PAGBUBUKAS NG APLIKASYON PARA SA PRESIDING JUSTICE NG COURT OF APPEALS AT SANDIGANDAYAN INANUNSYO NA NG JBC 

Inanunsyo ng Judicial and Bar Council (JBC), ang pagbubukas ng applikasyon at rekomendasyon para sa posisyon ng presiding juctice sa Court of Appeals (CA) at Sandiganbayan.

Ang kasalukuyang Presiding Justice ng CA na si Justice Mariflor P. Castillo ay nakatakda na kasing magreturo sa Sept. 21, 2024.

Nakatakda ring magretiro sa Nov. 8, 2024 si Sandiganbayan Presiding Justice Amparo M. Cabotaje Tang.

Batay sa inilabas na advisory ng JBC, ang deadline para sa submission ng applikasyon o rekomendasyon ay sa July 29, 2024. Itinakda ito sa alas 4:30 ng hapon.

Ang JBC ay pinamumunuan ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo bilang ex-officio chairperson nito.

Ito ay isang constitutional office na tumatanggap ng applikasyon, nagi-screen sa mga applikasyon, at nagnonominate ng mga appointment sa hudikatura, Legal Education Board, at sa mga opisina ng Ombudsman, Deputy Ombudsman, at Special Prosecutor.

IKE ENRIQUE – NEWS CONTRIBUTOR

Leave a comment