MAY KONDISYON SI KRISTINE HERMOSA BAGO MAKATRABAHO MULI SI JERICHO ROSALES

Para kay Kristine Hermosa, ayos lang umano na makatrabaho niya ang ex-boyfriend na si Jericho Rosales, pero sa ilalim ng strict conditions.

Natanong ang celebrity mom tungkol dito sa isang event.

“Are you willing to work with him (Jericho)?” tanong ng media kay Kristine.

“Kelan niya sinabi, anong katunayan?” pabirong hiti ni Kristine.

Pero sagot niya sa tanong, “Depende sa project, depende sa mga eksena, basta depende. I need to see everything muna. Talagang i-filter ko muna kung talagang worth it naman ang gagawin namin hindi ‘yung masabi lang na may ginawa together.”

Ayos lang ba ito para sa mister niyang si Oyo Sotto?

Sey ni Kristine, “Wala naman pong problema sa kanya, very professional naman din. Kumbaga, kung gusto ko susuportahan naman niya.”

“The thing is ako ‘yung talagang, choice ko talaga na – ayaw ko kasi na gumagawa ng kung ano-ano lang.”

Gusto nga raw ni Kristine ang gumawa ng project na mayroong katuturan.

Sina Jericho at Kristine ang lead actors ng hit serye na ‘Pangako Sa ‘Yo’ na umere ng halos dalawang taon.

Nagsimula umano ang kanilang relasyon ng 2000 hanggang 2004.

MARU BOK – HN SHOWBIZ REPORTER   

Leave a comment