BINUKSAN NA NG DEPED ANG APLIKASYON PARA SA SHS VOUCHER PROGRAM  

Maaari nang mag-apply ang graduating junior high-school students mula sa mga pribadong paaralan na hindi saklaw ng financial grant ng Department of Education (DepEd) para sa subsidy vouchers para sa kanilang senior high school (SHS) enrollment sa susunod na school year.

Batay sa Memorandum No. 24 ng DepEd na inilabas noong May 9, binuksan ang aplikasyon para sa SHS voucher program para sa incoming Grade 11 students sa school year 2024 hanggang 2025 noong May 16.

Nagkakahalaga ang kada voucher ng P14,000 hanggang P22,500, depende sa lokasyon ng estudyante.

Kabilang sa mga maaaring mag-apply ang Grade 10 completers mula sa private schools na hindi grantees ng Education Service Contracting (ESC) program ng DepEd.

Pasok din dito ang mga estudyanteng nakatapos ng Grade 10 sa mga nakaraang taon, hangga’t hindi ito mas maaga sa 2016 at hindi pa nag-enroll sa Grade 11 kahit kailan.

The voucher program also covers learners who passed the Philippine Educational Placement Test (PEPT) for Grade 10 in years not earlier than 2016, and those who have yet to take PEPT in the upcoming school year.

Kabilang naman sa mga awtomatikong kwalipikado para sa voucher ang lahat ng Grade 10 graduates mula sa public schools, at mga galing sa private schools subalit nasa ilalim ng ESC program.

Kailangang gumawa ng mga aplikante ng account gamit ang working email address sa Online Voucher Application Portal (https://ovap.peac.org.ph) upang makakuha ng detalye ukol sa application process.

Tatatanggap ang DepEd ng aplikasyon hanggang June 4. Sa ilalim ng revised school calendar, magsisimula ang klase para sa susunod na school year sa July 29.

Ipinatupad ng education agency ang voucher grant noong 2015 sa layuning palawigin ang access sa SHS education sa mga estudyante mula sa low-income families.

Gayundin, target ng programang bawasan ang overcrowding sa lahat ng public schools dahil maaaring mag-enroll ang grantees sa private institutions gamit ang vouchers.

CALOY CARLOS – HN NEWS CORRESPONDENT

Leave a comment