“Sa mag-asawa healthy kung nag-aaway kayo!”- JESSY MENDIOLA

Para kay Jessy Mendiola, may magandang naidudulot din ang pagkakaroon ng away sa buhay mag-asawa gaya ng experience nila ng asawa niyang si Luis Manzano.

“Ito, tayo lang naman, kayo ba nag-aaway?” tanong ni Tito Boy kay Jessy

“Oo, Tito Boy. Imposibleng hindi, ‘di na kami normal nun kung hindi kami mag-away,” sey ni Jessy.

“Isa lang masasabi ko din, syempre nag-aaway kami but you know, mas mabilis na kaming magbati ngayon because of Peanut and also, kasi dahil kilala na rin namin yung isa’t isa.

“I think normal naman yun and it’s actually healthy na nag-aaway kayo kasi you get to air out you know, feelings, emotions. And talagang I think mas naggo-grow kayo together as a couple. Nakikilala niyo ang isa’t isa. Nakikita niyo kung ano yung mga dapat niyo pang baguhin sa sarili niyo or yung dapat niyo pang i-keep or i-let go,” paliwanag pa ng celebrity actress.

MARU BOK – HN SHOWBIZ REPORTER

Leave a comment