NADISKUBRE ANG SINKHOLE MALAPIT SA VILLAMOR AIR BASE, PASAY 

Isang sinkhole ang nadiskubre ng mga awtoridad sa Pasay City nitong Linggo, Abril 14.

Matatagpuan ang sinkhole sa silangan na direksyon ng Sales Street malapit sa Villamor Air Base.

Nasa pagitan ang sinkhole ng Gates 4 at 2 ng Villamor Air Base.

Pansamantalang isinara ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang apektadong lane para maisagawa ang pagsasaayos.

Kasalukuyang inaalis na ng team sa SMC Infrastructure ang tubig na lumalabas sa sinkhole.

ANGHEL MIDRERO – HN NEWS CORRESPONDENT

Leave a comment