“P*tang in* ka, hindi ka nakatapos!”- EX-PRES. RODRIGO DUTERTE

Binatikos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si President Ferdinand Marcos Jr., na hindi umano nakapagtapos ng kolehiyo.

Sa press conference kagabi, Abril 11, sinabi ni Duterte na dapat kinontak siya ni Pangulong Marcos tungkol sa umano’y “gentleman’s agreement” sa West Philippine Sea.

Matatandaang bago nagtungo sa Amerika si Pangulong Marcos, sinabi niyang “horrified” siya sa idea na nakompromiso — sa pamamagitan ng isang lihim na kasunduan — ang teritoryo, ang soberanya at mga karapatan sa soberanya ng Pilipinas.

“That is something we still have to clear it up,” anang Pangulo.

Bilang reaksiyon, sinabi ni Duterte na, “Ayaw kong mag-insulto, eh inumpisahan mo eh. Kung tinawagan mo sana ako, ‘di ka makatanggap nito. Ikaw, p*tang in* ka, hindi ka nakatapos. Hanggang second year college ka lang.”

Giit din niya, dapat ay tinanong din ng Pangulo si National Security Advisor Eduardo Año hinggil sa napaulat na kasunduan sa China.

“I do not decide on my own. When there is a critical issue at hand in front of me, I call the National Security Council. Kung wala akong panahon, ‘yan si Año, Esperon, ang mga military, ang tinatanong ko sa Cabinet.

“‘Yung agreement na ‘yan, kung totoo, nasabi ko na sa military ‘yan. You should not keep anything secret when you are talking about the national security. Ang mga military nandiyan talaga ‘yan. Nandiyan man si Año… adviser mo ‘yan, Bongbong. Tanungin mo kung meron bang gentleman’s agreement,” wika niya.

MICHAEL DINGLASAN – HN INVESTIGATIVE REPORTER

Leave a comment