NOTORIOUS NA WIPER BOYS NG ARANETA AVE., QC NADAMPOT NA RIN!

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang ilang indibidwal na nagpupunas ng windshield ng mga sasakyan kapalit ng pera sa Quezon Avenue sa Quezon City.

Nililinis umano ng mga wiper boy ang windshield ng mga sasakyang humihinto sa traffic lights kahit walang pahintulot ng mga driver.

Mas marami pang mga wiper boy na nakatambay sa Araneta Avenue-Aurora Boulevard intersection ang dinala sa kustodiya, ayon sa pamahalaang lungsod.

Ang mga naarestong wiper boy ay dinala sa mga istasyon ng pulisya at itinurn-over sa barangay police security officers, ayon sa pamahalaang lungsod.

Itinurn-over naman ang mga menor de edad sa Department of Social Welfare and Development.

ANGHEL MIDRERO – HN NEWS CORRESPONDENT

Leave a comment