakali man at muling lumaganap ang nakakatakot na sakit na ito.

Hindi natin makaklimutan kung gaano karaming buhay ang kinitil ng Covid-19 dito sa atin at sa iba pang panig ng mundo, at iyong iba pa nga ay personal na mga kilala natin.

Pero sa kabila ng mga sinabing ito ni Herbosa ay dapat huwag pa rin tayong maging sobrang kampante at gawin pa rin natin ang lahat ng kinakailangang pag-iingat.

At sa panig naman ng pamahalaan ay maging handa rin dapat sila sa mga potensyal na panganib na dala ng Covid-19.

Ngayon pa lang ay dapat palakasin na nila ang ating public health care system sa pamamagitan ng pagtitiyak na mayroon tayong sapat na bakuna at mga doktor at narses na titingin sa mga pasyente.

Lalo pa ngayon at malapit na ang Bagong Taon kaya kabi-kabila ang mga party at pagtitipon ng mga tao lalo na sa mga mall at mga pampublikong pasyalan.

Mainam naman na may kumpiyansa ang ating mga lider tulad ni Herbosa pagdating sa paglaban sa Covid-19.

Pero kahangalan ang puro kumpiyansa lang kung hindi sasamahan ng kaukulang paghahanda at nararapat na pag-iingat.

Lalo’t higit na may isang bagong variant ng Covid -19 na mabilis na kumakalat ngayon sa Estados Unidos na kung tawagin ay JN.1.

Masusing binabantayan ng Center for Disease Control ang variant na ito na sinasabing responsable sa pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa US simula pa noong Setyembre.

Kaya naman ay huwag sanang balewalain ni Herbosa at ng iba pang mga lider natin sa pamahalaan ang panibagong bantang ito sa ating public health care system.

Iba pa rin iyong lagi tayong handa sa lahat ng maaaring mangyari, para hindi tayo magmukhang mga kumag at nga-nga.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*******************************************************************

TAMA LANG NA GISAHIN SA SENADO ANG MGA ABUSADO AT ILIGAL NA GAWAIN NG MGA ONLINE LENDING!

Ramdam ni Senator Risa Hontiveros ang paghihirap ng mga Pilipino na kapag nagigipit ay sa online lending companies na pawang iligal at abusado lumalapit.

Kaya naman ang senadora ay naghain ng resolusyon sa Senado na humihimok sa kanyang mga kasama na imbestigahan ang iligal na gawain lalo na ang pamamahiya sa mga kliyente ng mga online lending firm.

Maliit lang na halaga ang nahiram ng nagigipit na kababayan natin pero ang interes na kanilang binabayaran ay napakalaki bukod pa na kapag hindi sila nakabayad ay nakararanas ng panliligalig ng kompanya at mga bastos na salita.

May pagkakataon, anang mambabatas, na isang lending company na umano’y nagpadala ng funeral hearse (karo sa tagalog) sa tirahan ng isa sa mga umutang na may overdue loan, kasama ang banta: “Walang nakukulong sa utang, pero may namamatay.”

Iginiit pa ni Hontiveros na sandamakmak na mensahe at tawag sa mga listahan ng contact kung saan nagbibigay ang mga ito ng maling impormasyon, kahihiyan at paninirang-puri.

Talaga namang nakaeenganyo ang mga ‘offer’ sa kanilang advertisement ng online lending companies na nagsasabing napakaliit lang ng kanilang interes sa araw-araw.

Pero kapag nakautang, hindi na maiiwasang pumalya sa pagbabayad dahil sa minsang hindi maiiwasang dahilan o pangyayari at doon na nga nakararanas ang nanghiram ng salapi ng mga pangha-harass ng nagpautang na kompanya.

Ayon kay Hontiveros, umaabot ng 15 porsyento bawat buwan ang interes na ipinapatong ng mga kompanyang ito na karamihan at hindi pa nga nakarehistro at walang mga kaukulang permit o papeles lalo na sa Securities and Exchange Commission.

Binanggit ni Hontiveros ang mga ulat mula sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group  na ang karaniwang mga may kagagawan ng kawalang-hiyaan sa ating mga nagigipit na kababayan ay foreign-based entities.

Dagdag pa ng senadora na ang karamihan sa mga nagpapahiram ay buhat sa Mainland China kung saan ang mga ito ay gumagamit ng mga listahan ng contact sa telepono ng kanilang mga borrower ligaligin o i-harass ang kanilang mga kasamahan, pamilya, at mga kaibigan.

Nagtataka lang si Hontiveros na sa kabila ng SIM Registration Act (R.A. No. 11934) at ang pagsisikap ng PNP-ACG, National Privacy Commission (NPC), at SEC na i-regulate ang pagsasagawa ng mga online lending company, patuloy na lumalaganap ang iligal at hindi patas na mga gawi sa pangongolekta ng utang.

“Ang mga mapang-abuso at iligal na mga gawi sa pangongolekta ng utang ay dapat imbestigahan, at nararapat na maisabatas ang mga naaangkop na hakbang upang matugunan ito,” katwiran ni Hontiveros.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*******************************************************************

ANONG MERON SA PNP AT NAIBABALIK PA RIN SA SERBISYO ANG MGA SINIBAK NANG MGA SCALAWAG NA PULIS? 

Kung magiging mabilis lang sana ang proseso ng batas sa ating bansa, hindi siguro mangyayari na magkaroon pang muli ng karahasan na ang nasasangkot ay mga taong unang nahaharap sa asunto.

Ilang beses na bang nangyari na nasangkot muli sa kaso ang isa pa namang alagad ng batas na una ng nasampahan ng kaso at nairekomendang masibak sa tungkulin pero nananatili pa ring nasa serbisyo dahil sa isang tambak na remedyo.

Kung inyong natatandaan, isa sa mga pulis na sangkot sa pamamaril sa naganap na “mistaken identity” noong Agosto 2 sa Navotas City na ikinasawi ng 17-anyos na si Jemboy Baltazar ay dating nasangkot sa usapin at inirekomendang sibakin sa puwesto.

Pero dahil umapela ang pulis, nakabalik siyang muli at nasangkot sa palpak na operasyon nang walang habas na paputukan ang kawawang biktima na tumalon sa ilog sa takot sa mga pulis.

Siguro naman, hindi na makababalik sa puwesto ang mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Jemboy lalo’t  matibay ang ebidensiyang laban sa kanila.

Iba naman ang kaso ni  LtCol. Mark Julio Abong na dinismiss sa serbisyo ng People’s Law Enforcement Board  ng Quezon City dahil sa kasong hit-and-run na ikinamatay ng tricycle driver na si Joel Laroa noong Agosto 6, 2022.

Dahil abogado, alam ni Abong ang kanyang mga karapatan at remedy sa kanyang ginawa upang  manatili pa sa puwesto. Iyon lang, hindi sa pagiging hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District naitalaga si Abong kundi sa dati niyang puwesto sa Legal Service ng Philippine National Police  bilang isang abogado.

Sa panuntunan ng PNP, hindi binibigyan ng service firearm ang mga nakatalaga sa Legal Service pero may pribilehiyo pa rin silang magkaroon ng sarili niyang armas na lisensiyado ng Firearms and Explosive Division.

Nailabas ng PLEB ang kautusan sa pagsibak sa serbisyo kay Abong subalit kailangang rebisahin ng National Police Commission at nang malaman ni Abong na lalabas na ang desisyon, kaagad siyang naghain ng motion for reconsideration upang manatili pa rin sa serbisyo.

Ibinasura ng Napolcom ang apela ni Abong subalit  kailangang marebisa ng Department of Interior and Local Government kaya bago lumabas ang desisyon, nasangkot ang opisyal sa panibagong karahasan.

Siguro, kung mabilis lang ang pag-usad ng hustisya sa ating bansa, kahit pa makapangyarihan, mapera at maalam sa batas ang nasasangkot, hindi na makagagawa nang karahasang makasisira sa imahe ng PNP.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*******************************************************************

BAKIT TAKOT NA TAKOT SI VP SARA SA IMPEACHMENT?

Sa wakas ay nagsalita na rin mismo si Pangulong Bongbong Marcos Jr. patungkol sa isyu ng umanoy tangkang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Mismong si Pangulong Marcos Jr. ang nagbuking na mayroong banta ng impeachment laban kay VP Sara.

Pero tiniyak ng Pangulo na hindi daw nya papayagan na ma-impeach ang kaniyang VP at education secretary dahil hindi daw ito nararapat.

Nilinaw ni Pangulong Marcos Jr. na normal na naman daw sa kanilang matataas na opisyal ang nasasampahan ng kasong impeachment pero sa pagkakataong ito ay kanyang babantayan daw at hindi pahihintulutan.

Dahil dito ay naglabas agad ng pahayag sa publiko si VP Sara na nanatili daw ang kaniyang tiwala sa Pangulo dahil nagbigay ng katiyakan na hindi uusad ang impeachment sa House of Representatives.

Pero bakit kailangang matakot si VP Sara sa anuman banta ng impeachment kung wala naman itong ginawang lantaran na pag labag sa Konstitusyon na maaring maging dahilan ng papapatalsik sa puwesto.

Kung walang nilabag na batas ay kahit pa magsampa ng impeachment ang mga mambabatas ay hindi ito magtatagumpay.

Pero sa tindi ng dumi ng politika dito sa Pilipinas ay mahirap nga naman na maging kampante si VP Sara kahit pa wala siyang ginawang paglabag sa batas.

Dito sa Pilipinas ay nagagawang baluktutin ang tuwid o ang mali ấy gawing tama dahil nga sa maruming uri ng politika at mga politiko sa bansa.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*******************************************************************

TUMATAAS ANG KASO NG CYBER-BULLYING AT BULLYING SA MGA PAARALAN!

Kamakailan ay ginunita ang “Interna­tional Day against Violence, Bullying at School including Cyberbullying”.

Ayon sa pag-aaral ng PISA o Program for International Student Assessment, nasa 65% ng mga estudyante partikular sa high school level ang nakaranas ng bullying sa eskwelahan.

Napakataas ng bilang na ito sa 79 na bansa kung saan kinuha ang mga datos na karamihan ay nasa 23% lamang.

Ang bullying ay ang paulit-ulit na pananakit na maaaring pisikal, verbal, panu­nuya, pamamahiya, at iba pa. Maaari rin na social attacks sa pamamagitan ng internet at social media na mas kilala bilang cyber­bullying.

Bullying man o cyberbullying, hindi ito tama, at may masamang epekto sa kapwang ginagawaan ng ganitong klase ng pagmamalupit.

Batay sa pag-aaral, ang mga taong nambu-bully ay mga taong may pinagdaraanang emotional trauma, mataas ang insecurity, nakaranas din ng bullying sa kanilang buhay at nais na maghiganti sa iba, mayroong poor social skills, walang malasakit at pakialam sa kapwa-tao, at madalas ay may magulong pamilya.

Sa datos ng DEPED o Department of Edu­cation, may naiulat na 11,637 na insidente ng bullying sa iba’t ibang paaralan sa bansa noong school year 2019 hanggang 2020.

Pero hindi naniniwala si senator Sherwin Gatchalian na siyang chairperson ng Senate Committee on Basic Education and Culture na ito ang kabuuang bilang, para sa kanya, nasa 40% lamang ito ng tunay na mga kaso ng bullying sa mga paaralan.

Mas nais ng senador na mahigpit na ipatupad ng DEPED ang mga probisyon ng Republic Act No. 10627 o ang Anti-Bullying Act of 2013.

Sabi pa ng DEPED, ang kadalasang klase ng bullying na nararanasan ng mga mag-aaral ay –

– Physical bullying, 56.79%;

– Social bullying, 25.43%;

– Cyberbullying, 6.03%;

– Gender-based o Gender-biased, 5.92%; at

– Retaliation o pagganti, 5.83%.

Kailangan din umanong pag-aralan ng kagawaran ang pagkakaroon ng “discreet reporting” para sa proteksyon ng mga saksi na nais mag-ulat ng karahasan.

Nababahala ang senador na kung hindi mapipigilan ang bullying ay baka lomobo pa ang naitalang 404 na kaso ng mga nag-suicide na mga estudyante na pawang dumaan sa pambu-bully o madagdagan ang 2,147 na nagtangkang magpatiwakal.

Maliban sa pagkawala ng kumpiyansa, bumababa din ang grado ng mga mag-aaral na dumaranas ng bullying, at humahantong nga ito sa suicide.

Pero ang bullying ay hindi lamang res­ponsibilidad ng mga nasa DEPED partikular ng mga guro sa paaralan kundi maging ng mga magulang at ng buong school commu­nity.

Ayon sa mga eksperto, may mga mani­pestasyon na ang isang bata ay dumaranas ng bullying. At kapag nakita ng magulang ang mga palatandaang ito, huwag nang hintayin pang magsumbong ang anak, dapat na kaagad na kausapin ang guro at mga kaklase para mabigyang-lunas ang kanilang pinagdaraanan.

Kahit kailan, ang karahasan ay walang nagagawang mabuti sa tao. Kaya dapat iwaksi, tutulan at labanan ang bullying at cyberbullying sa mga paaralan at sa internet.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*******************************************************************

NAG-PANIC NGA BA SI PBBM SA UMUGONG NA DESTABILIZATION PLOT SA KANYANG ADMINISTRASYON?

Tunay nga bang nangatog ang mga tuhod ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa maugong na kudeta na posibleng ilunsad ng ilang dismayadong kasundaluhan laban sa kanyang administrasyon?

Ito ang impormasyong ating nakalap mula sa ating mga impormante diyan sa Palasyo.

Nagpanic umano si PBBM makaraang masagap ng “Intel community” ng AFP ang nasabing destabilization plot laban sa halos magdadalawang taong administrasyon ng batang Marcos.

Nag- ugat ang ugong ng kudeta makaraan umanong sunud-sunod na makalap ng AFP ang mga pagpupulong ng ilang junior officers ng AFP sa imbitasyon na rin ng ilang retiradong general ng armed forces at ng kapulisan.

Nabahala rin ang liderato ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. patungkol naman sa positibong report na ilang miyembro at opisyales ng kasundaluhan ay spotted sa Sept.21,2023 Martial Law Proclamation anniversary rally na isinagawa ng anti-Marcos groups.

Lalong uminit ang isyu ng destabilisasyon sa hanay ng AFP makaraang harapang manawagan si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mamamayang Piliipino na wag magbayad ng buwisit hangga’t di nagsasagawa ng full audit ang Commission On Audit (COA) sa mga miyembro ng Kongreso na harapan namang kumakalaban at kumukuwestiyon sa tanggapan ng kanyang anak na si Vice President Inday Sara Duterte.

Para kasi kay FPRRD, pinipersonal at pinupulitika ng ilang miyembro ng Kongreso sa pamumuno ni House Speaker Martin Romualdez, pinsan naman ni PBBM ang bise presidente.

Kinukuwestiyon ng Kamara at nga mga kaalyadong mambabatas ni Speaker Romualdez ang “confidential o intel fund” ng Office of the Vice President (OVP) ni Inday Sara.

Tingin ni FPRRD, pinupuna ang kanyang anak dahil tinatarget ito para siraan dahil sa papalapit na presidential elections sa 2028 kung saan nangungunang contender para tumakbong Pangulo ng bansa si VP Sara.

Tinukoy ng kampo ng mga Duterte si Speaker Romualdez na binansagang Tambaloslos bilang nasa likod ng demolition job laban kay Vice President Sara gamit ang ilang miyembro at resources ng Kongreso.

Samantala iniulat din na may mga meetings o pagpupulong ding naganap sa pagitan ng tatlong umano’y former Presidents ng bansa na sina Duterte, GMA, at Erap Estrada nitong dalawang nagdaang buwan ng Setyembre at Oktubre ngunit di naman sinabi kung may kaugnayan ito sa tsismis na kudeta o pagpapatalsik sa poder kay PBBM.

Sa nabanggit na mga meetings present din umano ang ilang aktibo at retiradong general ng sandatahang lakas.

Dismayado rin umano ang kasundaluhan sa klase ng pamamalakad ni Marcos Jr. sa pamahalaan.

Lalong nakakabahala ay ang balita na marami sa mga miyembro ng mismong Presidential Security Group (PSG) ang umano’y masama ang loob at galit sa asal at trato sa kanila ni First Lady Liza Araneta Marcos na umano’y mistulang mga pribadong security guards lamang ng pamilya Marcos ang trato sa elite members ng PSG tasked to secured the first family.

Sinisigaw- sigawan umano at inuutos–utusan lamang ni FL Liza ang mga ito na para bang mga katulong at personal na “julalay”.

Saksi rin umano ang PSG sa mga magarbo, magastos, mayabang at bonggang mga parties na ginagawa sa loob ng Palasyo habang dumadaing at nagsusumigaw sa hirap ng buhay ang maraming ordinaryong Pilipino.

Isa umano sa mga isyu ang di pantay na estado ng mahirap at mayaman sa ating lipunan na nais i-address ng mga dismayadong kasundaluhan

Kung ganitong mistulang alila ang turing ni FL Liza sa mismong mga miyembro ng PSG, masasasabi natin na maaring may problema nga.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*******************************************************************

INDAY TULUYANG NAGKAKALAT, TO THE RESCUE ANG AMA NAGKALAT DIN!

Tuluyan nawala ang bait ni Misfit Sara, ang pulitiko mula Davao City. Dahil sa tindi ng public pressure para ipaliwanag ang nabalitang paglustay (o pagbulsa?) ng P125 milyon sa loob ng 11 araw noong 2022, hindi na hindi nagsalita ng maayos ang dating alkalde ng Davao City. Inday Kalat na itinawag sa kanya.

Dahil sa tindi ng public pressure, minarapat ng Kamara de Representante na tuluyang alisin ang panukalang confidential fund na may kabuuang halaga ng P650 milyon sa OVP (P500-M) at Deped (P150-M) sa panukalang national budget para sa 2024. Ipinanukala na ilipat ang halaga sa mga sangay ng gobyerno na humaharap sa usapin ng national security.

Hindi nalalayo sa isang paslit na inagawan ng kendi si Misfit Sara. Nagwawala sa galit, bumbula ang bibig, at sa tindi ng pagkayamot at galit sa mundo, nawalan ng matwid. <Kung ano-ano ng salita ang lumabas sa bibig ni Misfit Sara. Hindi bagay sa isang tao na tumatayong pangalawang pangulo. Mistulang maton sa kalyehon.

Inakusahan ang mga pulitiko nag-alis sa panukalang confidential fund sa dalawang sangay na nasa ilalim niya na pamumulitika. Hindi pamumulitika iyan, Misfit Sara. Dahil hindi niya nabigyan ng sapat at kapani-paniwalang paliwanag ang nakatakdang confidential fund, inalis ito sa kanyang pangangasiwa. Hindi kasi malayo na nanakawin lang niya ang salapi ng bayan.

Nagsumbong sa ama na tila nababaliw si Misfit Sara. Tulad ng nakagawian, nagmura sa galit si Gongdi. Tinakot si Rep. France Castro ng ACT Teacher party List Group, ang mambabatas na nagsiwalat ng hindi maipaliwanag na paglustay sa salapi ng bayan. Ngunit sumablay si Gongdi sa kanyang drama. Pinagtawanan at nilibak siya dahil laos na siya.

Nakialam rin ang utusan na si Harry Roque. Dahil hindi naiintindihan ng ganap ng patapon at pipitsugin na si Harry ang isyu, sumabit at tulad ni Gongdi, pinagtawanan dahil sa kawalan ng katwiran. Walang matakbuhan si Misfit Sara kahit tumulong sa kanya si Bato dela Rosa, ang isa pang pipitsugin at patapon na mambabatas na walang alam sa mga isyu ng bayan.

Nakialam na si Bong Go, ang mambabatas na walang winning face. Idinepensa rin siya ni Alan Peter Cayetano na tinawag na Cawatano sa social media. Sa maikli, mga pipitsugin at patapon ang resbak ni Sara. Walang matino at magaling na pulitiko ang sumuporta sa kanya. Pawang lumalayo ang mga pulitiko na may paggalang sa sarili at kilalang may paninindigan. Pawang mga oportunista ang pumanig sa kanya.

Sa huli, lumabas sa eksena si Misfit Sara. Pinagbintangan ang mga mambabatas na pumatay sa kanyang confidential fund na namumulitika. Pilit na pinaalalahanan ang mga kalaban na 2028 pa ang halalan. Hindi namin alam kung matino ang isip ni Misfit Sara. Mukhang nasisiraan ng ng bait. Tuluyan ng nawala sa tamang pag-iisip si Misfit Sara.

Ipinipilit na halalan ang isyu sa pagkawala ng kanyang panukalang confidential fund. Nakalimutan niya na accountability ang isyu dahil hindi niya naipaliwanag ng ganap at maayos kung paano gagamitin ang napakalaking halaga. Pera na naging bato pa, ito ang dahilang bakit bumubula ang bibig ni Misfit Sara sa ginawa sa kanya ng mga dating kaibigan.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

MAY POSIBILIDAD BA NA MANGYARI ANG CHINESE SILENT INVATION SA ATING BANSA?

Sa posibleng ‘Silent Chinese Invasion’ ay hindi gaanong pinapansin at binibigyan ng atensyon ng ating pamahalaan.

Siguro naman kabayan narinig nyo na ang kwento mula sa ating mga Lolo at Lola ang biglang pagdating ng mga Japanese sa maraming dako ng bansa noong taong 1940s na di gaanong pinansin at binigyan ng atensyon ng ating mga lider noon.

Tulad ng mga ginawa ng Intsik na pagnenegosyo ng taho, bakal, bote at dyaryo noon na kahit na nakatitikim ng diskriminasyon, walang angal ang mga dumayong Hapones.

Marami pala sa mga pumuntang Hapones sa bansa noon ay mga espiya; mga may ranggo sa Japanese Army at palihim na nagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa politika, ekonomya at military. Kaya madaling nasakop ng Japanese army ang Pilipinas sa pagsiklab ng WWII nang tumanggi tayo na sumapi sa Asia Co-Prosperity Program ng Japan.

Isa na pala ‘yon sa “silent invasion” ng Japan, at malaki ang panganib na maulit ito.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*******************************************************************

PURO KAHIHIYAN ANG IBINIBIGAY NG OTS NG NAIA SA ATING BANSA TSOKOLATENG DOLYAR INUPAKAN NG GANID NA TAUHAN NILA!

Kamakailan ay na hulicam sa umano’y paglunok ng dollar bills na nagmula raw sa wallet ng isang pasaherong Chinese, naghain ng counter-affidavit ang babaeng scanner sa Office of Transportation Security (OTS) upang igiit na chocolates daw ang kinakain niya nang mga oras na iyon.

Lantarang insulto naman ‘yun sa katalinuhan natin. Malayong-malayo ang lasa ng cocoa sa one-hundred-dollar bills. Kahit magtanong pa siya sa bata, sasabihin nito sa kanya ang lasa ng chocolate gold coins! Akala ko maglalabas siya ng magic trick kinabukasan at ibibida sa ‘TikTok’ kung paanong dolyar ang pumasok sa kanyang katawan, pero peso bills na nang lumabas.

Sa totoo lang, Hija, ang diet mo ay parehong hindi ligtas, o masama sa kalusugan, at iresponsableng pangangasiwa sa pera. Ang paglunok ng perang papel o pagkain ng matatamis sa sapilitang pagsasalaksak nito sa lalamunan gamit ang mga daliri, na susundan ng paglagok ng tubig, ay hindi ang tamang pagkain ng chocolates ng mga kakilala kong mahilig dito.

Ikinagulat natin ang video, maging ni Transportation Secretary Jimmy Bautista, na mistulang mas tinamaan pa nang hiya sa seryosong implikasyon ng sitwasyon sa Ninoy Aquino International Airport  kaysa mismong OTS.

Ang NAIA, ang premier gateway ng ating bansa, at sobrang kahiya-hiyang nangyaring ito na hindi lamang kumakatawan sa airport kundi maging sa ating mga Pilipino.

Hindi pa rin nasasagot ang tanong: sino ang nagnakaw ng pera at sino ang dapat managot? May isa pang ideya: Tanungin na lang kaya natin si Vice President Sara Duterte kung pareho rin ba ang nangyayari sa confidential at intelligence funds – kinakain ‘tsaka mananahimik.

Dagsa ang apela na patawan ng pinakamatinding parusa ang babaeng scanner, hindi simpleng tapik-sa-kamay na suspensiyon, upang malinaw ang mensahe na ang ganitong gawain ay hindi kailanman kukunsintihin.

Umasa tayo na magsisilbing wake-up call at paalala ang insidenteng ito na hindi karapat-dapat ang mga ganitong kahihiyan sa ating mga paliparan.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*******************************************************************

DAPAT NA IPATUPAD NG LTO ANG NO GARAGE, NO CAR POLICY!

MatagalL nang naisabatas itong ‘No Garage, No car Policy’ na ang layunin ay malimitahan ang pagbili ng sasakyan ng mga walang sariling parking, na nagiging dahilan ng obstructions sa mga kalye.

Dahil nga sa pagsikip ng mga kalye partikular secondary roads na ginawa nang paradahan kabilaan ng mga may sasakyan na walang sariling parking sa kanilang tahanan, hinihikayat ngayon ng Liga ng Trasportasyon at Operators (LTOP) ang Land Transportation Office (LTO) na ipatupad na ang batas na nagbabawal mairehistro ang mga sasakyan kung walang sariling parking area.

Sabi ni LTOP President, Orlando Marquez, dapat i-require ng LTO ang parking sa mga nagpaparehistro ng sasakyan. Ito lamang kasi ang matibay na paraan para maibsan ang pagkakaroon ng matinding traffic sa mga kalye sa Kamaynilaan. Mismo!

Para anupa’t pinanday ang batas na ito kung hindi naman paiiralin?

Sa Tondo lamang, sa mga secondary road, hindi magawang magsalubungan ang mga sasakyan dahil sa mga nakaparadang sasakyan kabilaan. Kahit tricycle nga nahihirapang makalusot kapag nagsalubong.

Kaya suportado natin itong panawagan ng LTOP na ipairal na ng LTO ang ‘No Parking, No car Policy’. Now na!

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*******************************************************************

NAGBABALA ANG CDC SA KUMAKALAT NA FLESH-EATING BACTERIA!

Nagbigay ng babala ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng United States sa isang bagong impeksyon na maaa­ring maidulot ng mapanganib na Vibrio vulnificus na isang flesh-eating bacteria. Ang kagandahan lang, wala pang naitatalang kaso ang Department of Health (DOH) sa Pilipinas.

Sa datos ng CDC nasa 80,000 ang naitalang kaso sa buong US noong taong 2021 kung saan ay nasa 200 na ang nasasawi. Isa itong uri ng bacteria na maaaring pumasok sa katawan ng tao sa pamamagitan ng pagkain ng hilaw o hindi gaanong lutong shellfish katulad ng tahong, ta­labang tsinelas, suso, hipon, at iba. Maaari na rin sa bukas na sugat na matagal na nakababad sa maruming tubig-alat.

Nagdudulot ito ng karamdamang vibriosis na mabilis na nagreresulta sa sepsis at pagkakaroon ng blisters na sumisira sa tissue. Ilan sa mga sintomas nito ang matubig na dumi, pananakit ng sikmura, pagsusuka, mataas na lagnat, sipon, panginginig, pagkahilo, panghihina ng katawan, pagkakaroon ng red spots sa balat, pagkakaroon ng low blood pressure, mabilis na heart rate, at pamumula ng tenga o ng anomang sugat na may pangi­ngirot. Mararamdaman ang mga sintomas mula labingdalawa hanggang dalawampu’t apat na oras na maaaring tumagal ng isa o hanggang pitong araw.

Mabilis ang epekto ng vibriosis, mula sa bituka ay kaagad ntong naaapektuhan ang mga ugat at iba pang mahalagang organs. Madalas itong umaatake sa panahon ng tag-init kung saan ay lubhang mataas ang temperatura ng karagatan. Ang vibriosis ay magdudulot ng hemorrhage o internal bleeding, sepsis, septic shock, Thrombocytopenia (kakulangan ng platelets sa dugo), necrotizing fasciitis na isang serious skin infection, at pagkasira ng mga pangunahing damage.

Kaagad na lumalala ang sitwasyon ng isang tao kung siya ay mayroong cirrhosis, Hemochromatosis, Chronic kidney disease, at diabetes. Malalaman kung tinamaan ang isang tao ng vibriosis sa pamamagitan ng pagkuha ng blood sample, stool (poop), sputum, tissue o fluid mula sa mismong sugat.

Naagapan naman ng antibiotics ang impeksyong dulot ng Vibrio vulnificus kabilang ang Doxycycline, Ceftazidime, Cefotaxime, at Ciprofloxacin. Pero kapag pinabayaan, ito na ang mga maaaring gawin –  surgical debridement, amputation o pagputol ng apektadong bahagi ng katawan, pagtutuyo ng mga tubig na naipon sa mga blister, at pagsasagawa ng oxygen therapy.

Maiiwasan ang pagkakaroon ng Vibrio vulnificus sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagkain nang hilaw o hindi gaanong lutong shellfish lalong-lalo na ng talaba, paghuhugas ng kamay bago humawak ng anomang shellfish o pagsusuot ng gloves, iwas sa madalas na paliligo sa dagat lalo na kapag mayroong bukas na sugat, at kung hindi naman maiiwasan ay linising mabuti ang sugat na naibabad sa tubig alat.

Bagama’t wala pang naitatalang kaso sa bansa, ipinapayo ng DOH ang pag-iingat sa palilgo sa dagat lalo na kapag tumindi na lalo ang epekto ng El Niño weather phenomenon na inaasahang mangyayari sa huling bahagi ng taong 2023 hanggang unang bahagi ng taong 2024.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*******************************************************************

NCRPO NAGTALAGA NG CYBER CRIME DESKS SA MGA POLICE STATION SA METRO MANILA

Sa lahat ng mga dumaranas nang pagbabanta o pananakot mula sa iba’t ibang social media sites ay nagtalaga ang NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE (NCRPO) ng mga Cybercrime desk officers sa lahat ng police stations sa Metro Manila para sa pag-asiste sa lahat ng uring paglabag sa Cybercrime act.

Sa liderato ni NCRPO Director, BGen. Jose Melencio Nartatez Jr ay maglalagay na ng Cybercrime Officers sa lahat ng Police Stationsat Sub-Stations upang hindi na maging malayo ang pupuntahan ng mga nabibiktima ng social media scammers.

Lalo na ngayong makabagong panahon na naglipana ang mga Online Loans na ilang minuto lang ay maaaprubahan at matatanggap na ang perang uutangin ng sinumang gustong mag-loan.., na kung madelay ang pagbabayad ay sunod-sunod na ang matatanggap na pagbabanta at pamamahiya ang gagawin ng credit collector sa mga taong nangutang.

Kung sino man ang daranas ng ganitong mga pangha-harass mula sa text nessagings o mga social media sites ay magtungo lang ang sinuman sa pinakamalapit na Police Stations sa Metro Manila at may mga agarang aasisteng team ng cybercrime Police Officers .., na dapat ay ipatupad din ito sa buong bansa na ang lahat ng police stations ay malagyan ng Cybercrime Desk Officers!

Napag-alaman mula sa tanggapan ni NCRPO-Regional Investigation & Detective Management Division Chief Col. Celso Rodriguez na mayroong 236 Police Officers ang sumailalim sa Basic investigation training para sa cybercrime.., na ang mga ito rin ang maitatalaga sa Metro Manila Police Stations.

Inihayag naman ni Department of Information & Communication Technology (DICT) Cybercrime Investigation and Coordinating Center Executive Assistant Director Secretary Mary Rose Magsaysay na malaking katulungan sa publiko ang ginawang pagbuo ng NCRPO para sa cybercrime desk officers team.. na aniya ay laan para matulungan ang mga nabibiktima ng social media scammers, Threats at iba pang mga pangha-harass sa pamamagitan ng mga social media sites tulad ng Facebook, messenger, twitter, viber, text messaging at iba pa.

“Whether technology proliferates in the negative or in the positive way at least the communities had someone to ask what to do–a hand to hold on to, and open heart to reach out to. and that is for the public what is most important. In fact we have a lot of projects together with the NCRPO because we feel that they are mature in terms of implementation in a lot of police works,” pahayag ni ASec. Magsaysay sa naging panayam ng ilang media practitioners kamakailan.

Base sa datos, ang cybercrime ay tumaas ng 300% lalo na nitong nagdaang covid pandemic dahil sa kagagawan ng mga TIWALI o mapagsamantala sa larangan ng social media.., na sana, sa mga susunod na araw ay maraming cybercrime offenders ang masakote ng ating law enforcers!

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*******************************************************************

MAGTAGUMPAY KAYA ANG WARRANTLESS ARREST VS VOTE BUYING/SELLING?  

Malinamnam pakinggan itong panawagan ng Commission on Elections (Comelec) na ‘warrantless arrest’ laban sa mga nagbebenta at namimili ng boto para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Pero away lang ang ibubunga ng warrantless arrest, Comelec Chairman George Garcia. Oo! Subukan mong arestuhin kahit ang kakilala na nagbebenta ng kanyang boto at ang namimili ng boto, tiyak bugbog ang aabutin mo, baka masaksak o mabaril ka pa.

At napakahirap manghuli ng nagbebenta at namimili ng boto, maari kasing sabihin nung mga taong sangkot na nangungutang o nagbabayaran lang sila ng utang. Maari ring gawing palusot na bayad ito sa kung anong binili o pinagbentahan.

Napakahirap ding iakyat o ipanalo sa korte ang vote buying/selling kung walang matibay na ebidensiya. Hindi puwede na basta lang sabihing nakita mong nagkaabutan ng pera. Saan ang ebidensiya?

Kahit video ng pag-aabutan ng pera ay mahinang ebidensiya. Kasi maaring sabihin ng mga nasasangkot na ang perang ibinigay at tinanggap ay kabayaran lang sa utang o hiram.

Kaya malabo pa sa ata ng pusit na mangyari itong warrantless arrest kontra vote buying/selling. Eh kung mismong mga pulis at taga-Comelec nga nahirapan manghuli ng mga nagbebenta at namimili ng boto, ang mga ordinaryong mamamayan pa kaya.

Hindi rin oobra ang binuong ‘Committee Kontra Bigay’ ng Comelec at Anti-Money Laundering Council (AMLAC) kungsaan sisilipin daw ang e-wallet tulad ng GCash. Sus! Eh tig-P300 hanggang P500 lang naman ang ibinibigay ng isang kandidato sa kada botante. Puwedeng irason ng politiko na tulong pambili ng gamot lang yung ipinadala niya sa tao. Mismo!

Ako, ang advise ko sa mga botante mula noon hanggang ngayon, tanggapin ang perang ibinibigay ng politiko at ‘wag siyang iboto. Tapos!

Tutal hindi naman alam nung politiko at kahit ng watchers nila sa prisinto na hindi siya ang ibinoto mo. Ikaw lang na botante ang nakakaalam kung sino ang isinulat mo sa balota, maliban nalang kung kunan mo ng picture sa celpone ang balota at ipinakita sa watchers o kandidato bilang patunay na ibinoto mo siya. Yun ay iligal at doon ka makukulong. Mismo!

Tandaan: Ang kandidato na namimili ng boto yan ay walang gagawing matino kapag nakapuwesto. Ang unang gagawin niyan ay magnanakaw para mabawi ang nagastos sa pamimili ng boto. Pangalawa, hindi ka magkakaroon ng bayag na batikusin ang pinagbentahan mo ng boto, kasi bayad ka! Gets mo, Mr/Ms/Mrs Botante?

Kaya sa Oktubre, simula natin ang maghalal ng maaayos na kandidato para sa barangay government, tapos paigtingin pa natin ito sa national elections sa 2025.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*******************************************************************

PARA SAAN NGA BA ANG INTEL FUND?

Mainit na usapin sa ngayon ang isinumiti nang Department of Budget and Management na panukalang P5.768 trilyon National Expenditure Program (NEP) o pambansang budget ng pamahalaang Marcos para sa taong 2024.

Ang nasabing panukalang pondo ay katumbas ng 21.7 porsiyento ng Gross Domestic Product (GDP) at 9.5 percent din mas mataas keysa P5.268 trilyon na nasa ilalim ng 2023 General Appropriations Act.

Sa kanyang mensahe sinabi ni Pangulong BBM ang nasabing budget ay kailangan para maipagpatuloy ng gobyerno ang layunin nito na maiangat ang antas ng ekonomiya ng bansa alinsunod sa nakapaloob sa Philippine Development Plan for 2023 to 2028.

At base naman sa reaksyon ng mga mambabatas mula sa Kongrso at Senado ay tila malaki ang tsansa na maaprubahan ang mayorya ng mga nakasaad sa budget proposal dahil sa kailangan naman talaga ang mga ito.

Pero may isang item sa proposed national budget na tiyak na dadaan sa butas ng karayom bago makalusot at iyon ang aabot sa P10. 14-B na confidential intelligence fund na hinihingi ng ibat-ibang ahensya ng pamahalaan.

Sa nasabing halaga ay P4.56-B ang hinihingi ng Office of the President (OP) at P500-M naman ang sa Office of the Vice President (OVP).

Bagama’t medyo kontrobersyal at kinukuwestiyon din ng maraming mambabatas at ng publiko ang nasabing mga halaga, inaasahan naman na pagbibigyan ng Kongreso ang kahilingang ito nina PBBM at VP Sara.

Siyempre awtomatik na rin maaprub ang kahilingang intel fund ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of National Defense (DND).

Pero ang mabigat at talagang gustong busisiin ng husto ng mga mambabatas ay ang mga kahilingang intel fund ng Department of Education (DepEd) na nasa ilalim rin ni VP Sara, at Department of Agriculture na pinamumunuan naman sa ngayon ni PBBM.

Maliban sa kanila ay may intel fund request din ang Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang ahensya.

Dahil sa dami ng ahensyang humihingi ng intel fund ay napatanong tuloy si Sen. JV Ejercito kung bakit parang nauso na ang paghingi sa nasabing confidential fund.

“Bakit parang nauso na? Bakit lahat biglang humihingi na ng intelligence fund?” tanong ni Ejercito.

Bakit nga ba? Para sa mga kritiko tiyak na ang sagot na gagamiting lamang ang pondo sa korapsyon lalo pa at hindi ganap na saklaw ng kapangyarihan ng Commission on Audit (COA) ang auditing ng mga pondong ito.

Pero para sa mga sumusuporta sa ideya, ginagamit kasi ang intel fund para mas mabilis na matugunan ang mga isyung specific na nakakaapekto sa particular na ahensya.

Halimbawa sa DA, maliban kasi sa korapsyon at iligal na importasyon ay alam natin na target din ng mga rebelde ang mahihirap na magsasaka at magagamit ng gobyerno ang pondo para mabigyang solusyo ang ganoong problema.

Sa madaling salita , gaya rin naman ng ibang pondo ng pamahalaan , kailangan talaga ang intel fund pero ang importante ay magamit ito sa tama at maayos na paraan na may full disclosure at transparency.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*******************************************************************

SINO ANG RESPONSABLE SA PAGKALAT NG BULOK NA KARNE SA PINAS?

Nabubulok, expired, mishandled. Ito ang paglalarawan sa 175,000 kilong karne na natagpuan sa isang warehouse sa Meycauayan, Bulacan nitong nagdaang araw lamang.

Ginawa ang paglalarawan ni Richard Rebong, CIIS chief, ng Bureau of Customs na nanguna sa pag- raid sa warehouse.

Kasama ni Rebong si National Meat Inspection Service Director III Eduardo Oblena, kinatawan ng Department of Agriculture, Philippine National Police, Philippine Coast Guard at Armed Forces of the Philippines.

Ayon kay Rebong, natagpuang nabubulok at nakalagay lang sa sahig ng warehouse ang mga karne ngunit may mga bagong carton na roon isinisilid ang mga nare-repack at sa huli, ibinebenta sa mga pamilihan o sinomang bumibili.

Sabi naman ni Oblena, niluluto, nirerekaduhan ang mga karne kaya hindi na nahahalata sa masamang kalagayan ng mga ito, sabay babala sa mga restoran at nagtitinda ng mga pares at mami house na iwasan na ang pagbili sa mga ganitong uri ng karne.

May tatak na taong 2021 ang mga karne kaya lumang-luma na talaga ang mga ito.

Habang tinitipa ko ito, mga brad, sinisikmura ako. Paano kung nakakain na ako ng mga ito sa mga mami na itinitinda sa mga kalsada o sa mga mami house?

Ang sarap pa naman dahil napakaiinit ang mga sabaw ng mga ito na lalong sumasarap kapag binudburan ng sili at sinasamahan pa ng mga monay o pandesal.

Paano kung kasama rin ang mga karneng ito sa mga itinitinda sa mga palengke na imported ngunit mura?

Yaaaak! Yaaaak! At yaaaak pa! Anak ng uod at bakterya naman, oh!

Dapat na makilala ang mga may gawa ng importasyon at mga kasabwat nila sa pagpapakalat ng ganitong uri ng pagkain.

Kung may sasabit na mga opisyal ng gobyerno, dapat tanggalan agad ng maskara.

Bilisan din dapat ang pagsasampa ng kaso laban sa mga ito para makulong sila at hindi makaperwisyo sa mga mamamayan.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*******************************************************************


NARARAPAT NA IMBESTIGAHAN NG KAMARA ANG RAID NG PNP SA POGO HUB SA LAS PIÑAS

Dapat imbestigahan ng kongreso ang kontrobersiyal na pagsalakay ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) sa isang POGO hub sa Las Pinas City kamakailan, kungsaan kulang 3,000 empleyadong Pinoy, Chinese, Vietnames at Malaysians ang ni-“rescue” kuno ng mga operatiba.

Pero sinabi ng mga naturang empleyado na hindi sila ni-rescue dahil wala rin namang nagrereklamo sa kanila na sila’y minamaltrato o inaabuso sa pagtatrabaho nila sa naturang POGO company.

Ang tanging rason ng PNP-AKG sa pag-raid sa Xinchuang Network Technology Inc. na may tanggapan sa gusali ng Hong Tai Compound sa 501 Alabang, Zapote Road, Almanza noong Hunyo 26 (Lunes) ng gabi ay iligal ang operasyon ng naturang POGO hub.

Kung iligal ang POGO hub na ito, dapat may pahayag dito ang Securities and Exchange Commission (SEC).

Marami sa mga trabahador ang nag-post sa Facebook ng kanilang sama ng loob laban sa PNP-AKG. Isa nga sa mga post na viral ngayon sa FB ay ang post ni Princess Ghema Ross Barquin:

“Grabe ang trauma na ginawa nyo sa amin, halos 24 hours ni pagkain, tubig pinagdamot nyo samin. nakiusap kami ng maayos sa inyo pero wala, nagbingi-bingihan kayo. Kinumpiska nyo pa cp namin kaya ni contact sa labas di namin nagawa, gigisingin nyo kami sa ng kahit anong oras, kasagsagan ng pagtulog kami, pipila kami sa labas na para kaming mga preso,ni pagsilip sa pinto ng dorm bawal gawin kasi ang sabi nyo ‘di makakain pag sumilip sa pinto. Isa kayo sa mga tinitingala namin noon pero isa kayo sa mga tumatrato na parang basura at parang preso sa amin na dapat kayo ang tumulong at nag-asikaso at umunawa samin. Mali ang binabalita nyo sa tv, hindi rescue ang ginawa nyo samin. hindi makatao yung ganung trato sa kapwa Pilipino.”

Isa lamang ito sa napakaraming post sa FB ng mga trabahador ng naturang POGO hub.

Sinasabi pang hinakot ng mga operatiba ang 124 vaults na puno ng pera na pampasueldo sa libu-libong trabahador ng kompanya.

Pati mga personal na gamit ng mga empleyado ay kinumpiska rin ng mga operatiba. Araguy!!!

Talagang ugali na ng mga pulis na kapag nang-raid ng establishments ay kinukumpiska lahat ng maaring mapakinabangan at maibulsa!

Kaya nag-aatrasan ang mga banyaga magtayo ng negosyo sa bansa ay dahil narin sa napakasamang imahe ng ating pulisya.

House Speaker Martin Romualdez ay Senate President Migz Zubiri, dapat imbestigahan n’yo, alamin ang katotohanan sa nangyaring raid.

Daming Pinoy ang nawalan ng trabaho rito!

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

********************************************************************

TUNAY NGA KAYANG NAHIHIRAPAN NA MASUGPO NG PNP ANG E-SABONG O DAHIL SA MAY TIMBRE?

Nagsalita na ang Philippine National Police laban sa talamak na illegal online sabong.

Sa panayam ng radio DzRH, sinabi ni PNP Chief, General Benjamin Acorda Jr., na ang pagdakip sa illegal online sabong ay “challenging task” para sa pulisya.

“There still e-sabong operations we detect and these are being addressed by our ACG (Anti-Cybercrime Group),” sabi ni Acorda.

Sinisi pa ni Acorda ang batas sa pag-prosecute sa mga nahuhuli sa e-sabong. “We are encountering some problems in enforcement because there are problems with our laws, like the lack of betting if we make arrests.”

Ang tayaan kasi sa e-sabong ay via GCash. Halimbawa: Kung gusto mo maglaro, magparehistro ka muna sa link na ibibigay sayo ng agent. Padadalhan ka ng agent ng form sa facebook na iyong sasagutan – pangalan, cell number at password mo – tapos ibibigay nila sayo ang link ng e-sabong. Tapos maghuhulog ka sa GCash ng agent ng kapital mo, at mapapanood mo na ang mga sultada mula 8:00 ng umaga hanggang 2:00 ng madaling araw kada araw yan, kahit holidays!

Ang mga agent ay kalat sa Facebook, lantarang nag-iimbita sa mga gusto maglaro. Tulad nitong Sabong Worldwide (SWW) na gumagamit pa ng logo ng PAGCOR at mga larawan ng sikat na sabungero sa bansa na sina Atong Ang at Chavit Singson sa kanilang promotions.

Kung gusto talaga ng pulisya na matimbog ang mga nasa likod ng e-sabong operations, magagawa nila sa pamamagitan ng kanilang Anti-Cybercrime Group at National Telecommunications Commission na may mga sapat na gamit at kaalaman para matukoy kung saan ginagawa ang operasyon.

Nandiyan din ang matinik na NBI Cybercrime Division para matumbok ang mga nasa likod nitong mga iligal na online Sabong Worldwide, Sabong Legends Cup, yung sa Negros at Pampanga.

Sa totoo lang, mga pare’t mare, kahit walang mga taga-anti-cybercrime ay madali lang matumbok kung saan ginagawa ang mga online sabong. Oo! Itanong ninyo sa mga marites na barangay chairman. Siguradong alam nila kung may nagsasagawa ng online sabong sa kanilang lugar. Peks man!

DILG Secretary Benhur Abalos, Sir! Ipasilip mo nga sa LGUs kung saan ginaganap ang Sabong Worldwide, Sabong Legends, at ang mga e-sabong sa Pampanga at Negros.

Sa tingin ko, isa sa mga rason kaya hindi matumbok-tumbok ng mga awtoridad kung saan ginagawa ang mga online sabong ay dahil may “timbre” ito sa kanila?

Mas bilib ako sa ginagawa ngayon ni Sec. Abalos.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

********************************************************************

PAANO KAYA NAKALUSOT ANG P50-B PEKENG RESIBO SCAM SA MGA DATING BIR COMMISSIONER?

Ano, talaga (?!) sa loob ng 15 taon, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) hindi ginalaw, napabayaan lang na namayagpag ang kompanya ni Bernard ‘Bren’ Chong na makakulimbat more or less ng P45 bilyon sa pamemeke ng resibo na ginamit ng mahigit 1000 kompanya na nandaya, nakaiwas magbayad ng tamang buwis sa gobyerno!

Itinanggi ito ni Chong na anak ng bilyonaryong may-ari ng World Balance na nang salakayin ang kanyang opis sa Quezon City ng Anti-Organized and Transatlantic Crime Division ng NBI at PNP Cybercrime Group ay nakasamsam ng bulto-bultong pekeng resibo, mga dokumento ng pandaraya.

Sa raid na ito sa condominium building sa Eastwood City, QC office ni Bren, nakakuha ng mga dokumento na kliyente ni Chong na gumamit ng pekeng resibo para makaiwas sa pagbabayad ng tamang buwis ang isang sikat na kompanya ng pagkain at isang telecommunications company.

Food chain, teka, marami sa kanila ay pag-aari ng Chinese-Pinoy at yung telecom company, hehehe, Smart ba, Globe ba, Converge ba, Dito ba, a basta bahala na si Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na dumikdik sa mga tax evader na ‘yan.

Sa tulong ng mga pekeng dokumentong gawa ni Chong, ayon sa prosecutor ni Sec. Boying, nagdedeklara ang madayang income tax return, naitatago ang totoong kinita kaya konting tax lang ang binabayaran ng mga kliyente nito sa operasyon ni Chong, ayon sa mga imbestigador ay kahawig ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) operation ni Janet Napoles at ng operation ni Lilia ‘Leah’ Cruz na reyna ng onion (and garlic) cartel.

Bansa na ba tayo ng scammer, aba nakahihiya ito, kaya nga sa buwiset ni Manong Juan Ponce Enrile, nasabi niya, e ano raw ba ang ginagawa ng mga kapwa niya Cabinet member ng ating Presidente Bongbong Marcos?

Nagpapalaki lang ba ng betlog o nagpapatambok lang ang mga pinagkatiwalaang alter-ego ng ating Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.?

Matagal na palang nang-i-scam si Chong, sabi ng NBI na nagawang tanga, inutil ang Finance department, lalo na ang Bureau of Internal Revenue (BIR), o baka naman, alam nila ito, at may superfriends si Bren sa BIR kaya tumagal ang bilyon-bilyong scam nito sa loob ng 15 taon!

Bobo lang ang maniniwalang walang mga kasabwat na taga-BIR o taga-Finance si Chong.

Mabuti lang magaling itong taga-NBI at PNP Cybercrime at nang mag-test buy nabisto ang kalokohan ni Chong na siyang may-ari ng Lyka app , Exports owner.

Sa pekeng resibo na halagang P500K na gagamiting pandaya o deduction sa expenses at value-added tax (VAT), kumukubra ng P9,000 profit ang kompanya ni Chong.

Siyempre, lahat ng akusasyon laban sa kanya ay itinatanggi ni Chong at siya raw ay inosente, walang alam sa bintang na utak siya ng P50-B pekeng resibo scam.

Sa raid ng NBI, PNP, kasama si BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr., kasama sina BIR Revenue Regin No. 7A-QC Director Mahinardo Mailig at Assistant Regional Director Renato Molina at ng mga tao sa legal department, kinumpiska ang mga ebidensiya laban kay Chong at sa mga kompanyang gumamit ng pekeng resibo, invoice, VAT receipts at iba pang ginamit para manakawan ang gobyerno sa tinatantiyang halagang mahigit sa P50 bilyon.

Nakita rin na ang mga kompanyang gumamit ng mga pekeng dokumento ay di makita na inilagay sa listahang Cannot be Located (CBL) taxpayers.

Paano nadadaya ang gobyerno, ito ang sabi ni Commisiner Lumagui: ‘Yung bumibili ng pekeng resibo ni Chong ay ginagamit para maka-claim ng expenses.

“Kahit hindi naman totoong expeses dahil wala naman talaga silang biniling mga produkto o serbisyo,” sabi ni Lumagui, at ang dapat na bayarang buwis ay naibubulsa ng mandarayang kompanya at nanakawan ng pera ang gobyerno, gamit ang pekeng resibo.

Sa dami ng magagaling na tao sa BIR, walang nakabisto na peke ang kini-claim na expenses at iba pang gastusing pambawas sa bayad sa tax ng mga mandarayang kompanyang kliyente ni Chong.

Imposible na sa loob 15 taon, may katarata ba o duleng o pisak ang mga mata ng mga nagdaang BIR commissioner, revenue district director at wala ni isa sa kanila ang nakaamoy sa operasyon ni Chong?

Pwedeng isipin na kaparte sa nadadayang buwis ang mga kasabwat ni Chong o ng mga mandarayang kompanya na mga boss o tauhan sa BIR.

Kaya dapat na magsagawa si Commissioner Lumagui ng pagbusisi sa karakter ng mga tao niya sa BIR at kung may gagawing hearing dito, ipatawag ang mga dating komisyoner para magpaliwanag kung paano at bakit itong si Chong ay nagawang makapandaya at magawang bulagin ang mga taga-BIR.

Onion scam, P6.7 bilyon shabu scam ng PNP, at itong P50- bilyong pekeng resibong scam, ano po ang masasabi ng magagaling nating mambabatas puro hearing na lamang ba tayo?

Panahon na para magbalasa si PBBM sa kanyang Gabinete kasi mag-iisang taon na siya sa Hulyo, pero ang masang Pinoy na pinangakuan niyang bibigyan ng magandang buhay ay nakatunganga pa rin sa paghihintay!

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

********************************************************************

PLANO NG ISANG SENADORA NA TUMAKBONG MAYOR NG MAYNILA SA 2025!

Sino raw itong miyembro ng Senado ang nagbabalak na tumakbong alkalde ng Maynila?

Nasagap ni Mang Teban ang tsismisan sa social media na ayaw na raw ng mambabatas na tumakbo ng reeleksiyon, bagkus ay kakalabanin na lamang si Manila Mayor Honey Lacuna.

Ngayon pa lang, inaayos na raw ang imahen ng senadora at isa sa plano ay huwag na munang maugnay sa isang direktor dahil magnet ito ng mga kritiko.

Kaya naman kahit anong gawing pagpapapansin ni Direk kay Senadora sa socmed, dedma na lamang ito.

Kailangan daw niyang magpabango para sa pagtakbong alkalde ng siyudad kung saan nagpupugad si “Tanggol”, palayaw kay Coco Martin sa pinagbibidahan nitong teleseryeng “FPJs Batang Quiapo”.

Hindi naman matanggap ng ilang netizen na tatakbong mayor ang senadora.

Komento ng isang netizen, baka raw bumalik ang Smokey Mountain ng Tondo kapag ang senadora ang naging alkalde ng lungsod.

Hirit naman ng iba, ayaw nilang magkaroon ng alkalde sa Maynila na hugis mangga.

Clue. Ang senadora na nagbabalak umanong tumakbong alkalde ng Maynila ay pilit kung ngumiti.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

********************************************************************

MGA DOUBLE REGISTRANTS NA NADISKUBRE NG COMELEC AGAD NA KASUHAN KUNG TUNAY NA SERYOSO SILANG IPATUPAD ANG MALINIS NA BRGY. AT SK ELECTION 2023!

Mabuti at napansin ni Senadora Imee Marcos ang paglobo ng mga botante sa ilang lugar sa bansa kasabay ng ikinasang registration para sa barangay at sangguniang kabataan eleksiyon.

Kanya na itong pinaiimbestigahan ang kalokohang ito na talagang pakana ng mga nag-aambisyong sumabak sa barangay eleksiyon at nakakaramdam ng pagkadehado.

Kasama sa pinaiimbestigahan ay ang paglobo ng rehistradong botante sa Barangay Carmona sa Makati City. Dumami ang mga nakarehistrong botante sa 78%, o mula sa dating 4,718 lang na rehistratong botante noong 2022 elections ay umakyat ito sa 8,415 para sa 2023 barangay elections. Ayon kay Barangay Chairman Joselito Salvador, naging modus daw ng isang negosyante sa barangay nila ang magbayad ng mga taga labas para magrehistro ang mga ito sa Comelec bilang residente ng Barangay Carmona. Maliwanag na may ambisyong tumakbo ang negosyante bilang barangay chairman at ang plano nitong dayain ang eleksyon.

Ipagpalagay na nating dumami ang mga residente sa naturang barangay hindi naman ito siguro dapat dumoble gaya ng lumalabas na numero.

Kailangan dito ng masusing imbestigasyon, hindi lang ng Commission on Election (Comelec) dahil ang alam natin ay sila ang nasa likod ng pag-apruba ng registration ng mga bagong botante.

Kaya sa puntong ito ay kailangan natin ng werpa ng Senado o buong Kongreso na sa kabuuan para talupan ang mga ganitong biglaang pagdami ng bilang ng mga botante.

Hindi lang resulta ng barangay eleksiyon ang tatamaan kundi ang mga susunod pang halalan. Kaya ngayon pa lamang ay dapat nang walisin ang mga nagparehistrong binitbit lamang ng mga politikong gustong manaig sa isang lugar o barangay.

Pero dapat ding balatan ng Senado o Kongreso ang bawat sangay ng Comelec na nangangasiwa sa pag-apruba ng registration ng mga botante. Kung nabusisi ba nilang mabuti ang mga ipinasang dokumento ng mga bagong nagparehistro para maiwasan na ang flying voters.

Aminado rin si Barangay Salvador hindi na mabilang ang pagdami ng mga bagong residente sa kanilang lugar o sa teritoryo ng mga barangay.

Sa ganang atin, kung duda si Chairman sa pagdami ng mga residente sa kanyang nasasakupan, dapat ngayon pa lamang ay umaksiyon na siya para matiyak ang malinis na halalan sa kanyang nasasakupan.

Dapat ding ipakita ni Comelec chairman George Erwin M. Garcia na seryoso siya sa kanyang nauna pahayag na kasuhan ang mga double o multiple registrants.

Bukod sa kaso sa isang barangay sa Makati ay napag-alaman sa isinumiteng resolusyon ni Senadora Marcos ay base sa kanyang impormasyon noong Marso ay nadiskubre ng Comelec na may 892,627 ang doble ang rehistrasyon sa 2022 national at local elections.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

********************************************************************

NA-IMPEACH NA OMBUDSMAN ITINALAGANG BAGONG GSIS BOARD OF TRUSTEES NI PBBM, BAKIT KAYA?

Hindi kaya nagkamali si Pangulo “Bongbong” Marcos sa pagkatalaga kay Atty. Ma. Merceditas Navarro Gutierrez bilang bagong miyembro ng Board of Trustees ng Government Service Insurance System (GSIS)?

Si Gutierrez ay na-impeach noong siya’y Ombudsman noong Marso 2011 sa ilalim ng administrasyon ng yumaong Pangulo na si Noynoy Aquino.

Na-impeach siya ng House of Representatives base sa dalawang reklamo ng betrayal of public trust, kungsaan nakalkal pa ang kanyang mga ari-arian.

Bago pa ang Aquino administration ay unang isinalang sa impeachment si Gutierrez sa panahon ni ex-President Gloria M. Arroyo pero hindi nagtagumpay.

Sa pag-akyat sa impeachment court ng Senado ng Articles of Impeachment, kungsaan 24 o 2/3 ng boto ng mga Senador ang kailangan para mapatalsik si Gutierrez, biglang nag-resign ang huli. Kaya hindi natuloy ang pagpatalsik sa kanya ng Kongreso.

Simula noon, hindi na narinig ang pangalan ni Gutierrez. Hanggang italaga ito ni PBBM bilang miyembro ng Board of Trustees ng GSIS, ang government insurer na may hawak ng pension ng mga guro at iba pang govt. workers.

Sa pagkatalaga ni PBBM kay Gutierrez sa GSIS, mukhang nakalimutan ng Pangulo gayundin ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang kanilang inanunsyo noon na hindi sila magtatalaga ng opisyal sa kanilang administrasyon ng may anumang rekord ng katiwalian.

Hindi ko sinasabing may corruption record(s) si Gutierrez, pero siguro naman hindi ganun ka-gago ang mga mambabatas noong panahon nina GMA at Noynoy na basta nila i-impeach si Gutierrez nang walang sapat na dahilan. Right?

Anyway, kung track records ang batayan, talagang mahusay itong si Gutierrez. Produkto ito ng Ateneo Law School at ilang beses iprinisinta ang Pilipinas sa mga high level bilateral talks. Dalawang beses din siya naging kalihim ng Department of Justice (DoJ) noong 2002 at 2004. Siya ang unang babae na naging Ombudsman noong 2005 sa panahon ni GMA, at napatalsik ng Aquino administration noong 2011.

Sana nga’y hindi nagkamali si PBBM sa muling pagtalaga kay Gutierrez sa gobyerno. Dahil ang GSIS ay minsan nang nabalot ng pandemya ng korapsyon during GMA administration!

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

********************************************************************

MAMBABATAS AT NAGPAPATUPAD NG  BATAS NGAYON MGA TINUTUGIS NA NG BATAS!

Hindi sukat akalain ang biglang pagbagsak sa poder ni Gerald Bantag at Arnolfo Teves. Walang nag-akala na kung ano ang tayog ng lipad ng dalawa ay siyang biglang kalabog noong bumagsak. Ngayon, parehong pugante sa batas ang dalawa. Walang mukha at tapang na humarap sa katarungan. Parehong duwag silang dalawa sa galaw ng batas.

Nagtatago sa batas si Bantag at Teves. Hindi malaman kung nasaan si Bantag at ang kanyang ayudante na si Romeo Zulueta. May mga nagsasabing nasa Davao City ang dalawa sa ilalim ng pangangalaga ni Rodrigo Duterte. Nasa ibang bansa si Teves at ayaw umuwi sa malaking takot na dakpin siya ng mga alagad ng batas. Ang nakakatawa ay si Teves pa ang nagtatakda ng mga kundisyon upang siya ay umuwi at harapin ang pananagutan niya sa batas.

Matapang ang dalawa sa mga taong mahihina at walang poder na lumaban sa kanila. Ngayon, sila ang mga nahaharap sa mga asunto, pawang bahag ang buntot at ayaw humarap. Tingnan natin ang kanilang galing magtago sa kung saan. Tingnan natin ang tikas at gilas ng mga alagad sa batas na itinakdang tuparin ang utos na sila ay dakpin.

Huwag maniwala kay Teves sa kanyang pinagsasabi. Gawa-gawa niya ang dahilan na may mga mataas na opisyal na gusto siyang patayin. Lumpong pato na siya sa dami ng bintang sa kanya. Nagpapanggap lang si Teves na may silbi pa siya. Isa siyang pugante sa batas at katarungan. Pinakamaganda na harapin niya ang mga bintang sa kanya.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

********************************************************************

TIWALA NG PUBLIKO SA BUREAU OF CUSTOMS MAIBALIK PA KAYA NG BAGONG COMMISSIONER?

Maaaring mahirapan ang Bureau of Customs na kunin ang tiwala ng publiko kahit sino pa ang maupong commissioner nito dahil sa mga balitang lumalabas na hindi nito kayang sugpuin ang smuggling sa bansa.

Marahil isang dahilan na rin nito ay ang pilit na pagpapaganda ng imahe ng naturang tanggapan mg sinomang nauupong hepe nito at panay ang panghuhuli ng mga smuggler subalit hanggang ngayon ay wala pa ring naipakukulong na big-time smugglers.

Maraming beses na nagkaroon ng pagdinig sa Senado at Kongreso sa mga naganap na pagpupuslit o papasok ng iba’t ibang produkto sa bansa, hindi lang mga imported na sasakyan, alahas at iba pang mamahaling gamit, kundi lalo na ang mga produktong agrikultura.

Pangunahin na nga rito ang bigas, asukal, bawang, sibuyas, imported na isda at iba pa na dahilan upang malugmok sa kumunoy ng kahirapan ang mga kawawang magsasaka at mangingisda.

Kaya nga nang ilatag ng bagong upong Commissioner na si Bienvenido Rubio ang kanyang mga plano at programa na ayon sa kanya ay nakalinya sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. at
tiyak na susugpo sa talamak na smuggling, kaya humanga at pinuri siya ni Finance Secretary Benjamin Diokno.

Sa isang programa sa radyo, isa-isang ipinaliwanag ni Rubio ang kanyang mga plano at programa subalit mukhang hindi nabenta ang kanyang pangako dahil karamihan ay nagsabing ipinangako na rin ang mga ‘yun ng mga naunang commissioner.

Malinaw na sawa na talaga sa pangako ang mamamayan at nawawalan na rin ng pag-asang titino pa ang ahensiya subalit hindi nawalan ng loob si Rubio at sinabing isang buwan pa lang siya sa kaya abangan na lang ang kanyang gagawing mga pagbabago bago siya husgahan.

Kung sabagay, sa loob ng isang buwang panunungkulan ni Rubio, sunod-sunod na ang ginawang raid at pagkumpiska sa mga ipinuslit na produktong agrikultura na senyales na seryoso ang kanyang pamunuan na sugpuin ang talamak na smuggling sa bansa.

Kaya lang, sa mga pagsalakay sa mga bodega at pagkumpiska sa mga puslit na produkto, wala isa man ang nahuli o nababanggit na pangalan na responsable sa iligal na gawain kaya marami ang nagtaas ng kilay.

Pero ayon kay Rubio, antay lang, darating din daw siya sa puntong ‘yan.

 Magdilang anghel sana si Rubio dahil ayon sa mapagkakatiwalaang insider na 2 sa matataas na opisyal ng Bureau ay sikat na ipinatatawag o laging sabit sa imbestigasyon ng senado ay katsokaran at kasa-kasama pa ngayon ni Rubio. 

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

********************************************************************

NAMAYAGPAG NA ANG SARI-SARING KRIMEN SA PINAS, LIGTAS PA BA TAYO?

Dumarami ang krimen. Sunud-sunod ang mga pagtambang sa elected officials mula pa Enero ng kasalukuyang taon. May mga napatay. Pinaka-latest na pinatay ay si Negros Oriental governor Roel Degamo na pinasok sa kanyang bahay at pinagbabaril. Bukod kay Degamo, walong iba pa ang napatay. Mga AWOL na sundalo at pulis ang suspect. Apat na ang naaresto at isa ang sumuko. Itinuturo ng dalawang suspect na si “Congressman Teves” ang nasa likod ng pagpatay. Itinanggi naman ni Teves ang akusasyon. Hindi pa bumabalik si Teves kahit binigyan na ng ultimatum ng House of Representatives.

Patuloy ang pag-alagwa ng iba pang krimen at kahit chief of police ay pinapatay ng holdaper. Noong Sabado, binaril ang hepe ng San Miguel, Bulacan police makaraang magresponde sa isang holdapan na nangyari sa San Ildefonso, Bulacan. Naispatan nina Lt. Col. Marlon Serna ang dalawang holdaper na naglalakad sa Bgy. Pulong Mangga. Pagbaba ni Serna sa sasakyan, pinaputukan siya ng mga hol­daper. Tinamaan siya sa ulo. Mabilis na nakatakas ang mga holdaper. Hinahanap na ang mga suspect at nag-offer na ng P1.7 milyong reward sa ikadarakip ng mga suspect.

Karumal-dumal naman ang nangyari sa isang Filipino-Chinese businessman na kinidnap ng mga dayuhang Chinese at Vietnamese at pinatubos sa pamilya nito. Pero nang makuha na ng mga kidnappers ang pera, pinatay pa ang negosyante at itinapon ang bangkay sa Tanza, Cavite.

Nakilala ang biktima na si Mario Sy Uy, 62. Kinidnap siya noong Marso 18 sa Quezon City at dinala sa Gen. Trias, Cavite. Tinorture siya. Idinokumento­ pa ang pag-torture at saka pinadala sa pamilya nito. Humingi ng P1 milyon ang mga kidnappers. Pero nang maibigay ang ransom, pinatay pa rin ang negos­yante at saka tinapon ang bangkay.

Noong Huwebes, naaresto ng Anti-Kidnapping Group (AKG) ang mga suspects na Chinese na sina Bei Huimin, 30; Jielong Shen, 26, Sun XiaoHui, 26, at Vietnamese na si Hong Puc Le, 33. Sinampahan sila ng kidnapping for ransom at serious illegal detention with murder.

Naghahatid ng pangamba ang mga nangyayaring krimen. Ang pagkilos ng PNP ay nararapat. Panatilihin ang police visibility. Maging mapagmatyag sapagkat mga dayuhang Chinese na ang nangingidnap at pumapatay. Paano nakapasok ang mga mamamatay-taong dayuhan sa bansa?

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

********************************************************************

HINDI NA DAPAT DAGDAGAN PA ANG POLICE SECURITY NG MGA LOCAL CHIEF EXECUTIVES!

Dalawang police bodyguards lang ang nakalaan para magbigay ng proteksiyon sa local chief executives. Subalit ngayong nagkasunud-sunod na ang pananambang at pagpatay sa mga local officials, balak ng Philippine National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government (DILG) na gawing anim ang bodyguards upang masiguro raw ang kaligtasan ng local executives.

Nakipagpulong na rin ang PNP at DILG sa Union of Local Authorities in the Philippines, League of Governors, at League of Mayors sa naturang isyu.

Ayon sa PNP Directorate for Personnel and Records Management, ang pagbibigay ng “security package” ay para lamang umano sa mga pulitiko na pinagbabantaan ang buhay. Daraan pa umano ito sa masusing pag-aaral.

Ang isyu sa pagdaragdag ng police bodyguards ay lumutang makaraang patayin si Negros Oriental governor Roel Degamo noong Marso 4. Pinasok ng mga sandatahang lalaki na naka-military uniform ang compound ni Degamo at pinagbabaril ito habang namimigay ng ayuda. Walong iba pang sibilyan ang namatay.

Bago ang pagpatay kay Degamo, sunud-sunod ang pagtambang at pagpatay sa mga local chief exe­cutives mula pa noong Enero. Pulitika ang hinihinalang dahilan ng pananambang at pagpatay. Pinakamatindi ang ginawa kay Degamo na pinasok sa sari­ling bahay.

Apat na suspects ang naaresto sa Degamo slay. Pawang mga AWOL na sundalo at pulis ang naaresto. Dalawang suspects ang nagsabi na isang kongresista ang nasa likod ng pagpatay kay Degamo.

Sobra naman kung anim ang magiging police body­guards ng mga pulitiko. Napakarami naman ‘yan na parang sila na lamang ang babantayan.

Sino na­man ang magpuprotekta sa mamamayan kung daragdagan ang bodyguards ng mga pulitiko. Maaari namang mag-hire ng security agency ang mga pulitiko at hindi na kailangang bawasan pa ang mga pulis. Pag-aralan sana itong mabuti ng PNP at DILG.

Mas kailangan ng mamamayan ang presensiya ng mga pulis sa kalsada dahil sa dami ng mga kriminal na naglipana sa kasalukuyan. Huwag namang agawan ng mga magpuprotekta ang mamamayan.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

********************************************************************

ISA NA RIN BANG SALOT SA LIPUNAN ANG MGA FRATERNITY DAHIL SA HAZING?!

Isang  buhay ang kinitil, sanlibong pangarap ang naglaho.

Bilang isang magulang nanginginig ako sa galit sa nangyari kay John Mattew Salilig, na napatay sa hazing ng Tau Gamma Phi fraternity sa Cavite.

Isang 3rd year college engineering student na sa Adamson University at inilarawang napakalambing na bata ng kaniyang mga magulang.

Siguro’y inakala n’yang bahagi ng paglago sa buhay estudyante n’ya ang pagsali sa Tau Gamma Phi chapter sa unibersidad nya.

Hindi kinaya ni John Matthew ang halos pitumpung hagis ng palo na “welcoming rites” ng frat, sa chapter ng Adamson University. Sabi ng mga kaibigan kong fratmen, dapat ay pa-“thank you” na palo o halos tapik na lang ang binibigay kapag welcoming rites na. Isipin n’yo yun, kasapi na o “brod” na nga nila si John Matthew, pero pinahirapan pa nila at yun nga ang naging resulta, nalagutan siya ng hininga.

Nagsuka na raw si John Matthew habang nasa gitna ng paluan. Senyales na iyon na nahihirapan na ang katawan. Habang nasa sasakyan, nawalan daw ng malay. Siguro nawalan na ng pulso at wala nang maramdaman na hininga kaya natanto ng mga “brod” niya na patay na si John. Matthew.

Pero dahil nga siguro wala sa katinuan ng isip ang mga demonyong  ito, imbes na itakbo sa ospital, nagdesisyon sila na humanap ng liblib na lugar, hinubaran ang katawan at tsaka inilibing.

Nakonsensya ang ilang mga kasamahan n’ya at itinuro kung saan s’ya inilibing. At doon na sumambulat ang baho ng krimen, at ang karumal-dumal na katotohanan na ang hazing sa mga fraternity ay nanatiling ritwal pa rin.

Dapat managot ang Tau Gamma Phi fraternity, lalo na yun Cavite Chapter at ang pambansang pamunuan nito. Manguna sana ang mga kinauuklan ng Adamson University na papanagutin ang mga estudyanteng sangkot.

Walang lugar sa matinong lipunan ang karahasan na ipinagpapatuloy ng mga fraternity.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

********************************************************************

KUNG HINDI KAYANG LINISIN ANG PDEA MAS MAKABUBUTING BUWAGIN NA LAMANG ITO!

Nakakabahala na ang mga nabubunyag na kabulastugan o pagsabit sa iligal na droga ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Nakababahala dahil habang gumaganap ang PDEA bilang pangunahing ahensiya na tagalansag ng mga sindikato sa droga, may mga bugok itong tauhan at opisyales na nasasangkot sa proliperasyon ng ipinagbabawal na gamot.

Palasak na ang balita na may opisyales at mga miyembro ng Philippine National Police na nasasangkot sa droga pero nakagugulat na pati ilang tauhan ng PDEA ay natutukso na rin sa iligal na gawain ukol sa illegal drugs.

Hindi pa natin nalilimutan ang nangyaring shootout sa harap ng McDonald sa Commonwealth Avenue sa Quezon City kung saan ay nagkaroon ng engkuwentro ang mga tauhan ng PDEA at PNP.

Nagkagulatan ang dalawang grupo dahil sila mismo na mga awtoridad ang naghulihan o nag-buy-bust ng droga sa isa’t isa. Hindi lang nalinaw kung sino sa PDEA agents at mga pulis ang binuy-bust.

Pinalabas na lang na misencounter ang nangyari. E ‘di wow!

Malupit din ang nangyaring buy-bust ng Southern Police District sa PDEA office sa Taguig City.

Ang dinakip ay ang PDEA-Southern District Office chief mismo at dalawa niyang tauhan dahil sa pagbebenta ng mga nakukumpiska nilang droga. Sa opisina ng PDEA ang bentahan ng droga?

Hanep naman!

Hindi basta-basta ang buy-bust dahil 1.3 kilo ng shabu na halagang P9 million ang nasamsam sa mga bugok na tauhan ng PDEA.

Pero wala nang mas lulupit sa ibinunyag mismo ni PDEA director general Virgilio Moro Lazo na 30 porsiyento ng nakukumpiskang droga ng mga ahente sa bawat operasyon ay ibinibigay sa kanilang tipster impormante bilang umano’y pabuya, imbes na cash.

Ayon kay Lazo, nalaman lang niya ang ganitong kalakaran sa loob ng PDEA simula nang manungkulan siya noong Nobyembre.

Wala naman sigurong luko-lukong pinuno na sisirain niya ang kanyang sarili at idadamay ang mga tauhan kung hindi ito totoo, maliban na lang kung mayroon siyang ibang adyenda?

Kung ngayon lang ito nabunyag sa panahon ni Lazo, ibig sabihin ay matagal na itong nangyayari?

Sukang-suka na siguro si hepe sa natuklasang kalakaran kaya isiniwalat na niya.

Kanya pala hindi maubos-ubos ang droga na sumisira sa buhay ng marami nating kababayan dahil sa nangyayaring ito na sistema ng recycling na kagagawan ng ating mga awtoridad.

Ito ay seryosong alegasyon na dapat matalupan sa lalong madaling panahon, hindI lang sa PDEA kundi maging sa iba pang law enforcement agency.

Panahon na rin na linisin sa mga tiwali ang PDEA. Ang mga mapatutunayang sangkot sa ganitong kawalanghiyaan ay patawan ng mas mabigat na parusa. Kung talagang talamak na sa ka-demonyohan ang ahensya mas makabubuting lusawin o buwagin na lamang.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

********************************************************************

MAS LALONG TITINDI ANG KOTONGAN NG MGA TIWALING ENFORCER SA SINGLE TICKETING?

Hindi lamang ang mga motorist ang excited kundi maging ang traffic enforcers ng iba’t-ibang pamahalaang lokal nang aprubahan ng mga alkaldeng bumubuo ng Metro Manila Council ang single ticketing system.

Mukhang mas marami kasing motorista ang pabor sa naturang sistema sa paniwalang magiging pare-pareho na ang multa sa mga mahuhuling lalabag sa batas-trapiko, hindi tulad ng kasalukuyang umiiral na iba ang multang ipinapataw ng Metropolitan Manila Development Authority, Land Transportation Office at iba ng local government units.

Bukod dito, hindi na rin mahihirapan ang mga nahuling motorista na magbayad ng multa at pumila nang matagal sa tanggapan ng MMDA o sa mga lokal na pamahalaan dahil kahit saan ay pwede na silang magbayad, saan mang lungsod o munisipalidad sa Metro Manila sila matikitan.

Sabi nga ni MMDA Chairman Romando Artes, hindi na raw malilito ang mga natitikitang motorista sa oras na maipatupad na ang single ticketing system at hindi na rin kakailanganing kumpiskahin pa ang kanilang lisensiya.

Siyempre, sa mga paliwanag na inilabas ng MMDA, maraming motorista ang mapapanatag na ang loob dahil magiging madali na lamang sa kanila ang pagbabayad sakaling matikitan sa nagawang paglabag sa bata-trapiko.

Pero ang pagka-excited ng mga motorista ay nahalinhan ng agam-agam nang ilabas na ng MMDA ang multa na ipapataw sa mga pasaway na motorista dahil sa halip na mabawasan, nakalulula ang taas ng multa na mula P500 hanggang P10,000 kumporme sa nagawang paglabag sa batas.

Ito nga lang Disregarding Traffic Signs na dati ay may multang P150 mula una hanggang ikatlong huli ay naging P1,000 kada huli habang ang Reckless Driving na dating P500, P750 at P1,000 mula una hanggang ikatlong huli ay magiging P1,000 hanggang P2,000 sa bawat huli na may kasama pang seminar.

May mga paglabag naman na hindi naman nagbago ang multa pero hindi nabawasan habang ang illegal counterflow ay may katapat na multa mula P1,000 hanggang P5,000.

Kung napalitan man nang pagkabahala at agam-agam ang dating pagka-excited ng maraming motorista, abot-tenga naman ang ngiti ng mga tiwaling traffic enforcer dahil malamang na kumagat sa areglo ang mahuhuli nilang traffic violators sa halip na magbayad ng napakataas na multa.

Sabi ni Artes, may bibilhin daw silang gamit na hindi makakagawa ng pangongotong ang mga traffic enforcer dahil digital ang ticketing system na kanilang gagamitin na direkta ang bayad sa ahensiya o lokal na pamahalaan. Kaya lang, limitado pala ang bilang na mabibiling gadgets dahil sa napakamahal na halaga nito kaya mas maraming traffic enforcers ang patuloy na gagamit ng mano-manong paniniket na kapag inilabas pa lang sa kanilang bulsa ay tiyak na mag-iisip na ang motorista kung aareglo o magbabayad ng mataas na multa.

Parang pabor na pabor pala ang single ticketing system sa mga tiwaling traffic enforcers na ngayon pa lang ay nasasabik na at naglalaway sa implementasyon nito sa kalahatian ng buwan ng Marso. Sana, bumuo naman ang MMC ng isang kautusan o sistema na magpapataw nang mabigat na parusang kulong at mataas na multa sa mga traffic enforcers na mahuhuli sa pangongotong dahil sa kasalukuyan, nasisibak lang sila sa tungkulin at karamihan ay hindi na umuusad ang kaso dahil wala ng interes magreklamo ang motoristang kanilang kinokotongan.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*********************************************************************

PALALA NA NG PALALA ANG PROBLEMA NG DROGA SA PINAS!

Malaking hamon ngayon sa gobyerno kung paano tugunan ang lumalalang suliranin kaugnay sa bentahan ng ipinagbabawal na gamot kung saan tumataas ang bilang ng mga adik sa kalsada dahil hindi masawata ng mga otoridad.

Ito ang inamin mismo ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. sa publiko makaraang pangunahan nito ang paglunsad ng ‘Buhay Ingatan Droga Iwasan’ sa Camp Simeon Ola,Legaspi City noong nakaraang Biyernes na dinaluhan ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno mula sa nasyunal at lokal na pamahalaan.

Ang BIDA ay isang adbokasiyang naglalayong matuldukan ang pagkalat ng droga sa pamamagitan nang paghikayat sa komunidad na makiisa sa mga aktibidad laban sa ipinagbabawal na gamot at pagpapaunawa sa taumbayan lalo na sa mga kabataan hinggil sa masamang epekto nito sa kalusugan na ikinasisira naman ng mga miyembro ng pamilyang nagugumon dito.

Bagaman sinabi ni Abalos na umabot na sa P10 bilyong halaga ang iba’t-ibang uri ng droga ang nakumpiska ng otoridad sa loob ng anim na buwang panunungkulan ni Pangulong Bongbong Marcos subalit tila hindi matinag ang mga sindikatong nasa likod nito dahil nagmumula mismo sa Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency ang pinaniniwalaang sangkot sa bentahan at protector nito na ugat naman nang panawagan ng kalihim ng mass courtesy resignation ng mga kernel at heneral upang malinis ang hanay ng naturang mga ahensyang naatasang magtutuldok sa kalakaran.

Paano nga naman magigiba ang mga sindikato’t tulak ng droga kung ‘andyan pa rin ang tinaguriang ‘ninja cops’ mula sa PDEA at PNP na sabit sa recycling ng mga huling shabu na kanilang ipinakakalat sa kalye na mabilis namang tinatangkilik ng mga adik na natahimik noong panahon ng panunungkulan ni Tatay Digong.

Ibig sabihin,kailangan makita’t maramdaman talaga ng sambayanan na seryoso ang gobyerno na malansag ang mga sindikatong sa pamamagitan nang malawakan at makatotohanang paglulunsad ng giyera kontra droga na inumpisahan noong nakalipas na administrasyon at kumitil sa buhay ng ilang kilalang big-time pusher sa bansa.

Sabi nga ng dating PNP chief at ngayo’y senador na si Ronald “Bato” Dela Rosa,kailangan ng asim at pangil ng kapulisan sa pagsawata ng iligal na droga para matakot ang mga tulak nitong minsan nang nanahimik noong panahon ni Tatay Digong.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*********************************************************************

KAMAG-ANAK NG MAKUNAT NA SENADOR GINAWANG GHOST EMPLOYEE!

Sino raw itong miyembro ng Senado ang kumuha ng isang tambay upang gawing ghost employee sa kanyang opisina?

Ayon sa natisod na impormasyon ni Mang Kulas, pinsan daw ng senador ang tambay na walang ibang ginagawa kundi tumunganga sa kanilang bahay at makipag-inuman sa barkada.

Hindi raw nakakatulong sa pamilya ang pinsan ng senador kaya naisipan ng mambabatas na kunin itong empleyado.

Naka-payroll daw ito sa Commission on Appointments (CA) pero hindi naman nakikita ang mukha roon para magtrabaho dahil palagi lang itong nasa bahay at nangunguyakoy.

Isang malapit na kamag-anak daw ng senador ang nag-aasikaso sa payroll ng pinsan para masigurong hindi sila mabubutasan kapag in-audit ito.

Ang classic nito, mukhang may porsyento rin ang kamag-anak ng senador sa nakukuhang suweldo ng ghost employee.

May kalakihan kasi ang nakukuhang komisyon ng hitad sa suweldo ng ghost employee lalo na kapag Disyembre kung saan nire-release ang Christmas bonus at cash gift.

Kilalang makunat pa sa inu­yat ang senador pero kung nuknukan ng kuripot, kilalang suwapang din ito at nagpapanggap na malinis pero tadtad ng baho.

Clue. Ang senador ay may asawa at mga anak at madalas tumambay sa maperang kaibigan sa Forbes Park.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*********************************************************************

MGA TAGA-CUSTOMS WALANG ALAM KUNO SA MGA SMUGGLERS PERO MGA TRABAHADOR NG PIER KILALA LAHAT NG SMUGGLERS!

Sa isang consultative meeting ng Senado kaugnay sa estado ng pagpapatupad ng Fuel Marketing Program ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BoC), diretsahang tinukoy ni Senador Raffy Tulfo ang mga smuggler ng langis sa bansa, pero hindi raw kilala ng Customs official ang mga binanggit ng Senador.

Binanggit ng Senador ang isang Don Rabonza na sikat daw sa Navotas bilang smuggler ng langis at asukal mula HongKong. Pero ‘di raw ito kilala ng taga-Customs. Dapat magtanong sila sa mga mangingisda at vendor sa Navotas port.

Para sa kaalaman ng taga-Customs, sa Navotas nanggagaling ang karamihan ng mga ibinebentang galon galon na langis (krudo) sa mga passenger jeep at trucking sa Maynila, Caloocan at Valenzuela. Kahit itanong nyo pa sa “kolektor” ng NBI at CIDG. Ehek!

Sa Batangas at Sariaya, Quezon naman ay sikat ang mga pangalang Sonny Qiu, Jackie Chu, Aron Uy at Lindon Tan bilang mga supplier ng mga palusot na petroleum products. Pero hindi rin daw ito batid ng taga-Customs. Daig pa sila ng aming reporter na si Cris Ibon na tumbok lahat ng bagsakan ng mga “paihi”. Hehehe…

Tinanong din ng Senador ang kinatawan ng BoC na si Special Agent 2 Anthony Escandor kung kilala niya sina Alex Cua, Bogs Violago, Jong Mangundadatu, at Dondon Alahas na nag-o-operate daw sa Mariveles, Bataan.

Sagot ni Escandor: “Hindi”.

Kung ganito kahina ang pang-amoy ng mga agent ng BoC, aba’y dapat sipain na sila dyan, palitan ng mga trabahador sa pier na kahit nakapikit ay tukoy ang mga nagpapalusot ng petroleum products. Mismo!

Ito: Tips ko sa mga taga-Customs para matukoy ang mga nagpapa-ihi ng langis. Umpisahan nyo magtanong sa mga jeepney driver sa Navotas o sa Tondo, Manila, matutukoy nyo kung sino-sino ang swak sa economic sabotage.

Anyway, naniniwala ako na kilala ng operatives ng Customs ang mga smuggler ng langis, malaki lang ang hatag sa kanila kaya nagbubulag-bulagan ang mga animal.

Inanunsyo ni Congressman Joey Salceda ng Albay na magsasagawa sila ng imbestigasyon hinggil sa talamak na agricultural smuggling na nangyayari sa mga pangunahing port of entry sa bansa.

Sabi ni Salceda sobrang nakakabahala na ang talamak na agriculture smuggling, na nangyayari pa sa panahon kungsaan harvest season sa bansa. Resulta: nauuwi sa pagkalugi ang ating mga magsasaka.

Binanggit ng congressman ang Manila International Container Port (MICP) sa Maynila, Batangas at Subic Ports bilang numero unong bagsakan ng mga smuggled agri products.

Pagpapaliwanagin dito ang mga opisyal ng Bureau of Customs, Department of Finance, at Department of Agriculture.

Ano kaya ang ipapaliwanag dito ni Customs Commissioner Yogi Ruiz at Finance Secretary Benjamin Diokno?

At sa DA, kungsaan si mismong Pangulo Bongbong Marcos, Jr. ang kalihim, ay ang kanyang Usec. ang magsasalita.

Sa ganang akin, walang mangyayaring smuggling kung walang mga opisyal na kasabwat.

Oo! Kahit anong congressional inquiry ang gagawin ng ating mga mambabatas tungkol sa talamak na smuggling ay walang mangyayari hangga’t ang mga opisyal ng BoC at DA ay nakikipagsabwatan sa mga smuggler sa ngalan ng milyones na komisyon. Mismo!

Huwag niyo nang gaguhi ang madlang people! Ang mabuting gawin sa mga ito ay kasuhan ng seryoso, hindi moro-moro, dba bossing Benito, bossing Sandy!

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*********************************************************************

TRENDING ANG KTV BARS SA PASAY AT PARAÑAQUE SA LEWD SHOWS NG MGA MENOR-DE-EDAD AT QUICKIE SEX SA VIP ROOMS?

Mahigit sa 50 Disco KTV Bar kabiling na ang mga Gay Bar ang matatagpuan sa kahabaan ng Quirino Avenue, Airport Road, Roxas Blvd. sa Pasay City at Parañaque City ang napaulat na lantarang nagpapalabas ng malalaswang panoorin partikular na ang panandaliang aliw o “quickie sex” sa loob ng mga VIP room.

Sa impormasyong ating nakalap, kabilang umano sa mga nagpapalabas ng malalaswang panoorin ay ang mga bahay aliwan na WHITE BIRD , DYNASTY, APOLLO, APEIRO, THE BAY ENTERTAINMENT KTV, STUDIO 2, 798 KTV, JERO, ALICE ANGEL KTV BAR, BOOM BAR KTV at iba pa na ilang metro lamang ang layo sa Redemp­torist Church sa Baclaran.

Ayon sa sumbong ng mapagkakatiwalaang source, pawang mga menor-de-edad pa ang mga nagsasayaw ng walang saplot ang katawan ganon din ang mga macho dancers kaya dinadayo ng mga banyaga ang mga nabanggit na bahay aliwan dahil pagsapit ng dilim ay nagsisimula na ang hubaran at kababuyan.

Sinabi ng source na binalewala ng mga may-ari ng mga nabanggit na establisimyento ang city ordinance ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano at Parañaque City Mayor Eric Olivarez na nagbabawal na magpalabas ng malalaswang panoorin.

Ayon pa sa mapagkakatiwalaang source, isang nagngangalang alyas “Arbie” ang nagre-recruit ng mga batam-batang babae mula sa probinsiya saka dinadala sa nabanggit na lugar upang magsagawa ng mga malalaswang panoorin at magbenta ng sariwang laman.

Ipinagmamalaki raw ni alyas “Arbie” na malakas ang kanyang kapit sa mga opisyal ng kapulisan ng SPD, CIDG, at maging sa mga alkalde ng lungsod kaya madaling naisasagawa ang kanilang modus operandi.

Halos nakagapos ang mga kamay ng mga tauhan ng CIDG at SPD na sugpuin ang prostitusyon at malalaswang panoorin sa mga bahay-aliwan sa mga na­banggit na lungsod partikular na ang ilang videoke bar na dinarayo ng mga turistang Kano.

Dagdag pa ng source, sumusuka diumano ng P50,000 kada buwan ang mga nabanggit na bahay-aliwan para lamang ipamudmod sa mga tiwaling opisyal ng PNP upang hindi maistorbo ang lantarang negos­yong putahan (prostitution).

Nabatid din sa source na ginagawang pot session ng mga dayuhan ang mga VIP room na nangangamoy se­milya o zonrox dahil sa hayagan diumano na “quickie sex” kung saan pinapayagan naman ng mga may-ari ng bahay aliwan dahil sa malaking halaga ang kapalit.

Paging DILG Sec. Benhur Abalos at DOJ Sec. Boying Remulla mukhang kelangan sagipin at  ipasilip sa mga tauhan n’yo ang mga sumbong at impormasyon na ipinaabot sa atin. Nang maturuan niyo ng rin ng leksyon ang mga may-ari ng KTV Bars na mapatunayan niyong gumagawa ng kalaswaan, pangaabuso at pananamantala sa mga menor-de-edad  na kababaihan na maging ganap na prostitute.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*********************************************************************

MGA NAGING BILYONARYO AT BILYONARYA DAHIL SA YOUTUBE!

Marami ang sumikat, yumaman dahil sa YouTube. Ang mga walang career noon, biglang-bigla sumikat sa kanilang mga YouTube channel.

Pagandahan ng content. Kabugan ng eksena.

Sabi nga, mas nakakatawa, mas totoo, mas maiskandalo, panalo sa YouTube.

Sa Pilipinas, si Sen. Raffy Tulfo pa rin ang maituturing na hari ng YT.

As of this writing, may 25.4M subscriber pa rin siya, at ang kabuuan ng kanyang view ay umabot na sa 14,003,837,625 ha!

Sumunod sa kanya si Ivana Alawi with 16. 2M, at may 1,228,689,665 na view.

Waging-wagi rin ang channel ng batang si Niana Guerrero na may 15M subscriber, at may 1,414,255,027 view, ha! Grabe, di ba? Bilyon ang view.

Panalo rin si Zeinab Harake na may 13.3M subscriber, at may view na 818,489,568.

Siyempre, pasok din ang isa sa mga orig na YouTuber na si Alex Gonzaga with 13.1M subscriber, at may 1,355,554,162.

Kung mapapansin niyo, mas mataas ang subscriber ni Zeinab kay Alex, pero pagdating sa view, lamang na lamang si Alex kay Zeinab, di ba?

Karamihan kasi ng content ni Alex ay milyones ang view.

Hindi rin patatalbog si CongTV na may 10.9M subscriber at nakakalula rin ang combined view niya na 1,409,7272,641.

Hindi rin puwedeng isnabin ang power ni Donnalyn Bartolome sa YouTube na may 9.58M subscriber na, at may 579,131,574 view na. Isa nga si Donnalyn sa mga nauna sa YouTube na March 27, 2008 nagsimula, ha!

Sumunod sa kanya si Doc Willie Ong na may 8.12M subscriber at 1,131, 040,286 view, ha!

So, kung susumahin mo, sila nga ang mga bilyonaryo sa YouTube, di ba? Alam naman natin na view, na puro ads, nakasalalay ang kinikita ng mga channel.

Waging-wagi rin si Jelai Andres na may 7.54M subscriber, at may 447,353,497 view.

Si Vice Ganda ay humamig na ng 7.43 subscriber, at may 593,663,193 view. Mahaba pa ang lalakbayin ni Vice para maka-bilyon na view.

Bigatin din sa YouTube si Mommy Toni Fowler na may 7.21M subscriber at 1,023,574,409 view, ha!

Panalo rin siyempre si Toni Gonzaga na may 6.55M subscriber, at may 439,117, 861 na view.

Sumunod sa kanya ang taga-Davao na si Geo Ong na may 4.63M subscriber, at may 573,375, 389 view.

Mas mataas ang view ni Geo Ong kay Toni Gonzaga, di ba? Iba rin ang power niya, no!

Waging-wagi rin, kahit hindi sobrang aktibo si Kathryn Bernardo, na may 3.97M subscriber na, at may 92,394, 203 view. As of this writing ay 52 video pa lang meron si Kathryn.

Siyempre, nandiyan din ang iba pang mga sikat na artista na sumabak sa YouTube, tulad ni Kim Chiu na may 2.93M subscriber at 119,103,120 view.

Pasok din si Bea Alonzo na may 2.9M subscriber at may view na 157,825,983.

Si Andrea Brillantes ay kilala ring reyna ng social media, at sa YouTube nga ay may 3.89M subscriber siya, with 142,209,217 view, ha!

Bet din ng mga fan si Jak Roberto na may 3.31M subscriber na at 149,167,323 view na, ha! Karamihan sa content niya ay kasama si Barbie Forteza.

Panalo rin ang Beks Battalion nina Chad Kinis, MC Muah, Lassy na may 2.47M subscriber, at 266,119,978 view.

Pasok din si Lyca Gairanod na may 2.03M subscriber, at 93,778,853 view. Nakakaaliw rin kasi ang mga content niya.

Si Francine Diaz na bago-bago pa lang sa YouTube, dahil December 31, 2018 lang siya nagsimula, ay may 1.95M subscriber na at 55,735,148 view.

Si Julia Barretto ay may 1.32M subscriber at 58,855,560 view sa kanyang channel.

Anyway, malayo pa ang lalakbayin nina Barbie Imperial, Karla Estrada, Marjorie Barretto sa YouTube. Kailangan pa nilang kumayod nang husto para maabot ang milyones na subscriber.

Anyway, ang mga nabanggit sa itaas ay mga YouTuber na maingay sa social media, kaya napapanasin ng mga fan, manunulat.

Ang mabigat na katanungan sa mga mayayamang YouTuber ay nasisingil o nagbabayad ba sila ng tamang buwis sa BIR?

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*********************************************************************

HUWAG SANANG KUMALAT ANG BF.7 SA PINAS NA PUMIPINSALA NGAYON SA CHINA!

Todo alerto ngayon sa bansang India na kadikit ng bansang China.

Sanhi ito ng paglobo ng mga kasong COVID-19 sa buong China at ng ulat na 18 porsyento ng buong populasyong 1.4 bilyon ng China ang tinamaan na ng COVID-19 sa unang 20 araw ng Disyembre 2022.

Heto ang mga hakbang ng India para makontrol nila ang pagpasok ng mga may COVID-19 hindi lamang galing sa China kundi galing na rin sa South Korea, Japan, Hong Kong at Thailand.

Una, lahat ng nanggagaling sa nasabing bansa ay dapat na maisalang sa reverse transcription polymerase chain reaction (rt-pcr) test bagama’t 2 porsyento lang ang isasalang pagdating nila sa mga airport.
Ikalawa, dapat lahat may mga suot na face mask.
Ikatlo, nagsasagawa na ang mga estado sa India ng mga ehersisyo o mock drill sa mga ospital sakaling daragsa ang mga pasyente.
Ikaapat, may video-conferencing sa lahat ng mga doktor at iba pang mga medical professional para maging handa ang lahat ng ito.
Ikalima, may malawakang panawagan sa lahat ng Indian na mag-ingat upang hindi mahawa at makahawa.
Lahat ginagawa ang mga ito bilang paghahanda dahil maraming Bumbay na ang umuuwi mula sa China na natagpuan nang positibo sa COVID-19, partikular ang BF.7 na anak ng Omicron variant na BA.5 at siyang pangunahing virus na nananalasa sa China ngayon.

Nitong Oktubre 2022 pa nagsimulang makilala ag BF.7 at meron na nito sa United States, Britain at iba pang mga bansa, kasama ang Pilipinas.

Kaya lang, sa China lang ngayon higit na nagpapakita ng bagsik hindi lang sa pagkakaroon ng mabilisan at maramihang nagkakasakit at pag-apaw ng mga ospital ng mga may COVID-19 kundi sa dumaraming namamatay na rin, batay sa pagdami ng mga itinatakbo palabas ng mga ospital patungo sa mga sunugan ng bangkay o cremation.

Ang BF.7 ay sinasabing grabe ang bilis sa hawaan dahil mula sa 10 hanggang 18 katao ang nahahawaan ng isang meron nito.

Nasa 4.4 beses na hindi tinatablan ng anomang bakuna ang meron nito kumpara sa orig na Wuhan virus.

At ito ang mga sintomas: Lagnat, pangangati ng lalamunan, tumutulong sipon, pag-ubo, pagsusuka at pagtatae.

Sabi nila, kung meron tayo ng nasabing mga sintomas, aba, magpa-tsekap na tayo.

Mahirap nang maospital at saka masunog sa kalaunan.

Kung merong mga hakbang ang India laban sa BF.7 virus dahil sa takot nilang salakayin sila nito mula sa China na kapitbahay lamang nila, ano naman kaya ang mga hakbang meron tayo sa Pinas?

Kung iisipin, alam na ng lahat ang mga sinasabing protocol laban sa pandemya pero sana huwag nating tularan ang iba na nagpoprotesta kung maghigpit ang pamahalaan.

Sa China, dalawang linggo silang nagprotesta laban sa lockdown at ngayong sinibak ang mga lockdown ng gobyerno, sinasalakay na sila ng katakot-takot na virus.

HAPPY NEW YEAR PO SA MGA BNJ READERS, INGAT PO TAYO!!!

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*********************************************************************

BABALA NI CPNP AZURIN NA BAWAL SA PNP ANG HUMINGI AT TUMANGGAP NG REGALO BINALE-WALA NI NCRPO CHIEF GEN. ESTOMO?

Nobyembre pa lang, nagpalabas na si Philippine National Police chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. ng babala sa mga tauhan ng pulisya na iwasang manghingi at tumanggap ng mga regalo sa panahon ng kapaskuhan.

Pero ang babala ni Azurin ay binalewala lang ng karamihan sa mga tanggapan ng PNP lalo na ang mga operating unit sapagkat karamihan sa mga ito ay rektahang nanghingi sa mga itinuturing nilang ‘milking cows.”

Ang iba namang operating unit na gustong magkapera sa panahon ng Kapaskuhan ay bumibisita sa mga establisimyento at pilit na hinahanapan ng butas ang operasyon ng mga negosyo na akala mo sila ay mga taga-lokal na pamahalaan o kaya naman ay taga-Bureau of Internal Revenue.

Noon pa man ay sinabi na ng hepe ng PNP na maraming trabaho ang nawala at ang mga negosyo ay bumabawi pa lang kaya hindi dapat hingian o mag-solicit para sa Kapaskuhan.

Pero binalewala ng ibang miyembro ng PNP ang babala ni Azurin na tila hindi ang mga ito takot na masampahan ng kasong administratibo at kriminal base sa probisyon ng graft and corruption practices.

Baka naman nababaitan kay PNP chief ang kanyang mga tauhan kaya hindi takot ang mga ito kanyang binitiwang babala. Siguro nga, mabait si Gen. Azurin kaya hindi na niya inalam kung may mga tauhan nga siyang nanghihingi para lang sa pagdiriwang ng Pasko.

Kung maglilibot lang ang hepe ng pambansang pulisya at aalamin sa karamihan ng mga negosyante, tiyak na matutuklasan niya na marami nga umangal na negosyante dahil maraming pulis ang bumali sa kanyang salita.

Hindi ang mga ito natakot sa pag-aakalang hindi makararating sa hepe ng PNP ang kanilang mga ginawa.

Sabi nga sa tagubilin ni Azurin, ang pulis daw ay bawal manghingi at siyempre, bawal din silang hingian.

Sabagay, marami namang nanghihingi rin sa mga pulis kaya siguro nagawa nilang baliin ang salita o babala ng kanilang hepe.

Sa National Capital Region Police Office na lang, hindi nangimi si PMGen. Jonnel Estomo, NCRPO director, na mamahagi ng pamasko sa kanyang mga tauhan at sa mga miyembro ng media.

Talaga namang bumaha ang pagkain noong nagpahanda si Estomo ng Pamasko para sa mga mamamahayag.

Maligayang Pasko sa lahat.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*********************************************************************

MAGANDANG BALITA PARA SA MGA BARANGAY HEALTH WORKERS!

Tila wala ni sinomang kumontra sa panukalang batas sa Kamara na ituring nang regular na empleyado ng pamahalaan ang mga barangay health worker at konektado na sa pambansang sistemang pangkalusugan at hindi basta pambarangay lamang.

Sa House Bill o panukalang batas na 6557 na inaprubahan na sa third reading, 258 na boto ang ibinuhos dito at sinasabing unanimous o walang kumontra.

Ang gusto lang nating makita, mga Bro, ay ang aksyon naman ng Senado at hihintayin natin ito.

Kung wala kasing katumbas na panukala ang Senado, walang mangyayari rito.

Ilan sa nilalaman ng HB 6557

Nais ng panukala na magkaroon ng regular na P3,000 allowance ang mga barangay health worker bawat buwan.

Pero kailangan muna silang magparehistro sa city o municipal health board na maglalabas naman ng sertipikasyon na sila’y mga health worker nga sa barangay na sakop ng kanilang bayan.

Kapag nakaabot na ng limang taon ang kanilang panunungkulan, maituturing na silang first degree civil service eligible.

Kaugnay nito, magbibigay sa kanila ang Government Service Insurance Service ng accredited na insurance service ngunit ang lokal na pamahalaan ang magbabayad para sa kanila.

At alam ba ninyong inuutusan ng batas ang Department of Education, Commission on Higher Education at Technical Education and Skills Development Authority ng mga training na kailangan ng mga ito?

Higit pa, nangangahulugan na kung kulang ang edukasyon ng mga ito, pupwede silang mag-aral hanggang sa kolehiyo at magtapos ng apat na taong kurso.

Magkakaroon pa ang mga ito ng ibang mga benepisyo gaya ng one-time retirement cash incentive, health benefits, vacation at maternity leaves at cash gifts.

May 42,046 barangay sa buong bansa.

Kung magkakaroon ng sertipikadong barangay health worker ang bawat barangay, malaking pwersa sila na katulong ng pamahalaan para sa pangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayan.

Kapag sertipikado na sila, hindi na sila basta volunteer o alanganin ang katatayuan.

Hindi rin sila basta sipa-sipain tuwing magpapalit ang mga namumuno sa mga barangay at papalitan sila ng mga sariling kamag-anak ng mga politiko.

‘Yun bang === magiging regular silang mga empleyado ng barangay.

Ipagdasal nating mabubuo at mapatatag nang husto ang panukala.

Kalampagin nating ang Senado na kumilos para sa madaling panahon, maipasa ang panukala.

Wala akong duda na kapag nabuo ang panukala bilang panukalang batas at maisumite sa opisina ni Pangulong Bongbong Marcos, aaprubahan niya agad ‘yan.

Tatandaan natin, kabilang sa mga pinakamahalaga na inaalagaan ni Pangulong Bongbong ang kalusugan nating lahat.

At magsisimula sa pagpapawis ng mga barangay health worker ang lahat.

O ayaw mo pang maging barangay health worker?

Aba, mag-aplay na kayo at magkaroon ng mga tungkulin bilang tagaturo, tagabalita, coordinator, record keeper at tagapangalaga ng kalusugan ng mga kabarangay.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*********************************************************************

GINAPANG DAW  NI  DATING E/SEC. PAQUITO OCHOA ANG 1-M BAIL NI VHONG  NAVARRO?

Maugong ang usap-usapan sa social media na itong matikas na miyembro ng tinaguriang “KITCHEN CABINET” ni PBBM na si Atty. Paquito Navarro Ochoa ang siyang nasa likod o gumapang para pagkalooban ng piyansa ng Taguig RTC Branch 69 ang aktor na si Vhong Navarro.

Sa desisyon ni Judge Lorallie Cruz Datahan ng Taguig RTC Branch 69, pinahintulutan ng nasabing hukuman na makapagpiyansa ang aktor na si Navarro ng isang milyong piso.

Ayon kay Judge Datahan, walang matibay na ebidensiya na isinumite ang prosecution para masabing guilty ang aktor na si Navarro sa kasong rape na isinampa ng model na si Denice Cornejo.

Ito ang naging basehan upang payagan ang aktor na pansamantalang makalaya habang dinidinig ang kanyang kasong rape.

Lumutang naman ang mga espekulasyon na si Ochoa nga ang lumakad na mapagkalooban ng piyansa si Vhong na kanyang pamangkin makaraang ibulgar ng isang Kat Alano na si Ochoa rin ang tumulong sa aktor na pamangkin para mabasura ang kasong rape na isinampa rin nito laban Kay Vhong Navarro makaraang mangyari ang umano’y panggagahasa kay Denice Cornejo noong 2014.

Si Kat Alano po ay isa ring artista na umano’y hinalay din ng aktor.

Isa pa umanong complainant ang lumutang laban Kay Navarro na nagngangalang Roxanne Acosta.

Kung ganito pala na may tatlong complainants si Vhong Navarro para sa kasong panggagahasa, makatwiran at makatarungan bang palayain ito sa bisa ng piyansa?

Ang kasong rape po ay literal na non-bailable offense o krimen.

May exception po kung ang mga ebidensiya laban sa suspect o akusado ay masasabing mahina.

Paanong masasabing mahina ang kasong rape versus Vhong Navarro kung ang mismong Court of Appeals ang nagsasabing may prima facie evidence laban sa aktor?

Sa ating bansa po ay tila sadyang nakakiling ang batas sa may mga pera, maimpluwensiya at sikat.

Kung naging ordinaryong mamamayan kaya si Vhong Navarro, mabigyan din kaya ito ng temporary liberty sa bisa ng piyansa?

Mukhang napakalabo po hindi po ba?

Kung mahirap ka, mabubulok ka na lang sa kulungan.

Paano na tayong mga isang kahig at isang tuka?

Magpatuka na lamang sa cobra? Asan ang hustisya dito?

Nang dahil sa pera, basta na lamang ba palayain ang isang inaakusahang “serial rapist” dahil may padrino at kuwarta?

Hindi po tayo kumikiling kanino man dito sa kasong ito ha?

Ang kinukuwestiyon lamang natin ay ang posibleng pagmamaniobra ng ilang ” persons in power” gaya ni Ochoa sa kaso ng kanyang pamangkin na si Vhong Navarro.

Gaya ng kaso rin sa droga ng anak ni Secretary of Justice (SOJ) Boying Remulla.

Na makaraang magbigay ng public pronouncement na hinding hindi ito makikialam sa kaso ng kanyang anak out of DELICADEZA ay bigla na lamang nasibak sa puwesto ang hepe ng PDEA na si Director General Wilkins Villanueva na sumakote sa batang Remulla.

Ang point po natin at ng mga neitizens, bakit patuloy na nagkakaganito ang hustisya dito sa ating bansa?

Nakakiling sa mga may pera at kapangyarihan.

Going back sa kaso ni Vhong Navarro, hindi po ba napakalaking inhustisya ito sa mga biktima?

At sa ating mga Pilipino na rin na umaasam ng pantay- pantay na pagtrato at protekston sa batas.

Hanggang kailan ba iiral ang nakakapangyaring BULOK na sistemang ito?

Nagtatanong lamang po!

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*********************************************************************

PANTAY-PANTAY NA PAGKAKAROON NG SOCIAL PENSION SA MGA SENIORS, MAYAMAN MAN O MAHIRAP!

Maganda itong isinusulong panukala ng isang kongresista na Universal Pension.

Na ang lahat ng senior citizens, edad 60 pataas, ay dapat makatanggap ng P1K a month na social pension, hindi yung mga indigent lamang.

Oo! Mayaman man, SSS o GSIS pensioners ay dapat mayroon ding social pension. Dahil lahat naman ay nagbayad ng buwis noong kanilang kalakasan, noong nagtatrabaho pa sila sa pribado o gobyerno man.

Bagama’t maliit na halaga para sa mayayamang seniors ang P1K, ito’y nakapagpapasigla sa kanilang puso’t isipan na makatanggap ng buwanang pension mula sa gobyerno matapos ang mahabang panahon ng kanilang pagbabayad ng buwis. Mismo!

Hindi dapat inietsapuwera ang SSS at GSIS pensioners sa social pension. Dahil pera nilang pinaghirapan ang pension mula sa mga security insurance na ito ng gobyerno noong naagtatrabaho pa sila. Ibinawas ito sa bawat suweldo nila. At sa bawat sahod nila ay kinakaltasan sila para sa buwis. Kaya marapat lamang na kasama rin sila sa social pension. Mismo!

Yes! Dapat maging fair ang gobyerno sa lahat ng seniors. Dapat suportahan ng mga mambabatas ang panukalang ito na magpapalawak sa social pension.

Speaking of social pension, panawagan kay DSWD Secretary Erwin Tulfo: Pare ko, puwede ba paki-imbestigahan kung bakit nade-delay ng hanggang isang taon ang pension ng mga senior sa mga probinsiya, lalo sa mga liblib na bayan. Aba’y lalong nagkaka-stress ang matatanda sa kaaantay sa pambili nila ng mga gamot na kontra highblood at athritis. Hehehe…

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*********************************************************************

MAILIGTAS SANA ANG MGA MAMAMAYAN SA MGA PULIS NA GANID AT UHAW SA DUGO!

Salamat at nahatulan na si PO1 Jeffrey Perez ang pulis na humuli, nang-torture at pumatay kay Carl Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman noong 2017. At least nabawasan na ang mga pulis na katulad niya. Pero hindi pa nakatitiyak ang mamamayan sapagkat maaaring may sumunod pa sa yapak ni Perez. Ang pulis na kasama ni Perez nang isagawa ang krimen ay namatay habang nasa kulungan. Hindi na narinig ni PO1 Ricky Arquilita ang hatol ng Caloocan City Regional Court na habambuhay na pagkabilanggo.

Nakakatakot ang katulad ni Perez. Mapanganib para sa mamamayan.

Police officer 1 lamang si Perez pero maagang umakyat sa kanyang utak ang kakaibang klase ng pagpapahirap sa mga inaakusahang sangkot sa droga. Nang maglunsad ng giyera laban sa ilegal na droga ang Duterte administration noong 2017, kabilang si Perez sa mga “ulol” na aso na pinakawalan ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng “Oplan Tokhang”. Binigyan ng lisensiya para mandakma ng mga “tulak” at addict sa droga. Huli rito, huli roon na walang patumangga. Kahit sino ang makita sa kalye sa kalaliman ng gabi, aarestuhin at ang pumalag, bang!

Ganito ang ginawa nina Perez at Arquilita kay Arnaiz at De Guzman. Hinuli at inakusahang drug pushers. Tinorture nila ang dalawang biktima at saka pinatay. Ang matindi, itinapon pa nila ang bangkay ni De Guzman sa Nueva Ecjia. Para maging makatotohanan, tinaniman ng droga si Arnaiz at nilagyan ng baril sa tabi ng bangkay nito.

Pero lumabas din ang katotohanan. Hindi nagtagumpay ang dalawang pulis. Makalipas ang limang taon, hinatulan si Perez ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa pagtorture at pagpatay kina Arnaiz at De Guzman. Pinagbabayad din siya ng tig-P1 milyon sa pamilya ng mga biktima.

Sabi kamakailan ni PNP chief General Rodolfo Azurin Jr., wala na raw mamamatay dahil sa giyera ng pamahalaan sa droga pero kailangan din naman daw protektahan ng pulis ang sarili. Sana nga wala nang mangyaring pag-torture at pagpatay sa mga inaakusahang drug pushers. Sana, wala nang pulis na gaya nina Perez at Arquilita na ang hangarin ay pumatay. Sana nga lang ay mailigtas ang mamamayan sa mga pulis na “uhaw sa dugo”.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*********************************************************************

MAYOR NG ISANG LOKALIDAD SA METRO MANILA MAY ITINATAGONG LIHIM

Nagkagulo matapos ang flag- raising ceremony ng isang city mayor sa isang lokalidad dito sa Metro Manila.

Sinugod ng mga publisher’s ng weekly newspaper ang opisina ni malamyang mayor dahil sa pabago bago nitong desisyon patungkol sa estado ng lokal media na dati namang sinusuportahan ang city hall at ang administrasyong nagdaan.

Inakusahan ng grupo ng mga local newspaper publishers ang nakaupong alkalde na nagpapagamit umano sa kanyang butangerang asawa.

Imbes umanong si mister na alkalde ang nasusunod at mismong nagpapatakbo ng city hall,ang misis daw nito nagmamando at nagkukumpas sa lahat ng bagay.

Hindi lamang umano hawak sa leeg ni esmi kuno si mayor kundi literal aliping- saguiguilid na di talaga makaporma.

Desisyon umano ni misis na wag bayaran ang mga weekly publishers na ito na naglabas ng PR stories at political ads ng alkaldeng mister.

Ipinasauli umano as in “RETURN TO SENDER” ang mga billings na isinumite ng mga publishers na ito sa city hall.

In short TINABLA ni over acting mayora ang mga local weekly publishers.

Ang siste, ok naman daw kay mister na mayor ang usapang pakikisamahan at i- accomodate ang mga taga- media na dati nang kaibigan ng kanilang pamilya.

Kaya dito na sumabog ang galit ng mga publisher kaya sumugod sa opisina ng kekembot kembot na alkalde para kumprontahin ang over acting feeling mayora na misis.

As in gustong patunayan ni esmi na talagang kilabot siya at astig sa city hall, inutos sa mga security ng city hall (CSU) na wag papasukin at harangan ang pintuan ng office of the mayor.

Nagkaroon ng tila stand-off sa pagitan ng mga miyembro ng CSU at ng mga publishers nang simulan na umano paalisin ang mga ito sa lobby ng 4th floor ng city hall dahil nakakaistorbo na umano sa flow ng mga taong nagta-transact ng kanilang official business sa nasabing tanggapan.

Ibinulgar naman ng isa sa mga publisher na galit na galit ang tunay na estado ng kasarian ni mayor kung bakit ito nadidiktahan ng kanyang maybahay kuno.

BAKLITA umano si mayor at matagal na umano itong hiniwalayan ni misis pero nito lang mag eleksyon ay nagkabalikan para kumpletuhin ang packaging sa image ng tumatakbong alkalde for political purposes.

Isa sa mga kondisyon ng butangerang misis kay kekendeng kendeng na alkalde ay sa kaharian ng city hall na kanilang pagre- reynahan.

Total naman daw parehong hombre ang hanap ng odd couple na ito na mahilig sa mga Pogi!

Saan man umabot ang gulo at iskandalong ito dyan sa city hall, rest assured we will keep you posted.

Ang mabigat lang, kapakanan ng siyudad at ng mga mamamayan nito ang nako-kumpromiso.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*********************************************************************

ISANG SENADOR PILIT NA ITINATAGO ANG KANYANG BAHO SA LAMAY NG KANYANG STAFF!

Sino raw itong senador ang pinilit na itago ang kanyang baho sa lamay ng kanyang namayapang staff?

Nangyari raw ito nang dalawin ng grupo ng mga reporter ang lamay ng namayapang staff sa isang bayan sa Laguna kamakailan lamang.

Bago raw bumiyahe ang mga reporter, tinimbrehan ng sipsip na staff ng senador ang magulang ng namayapa na huwag itsitsismis ang employment status ng kanyang anak sa mga reporter.

Anak ng kumag, halos isang dekada na palang nagtatrabaho ang staff sa senador pero contractual lamang ito at hindi regular.

Kaya hayun, maliit na nga ang suweldo, wala pang benepisyo mula sa GSIS, Pag-IBIG, at iba pa.

Kung nabigyan sana ng health card ang namayapang staff, hindi ito magtitiis sa lying-in clinic at posibleng hindi ito namatay.

Kahit na ang mga Marites sa Senado, nadismaya sa naging asta ng senador. Namatay na nga ‘yung staff, pinipilit pa rin na pangalagaan ang kanyang imahe sa publiko.

Clue. Mayaman ang senador. Kung ito ay babae o lalaki, hulaan niyo sa letrang A sa kanyang pangalan.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*********************************************************************

UUMPISAHAN NA SA ENERO 2023 ANG SUPER MAXIMUM SECURITY CELL SA OCCIDENTAL MINDORO!

Sisimulan sa Enero 2023 ang pagtatayo ng bagong bilangguan sa Sablayan, Occidental Mindoro, ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla. Nakipag-usap na umano ang DOJ sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagtatayo ng sinasabing super maximum na bilangguan. Target na matapos ang supermax cell sa loob ng 18 buwan. Ang pondo sa supermax cell ay aabot sa P4 bilyon. Nasa 2,000 bilanggo ang tinatayang kakasya sa itatayong bilangguan.

Ang pagtatayo ng bilangguan ay biglang lumutang makaraang pumutok ang balita sa pagpatay sa beteranong broadcaster na si Percival Mabasa o lalong kilala sa tawag na Percy Lapid. Pinatay si Percy noong Oktubre 3, 2022 sa Las Piñas City habang pauwi galing sa trabaho. Sumuko ang gunman na si Joel Escorial at inamin ang pagpatay kapalit ng P550,000. Sinabi ni Escorial na ang inmate na si Jun Villamor ang kumontak sa kanya para patayin si Percy. Nang araw na sumuko si Escorial, pinatay naman si Villamor. Pero bago pinatay nakapag-text ito sa kapatid at sinabi kung sino ang “utak” sa pagpatay.

Nang lumabas ang imbestigasyon ng Philippine National Police at National Bureau of Invesigation, itinuro si suspended BuCor chief Gerald Bantag at security officer Ricardo Zulueta na nag-utos pata­yin si Percy. Bukod kina Bantag at Zulueta, sangkot din sa krimen ang iba pang bilanggo sa pagpatay naman kay Villamor na sinakluban ng supot sa ulo para hindi makahinga.

Nagkakaroon na ng linaw ang pagpatay kay Percy­ at posibleng maparusahan ang mga nasa likod ng krimen. At kasabay sa pagkakamit ng hustisya, magkakaroon din ng bagong bilangguan na tinaguriang super maximum cell. Tiyakin naman na sa pagsilang ng bagong bilangguan, hindi na mauulit ang mga kabulukan. Wala nang korapsiyon­, wala nang makakapasok na droga, alak, cell phone, patalim at mga babaing bayaran. Wala na ring Very Important Preso na nagbubuhay-hari sa loob.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*********************************************************************

MALAKING HAMON KAY BUCOR OIC GEN. CATAPANG JR ANG PAGLILINIS NG MGA ILIGAL NA AKTIBIDAD SA LOOB NG BILIBID!

Mistulang parang sa sine lamang makikita ang mga nagaganap sa bilangguan ngayon gaya ng pagpapasok ng mga kontrabando alak, droga, cell phone, at kung anu-ano pa. Pero totoo pala na walang kahirap-hirap na naipapasok ang mga ito at napagkakaperahan mismo ng mga bilanggo at maaring ng mga matataas na opisyal ng bilangguan.

Ang alak kapag naipasok sa bilangguan ay ma­laking pera ang isasampa. Gaya nang nadiskubreng 7,500 na lata ng beer na naipasok sa New Bilibid Prison (NBP) na ibinibenta sa mga bilanggo ng P1,000 bawat isa. Malaking pera ang mapagbebentahan sa beer kaya paldo ang sinumang may negosyo nito. Tiyak na sold out ang beer kahit pa P1,000 ang bawat lata. Kahit pa siguro gawing P2,000 bawat isa, marami pa rin ang bibili ng beer in can. Tiyak ang paghahapi-hapi ng mga bilanggo kapag may tinutunggang beer.

Ang malakas na pagkakitaan sa bilangguan ay ang ilegal na droga particular na ang shabu. Bawat gramo ng shabu ay ginto ang halaga. At kahit naman mahal ang shabu, marami pa rin ang bumibili para lang mabigyan ng kasiyahan ang sarili. Kaya, gagawin ang lahat nang paraan para makapagpuslit ng droga sa loob. Ang isang kilo ng shabu ay nagkakahalaga ng bilyong piso. Sino ang hindi mahihikayat na magnegosyo ng shabu.

Halos lahat ng bilangguan sa Pilipinas na pina­ngangasiwaan ng BJMP ay may naipapasok na droga. At mismong ang BJMP ang nagkumpirma na ang pinakaepektibong paraan para makapagpasok ng shabu sa loob ay ang paggamit ng drones. Ina-attached ang shabu sa drone at saka paliliparin sa pasilidad ng bilangguan. Hindi nade-detect ang drone na may droga kaya swak na swak ang pagbagsak sa mga bilangguan.

Maraming bilanggo ang sugapa sa shabu kaya nararapat na magkaroon nang mahigpit na pagbabantay upang mapigilan ang pagpasok ng shabu sa mga bilangguan sa bansa. Kaya sa bagong BuCor OIC Gen. Gregorio Catapang Jr. malaking hamon sa iyong career ang pagpapatino at paglinis ng mga iligal na gawain sa loob ng bilibig dahil ang kapalpakan na maari mong magawa ay magiging dagok ito kina SOJ Boying Remulla at sa ating Pangulong Bong-Bong Marcos!

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*********************************************************************

SEKTOR NG ENERHIYA HAWAK NG MGA BATANG ABOITIZ, JUAN DELA CRUZ GUTOM NA!

Hindi lang iilang beses nagpahayag ng pangamba ang grupo ng consumers sa anino nang nagbabantang monopolyo ngayong mistulang nakopo na ang regulasyon sa tatlong pangunahing ahensiya sa sektor ng enerhiya.

Para sa consumers, wala na iyong tinatawag na “check and balance” sa industriya ng kuryente sa pagkakatalaga kay Raphael Lotilla bilang kalihim ng Department of Energy, kay Monalisa Dimalanta bilang chairperson ng Energy Regulatory Commission at kay Dennis dela Serna bilang presidente at CEO ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation, kumpanyang pagmamay-ari at kontrolado rin ng gobyerno.

Maliwanag na “grand slam” ‘yan sa tatlong pinakamahahalagang tungkulin ng gobyerno sa negosyo ng kuryente.

Mas tama sigurong sabihin ang “complete lock”.

Si Lotilla na ngayon ang bahala sa pagbubuo ng mga polisiya, si Dimalanta sa regulation, at si Dela Serna ang sisigurong natutupad ang mga polisiya sa paglikha at bentahan ng kuryente.

Ano’ng problema dun? Silang tatlo ay pawang naging bahagi ng Aboitiz Group – ang isa sa mga major players sa industriya ng kuryente.

Si Lotilla ay dating independent director ng Aboitiz Power Corp., at mula rin sa parehong kumpanya si Dimalanta bilang Compliance Officer, na naging tauhan ni Dela Serna, ang bise presidente ng Aboitiz Power Corp.

Ang kanilang boss, si Aboitiz Group president and CEO Sabin Aboitiz, ay itinalaga rin ni Pangulong Bongbong Marcos para pangunahan ang kanyang Private Sector Advisory Council.

Maliwanag na may conflict of interest dito. Imagination lang ba na ang nagkokontrol sa tatlong ahensiyang ito ng gobyerno ay maaaring makaimpluwensiya sa pagpapatupad ng mga polisiya at regulasyon, at makakapagdesisyon din sa ‘Terms of Reference’ na itinatakda sa bawat ‘competitive selection process’?

Nangangahulugang ang kawalan ng kumpetisyon ay magiging kapaki-pakinabang sa sponsor, pero magreresulta sa mas mataas na singil sa kuryente para sa consumers.

Ekonomiya ang nakataya rito kung hindi ikokonsidera ni President Bongbong Marcos ang anomalya sa sitwasyong ito sa sektor ng enerhiya. O nakatuon na ba ngayon ang gobyerno sa pagbibigay ng pabor sa mga Aboitiz?

Alam naman ni BBM na kapag walang kumpetisyon, mapipilitan ang ibang negosyante na magsara, na labis na makakaapekto sa ekonomiya at trabaho, lalo na ngayong ramdam ng bansa ang pandaigdigang krisis na dulot ng maraming problema.

Inaasahang mararamdaman din ito ng iba pang mga industriya, kabilang ang mga pangunahing nakapag-aambag sa ekonomiya tulad ng semento, bakal, gasolina, at petrolyo, na pawang kinakailangan para sa tuluy-tuloy na pag-asenso.

Inaasahan ding lulubha pa ang kahirapan, kung hindi mareresolba ang mga problemang ito.

Ang lahat ay dahil mistulang bihag na ng iisang grupo ang sektor ng enerhiya. At hindi ito nagbibigay ng magandang pangitain sa liderato ni Marcos 2.0. Siguradong paktay na lalo si Juan dela Cruz sa pagbabayad ng bill sa koryente.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST

*********************************************************************

PATULOY NA SINISIRA NG MGA PULIS SCALAWAGS ANG IMAHE NG PNP

Walang ibang sumisira sa Philippine National Police (PNP) kundi ang mga sariling miyembro. Marami nang naging hepe ang PNP at bawat isa sa kanila ay nangako ng reporma sa pambansang pulisya. Pero ang pangako ay hanggang pangako lamang. Walang nangyari sa sinabing pagbabago sa mga miyem­bro at lalo pang lumala ang problema. Bumagsak ang imahe dahil sa mga “bugok’’ na pulis. Hindi natatakot ang mga “bugok’’ at patuloy sa kanilang masamang gawain. Hindi na ikinahiya ang organisasyon at lalong inilulubog sa putik. Marumi ang imahe ng PNP.

Noong 2017, itinaas ang sahod ng mga pulis sa utos ni President Duterte. Ang may pinakamababang ranggo ay sumusuweldo ng mahigit P30,000 bukod pa ang iba ang allowances. Ito ang isa sa mga pinakaunang kautusan ni Duterte nang maupo sa puwesto noong 2016—itaas ang suweldo ng pulis at military.

Sa pagtaas ng suweldo ng mga pulis, maraming nagsabi na mababawasan na ang masamang ginagawa­ ng ilang miyembro. Hindi na masasangkot sa pango ngotong, panghuhulidap at iba pang kabulastugan. Hindi na makakaisip ng ibang pagkakaperahan sapagkat mataas na ang suweldo.

Pero nagkamali ang marami. Kabaliktaran ang nangyari sapagkat lalo pang naging “wild” ang ilang pulis. Hindi lang sa pangongotong at panghuhulidap sila nasangkot kundi pati na rin sa pagtutulak ng illegal drugs partikular ang shabu. At hindi basta-basta ang dami ng shabu na kanilang itinutulak sapagkat may pulis na nahulihan ng halos 1 toneladang shabu na nagkakahalaga ng bilyong piso.

Noong nakaraang linggo, nakakumpiska ang mga pulis ng 990 kilos ng shabu sa Maynila na nagkakaha­laga ng P6.7 bilyon. Ayon sa mga awtoridad, ito na raw ang pinakamalaking “huling shabu” sa kasaysayan ng bansa. At ang nakaka-shock, nahuli ito sa isang pulis. Nakilala ang pulis na si PMSgt. Rodolfo Mayo, Jr., 48, miyembro ng Special Operations Unit-NCR ng PDEG. Dati umanong nasa MPD drug enforcement si Mayo. Nasa drug watchlist umano ito ni President Duterte.

Bukod sa illegal drugs, sangkot din sa pagnanakaw at extortion ang ilang pulis. Noong isang araw, naaresto sina SMSgt Michael Familara, at Cpl Nathaniel San Buenaventura, kapwa nakatalaga sa Sub-Station 7, ng Pasig City Police Station 2.

Marami pang pulis na gumagawa ng kabuktutan sa kabila na itinaas na ang kanilang suweldo. Wala na silang kinatatakutan. Kahit ilang beses nagbanta ang PNP chief sa mga “scalawags’’ na miyembro, hindi nababahag ang kanilang buntot. Nararapat na ang lubusang paglilinis sa PNP at sana lang nga kaya itong isagawa ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. Huwag hayaang siraing tuluyan ng police scalawags ang pambansang pulisya.

JUANITO DELA CRUZ – HN COLUMNIST