SINIBAK NI CPNP GEN. MARBIL ANG 9 NA SAF MEMBER DAMAY DIN ANG MGA HEPE SA PAGBA-BODYGUARD SA CHINESE NATIONAL NA OPISYAL NG POGO

Sinibak sa puwesto ang siyam na miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP) para sa gagawin imbestigasyon kaungay ng pagkakasangkot ng 2 nitong tauhan sa pagmo–moonlighting sa pamamagitan ng pagsisilbing bodyguard ng isang Chinese National na ‘di umano official ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Ayon kay PNP Chief Gen Francisco Marbil, kabilang sa mga sinibak sa puwesto ang Battalion Commander, Company Commander, Platoon leader, first Sergeant at ilang pang mayroon direktang supervision ng dalawang inarestong miyembro ng SAF.

“Yung battalion commander, yung company commander, pati yung tao na yung first sergeant nila and the one who is making the report na present yung tao. Kasama na sigurado sa 9 yung pinaimbestigahan namin.” pahayag ni Marbil.

Kaungay nito, bukod sa kasong Administrative sinampahan naman ng kasong “Alarms and Scandals” ang 2 SAF na sina Corporal George Rojo Mabuti at Patrolman Roger Ramos Valdez sa Prosecutor office sa Muntinlupa City.

Nakatalaga si Mabuti sa 52nd Special Action Company Zamboanga habang nakatalaga si Valdez sa 55th Special Action Company Zamboanga.

Inaresto sina Mabuti at Valdez nang humingi ng tulong ang ilang mga residente sa Ayala, Alabang, Muntinlupa City nang mag-away ang dalawa noong May 18, 2024.

BECCA DANTES – HN NEWS CONTRIBUTOR

Leave a comment