NASABAT NG NBI ANG MGA PEKENG PRODUKTO NG PROCTER & GAMBLE SA SHOPPING MALL, BODEGA  

Nasabat ng mga ahente ng National Bureau of Investigation – Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD) ang may P6 milyong halaga ng mga produkto ng Procter & Gamble kamakailan sa isang bodega sa Canumay East Valenzuela at dalawang stall sa 168 Shopping Mall sa Maynila.

Bitbit ang tatlong Search Warrants, sinalakay ng NBI ang bodega at dalawang tindahan na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 110,776 pirasong produkto ng Procter & Gamble na pawang nakalagay sa kahon.

Bago ang pagsalakay ay nagsagawa muna ng test buy ang pulisya sa mga pekeng produkto gaya ng sabon, dishwashing, toothpaste iba pa at saka pinlano ang pagsalakay.

Sinampahan ng kaukulang kaso ang may-ari ng bodega at establisimiyento sa Manila prosecutors Office

ANGHEL MIDRERO – HN NEWS CORRESPONDENT

Leave a comment