BAHAY NINA CLAUDINE BARRETTO NINAKAWAN, INA NA 88 ANYOS MUNTIK NA MA-ICU 

Pinasok ng mga magnanakaw ang bahay nina Claudine Barretto sa Subic, Zambales na naging dahilan din para maospital ang kanyang 88-year old mom.

Ikinuwento ito ng aktres sa mediacon ng kanyang upcoming film na “Sinag” held last Monday.

“Last week, we were in Subic for how many days because nilooban ‘yung bahay namin at ‘yung bahay mommy at daddy ko at ‘yung bahay ng kuya ko, magkatabi ‘yun, eh,” aniya.

Ni-ransack daw ang dalawang bahay na pinaayos pa raw ng ate niyang si Gretchen Barretto at ginastusan ng malaki.

“Lahat ‘yun, pinaayos ni Gretchen. Lahat, bago, pina-landscape niya lahat ‘yun, milyon-milyon, with the best TVs, bagong aircon, lahat-lahat. And in 4 days, with the audacity and the nerve ng mga magnanakaw, nabalikan ‘yun at nagkahabulan sila ng mga pulis. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin nila makita,” kuwento ng aktres.

Dahil sa pangyayari ay tumaas ang blood pressure ng kanyang mommy at isinugod daw nila sa hospital.

“This sent my mom almost to the ICU. Kung hindi nakita ni Noah (kasama sa bahay), nag-hotel kasi kami, eh. Kung hindi nakita ni Noah na ‘yung mommy ko, nakaganu’n (nakalungayngay), malamang wala na ‘yung mommy ko.

“We had to rush her to the ER of Subic and I’m really thankful sa Baypoint Hospital because napakabilis nilang inasikaso ‘yung mom ko. ‘Yung BP (blood pressure) niya was 210 over. . .hindi ko na alam, hindi ko na rin alam kung anon’g mangyayari,” aniya.

Bago ito ay nagkaroon daw ng aksidente ang kanyang ina at nahulog sa escalator ng isang mall sa Taguig. Hindi pa nga raw ito gaanong nakaka-recover sa nangyari ay heto’t may panibagong pangyayari na naman.

Kaya sa ngayon daw ay nagpo-focus muna niya sa pag-aalaga sa kanyang ina.

Samantala, tinanggap ni Claudine ang pelikulang “Sinag” dahil sobrang nagustuhan daw niya ang script. May pagka-fantasy ang movie kung saan ay gaganap siyang isang diwata, but at the same time ay tatalakay din sa iba’t ibang issues na napapanahon.

Magsisimula na ang shooting ng Sinag ngayong May 28 na ididirehe ni Elaine Crisostomo.

Sey ni direk Elaine about the film, “it will be women empowerment, LGBTQ equality, meron tayong PWD awareness, so halos lahat ng awareness, bullying, meron din po tayo, so all in one po ang pelikula.”

BECCA DANTES – HN NEWS CONTRIBUTOR

Leave a comment