PORMAL NANG BINUKSAN AT PINANGALANAN NA ANG 8 FINALIST SA THE MANILA FILM FESTIVAL  

Pormal na binuksan ng Manila city government ang Manila Film Festival sa ilalim ng temang ‘Manila in Me.’ kung saan pinangalanan na din ang walong finalists.

Pinasalamatan ni Mayor Honey Lacuna ang mga partisipante na binubuo ng mga estudyante mula sa iba’t-ibang pamantasan at kolehiyo sa Maynila.

Ayon kay Lacuna, ang festival ay nagtatampok talino ng mga kabataang filmmaker, ang Maynila ay Kilala bilang ‘talent hub’ lalo na’t mabibigyan ng pagkakataon na i-develop ang kanilang skills.

Mula sa dating full-length movies noong isang taon, ang festival ay nagtatampok ngayon ng short films sa paniniwalang mas lalong mapapahusay ang skills ng mga batang filmmakers sa pagpapahayag ng kanilang subject sa limitadong oras.

Sinabi pa ni Lacuna na ang lohiko sa pagkakaroon ng mga batang taga-gawa ng pelikula sa festival ay dahil naniniwala sila na ang mga kabataan ang pag-asa ng bansa ng kinabukasan.

Ipinahayag pa ng lady mayor na sa proyektong ito, ang mga talino ng estudyante ang itatampok at dahil dito ay patungo ang Maynila sa pagiging ‘cinema center’ sa hinahanap.

Samantala, sinabi ni Vice Mayor Yul Servo na base sa kahilingan ng alkalde at tourism chief Charlie Dungo, ang Manila City Council na kanyang pinamumunuan ay magpapasa ng resolusyon upang gawing libre ang lahat ng sites at venues na gagamitin ng mga filmmakers.

Dagdag pa dito, magbibigay si Lacuna ng grants sa walong filmmakers upang makatulong sa gastos nila paglikha ng pelikula.

Sa bahagi naman ni Dungo, sinabi nito na umaasa ang alkalde na sa pamamagitan ng tema.ngayong taon ng Festival ay maitataguyod ang turismo sa lungsod lalo na ang iba’t-ibang tourist spots at iba pang atraksyon sa lungsod sa pamamagitan ng kanilang mga film entries.

Ayon pa kay Dungo, ang walong finalists ay sasamahan ng apat na pelikula na gagawin ng featured directors Ang pelikula ay ipapalabas din sa festival.

Ang walong finalists ay ang sumusunod:

1. Happy (M)others Day !, director, Ronnie Ramos, UP Film Institute

2. Bahay, Baboy, Bagyo, director , Mico Buong, UP Film Institute

3. An Kuan, director, Joyce Ramos, PLM

4. threefor 100 o ang tamang pormal ng pag-uugnay at iba pang mga bagay-bagay, I think! director, Cedrick Labadia, iAcademy

5. Dita’s Pinamalas, director, Adrian Renz Espino, Adamson University

6. Pinilakang Tabingi, director, John Pistol Carmen, Bicol University

7. Una’t Huling Sakay, director, Vhan Marco Molacruz, Bicol University

8. Ballad of Blind Man, director Charlie Vitug, College of Saint Benilde

Nabatid na 69 ang lahat ng mga sumali kung saan pumili ng 30, mula sa 30 ay pumili ng 15 at sa 15 ay pumili ng walong finalists.

Ang premier night ay gaganapin sa June 4 at ang festival ay tatakbo mula June 5 hanggang 11, 2024.

Ayon naman sa organizer Kreativden at CEO Kaye Valenzuela ang presyo ng ticket ay magiging abot kaya ng mga estudyante.

ARVIN SORIANO (Ll.B) – HN NEWS CONTRIBUTOR

Leave a comment