PATAY MATAPOS ILANG ULIT BARILIN SA ULO ANG ISANG LALAKE SA TONDO, MAYNILA 

Patay ang isang lalaki sa Tondo, Maynila matapos ilang beses pagbabarilin sa ulo. Ang mga suspek, kalmado lang na naglakad palayo matapos ang krimen.

Limang suspek ang nakita sa CCTV ang naglalakad sa Barangay 118 nitong Biyernes ng madaling araw papunta sa kinaroroonan ng biktima.

Ilang saglit lang, isa sa mga suspek ang bumunot ng baril at pinaputukan na ang biktima.

Isang suspek pa ang bumunot din ng baril at muling pinagbabaril ang lalaki.

Matapos ang krimen, naglakad palayo ang mga suspek na parang walang nangyari.

Ayon sa pulisya, puro sa ulo ang tama ng biktima.

Nananawagan naman ng hustisya ang mga kaanak ng biktima. Wala raw silang alam na kaaway nito.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at motibo sa krimen.

MICHAEL DINGLASAN – HN INVESTIGATIVE REPORTER

Leave a comment