ARESTADO ANG 3 DRUG COURIER SA BUY BUST OPERATION SA MUNTINLUPA CITY

Tatlong lalaki na umano’y drug courier ang bumagsak sa kamay ng pulisya matapos ang isinagawang drug buy bust operation ng Muntinlupa City Police Station Drug Enforcement Unit sa kahabaan ng Baywalk, Barangay Bayanan.

Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, isinagawa ang operasyon kaninang alas 3:10 ng umaga ( Miyerkules) kung saan kumagat sa bitag ang tatlong suspect sa isang nagpanggap na poseur buyer ng ipinagbabawal na droga.

Matapos na maiabot ang buy bust money at makuha ang droga ay agad na inaresto ng mga otoridad ang tatlong suspect na nakilalang sina alias “Joey”, 35, alias “koko”, 31, at alias “baldo”, 32.

Nakumpiska sa kanila ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na labing anim na gramo na may street value na P108,000.00

Narekober din ang ginamit na buy bust money ng mga pulis sa operasyon na P500 .00

Ang tatlong suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article II ng RA 9165 o paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

ARVIN SORIANO (Ll.B) – HN NEWS CONTRIBUTOR

Leave a comment