UMABOT SA MAHIGIT 2.5 MILLION ANG MGA TURISTANG DUMAGSA SA BATANGAS NUONG HOLY WEEK!

Noong Holy Week, umabot sa mahigit 2.5 million na turista ang bumisita sa lalawigan ng Batangas.

Sa datos Batangas Tourism and Cultural Affairs, nakapagtala ng 2,541,327 visitors at tourists sa lalawigan simula March 27 hanggang March 31, 2024.

Ang nasabing bilang ay 75 percent na mas mataas kumpara sa naitalang mga turista sa lalawigan noong nakaraang taon na umabot sa 1.4 million.

Maliban sa mga magagandang beach ay may malalaking simbahan din sa Batangas na dinarayo ng mga turista.

MICHAEL  DINGLASAN – HN INVESTIGATIVE REPORTER

Leave a comment