TULOY ANG KASONG SYNDICATED ESTAFA NA IKINASO NI MIKEE QUINTOS SA MGA TAONG NANLOKO SA KANILA! 

Tuloy pa rin ang isinampang syndicated estafa ng magdyowang Mikee Quintos at Paul Salas laban sa mga taong umano’y nanloko sa kanila sa cryptocurrency investment.

Matatandaang naghain ng reklamo ang celebrity couple noong October, 2023 laban sa crypto group na tumangay umano sa kanilang pera na nagkakahalaga ng P8 million pesos.

Sa panayam ng aktres sa ‘Updated with Nelson Canlas’ podcast, umaasa raw siya na mababawi nila ang perang in-invest.

“Sana, sana naman nakakapag-reflect na sila. And ongoing naman ‘yung mga kaso namin. Let’s see how it goes,” aniya.

Nasa point na raw sila ng kaso na nagharap na sila sa piskalya.

“Nakaabot na kami sa part ng case na kinailangan naming humarap sa piskal. Nakita ko na sila,” aniya.

Kung bakit umabot sa ganun kalaking halaga ang nakuha sa kanila, ayon kay Mikee, nakuha raw kasi ang kanilang tiwala dahil sa simula ay nakakakuha sila ng pera.

“Yung deal namin na ‘yun was like monthly compounding 5% ‘yung kikitain dun sa kung magkano ‘yung amount na i-invest mo.

“Tapos ganun na-pull out ko, mabilis, dumating sa akin ‘yung money. Okay. So, it was a good deal. Parang ‘yun nga, if you count it all, ‘yung good experience with the company was around three to four years,” kuwento ni Mikee.

“Until itong pinakahuling big chunk of investment namin, tinakbo na niya. Biglang naging MIA (missing in action), hindi na nagre-reply. And then, later on, a few months later, we found out, lahat pala ng mga projections ng crypto na sine-send niya sa amin ‘pag nagpe-present siya was curated and photoshopped,” patuloy niya.

Doon nga rin nila na-realize na taktika lang pala ang pagbibigay sa kanila sa simula ng pera para mag-invest pa sila ulit ng mas malaki.

“Kung kailan buo na ‘yung trust mo kaya nagbigay ka ng bigger amount, doon niya pala itatakbo. ‘Yun pala tactic niya. Mag-aalaga siya ng mga bago ng ilang taon tapos… hay!” sabi ni Mikee na halatang dismayado pa rin.

Karamihan nga raw sa mga biktima ay mga batang Pilipino na edad 22-23 years old.

In-expect na rin daw nila na may tatawag sa kanila ng tanga or greedy matapos nilang i-reveal ang nangyari sa kanila.

“Pero ‘pag ‘di kasi tayo nagsalita, lalo lang nilang gagawin, eh,” aniya.

Aminado si Mikee na pinagsisisihan niya na hindi niya ipinag-pray bago siya nag-invest.

“Ako, isa lang pinagsisisihan ko, feeling ko, doing that decision kasi, hindi ko pinag-pray ‘yon. Hindi ko pinag-pray. Hindi ko pinag-pray bago ako nag-invest. Pray muna before any big decision. Para makakuha ka ng sign from God kung tama ba ‘yung ginagawa mo or not. Iyon ‘yung biggest lesson ko.”

MARU BOK – HN SHOWBIZ REPORTER

Leave a comment