ISANG MANYAK NA MACHO DANCER ANG NAG-TANGKANG PASUKIN ANG CONDO AT ABUSUHING SEKSWAL ANG ISANG HOST NG IT’S SHOWTIME 

Inaresto ang isang lalaking freelance model sa tangka at bigong pang-aabusong seksuwal sa isang artista ng Showtime nitong Huwebes ng gabi sa Quezon City.

Ayon kay PBrig. Gen. Redrico A Maranan, QCPD Director, kinilala ang suspek na si Shervey Torno, aka Ronnie Gray, isang gay bar performer, 25-anyos, residente ng Santiago St., Navotas City; at ang biktimang si Tricia Anne Florento aka Cianne Dominguez , residente ng Francesca Towers, Brgy. South Triangle, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng QCPD Kamuning Police Station 10 na pinamumunuan ni PCol. Robert Amoranto, 7:30 ng gabi (Abril 11, 2024), nang maganap ang insidente sa Francesca Towers, Brgy. South Triangle, Quezon City.

Ayon sa biktima, habang hinihintay niya ang elevator sa lobby napansin niya ang suspek na nakaupo sa lobby na naghihintay din ng elevator .

Pagdating at pagbukas ng elevator, kapwa pumasok ang dalawa. Sa 8th floor si Florento habang ang suspek sa 11th floor.

Dahil sa kahinahinalang kilos ng suspek, bago pumasok si Florento sa kanyang unit, inobserbahan muna ng biktima ang suspek na dumiretso sa huling unit.

Sa takot, agad na pumasok sa kanyang unit ang biktima at isinara ang pintuan.

Ilang sandali, ayon sa biktima may kumatok sa kanyang pintuan at minabuti niya munang sumilip sa peephole ng pintuan at nakita ang suspek.

Bahagyang binuksan ni Florento ang pintuan at saka siya tinanong ng suspek…”Anong Facebook mo te, ang ganda mo kase?” at hinawakan ang baywang ng biktima at sinabi rin.. pa kiss nga.”

Sa takot at galit, itinulak ng biktima ang suspek at humingin ng tulong sa security guard kaya nadakip ang suspek at dinala sa Kamuning Police Station 10.

“Magdoble ingat tayo sa lahat ng oras at i-report agad ang ganitong mga pangyayari. Tinitiyak ng QCPD sa biktima na pagbabayaran ng suspek ang kanyang ginawa dahil walang puwang dito sa ating lungsod ang mga ganitong klaseng tao,” pahayag ni PBGEN Maranan.

Kakasuhan ang suspek ng unjust vexation, Anti-Violence against Women and Children at Trespassing sa QC Prosecutor ‘s Office.

ATTY. EDNA B. DEL MORAL

Leave a comment