“Mga sibilyan puwedeng dakpin si Quiboloy”- PNP 

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na maaari nang arestuhin anumang oras at ng kahit sino si Kingdom of Jesus Christ Founder Apollo Quiboloy.

Sinabi ito ng PNP sa gitna ng nagpapatuloy na manhunt operation sa warrant of arrest na inisyu laban sa kanya para sa mga kasong child and sex abuse.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo na lahat ng 5 kapwa akusado kay Quiboloy ay na-accused na.

Sa 5 kasamahang akusado na sumuko, 3 sa kanila ang nakapagpiyansa na habang inaasahang gayundin ang gagawin ng 2 pa.

Matatandaang iginiit ni Pastor Quiboloy na hindi siya magpapakita hangga’t hindi naglalabas ng kasulatan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi makikialam ang Estados Unidos sa mga kaso ng religious leader sa Pilipinas.

ATTY. EDNA B. DEL MORAL

Leave a comment