INIHIRIT NI REP. ERIC MARTINEZ SA PAGASA NA GAWING MALA-TYPHOON SIGNAL ANG HEAT INDEX PARA SA CLASS SUSPENSION! 

Kagaya ng pagsuspinde ng klase tuwing may paparating na bagyo, hiniling ng isang mambabatas ang pagkakaroon ng protocol para sa awtomatikong pagkansela ng face-to-face classes kapag sobra ang inaasahang init.

Hiniling ni Valenzuela Rep. Eric Martinez sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na gumawa ng protocol para sa heat index, na gagamiting batayan kung ikakansela ang face-to-face classes.

“We have to adapt to this new normal,” sabi ni Martinez.

Paliwanag ng mambabatas, kapag mayroong paparating na bagyo naglalabas ng typhoon warning signal ang Pagasa na siyang ginagamit ng Department of Education (DepEd) na batayan kung ikakansela ang klase o hindi kung kaya’t nararapat aniya na magkaroon din ng katulad na protocol kapag summer season.

“Halimbawa Heat Index number 3, everyone is advised to stay indoors. So ang DepEd ngayon guided na. `Pag ganitong Heat Index no. 3…. walang face-to-face learning, online tayo,” dagdag pa nito.

Ayon kay Martinez, ang Heat Index 1 ay maaaring mangahulugan na dapat manatili sa loob mula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-kuwatro ng hapon, habang ang Heat Index 2 ay ipagbabawal ang mga outdoor activity.

CALOY CARLOS – HN NEWS CORRESPONDENT

Leave a comment