GOBERNADOR NG BATANGAS NA SI DODO MANDANAS IKINASAL SA 32-ANYOS NA ABOGADA 

Ikinasal na ang 80-anyos na gobernador ng Batangas na si Hermilando “Dodo” Mandanas sa 32-anyos na abogadang si Angelica Chua.

Ginanap ang kasal sa Basilica of the Immaculate Conception nitong hapon ng Miyerkoles, May 8. Naka-live streaming ito sa Facebook page ng PIO ng Batangas.

Si Mandanas ay nabiyudo noong 2022 matapos bawian ng buhay ang kanyang dating misis na si Anakalusugan party list Rep. Regina Reyes Mandanas.

Nitong nakaraang Abril, ini-announce ni Mandanas sa flag ceremony ng provincial capitol na siya ay magpapakasal na.

MICHAEL DINGLASAN – HN INVESTIGATIVE REPORTER



Leave a comment