NAGBITIW NA BILANG DEPED SECRETARY AT VICE CHAIRPERSON NG NTF-ELCAC SI VP SARA DUTERTE 

Nagbitiw sa kanyang puwesto bilang Department of Education (DepEd) secretary si Vice President Sara Duterte-Carpio.

Inanunsiyo ng Presidential Communications Office (PCO) ang pag-alis sa DepEd ng Pangalawang Pangulo ilang minuto pa lamang ang nakalipas.

Ayon sa PCO, dumating sa Palasyo si VP Sara 2:21 ngayong hapon at ipinaabot ang kanyang pag-alis sa puwesto bilang miyembro ng gabinete bilang DepEd secretary at vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon sa PCO, tumangging magbigay ng dahilan si VP Sara kung bakit ito nagbitiw sa gabinete.

Nilinaw naman ng PCO na mananatiling Bise Presidente ng Pilipinas si VP Sara.

Hindi naman binanggit ng PCO kung tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagbibitiw ng kanyang Bise Presidente.

Nagpasalamat ang PCO sa serbisyong ibinigay ng Pangalawang Pangulo sa DepEd.

ANGHEL MIDRERO – NEWS CONTRIBUTOR

Leave a comment