DATING MAGUINDANAO BOARD MEMBER NA SI JOJO LIMBONA KUMALAT ANG ARREST WARRANT SA SOCIAL MEDIA 

Kinumpirma ni Datu Odin Sinsuat Maguindanao Norte Chief of Police PLTCol. Sahibin Mamantal ang pagkalat sa social media sites ng kopya ng mandamiento de aresto o arrest warrant ni dating Maguindanao Board Member Jojo Limbona kasama pa ang tatlong John and Jane Does sa kasong murder na inilabad ng RTC Branch 13 noong nakaraang Lunes na pirmado ni Judge Annabelle Piang, ang hukom ng sala.

Ang inilabas na arrest warrant, unbailable dahil kasong Murder ito.

Nag-ugat ang naturang kaso sa nangyaring shooting incident sa Barangay RH 6 sa lungsod noong ikalawang araw ng Enero taong kasalukuyan kung saan nasawi ang Police Escort ni DOS Mayor Datu Lester Sinsuat na si PSSG Zarahman Diocolano.

Sa report, 11:00 ng umaga nitong Martes nang makakuha ng kopya ang pulisya ng arrest warrant nguni’t nagulat na lamang ito ng mas nauna pa na lumabas sa social media ang naturang papeles.

Umapela naman si Mamantal na ‘di dapat anya basta-bastang inilalabas ang mga ganitong uri ng dokumento sa publiko upang ‘di magambala o.madiskaril ang pag-aresto na kanilang isasagawa sa akusado.

ATTY EDNA B. DEL MORAL

Leave a comment