HIMAS-REHAS ANG SINAPIT NG NAGPAKILALANG PAMANGKIN SIYA NI DILG SEC. BENHUR ABALOS JR. DAHIL SA DALA NITONG KOLORUM NA VAN! 

Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang nagpakilala umanong pamangkin ni DILG Secretary Benhur Abalos na nag-ooperate ng kolorum na van.

Sa isang pulong balitaan nitong Huwebes, sinabi nina MMDA Assistant General Manager Assistant Secretary Angelo Vargas at Special Operations Group Head Gabriel Go na isinagawa ang operasyon sa Cubao Quezon City hinggil sa report na may kolorum na van na nagsasakay ng mga pasahero na bumibiyahe patungong Laguna.

Nang hulihin ng MMDA ang driver ng kolorum na van ay nadiskubreng peke ang gamit nitong lisensya.

Sa takot ng driver, sinabi nitong kamag-anak umano ni Abalos ang may-ari ng minamanehong van.

Makalipas ang ilang oras, isang babae umano ang nagtungo sa MMDA office at nagpakilalang pamangkin ni Abalos at kinukuha ang kolorum na sasakyan.

Agad na itinawag ng MMDA kay Abalos ang insidente pero inutusan umano sila ng kalihim na arestuhin ang babae kahit pa sinasabing kamag-anak niya ito.

ARVIN SORIANO (Ll.B) – HN NEWS CONTRIBUTOR

Leave a comment