NAGPRESINTA SI SEN. BATO DELA ROSA NA MAGING PERSONAL NA SEKYU NI APOLLO QUIBOLOY KUNG PLANONG DUMALO SA PAGDINIG SA SENADO 

Ibinoluntaryo ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang kanyang sarili para magbantay kay Pastor Apollo Quiboloy sa oras na magdesisyon ang huli na dumalo sa pagdinig sa Senado.

“Kung gusto nya, ako ang mag security sa kanya. Kahit na one-man security ako, haharangin ko lahat ng may threat sa buhay niya,” pahayag ni Dela Rosa sa panayam sa Radyo 630.

Ginawa ni Dela Rosa ang pahayag matapos maglabas ang Senado ang arrest order laban Quiboloy dahil sa patuloy nitong pag-isnab sa imbitasyon ng Senate Committee on Women kaugnay ng reklamo ng pag-abuso sa mga dating miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na kanyang pinamumunuan.

“Magvo-volunteer ako mag-security sa kanya kung nanaisin nyang humarap sa Senado ha, mas maganda sana. At the end of the day, the decision is coming from him and him alone,” saad pa ng senadora.

Sabi pa ni Dela Rosa, ayaw na sanang makulong ang si Quiboloy subalit wala umano siyang magawa.

“Ayaw na ayaw ko sana, pero wala tayong magawa dahil hindi rin natin pwedeng i-violate ang rules of [the Senate],” saad pa ng senador.

Nauna nang tiniyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang kaligtasan ni Quiboloy sa Senado sa oras na dumalo ito sa pagdinig.

“We will give him the respect due any citizen of the country, at we will respect also his rights as an invited person,” sabi ni Zubiri sa panayam noong Martes.

HAZEL HEDI – HN INVESTIGATIVE REPORTER

Leave a comment