“Nang dahil kay Duterte Pilipinas nagmukhang Chinese puppet”- SEN. RISA HONTEVEROS

Dapat tigilan na ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatanggol sa China dahil sa panahon umano ng kanyang termino nagmukhang “Chinese puppet” ang Pilipinas sa mata ng international community, ayon kay Senadora Risa Hontiveros.

Bagama’t inamin ni Duterte na pumasok ang kanyang administrasyon sa “status quo” agreement sa West Philippine Sea, tiniyak naman nito na walang isinuko anuman ang Pilipinas sa China. Subalit hindi naman kinagat ni Hontiveros ang paliwanag na ito ng dating Pangulo.

“Duterte and his men all have conflicting claims. Ang gulo nilang lahat, parang gobyerno niya nung pinuno siya,” sabi ni Hontiveros sa isang statement.

Ayon kay Hontiveros, dapat tigilan na rin ni Duterte sa pagsabing mas maayos ang kalagayan ng Pilipinas sa panahon ng kanyang panunungkulan.

“It was during his administration that China passed the disastrous fishing ban against Filipino fisherfolk. It was during his time that Chinese Navy vessels armed with missiles chased and harassed Filipino journalists,” sabi ni Hontiveros.

“It was his presidency that made the Philippines look like a Chinese puppet in the eyes of the international community,” dagdag pa niya.

Sabi pa ni Hontiveros, maraming pang mga insidente ng pananakot at pagbabanta na hindi pa isinapubliko noon subalit ngayo aniya’y kitang-kita ang kahangalan ng Tsina dahil sa patuloy na pambu-bully nila sa WPS.

“Huwag niya nang ipagtanggol ang best friend niya. Walang napala ang Pilipinas,” sambit pa ng senadora.

HAZEL HEDI – HN INVESTIGATIVE REPORTER

Leave a comment