NANUMPA NA SI SEN. CHIZ ESCUDERO BILANG SENATE PREXY, SEN. MIGZ ZUBIRI OUT

Itinalaga na bilang bagong Senate President si Senador Francis Escudero matapos na magbitiw sa pwesto si Senador Juan Miguel Zubiri.

Ang nominasyon ni Escudero ay ginawa ni Senador Alan Peter Cayetano. Walang tumutol dito, kung kaya’t opisyal na inihalal ng Senado si Escudero bilang bagong pinuno.

Ilang minuto matapos ang pagkakahalal, nanumpa si Escudero na pinangunahan ni Senador Mark Villar, ang pinakabatang senador.

Dumalo din sa oath-taking rites ang asawa ni Escudero na si Heart Evangelista.

Nagpasalamat naman si Escudero kay Zubiri sa pagmamahal nito sa bansa at sa Senado bilang institusyon.

“My hats off to you, Senate President Zubiri. I salute you and I hope I will make you proud. You especially among all our other colleagues and hopefully, you will not leave my side whenever I ask for guidance, whenever I ask for help and whenever I ask for your wisdom,” ani Escudero.

“Mas malayo po at mas marami kayong alam sa akin lalo na bilang taga-pangulo ng Senado,” dagdag pa niya.

Siniguro naman ni Escudero na hindi mahahati ang mga senador sa kabila ng pagpapalit ng liderato.

“Walang my team, walang your team para sa akin. Walang SP Migz, wala ring Chiz para sa akin. Ang tingin ko sa bawat isa sa atin ay mga miyembro ng nag-iisang Senado,” anang senador.

“At kung may kulay man tayong dadalhin, para sa akin, ang mga kulay na ‘yan ay dapat sumasagisag as bandila ng Pilipinas na nagkataon lamang na nasa likod at nasa harap natin ngayon,” pagtatapos niya.

MICHAEL DINGLASAN – HN INVESTIGATIVE REPORTER

Leave a comment