PINASISIYASAT NI SEN. RAFFY TULFO ANG KAKULANGAN NG SUPLAY SA KURYENTE 

Naghain si Senador Raffy Tulfo na isang resolusyon na naglalayong imbestigahan ang nakakaalarmang kakulangan ng suplay ng kuryente sa bansa.

Inihain ni Tulfo, chairperson ng Senate Committee on Energy, ang Senate Resolution 1008 kasunod ng deklarasyon ng red at yellow alert sa Luzon, Visayas at Mindanao grid.

Inisyu ang red alert kapag hindi sapat ang suplay ng kuryente para matugunan ang panangailangan ng mga konsyumer at regulating requirement ng transmission grid habang ang yellow alert ay iniisyu kapag ang operating margin ay hindi rin sapat sa pangangailangan ng contingency requirement.

“It is important to determine the cause of the insufficiency of power supply to meet consumer demand, including the cause of power plant outages and unscheduled shutdowns,” sabi ni Tulfo.

Noong Abril 16, nakipag-ugnayan na si Tulfo sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kasama ang Department of Energy (DOE) para matiyak na natutukan ang generation companies (gencos) at maiwasan ang brownout.

Samantala, sinabi ng Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP), ang paglagay ng Luzon at Visayas grid sa red at yellow alert ay nagresulta sa pagtaas na presyo ng kuryente sa P13.39 pesos per kilowatt hour sa Luzon mula sa dating P5.55 habang P14.64 per kwh naman sa Visayas mula sa dating P5.73.

“There is a need to ensure that the increases in the market prices should not be borne by the innocent consumers,” saad ni Tulfo.

Sa paghahain ng resolusyon, binigyang-diin ni Tulfo na kailangang matiyak ang karampatang hakbang ng ng magkakaugnay na ahensya ng gobyerno, generation companies at iba pa industry players para masigurong supat ang suplay ng kuryente at maiwasan ang rotational brownout sa buong bansa.

Nakatakda ang pagdinig ng Senate Committee on Energy sa isyu sa Mayo 6.

MICHAEL DINGLASAN – HN INVESTIGATIVE REPORTER

Leave a comment