PBBM NAGSALITA NA SA VIRAL SELFIE NILA NI BAMBAN MAYOR ALICE GUO 

Nagsalita na si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kaugnay sa lumabas na selfie photo nila ng kontrobersyal na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Mayor Alice Guo.

Ayon sa pangulo, maraming katulad na larawan ang kinuha noong 2022 election campaign.

“You know many how many pictures I take during a campaign? Siguro isang libo isang araw. Lahat naman ng humihingi ng selfie hindi mo naman hinihindian. So, doesn’t really mean anything,” saad ng pangulo.

Binigyang-diin pa ni Marcos na nagsisimula pa lamang ang imbestigasyon sa posibleng kaugnayan ni Guo sa POGO.

“We have a ways to go dahil talagang hinahanap natin kung ano ba talaga ang totoo. And as I said, there is also an ongoing investigation by the Senate. So, let’s allow the executive side and the legislative side to do the work and continue our investigation… Wala pang definite na conclusions,” aniya.

Samantala, itinanggi din ng kapatid ni Pangulong Marcos na si Senator Imee Marcos na close friend niya si Guo.

Sabi ng presidential sister, nagkita lamang umano sila ni Guo nang bumisita ito sa Bamban noong 2022 para sa pamamahagi ng ayuda sa mga residente.

Matatandaan na naka-post sa Instagram ng alkalde ang photo nila ni Senator Marcos, ngunit na-delete ito.

CALOY CARLOS – HN NEWS CORRESPONDENT

Leave a comment