“Hindi mabubura ang kasalanan ni VP Sara sa pagbibitiw”– REP. FRANCE CASTRO

Hindi umano mabubura ng ginawang pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte ang mga kasalanan nito sa bayan, ayon kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro.

“Hindi mabubura ng pagre-resign ni Vice President Duterte, yung mga kasalanan niya sa bayan, especially yung corruption, ito yung sa P125 million confidential funds,” sabi ni Castro.

“Hindi tayo titigil hangga’t hindi niya maibalik,” dagdag pa ng lady solon.

Sinabi ni Castro na mayroong mga petisyon sa Korte Suprema na kumukuwestyon sa legalidad ng P125 milyong confidential fund na ibinigay sa Office of the Vice President na naubos sa loob lamang ng 11 araw noong 2022.

Mayroon din umanong petisyon na hiniling na ibasura ang Executive Order 2 at the Commission on Audit Circular para sa paggamit at paglipat sa ibang ahensya ng confidential and intelligence funds.

“Kahit na mag-resign pa siya as Vice President…. pananagutin pa rin siya ng taumbayan doon sa confidential funds (and) Ano yung mga records ng human rights violations sa Davao,” dagdag pa ni Castro.

Nagbitiw si Duterte bilang kalihim ng Department of Education noong Huwebes.

ANGHEL MIDRERO – NEWS CORRESPONDENT

Leave a comment