NAGING SYOTA NI RICA PERALEJO NG ILANG TAON SI PIOLO PASCUAL? 

Sa pagsalang ng di na aktibong aktres na si Rica Peralejo sa Fast Talk ni Boy Abunda ay may inamin ito sa kanyang panayam.

Kahit nga si Kuya Boy ay medyo naguluhan sa kuda ni Rica.

Hayagan nitong isiniwalat ang pagkakaroon nila ng relasyon ni Piolo Pascual.

Tumagal din daw ng ilang taon ang relasyon nina Rica at Piolo.

Dumating pa nga raw sa puntong napag-uusapan na nila ang kasal.

Pero nagulat si Kuya Boy dahil sinabi nitong wala raw label ang kanilang relasyon

Tanungin na nga lang daw si Piolo na naging okey naman sila na magdyowa.

At marami na ngang nangyari hanggang nagising na lang si Rica na hindi na sila ni Piolo.

Marami namang netizens ang nagsabi na ang hirap naman ‘yung magsyota kayo pero walang label.

MARU BOK – HN SHOWBIZ REPORTER

Leave a comment