“Wala nang kontrol si Mayor Alice Guo sa mga pulis”– DILG SEC. BENHUR ABALOS JR. 

Tinanggalan na ng kapangyarihan si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na pangasiwaan ang mga pulis sa nasabing bayan.

Ito ang kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa isang press briefing na ginanap sa Kampo Krame.

Sinabi ni Abalos na maaari nang makapagsampa ng kaukulang kaso kay Alice Guo anumang oras ngayong araw o bukas ang DILG matapos ang isinagawang imbestigasyon na isinumite sa Office of the Ombudsman.

Paglilinaw naman ng kalihim na bumuo sila ng Special Task Force sapagkat wala umanong kakayahan ang DILG na isuspinde ang naturang alkalde.

Matatandaan na ginisa si Guo sa Senate hearing matapos masangkot sa operasyon ng POGO Hub sa Bamban, Tarlac. Dahil dito, kinuwestiyon din ang kanyang background.

MICHAEL DINGLASAN – HN INVESTIGATIVE REPORTER

Leave a comment