PINAALALAHANAN NI PBBM ANG PH ARMY NA MAGING HANDA SA MGA BANTA 

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Philippine Army na maging handa sa iba’t ibang uri ng banta sa soberenya ng bansa.

Ito ang mensahe ni Pangulong Marcos sa ika-127 anibersaryo ng Philippine Army (PA) sa Capas, Tarlac na binasa ni Defense Secretary Gilbert Teodoro.

Inihayag din ng Pangulo na saludo siya sa katapangan na ipinamamalas ng mga sundalo.

“As we march onward to the Bagong Pilipinas that we aspire for, we need to transform our Army into a multi-mission-ready, cross-domain, and capable force that can effectively thwart emerging threats to our country’s stability and sovereignty,” ayon pa kay Pangulong Marcos.

Kailangan din anya na paghandaan ang nakaambang cybersecurity threat kaya dapat palakasin ng PA kapasidad dito para mapanatili ang rapid technological advancements ng bansa at mapanatili rin ang security at stability ng Pilipinas.

Umaasa rin si Pangulong Marcos na makaka-adopt ang mga sundalo sa kanilang mga natutunan at sa best practices mula sa kanilang joint operations at interactions sa iba pang major services ng Armed Forces of the Philippines at sa foreign defense counterparts.

Hindi naman nakadalo dito si Pangulong Marcos dahil sa tinamaan ng trangkaso at pinagpapahinga ng doktor kaya kanselado lahat ng public engagements niya.

MICHAEL  DINGLASAN – HN INVESTIGATIVE REPORTER

Leave a comment