PINAG-IINGAT ANG PUBLIKO SA LALAKING GUMAGALA NA NAGSASABOY NG ASIDO! 

Pinag-iingat ng awtoridad ang publiko sa isang lalaking may dalang asido matapos na isang babaeng security guard ng isang subdivision ang sinabuyan nito sa mukha habang naka-duty sa gilid ng guard house sa Las Piñas City, noong nakalipas na Huwebes ng madaling araw.

Batay sa kuha ng video ng CCTV na inilabas ng United Zones of Vergonville Homeowners Association, dumaan ang isang lalaki sa nasabing subdivision na sa Pulang Lupa Dos, Las Piñas City, at mabilis na isinaboy ang umano’y asido sa nakaupong lady guard sa tabi ng guard house, saka tumakbo patakas sa lugar.

Isinugod naman ang biktimang si alyas “Sara” sa pagamutan, na sa una ay hindi na makakita dahil sa direktang pumasok sa mga mata ang likido at ‘di nagtagal ay nagsalita na.

Sinabi niya na nanlabo lamang umano ang mata niya at hindi naman nabulag.

Hinala ng biktima na posibleng may mga nagalit sa kanya na kaniyang sinita dahil sa labas-masok sa subdibisyon, kung saan pinagbantaan siya na babalikan.

“Meron po ako na nasaway na residente at hindi residente roon. ‘Yung isa po talagang pinag-iinitan na ‘yung management, bali nasagot ko po siya,” batay sa ekslusibong panayam sa kanya ng isang TV News.

Patuloy pang inaalam ng Las Piñas City Police ang pagkakakilanlan ng suspek para sa pagsasampa ng kasong kriminal.

ATTY. EDNA B. DEL MORAL

Leave a comment