“Mas titindi pa ang init sa Mayo”– PAGASA

Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) na magpapatuloy ang nararanasang init ng panahon hanggang sa susunod na buwan ng Mayo kung saan mas magiging mainit pa ito.

Base sa Pagasa, sa ngayon ay lampas na sa 40°C ang mga heat index na naitatala sa iba’t ibang lugar sa bansa tulad sa Camarines Norte at Camarines Sur, Palawan, Cavite City, at Zamboanga City na nakaranas ng 42 hanggang 43 degrees Celsius.

Nakapagtala naman sa Dagupan City ng 44ºC heat index nitong Miyerkoles.

“Kung pagbabasehan natin ‘yung climatological normal, ‘yung ating heat index, by the end of April, possible pa ring maglaro between 42 to 48 °C. Posibleng umabot ng 48°C sa ilang mga lugar. Nangyari na rin ito noong nagdaang taon. And then pagsapit ng Mayo, may mga lugar na naglalaro between 48 hanggang 51 degrees Celsius ng ating heat index,” paliwanag ni Pagasa weather specialist Benison Estareja sa isang panayam.

ATTY. EDNA DEL MORAL

Leave a comment