SUPORTADO NI PBBM ANG BAGONG SENATE PRESIDENT NA SI SEN. CHIZ ESCUDERO 

Nagpahayagng kanyang suporta si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Senador Francis “Chiz” Escudero, pinangalanan bilang bagong Senate President.

Pinalitan ni Escudero si Senator Juan Miguel Zubiri na nagbitiw sa pagiging senate president.

Sa isang kalatas na naka-post sa social media, kinilala ni Pangulong Marcos ang track record at karanasan sa lehislatura ni Escudero.

Sa pagsisimula ng liderato ni Escudero, sinabi ng Pangulo na kumpiyansa siya na ipagpapatuloy ng Senado na iprayoridad ang mga hakbang na sumusuporta sa tiwala ng administrasyon para sa positibong transpormasyon.

“I extend my support to the new Senate President, Chiz Escudero. His legislative record and commitment to public service have distinguished him as a dedicated leader,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Senator Chiz steps into this role following the commendable tenure of Senator Migz Zubiri, and I am confident that under his leadership, the Senate will continue to prioritize transformative laws to achieve our shared vision for a Bagong Pilipinas,” aniya pa rin.

Nauna rito, inihalal ng mga senador nitong Lunes ang kanilang kasamahan na si Francis “Chiz” Escudero bilang bagong Senate President, kapalit ng “heartbroken” na si Juan Miguel Zubiri, na iginiit na prinotektahan niya ang pagiging independent ng Senado.

Matapos ang talumpati ni Zubiri para ihayag ang kaniyang pagbibitiw bilang lider ng Senado, iminungkahi ni Sen. Alan Peter Cayetano sa plenaryo si Escudero na maging bago nilang lider, na sinang-ayunan naman ng mayorya.

Matapos ang talumpati ni Zubiri para ihayag ang kaniyang pagbibitiw bilang lider ng Senado, iminungkahi ni Sen. Alan Peter Cayetano sa plenaryo si Escudero na maging bago nilang lider, na sinang-ayunan naman ng mayorya.

Ginawa ni Escudero ang panunumpa bilang bagong Senate President kay Sen. Mark Villar, na siya namang pinakabatang miyembro ng kapulungan.

Kasama ni Escudero sa panunumpa ang kaniyang asawa na si Heart Evangelista.

Sa kaniyang pahayag matapos ang oath-taking, pinasalamatan ni Escudero si Zubiri sa pagmamahal nito sa bayan at sa Senado bilang isang institusyon.

“My hats off to you, Senate President Zubiri. I salute you and I hope I will make you proud. You especially among all our other colleagues and hopefully, you will not leave my side whenever I ask for guidance, whenever I ask for help and whenever I ask for your wisdom. Mas malayo po at mas marami kayong alam sa akin lalo na bilang taga-pangulo ng Senado,” ayon kay Escudero.

Tiniyak ni Escudero na walang mangyayaring pagkakahati-hati sa Senado sa kabila ng pagbabago sa liderato.

“Walang my team, walang your team para sa akin. Walang SP Migz, wala ring Chiz para sa akin. Ang tingin ko sa bawat isa sa atin ay mga miyembro ng nag-iisang Senado. At kung may kulay man tayong dadalhin, para sa akin, ang mga kulay na yan ay dapat sumasagisag as bandila ng Pilipinas na nagkataon lamang na nasa likod at nasa harap natin ngayon,” dagdag niya.

MICHAEL DINGLASAN – HN INVESTIGATIVE REPORTER

Leave a comment