HINOLDAP NG RIDING-IN-TANDEM ANG 2 BRGY. TANOD NA NASA BARANGAY HALL

Hinoldap ang dalawang barangay tanod ng riding-in-tandem sa harap ng barangay hall sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat, Abril 6, ng madaling araw nang mangyari ang insidente habang nakaupo ang dalawang tanod na naka-duty. Lumapit sa kanila ang angkas ng rider at tinutukan ang mga ito ng baril at kinuha ang kanilang cellphone.

Sinabi ng Manila Police District na natukoy na nila ang nanutok ng baril. Residente rin umano ng Maynila ang suspek na dati nang nakulong sa robbery-holdup.

Samanta, hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan ng rider.

MICHAEL DINGLASAN – HN INVESTIGATIVE REPORTER

Leave a comment