ARESTADO ANG 1 POLICEWOMAN AT 1 SUNDALO SA PAGBEBENTA NG MGA BARIL! 

Tiklo ang isang policewoman at kasintahang Army corporal nang magbenta ng assault rifle at pistol na government property sa mga hindi unipormadong pulis Sabado ng hapon, April 6, 2024.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Linggo ni Bangsamoro Police director Brig. General Prexy Tanggawohn at ni Brig. Gen. Augustus Placer, direktor ng Police Regional Office-12, nasa kustodiya na ng Criminal Investigation and Detection Group-Bangsamoro Autonomous Region sina Patrolwoman Irish Emoy at Corporal Jaafar Sabturaon.

Ayon sa dalawang regional police directors, na-entrap ng mga operatiba ng CIDG-BAR ang dalawa sa Barangay Tubon sa Pigcawayan, Cotabato.

Ayon kay Lt. Col. Ariel Huesca, regional chief ng CIDG-BAR, nabilhan ng kanilang mga operatiba at mga kasapi ng Pigcawayan Municipal Police Station at ng Cotabato Provincial Police Office ng isang 5.56 M16 rifle at isang .45 caliber pistol ang dalawa sa entrapment operation sa Barangay Tubon.

Ayon kay Huesca, si Emoy ay naka-assign sa Regional Personnel Holding and Accounting Section ng PRO-12.

ATTY. EDNA B. DEL MORAL

Leave a comment