“Hindi sapat ang drop, cover, hold vs lindol”– OCD USEC. ARIEL NEPOMUCENO

Naniniwala ang Office of Civil Defense (OCD) na hindi sapat ang pagsasagawa ng “drop, cover, hold” ng publiko laban sa lindol.

Ayon kay OCD Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno, mas epektibo pa rin ang matibay na pundasyon ng mga gusali at pasilidad at pagsunod sa building code upang makaiwas sa lindol partikular ang  kinatatakutang “Big Ones.”

“I will say it again, Engineering solutions and com­pliance with the building code are the best preparedness measures for earthquakes,” ani Nepomuceno.

Dahil dito, hinikayat ni Nepomuceno ang mga residente partikular ang mga residente ng  Maynila, Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, Quezon City, San Juan, Taguig, Valenzuela at Pateros na paigtingin ang kanilang inspeksiyon at monitoring sa mga  gusali at imprastraktura.

Sinabi ni Nepumuceno na libu-libong mga gusali at bahay sa Metro Manila ang posibleng  bumigay sa“Big Ones”.

Batay aniya sa casualty projection posibleng pumalo sa 30,000 hanggang 48,000 ang mamamatay sa Magnitude 7.2 earthquake sa West Valley Fault.

Dagdag pa ni Nepumuceno na hindi lamang sa MM ang kanilang rekomendasyon kundi maging sa ibang lungsod sa Luzon, Visayas hanggang Mindanao.

Maging ang ang pagtatayo ng mga structures sa mga no buld zone at landslide prone areas ay hindi rin pinapayagan.

MICHAEL DINGLASAN – HN INVESTIGATIVE REPORTER

Leave a comment