NA-TRAUMA SI HEART EVANGELISTA NANG MAGKA-PROBLEMA ANG IPINARETOKENG LABI!

Trauma ang inabot ng aktres na si Heart Evangelista matapos magpalagay ng “lip filler” sa isang hindi lisensyadong nurse, dahilan para magpasa at hindi maging pantay ang kanyang mga labi.

Sa isang Instagram live, bagay na ini-reupload ni @pageantchika sanTiTok noong Martes, sinabi niyang pinagkatiwalaan niya ang gumawa ng cosmetic procedure imbis na sa celebrity doctor na si Dr. Aivee Teo.

“I did get lip filler. I just didn’t wanna talk about it because I was super traumatized because I was super traumatized because when I got the lip filler I went against Dr. Aivee,”   sabi niya sa fans.

“I did it with somebody that was very, very close to me but he didn’t have the license to do my lips. But I trusted them. Kumbaga, budol na budol ako. So ginawa ko ‘yung lip filler.”

“Hindi ko alam ‘yung nilagay niya sa lips ko, but basically uneven ‘yung lips ko and you guys were bashing me about it. I just didn’t wanna tell you.”

Hinding-hindi na raw siya “magpapabudol” sa susunod lalo na’t “super uneven” ng kinalabasan ng fillers.

Kung tutuusin, maaari raw makulong ang gumawa nito sa kanya dahil porma raw ng malpractice ang pagsasagawa nito nang walang lisensya.

“Sobrang nagpasa-pasa, I had pain, I had ganyan, and it was so bad.”

“Anyways, I had a doctor [to] really, like, take it off because it was really, really bad… I was in denial for a time, I really thought that mahal ako ng taong ito. Na-malapractice ako.”

Ilang linggo pa lang ang nakalilipas nang ibahagi nina Heart at kanyang mister na si Sen. Francis “Chiz” Escudero ang isa na namang miscarriage. Matatandaang nakunan na sila noon ng anak ni Chiz.

Kamakailan lang nang mapag-usapan ang hindi pagsipot ng ama ni Heart sa kanilang vows renewal. Pero paliwanag ng aktres, “recovering” pa aang kanyang ama kaya hindi nakadalo sa seremonya.

MARU BOK – HN SHOWBIZ REPORTER

Leave a comment