DUMARAMI ANG DENGUE CASES SA QUEZON CITY 

Dumami ang bilang ng mga kaso ng dengue sa Quezon City sa unang tatlong buwan ng taon.

Mula sa 721 noong 2023, umakyat ang mga tinamaan ng dengue sa P998 sa unang quarter ng 2024. Dalawa sa mga biktima ang nasawi ngayong taon samantalang noong 2023 ay isa.

Kaya naman nakipag-ugnayan si House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera sa Rotary Club of Kyoto Higashiyama ng Japan para mabigyan ng anti-dengue misting machines ang Quezon City government.

“Kailangang sugpuin natin [ang dengue], kailangang labanan natin ito… Narito po kami para i-turn over ang anti-dengue machines sa ating City Health Department,” sabi ni Herrera, na sinamahan ni Rotary District 3780 Governor Paul Angel Galang at dating pangulo nitong si Robert Nazal.

Nagbigay naman ng P500,000 cash donation ang Philippine Rotary District 3780 para sa Zero Illiteracy Program ng lungsod.

Ang Bagong Henerasyon party-list ay nagbigay naman ng P3 milyong halaga ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa city government na pinamumunuan ni Mayor Joy Belmonte.

Ang mga donasyon ay ibinigay sa isang turn over ceremony sa flag-raising sa city hall noong Lunes.

“Alam ko, maliit na bagay lang po ito, Mayor. But with your leadership, alam ko po, maraming-maraming mararating ang assistance na ito,” sabi ni Herrera.

Si Herrera ay dating konsehal ng Quezon City hall at nasa likod ng mga programa gaya ng “computer-on-wheels,” “skills-on-wheels,” mga mobile clinics, at nagparami ng mga TESDA scholars.

MICHAEL DINGLASAN – HN INVESTIGATIVE REPORTER

Leave a comment