“Nagre-recruit ang mga active senior PNP officials para patalsikin si PBBM”– FORMER SENATOR SONNY TRILLANES

Inihayag ni dating senador Antonio Trillanes IV na nagre-recruit ng mga miyembro ang mga aktibong senior members ng Philippine National Police (PNP) para sa pinakabagong plano na patalsikin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“May na-identify na active senior PNP officials na nagrerecruit since last year, pero wala pa silang narerecruit,” sinabi ni Trillanes.

Sa hanay ng militar, sinabi ni Trillanes na sinusubukan din ng ilang retiradong opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magrecruit ng mga aktibong sundalo sa ouster plot.

Ani Trillanes, mayroon nang “sense of urgency” dahil inaasahan nang mag-iisyu ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban sa mga akusado sa Hunyo o Hulyo.

“Ngayon siguro it’s a matter of survival na meron na silang sense of urgency to oust President Marcos,” pagbabahagi ni Trillanes.

Wala pang tugon ang PNP sa pahayag ni Trillanes.

BECCA DANTES – HN NEWS CONTRIBUTOR

Leave a comment