TUMAKAS ANG 4 NA BUS DRIVER NA NAKATAKDANG SUMAILALIM SA DRUG TEST 

Apat na bus driver sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang tumakas sa isinagawang drug test ng Land Transportation Office (LTO) ngayong araw.

Ayon kay PITX government Relations Officer Jason Salvador na bigla na lang umano nawala ang mga ito matapos ipalisya ang mga naturang driver sa drug test ng LTO at ng kanilang tinawagan ay wala na umano ang mga ito sa pila.

Dagdag pa ni Salvador na kapag hindi bumalik ito sa PITX ay maaring suspindehin ang kanilang mga lisensya sa pagmamameho.

Samantala as of 2pm umabot na sa 66051 ang total foot traffice sa loob ng PITX.

BECCA DANTES – HN NEWS CONTRIBUTOR

Leave a comment