TUMIBA ANG BUREAU OF IMMIGRATION SA PALIT-VISA NG MGA INTSIK 

Naalarma ang isang miyembro ng Kamara de Representantes sa ulat na maraming Chinese ang nag-convert ng kanilang tourist visa sa student visa para lamang mapalawig ang kanilang pananatili sa bansa.

“We received reports that Chinese tourists, when their tourist visa is about to expire, enroll in universities to secure a student visa. They do not attend classes, though,” paglalahad ni Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa interview ng DZBB nitong Miyerkoles.

Kumbinsido ang kongresista na may kapalit na pera ang bawat pagpapa-convert ng student visa.

“I even got information that one family of tourists were able to get a student visa. Hindi naman magko-convert ng student ‘yan nang walang kapalit,” giit ni Barbers.

Sinasamantala umano ng mga turistang ito ang Executive Order 285 na inisyu noon ni dating Pangulong Joseph Estrada na nagbibigay kapangyarihan sa Bureau of Immigration (BI) na iko-convert ang tourist visa sa student visa.

Dahil sa iregularidad na ito, hindi tuloy matumbok kung ilang Chinese ang nag-aaral talaga sa mga university o kolehiyo sa bansa.

“Some say there are 4,000 to 5,000 students from mainland China. Others say it is at 16,000. Some say it’s just 500. What is the reason for that?” pagtatanong ni Barbers.

Nanindigan naman ang BI na walang anomalya sa pagbibigay ng student visa sa mga dayuhang estudyante na nakapasok sa Pilipinas gamit ang tourist visa.

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, nagpulong nitong Lunes ang inter-agency kasama ang Commission on Higher Education at batay sa assessment, walang nakitang anomalya sa pag-iisyu ng visa dahil bahagi ito ng regular processing ng Bureau of Immigration.

“Tiningnan po nation on the ground ‘yung mga naiisyu na visa, wala naman po tayong nakitang kakaiba or anomalya doon sa pag-iisyu ng visa,” ani Sandoval.

Sinabi ni Sandoval na dumadaan sa inspection, validation at petisyon ng mga paaralan ang apli­kasyon ng dayuhan bago maisyuhan ang mga ito ng student visa.

IKE ENRIQUE – HN NEWS CONTRIBUTOR





Leave a comment