“Muling nakapagtala ng degassing activity ang Taal Volcano” – PHIVOLCS

Muling nagkaroon ng degassing activity ang Taal Main Crater ngayong araw ng Sabado.

Ayon sa ulat ng Phivolcs, sa pamamagitan ng Agoncillo Observation Station (VTAG), nangyari ang pagbuga ng usok kaninang ala-1:30 ng madaling araw hanggang alas-7:55 g umaga.

Sinasabing senyales ito ng patuloy na abnormalidad ng bulkan, kaya may tyansa pa rin ng phreatic eruptions.

Maliban dito, may mahinang pagyanig din na na-monitor sa bulkan sa mga nakalipas na araw.

Nakitaan din ito ng pamamaga ng lupa at iba pang volcanic activity.

Dahil dito, pinapaalalahanan ang publiko na iwasan ang paglapit sa volcano island upang maiwasan ang panganib na dala ng mga biglaang pagsabog.

ANGHEL MIDRERO – NEWS CONTRIBUTOR

Leave a comment