NAGKA-TRAUMA SI SHAIRA DIAZ SA MASAMANG ELEMENTO

Ikinuwento ng aktres na si Shaira Diaz ang hindi niya nalilimutang naranasan sa lock-in taping noon na natapos nang teleseryeng Lolong na pinagbidahan ni Ruru Madrid.

Nagalit daw ang elemento sa kanya at bawat tulog daw niya ay binabangungot siya sa loob ng tent.

Nangyari raw ito sa kanilang first scene kung saan gubat talaga ang kanilang location sa Quezon na hindi pinupuntahan ng mga tao.

At tuwing gabi raw ang basang-basa ng tubig ang kama niya pero nang tingnan nila ang paligid ay wala namang tulo. Kaya nung natatakot na siya at naglaro ng Mobile Legends ay tiningnan ng director nila ang hinliliit niya dahil ang paniwala nga sa atin ay ‘pag hindi ito pantay ay may naglalarong elemento.

At doon nga nakita nilang mas mahaba ang isa niyang daliri at doon nga naulit pa ang pagkabasa ng kama niya nang humiga siya at naniwala na raw talaga siya.

Mas lumala pa raw ang kababalaghang naranasan niya at binabangungot na rin siya.

Kaya humingi na sila ng tulong sa tiyuhin ng aktres na si Rochelle Pangilinan na isang healer at tinawas siya at nakitang isang elementong itim na mabuhok ang galit na galit sa kanya dahil nabulabog daw niya ito.

Hindi na nga raw niya kinaya dahil araw-araw siyang umiiyak tuwing gumigising siya sa loob ng 10 araw dahil pineperwisyo raw siya nito tuwing matutulog siya. Naulit pa raw ito at hindi lang siya ang nakaranas nito kundi pati rin ang katrabahong si Arra San Agustin.

Marami pa nga raw nangyari sa kanya pagkatapos nu’n at isinugod pa siya ng emergency.

Pero ngayon ay wala na ‘yun, pero naniniwala siya na may mga kakaibang elemento.

MARU BOK – SHOWBIZ NEWS CONTRIBUTOR

Leave a comment