“Palayain ang bayan hindi lang sa mananakop kundi pati sa kahirapan!”– CHIEF JUSTICE ALEXANDER GESMUNDO 

Ipinagdiinan ni Chief Justice Alexander Gesmundo na magpapatunay na ang kalayaan ay hindi lamang para sa iilan kundi para sa lahat kung palalayain ang bayan hindi lang sa mga mananakop kundi pati na rin sa kahirapan at gutom.

Inihayag ito ni Gesmundo sa kanyang pagdalo sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan City ngayong umaga.

Inalala rin nito ang naging kabiguan ng Katipunan sa kanilang unang malakihang labanan kontra sa mga Espanyol sa Pinaglabanan Shrine.

Aniya, ang mga kabiguan ang siyang nagpatibay sa ating mga bayani para kalaunan ay maipanalo ang laban.

Pinangunahan nina Chief Justice Gesmundo, San Juan City Mayor Francis Zamora at iba pang miyembro ng lokal na pamahalaan ng San Juan ang pagtataas ng watawat at pag-alay ng bulaklak sa bantayog ng Pinaglabanan.

BECCA DANTES – NEWS CONTRIBUTOR

Leave a comment